Chereads / Atros Grem / Chapter 3 - Kabanata III: Si Iterr at Si Prina

Chapter 3 - Kabanata III: Si Iterr at Si Prina

Nagpaalam. Nagyakapan. At sa huling pagkakataon, nagbalibagan sila Atros at mga Binagsak bago siya umangat.

"Alam ko talagang kakayanin mo e. Ipinagmamalaki kita! Huhu!" sambit ng misteryosong lalaking humihikbi pa.

Si Atros naman ay masayang-masaya habang umaakyat sila sa isang maliwanag na hagdanan na hindi alam ni Atros kung sa'n papunta, basta sinundan niya lang ang lalaki.

Para kay Atros ay naka-graduate na siya sa kursong paghihirap sa impyerno. Sa wakas! Wahahahahahahaha! Sa isip ni Atros habang iniisip kung anong una niyang gagawin pagkatungtong niya ulit sa mundo.

"Kamusta naman sa impyerno, ayos ba? Maganda ba ang karanasan mo do'n?", tanong ng lalaki.

"Oo masaya noong mga pitong daang taon na. Haha. Mas maayos sana kung magkakasundo nalang e, mga tao at mga Binagsak. Kaso mawawalan ng kwenta impyerno kung hindi maghihirap ang mga kaluluwa do'n", sabi ni Atros.

Maganda ang paligid ng hagdanang inaakyatan nila Atros, para itong hagdang papuntang langit. Kagaya ito ng hagdan na sinasabi ng mga taong namatay daw, umakyat sa langit pero bumalik rin sa pagkabuhay dahil meron pa daw silang misyon na gagawin. Oo nga 'no! Sa isip ni Atros, ito nga yon.

"May itatanong lang ako. 'Di 'to masyadong importante pero. Itong hagdan na ito. Meron bang mga taong dapat patay na, pinaakyat mo sa hagdang 'to ta's binuhay mo ulit para utusan?", tanong ni Atros.

"A, oo. Hahaha. Sa mundong 'to kasi, hindi nagtatagal ang mga perpektong tao. Laging nagtatagal ang masasamang damo. Minsan ang mga mabubuting taong kinukuha na ng langit ay pinapabalik ko sa lupa dahil kailangan sila ng mundo."

"A, kaya pala."

"At alam mo kung bakit maagang kinukuha ng langit ang mabubuting tao?"

"Bakit?"

"Dahil nga 'yon sa problemang wala nang balanse sa langit at impyerno. Masyadong maraming kaluluwa sa impyerno. At halos wala napupunta sa langit. Ang solusyon ng mga Tagapagpanatili sa suliranin na kaunti ang kaluluwa sa langit ay habang wala pang nagagawang kasalanan ang mabubuting tao, kinukuha na nila agad ito kahit gaano kaaga. 'Yon ang dahilan kaya kung sino pa'ng mabuti sila ang nauunang mawala. Mahaba ang buhay ng masasamang tao dahil binibigyan pa sila ng pagkakataon para magbago. Pero 'di yon ang nangyari, di lahat nagbabago, ang iba lalo lang sumasama. Pero minsan, may mga masasamang taong nagbabago, at sa pagbabago nilang yon kinukuha na agad sila. Yun yung mga sinasabing "kung kelan nagbago dun pa namatay". Para di na magkasala at mapunta pa sa impyerno kinukuha na agad sila. Pero bihira yon e. Kaya wala pa ring kwenta, mas marami pa ring nasa impyerno. Pero dahil sa ginawa ko na ipasa sayo lahat ng kasalanan ng tao, balik na sa ayos ang lahat. At sigurado akong sa presensya mo sa mundo 'di na mauulit ang suliranin na 'yan. Hahaha. Ikaw ang solusyon sa problema ng mundo. Kaya pinagmamalaki kita. Wahahahahaha!" tuwang tuwa ang lalaki na para bang anak niya si Atros na magtataguyod sa kanya.

"A, yun pala yon. Tagal na tanong ko na rin sa mundo yon e. Ba't kung sino pang mabuti siya pa'ng nawawala. 'Yon pala'ng dahilan. Tagapagpanatili. Parang wala naman silang silbi. Iniisip nila ang langit, ang mundo hindi. Mas kailangan ng mundo ang mabuting tao, yung mga masama dapat tinatanggal agad, kahit gano pa sila karami sa impyerno, bagay lang sa kanila yon."

"Ngayong tapos na ang paghahanda mo, pwede mo nang parusahan ang kasalanan ng iba. Dahil kabisado mo na ang impyerno, ang mga taong masasama na ayaw magbago ay hanapin mo at ipasilip mo sa kanila ang impyerno. Wala nang kahit sinong maglalakas loob na maging masama."

"Pwede ko ba talagang gawin yon? Anong karapatan ko para gawin yon? E tao lang naman ako, hindi ako Diyos na gumawa sa mga tao kaya anong karapatan kong saktan sila?"

"Wag kang mag-alala. Ang Tagapagbantay at Tagapagpanatiling responsable sa karma at tadhana ng tao ay inaprubahan ang suhestyon ko tungkol sayo. At hindi ka na basta-bastang tao ngayon. Isa ka nang Eternal. Narinig mo na ba yung mga yon?"

"Eternal. Oo sila yung mga imortal na sobrang lalakas at may kung anu-anong pinagkakaabalahan sa mundo di'ba?"

"Oo yun nga."

Sa mahabang pag-akyat sa mahabang hagdanan. Ang daming pinagtataka ni Atros, 'di niya alam kung ga'no katagal na silang umaakyat pero siguradong ilang araw na iyon, pero kahit gano'n bakit wala siyang nararamdamang pagod? Tanong niya. At isang pang pinagtataka niya. Noong papunta silang impyerno, hinawakan lang ni Atros ang kamay ng lalaki nasa impyerno na siya bigla, ba't hindi nalang gano'n ang gawin? At sa'n ba sila papunta?

"Papunta tayo sa opisina ko", sabi ng misteryosong lalaki. "Kung nagtataka kung bakit naglalakad tayo sa halip na magteleport tayo. Hindi kasi pwede dito yon. Itong hagdan na'to lang ang daan papunta do'n, walang iba, hindi pwede magteleport, hindi pwede magportal, at kaya hindi ka nakakaramdam ng pagod dahil kasama mo ko at imbitado ka."

"Matanong ko lang, ilan na ba kaming mga Eternal na napulot mo sa mundo?"

"A, marami-rami na kayo. Mga, pang kwarenta'y syete ka."

"Ang dami nga. A, may isang Eternal nga pala akong gusto kong makita. Matagal ko na siyang hinahangaan mula pa noong ilang libong taon na bago yung kasunduan natin."

"O? Sino naman yon?"

"Yung Eternal ng Kagandahan. Si Prina."

"A, si Prina pala a", sabi ng lalaki habang may nanunuksong tingin.

"Oo si Prina. Nagkita na kami noon. Siya ang dahilan kung bakit pinipigil ko pa yung sarili ko magwala sa mundo noon. Kahit papano nakita ko ang ganda ng mundo nung makita ko lang ang mga mata niya", sabi ni Atros. Nag kita na sila Atros at Prina, ilang libong taon nang nakakaraan bago ang kasunduan. Ito ay noong pagkatapos ng sampung libong taon niya sa impyerno noon. Nabuhay siyang muli sa pangalang Iterr, iyon ang pinakamadilim at masalimuot sa lahat ng buhay ni Atros.

May isang penomena na kung minsan ang kaluluwang galing sa impyerno ay nagkaroon ng peklat mula sa paghihirap dito. Mga kaluluwang isinilang muli, ngunit ang mga alaala nila ng paghihirap mula sa impyerno at huli nilang buhay ay nanatili. Ito ang nangyari kay Atros sa dati niyang buhay bilang si Iterr. Pagkatapos ng sampung libong taon sa impyerno, nabuhay siyang muli at hinanap muli ang mga taong nagpahirap sa kanya noon sa ibang mga buhay niya. Wala siyang ibang maramdaman kundi galit. Puro galit. Ang daming nasira. Ang daming namatay. Habang siya'y naghahasik ng lagim ay isinisigaw niya lahat ng paghihirap niya sa impyerno at sa lahat ng mga buhay niya. At doon nagsimula ang Alamat ni Iterr na Sinuka ng Impyerno, Si Iterr na Pinakamasama sa Lahat.

Ngunit sa panahon ring 'yon ay natagpuan niya ang isang nilalang na gumising sa kaniya at nagbalik sa kaniya sa katinuan, si Prina, ang Eternal ng Kagandahan. Sa isang sulyap niya sa mga mata ni Prina ay sa isang beses sa buhay niya ay nakakita siya ng isang magandang bagay sa mundo. Yun ang unang pagkakataon na nakakita siya ng kahit isang kagandahan sa mundo. Ang mundong kinamumuhian niya. Ang pangit na mundo. Ang maduming mundo. Masama. Masalimuot. Ang mundong kinamumuhian niya ay may magandang aspeto pala. Nagbago ang lahat ng paningin niya sa mundo. Ang ganda ng mundo. Ang ganda ng buhay. Sa kadiliman ng karimlan ay laging may bitwing sisilip mula sa maiitim na ulap upang tanglawan ka sa mapanglaw na mundong ito.

Sa sandaling iyon ang peklat na nakuha niya sa impyerno at sa nakaraang paghihirap sa buhay ay nawala na. Ang sulyap na iyon ni Prina ay nanatili kay Atros sa mga sumunod niya pang buhay. Dahilan kung bakit kahit gaano siya pahirapan ng mundo'y pipigilin niyang sumabog sa galit. Pipilitin niya isalba ang mundo mula sa sarili niyang poot dito. Kahit anong talikod sa kanya ng mundo noon, balang araw ngingiti rin sa kaniya ang mundo. Hindi ang mundo ang pangit. Ang tao ang nagpapapangit dito. Ayaw niya nang maulit ang bangungot na buhay niya bilang si Iterr. Ang takot na maging si Iterr ay nanatili kay Atros sa mga sumunod niyang buhay tulad ng paghanga niya sa mga mata ni Prina.

"Prina pala aaaaaaaaa", nakangiting pangtutukso ng lalaki kay Atros.

"O anong meron?" sa bagay na pag-ibig o kung ano pa man. Walang alam don si Atros. Di niya alam ang pag-ibig maliban sa pag-ibig sa magulang at kaibigan. Yun lang ang pag-ibig na alam niya. At bihira niya lang naman masilayan ang pag-ibig dahil puro paghihirap lang ang naramdaman ni Atros sa lahat. Kaya kahit anong panunukso ng lalaki kay Atros. Inosente si Atros sa mga kabutihan at kagandahan ng mundo, at ang mga bagay na yon ay ang gustong maranasan ni Atros ngayon mabubuhay naulit siya.

"Tch! Bata ka pa talaga", sabi ng lalaki.

"Anong bata? Kaka-isang milyong taon ko lang sa impyerno bata pa rin?"

"Oo isang milyong taon ka nga don dahil pinabilis namin ang oras sa impyerno."

"Hah?"

"Pinabilis ko ang oras sa impyerno. Ikaw lang naman tao don e kaya ayos lang yon. Sa impyerno isang milyon na ang lumipas pero sa mundo ilang libong taon palang."

"Libong taon pala e. Edi matanda na rin yon"

"Oo matanda ka na pero isip bata ka pa rin."

Malayu-layo pa'ng nilakad nila pero nakarating na rin sila. Nagulat si Atros sa mga nangyari. Noong nasa hagdan palang sila walang nakikitang kahit ano si Atros, ang maliwanag na hagdan lang, ang maliwanag na paligid na may mga ulap na katulad ng langit, at ang nasa dulo ng hagdan ay wala. Basta pagkaapak nila sa huling palapag ng hagdan ay biglang napunta sila sa isang terrace na may magandang tanawin. Kita ang mga bundok, dagat, ilog, talon, mga lumilipad na mga hayop na dun lang nakita ni Atros. Ang ganda grabe! May bahaghari. Ang lalaking puno. Mga malalaking isdang lumulundag mula sa ilalim ng dagat.

"Ang ganda grabe!" sambit ni Atros na lumuluha pa at humihikbi. Masaya ba siya o malungkot? Hindi niya rin alam. Hindi niya alam, ano ba ang kasayahan? Siguro yun na yon. Sa bawat paggala ng mga mata ni Atros sa horison na tanawin, tuloy-tuloy ang paghikbi at ang pag luha. Pangalawang beses na ang ganitong pakiramdam, ang una'y sa mga mata ni Prina. Ngayon pwede niya nang tingnan ang magandang mundo nang walang kahit anong nararamdamang pighati. Hindi na siya makasalanan. Malaya na siya. Pero gusto niyang linawin ang kalayaan niya sa misteryosong lalaki.

"Makakapaghitay ang tanawin na yan. Hindi yan mawawala. Maupo muna tayo", sabi ng lalaki. Sa likod nila'y may mesa at dalawang upuan. May nakahandang tsaa, biskwit at tinapay. Umupo sila't nag-usap.

"Malaya kana Atros, walang duda yon. Mahahalata mo naman sakin di'ba? Iba ako sa Tagapagpanatili, Tagapagbantay, mga Aspeto ng Mundo, mga Selestyal. Iba ako sa kanila. Naligtas kana mula sa kapabayaan nila. Hindi kana basta-basta tao, Eternal ka na may obligasyon sa mundo. Kagaya sa kasunduan, hindi ka na maghihirap tulad ng dati. May kapangyarihang idadagdag sayo, may buhay na walang hanggan ka. Lumibot ka sa mundo. Tuklasin mo ang mundo. Puntahan mo ang mga taong importante sayo. At gampanan mo ang misyon mo. Kalimutan mo na si Iterr. Ikaw si Atros Grem. Natapos mo ang paghihirap sa impyerno. Hindi mo yon maikukumpara sa paghihirap mo noong si Iterr ka pa lamang. Sampung libong taon lang ang kay Iterr. Natapos mo ang milyon. Wala ka nang kasalanan. Lahat napagbayaran mo na! At hindi lang kasalanan mo ang nawala, kasalanan ng mundo! Magbunyi ka! Hindi tumatalikod sayo ang mundo. Hangal lang talaga ang mga taong niligtas mo."

Ano nga bang kinakatakot ni Atros? Yon ay baka mawala na naman ang kontrol niya. Ngunit hindi na yon mangyayari kahit kailan. Dahil natapos niya na ang isang milyong taong paghihirap. Wala nang ibang mas mahirap pa roon. Kaya kahit anong kasamaan pa ang gawin sa kaniya ng kahit sino sa mundo. Wala nang kwenta sa kaniya yon. Parang kagat nalang ng lamok ang kahit anong kasamaan ng tao para sa kaniya.

"Oo alam ko na yon. Salamat, Papa", sabi ni Atros na nagpasamid sa lalaki.

"Uhu! Uhu! A-anong Papa? Siraulo ka ba?!" sabi ng lalaki na uubo-ubo pa habang nainom ng tsaa.

"Wahahahahahaha! Wag ka nang magreklamo! Wahahahahaha"