Mga tanga.
Naglalakad sa nakakalulang entablado habang nakabalot sa mabibigat na posas at kadena, hawak-hawak ito ng napakaraming mga kawal na balot sa makikintab na baluti. Para akong sobrang laking pangit na halimaw sa isip ni Karom. Ito'y entabladong nakatayo sa mataas na kabundukan at natatabihan ng dalawang napakalaking estatwa na nakatayo magkabilang sulok sa harapan nito. Bawat estatwa ay may hawak na malaking tabak na iwinasiwas nito para patayin ang mga pinakamasasama at mapanganib na nilalang sa mundo mula pa noong mga unang panahon. Sa araw na iyon ay nakatutok kay Karom ang mga tabak na iyon.
Di matago ni Karom ang kanyang ngiti sa lahat ng mga nakikita niya; napakaraming kawal na kapit na kapit sa kaniyang kadena na parang isa siyang halimaw na sisira sa buong mundo, mga inosenteng hangal na mga manononood na nakaupo sa upuang pangkoliseo na sumisigaw ng "Patayin! Patayin!", mga maharlikang nagtipon mula sa iba't ibang lugar sa mundo para lang makitang mahiwalay ang ulo sa kanyang katawan.
Ganon ako ka sikat. Hehe.
"Hahahahahaha!" malakas na tawa ni Karom na nagpatahimik sa lahat ng mga maiingay na ignoranteng mga tao. Di niya na maawat ang sarili sa paghalakhak sa kahangalang nangyayari sa kanya. Bakit nga ba? Tuwang-tuwa ang mga tao sa paghihirap ng iba. Kinakatakutan ng mga tanga ang di nila kilala. Ang dali nilang manghusga nang di nila nakikita ang sarili nila. Laging naghahanap ang tao ng pagbabalingan ng makasariling kagustuhan na para silang hayop. Bakit nga ba pinapahirapan ng tao ang kapwa at sarili nila? Mga tanong sa isip ni Karom na alam niya naman ang sagot.
Yon ay dahil sa likas na katangahan.
Bakas ang takot sa mukha ng lahat ng tao kaya't pinutol ng isang lalaking may korona ang katahimikan.
"Mga kagalang-galang na Aristokrata at mga minamahal naming mamamayan. Ngayon ay sisimulan na natin ang seremonya para sa pagbitay sa isa sa mga banta sa kaayusan mundo! Si Karom na nagbanta sa buhay ng Prinsipe ng Balkares, ipinatapon mula sa tahanang bansa ngunit sa kanyang paglalakbay ay nagpapasimula ng sunog na sanhi ng kamatayan ng mga inosenteng mamamayan sa mga bayang kanyang nadaraanan, nagtipon ng samahan ng mga delingkwente at kriminal laban sa mga kaharian, siya rin ay nagkasala sa pagdukot sa Prinsesa ng Frantir at pumatay sa limang libong kawal na liligtas sa prinsesa, at sa pagkakalat ng lagim sa lahat ng mapuntahan."
Pinagsisisihan ko 'yon, patawad.
Hinampas ng mahabang hawakan ng armas ng kawal ang likuran ng tuhod ni Karom, dahilan para mapaluhod siya sa bingit entablado na ang hangganan ay isang malalim na bangin na kinababagsakan ng lahat ng mga bungo ng mga nakaraang binitay sa maalamat na bitayang ito.
Tuloy tuloy sa pagtatalumpati ang lalaking may korona, di matapos ang hiyawan ng mga manonood na nakapalibot sa entabladong bitayan. Umaalingawngaw ang nakakapanlumong ingay na gingawa ng lahat, ngunit di na ito naririnig ni Karom.
Patawad mga pre, patawad Saro, patawad Aria, di lang talaga siguro para sa atin ang mundong ito. Sa kahit anong gawin natin talagang di tayo tutugma dito. Gusto ko pa sanang makita ang mundo sa magandang aspeto nito pero lagi lang 'tong tumatalikod sakin. Wala ba akong karapatan para sa biyaya ng mundo? Bakit ang mga hangal ang maginhawa at ang malakas ay naghihirap. Mga hangal, mahihina na ngawa lang ng ngawa, angal ng angal wala nangang ginawa kundi umasa sa kung sinong may kakayahan. Bakit tayo ang nagdudusa? Haha, alam ko naman ang sagot pero... basta. Ang malakas ang magsasakripisyo para sa mahina dahil di kaya ng mahina makipagsapalaran. Kaso abuso e. Hays... Di na bale, mamamatay na rin naman ako e. Susunod na ako sa inyo mga pre, Saro, Aria. Kaso... mali hindi pala, mukhang sa impyerno ako mapupunta.
Sa impyerno, bakit parang 'pag may masamang nangyayari sakin laging pakiramdam ko nangyari na yon sakin? Ewan ko ba sa mundong 'to.
Peste.
Nakapabor sa tanga ang lahat. Umaalingasaw ang nakakasukang kasamaan ng lahat, at parang wala lang sa kanila. Pagpapataasan, paghihilahan, pagsisiraan, panggagamit, pang-aabuso, pagtatapakan. Dumudumi ang mundo, pumapangit ng dahil sa inyo. Kung wala lang sanang mga katulad niyo, di na nangyari yon sa kanila, di na sana sila naghirap...
Kung wala lang sana kayo.
Madilim ang langit na tinatakpan ng makapal na itim na ulap, may gumuguhit naliwanag na nagpapakawala ng napakalakas na kulob. Mukhang galit ang langit.
Di maawat ang sigawan ng mga taong sabik makakita ng dugo. Ang mga maharilika'y nagdirawang ang kalooban sa panonood sa paghihirap ng iba. Ang mga kawal na nakatindig ng may dangal sa pekeng hustisyang pinaniniwalaan nila. At si Karom ay nakangiti sa pighati at poot na nagpupumilit kumawala, hindi na niya ito mapipigil sa pagkakataong ito. Nawala na ang dahilan para sa katinuan niya, nawala na sila, dahil sa mga taong nasa harapan niya.
Dumating na ang oras. Natapos na sa mahabang talumpati ang lalaking may korona. Tumindig at pumorma ang mga kawal at tinutok kay Karom amg mga armas sa paghahanda. Ang mga tao'y sabik, ganun rin ang mga maharlika. Ang mga maalamat na estatwang pumatay sa pinakadelikadong tao at pinakamasasamang mga halimaw, ngayon ay itinututok ang kanilang armas kay Karom.
Lahat ng paghahanda'y tapos na. At tinaas na ng lalaking may korona ang kanyang kamay, at ngayo'y ibinaba na bilang senyas ng paghampas ng matutulis na armas ng kawal sa katawan at ng higanteng estatwa sa leeg.
Sa sandaling iyon ay bumalik sa kasalukuyan ang kamalayan ni Karom.
"Papatayin niyo ba talaga ako? Akos? Tal?"
P.S.: Mga pre sa WN! Pagbati mula sa tropa niyo! Si labandeRON! Salamat sa pagbasa. Sana nagustuhan niyo. Kung may feedback, feel free to tell me. Wag kayong mahiya sa'kin! At you're service palagi sa kahit saan wahahaha!