Chereads / Atros Grem / Chapter 2 - Kabanata II: Mga Tawanan sa Hagupit ng Pakamuhi

Chapter 2 - Kabanata II: Mga Tawanan sa Hagupit ng Pakamuhi

Mainit. Mahapdi. Mabigat. Ilang taon nang nagsasayaw sa apoy ng impyerno si Atros(Karom sa huling buhay niya). Natapos ang kasunduan sa kamayan at walang anu-ano'y namalayan niya nalang ang sarili niyang nakabalot nanaman sa posa at kadenang nagbabaga, sobrang bigat, at may mga tinik na napakahapdi.

"Atrooooosssss!!! Hahahahaha!" sigaw ng mga Binagsak na nanglalatigo sa kanya. Sa pagkamalay niyang nasa impyerno siya ay nagulat siya sa nakita. Kilala siya ng lahat ng mga Binagsak at kilala niya rin silang lahat. Nagbalik ang lahat ng ala-ala niya sa lahat ng mga buhay niya. Oo nga puro paghihirap lang.

Tama nga ang sabi ng misteryosong lalaki. Siya nga lang ang nag-iisang kaluluwa do'n. At sa kanya lang rin ang lahat ng paghihirap. Mga Binagsak, tuwang-tuwa sa pagdating niya. Para silang mga dating magbabarkadang nagreunion.

"Wahahahahahahaa!" punong-puno ng tawanan ng Binagsak ang impyerno. Sayang-saya sila sa pagpapahirap sa kaluluwa. Laking pasalamat nila ito sa Selestyal ng Buwan dahil kahit pinabagsak sila sa impyerno, nagkaro'n naman sila ng pagkakataong saktan at pahirapan ang mga kaluluwa ng mga taong kinamumuhian nila.

Ilang araw. Ilang buwan. Ilang taon. Hindi na mahalaga kay Atros kung gs'no na siya katagal do'n. Paghihirap sa buhay at sa impyerno, 'di na bago sa kanya. Nang bumalik sa kanya lahat ng ala-ala niya sa lahat ng buhay niya, puro hirap lang. Pabalik-balik siya sa impyerno, pagkabuhay niya paghihirap pa rin. Anong silbi ng pagkamatay at pagkabuhay e wala namang pagbabago, wala namang pagkakaiba. Napatawa si Atros sa naisip na iyon at natawa rin ang mga Binagsak dahil rinig nila 'yon.

"Hahahahahahahahaha", tawa ni Atros.

"Hahahahahahahahahaha!" tawa rin ang mga binagsak.

Sa bawat hagupit ng latigo, itak, tabak, lanseta, scythe, maso, at lahat ng ibang patalim, galak na galak ang mga Binagsak, si Atros naman ay mapapasigaw sa sakit pero matatawa rin pagtapos. Sa tagal ng panahon na sa lahat ng panahon, simula pa noong simula ng lahat sa mundo, si Atros ay na sa impyerno na, ganun rin ang mga Binagsak. Ilang milyong taon na ang mundo, ilang milyong taon na rin paulit-ulit ang siklo ng paghihirap ni Atros sa buhay at impyerno. Ni-isang beses o sa panaginip manlang, hindi naranasan ni Atros ang langit.

"Hahahahahahahaha! Wag na lang!" tawa at sigaw ni Atros sa naiisip niya.

"Wahahahahahahahaha!" tawa rin ang mga Binagsak. Naging paborito na ng mga Binagsak si Atros. Siya ang nag-iisang tao na nagustuhan ng mga binagsak. Ang mga Binagsak ay galit na galit sa mga tao dahil sa isang pangyayari noong unang panahon. Galit sila sa lahat ng mga tao magmula pa noong na sa lupa pa sila. Inangkin ng mga tao ang sa kanila, umaarte ang mga taong kala mo'y biktima sa likod ng masasama nilang balak at kagustuhan. Mga tao! Dapat lang silang mamatay! Sunugin! Hagupitin na latigo, itak, lanseta, scythe, maso, at lahat ng patalim! Dapat silang maghirap! Dapat silang magdusa! Yan ang paulit-ulit na naiisip ng mga Binagsak.

"Hahahahahahahahahahaha", natawa si Atros sa naiisip ng mga Binagsak. Simula ng madala siya ng misteryosong lalaki sa impyerno ay nagkaro'n na siya ng karagdagang kakayahan. Isa roon ang pakikinig sa naiisip ng iba.

"Hahahahahahahahahahaha", tawa rin ng mga Binagsak habang nilalakasan pa ang hagupit kay Atros. Tawanan sila ng tawanan sa loob ng ilang taon. Kay Atros lang sila naging masaya ng gano'n. Naghirap sa mga tao si Atros, ganun din ang mga Binagsak. Parehas sila ng pinaghuhugutan. Ang mga taong kala mo'y biktima ngunit silang ugat ng kasamaan sa mundo.

"Hahahahahahahaah!" tawanan ulit sila, mga Binagsak at si Atros.

Hirap na hirap si Atros. Ilang milyong taon ba ang sinabi nung lalaki? Bahala na. Hahahahaha.

Mainit ang mga apoy na napakataas. Ang sahig na tinatapakan ay puno ng tinik at baging na kakapit sa paa ng kung sinong tatakbo mula sa hagupit ng Binagsak. Puno ito ng maiinit ng putik. Ang hangin ay lason na habang sinusunog ng apoy ang labas ay sisirain ng lason na hangin ang loob. Ito'y paghihirap na kahit gaano ka katagal ay hindi ka masasanay. Ang mahinang kaluluwa ay hindi kakayanin ang ilang libong taon, masisira ang kaluluwa at magiging isang galang espirito, walang malay, walang ngalan, at walang direksyong patunguhan. Sa natural na kaluluwang makasalanan ay ilang daang taon at malilinis siya't pwede nang mabuhay muli. Merong mga makasalanang hindi na bubuhayin dahil sa sobrang kasamaan ng kaluluwa, ito ay maghihirap ng ilang libong taon at magiging galang espirito na lamang, gagala ito sa mundo at minsa'y kumakapit sa puno o mga hayop. At si Atros naman ay nag-iisang isasalang sa impyerno sa loob ng milyong taon, kakayanin ba ng espirito niya? Hindi rin alam ng misteryosong lalaki. Isa itong sugal para sa kanya. Ang tungkol sa pagiging galang espirito ay 'di niya nabanggit kay Atros. Ngunit malaki ang tiwala niya kay Atros. Matagal niya nang pinapanood si Atros. Si Atros na biktima ng pagpapabaya ng Tagapagbantay at Tagapagpanatili. Habang pinapanood niya ang paulit-ulit na paghihirap ni Atros ay 'di niya na kinaya kaya't siya na mismo ang kumilos para sa trabahong hindi naman dapat sa kanya.

Ang ilang milyong paghihirap na iyon ay para sa pagligtas sa napakaraming mga taong makasalanan. Masyado nang maraming kalukuwa sa impyerno, nawala na ang balanse at may kailangang gawin. At ang solusyon na nakita ng lalaki ay si Atros. Sa ganon ay 'di na kailangang maghirap ng nakararami, lahat ay sinalo na ni Atros. Ngunit hindi lang para roon ang paghihirap ni Atros. Isa rin itong pagsubok. Na kung mapapanatili niyang buo ang kaluluwa niya pagtapos ng milyong taon, siya ay makakabilang sa mga Eternal sa mundo na naggagala para gampanan ang misyon na binagay sa kanila ng iisang persona, ang misteryosong lalaki.

Magiging isang Eternal si Atros, Eternal ng Impyerno. Sa pagtapos ng milyong taon ay babalik siya sa lupa at dadalin ang impyerno roon, magbabayad ang mga makasalanan sa paghihirap ni Atros dahil sa kasalanan nila. Sa ganoong paraan ay matatapos ang problema.

"Hahahahahahahahahaha"

Isang libong taon ang lumipas. Sa gantong haba ng panahon nasisira ang kaluluwa ng mahihina. Kamusta si Atros?

"Wahahahahahahahahaha", tawa pa rin ng tawa sa mga Binagsak. Natatawa siya sa bawat hagupit ay nakikita niya ang poot ng mga Binagsak sa mga tao. Sa libong taon na magkasama sila ng mga binagsak halos kabisado niya na ang kwento ng Binagsak at ng mga tao.

"Wahahahahahahahaha", tawa rin ang mga Binagsak kay Atros dahil ramdam nila pighati ni Atros sa mga tao.

Ang mga Binagsak at si Atros 'di man nila napapansin ay naiintindihan nila ang isa't isa. Pero hindi iyon dahilan para maawa sila kay Atros. Nagugustuhan nila si Atros, dahilan para lalo silang manggigil sa kanya.

"Atrooooosssss! Atrooooosssss! Wahahahahahahaha!" sigaw ng mga Binagsak habang palakas ng palakas ang hagupit kay Atros.

Ramdam na ramdam ni Atros ang sakit. Patagal ng patagal, pasakit ng pasakit, habang tumatagal lalong umiinit ang apoy, lalong bimibigat ang posas at kadena, lalong tumutulis ang tinik sa lupa, at lalong lumalala ang lason sa hangin. Masakit? Tanong niya sa sarili niya.

"Wahahahahahahaha!", tawa niya sa naisip niya.

"Whahahahahahaha!" tawa rin ang mga Binagsak. "Masakit ba?! Masakit ba!!"

Sampung libong taon ang lumipas.

Sa sinaunang panahon, may alamat ng lalaking sinasabing ang pinakamasamang tao sa buong mundo. Sa buhay ng lalaking ito ay ang dami niyang pinatay na tao sa mundo, hindi alam ng mga tao na pinipili nito ang pinapatay niya ngunit hinusgahan na pumapatay nang walang dahilan. Nang mapatay niya na lahat ang nasa listahan niya ng papatayin, siya ay nagpakamatay at pumuntang impyerno. Sa pagpunta niya sa impyerno, lahat ng taong pinatay niya ay na roon. Habang nilalatigo siya ng mga Binagsak ay hinanap niya ang mga taong pinatay niya. Nang mahanap ang mga 'yon ay hinila niya ang matitinik na baging sa nagbabagang sahig ng impyerno, sa loob ng maraming taon habang nasa impyerno siya't pinagbabayaran niya ang kasalanan niya, tuloy naman siya sa paggawa ng kasalanan sa impyerno sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga kaluluwa ng pinatay niya, hinahampas niya sila ng matinik na baging nang walang tigil. Ang malagim na gawain na iyon na ginawa ng maalamat na lalaki ay tumagal ng sampung libong taon. Nasaan ang lalaking iyon? Sino ang lalaking iyon?

"Wahahahahahahahahahaha! Ang Alamat ng Pinakamasamang Tao sa mundo! Alamat mo! Hahahahahaha", tawa ng mga Binagsak pagkatapos ng mahabang pagkwento sa nakaraan ni Atros.

"Hahahahahahaha! Hahahahahahahahahahahaha!" malakas at mahabang tawa ni Atros. Lumipas ang sampung libong taon ito na ang pinakamahabang panahon na nagtagal siya sa impyerno. Sa mga susunod pang taon, ano nang mangyayari sakin?

"Wahahahahahahahahahahahaha! Wahahahaahhahahahahahahhaha!" tawa ni Atros habang lumuluha ng dugo sa mata. Itim na ang kanyang tuyong katawan at marami nang butas. "Wahahahahahahahahahaha!"

"Wahahahahahahahahaha! Wahahahahahahaahha!" tawa ng tawa ang mga binagsak habang mas pinahihirapan pa si Atros.

Isang daang libong taon.

Ang sakit. Ang bigat. Ang hapdi.

"Hahahahahaha", mahinang tawa ni Atros. Hirap na siyang tumawa. Hirap na siyang mag isip. Isang isang daang libong taon? Kulang pa ng siyam na raan. "Hahaha".

"Atrooooooooossssssssss! Hahahahahahahahahahaha!" sigaw ng mga Binagsak habang hinahagupit ang buto't balat na si Atros.

Kaya ko pa ba? Hihingi ako ng tulong, may sasaklolo ba. Ang sakit na. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo. Pero para sa'n pa. Ito ang pinili ko. Kung maglalaho siguro ako baka matapos 'to. Pero, anong mangyayari sa mundo... kung mabigo ako? At sa tagal ng paghihirap ko papayag ba akong matapos 'to ng wala akong mapapala.

"Hahahahahahahahahahaha! Hindi pwede yon!!" malakas na sigaw ng naghihingalong si Atros.

Limang daang taon.

Gumagapang na sa sobrang sakit at hirap si Atros habang tuwang tuwa ang mga Binagsak na hagupitin siya.

Hindi na marinig ni Atros ang na sa paligid. Hindi na rin siya makapagsalita. Wala na rin siyang maramdaman na hagupit, basta nasasaktan siya at nahihirapan, yun lang ang alam niya at yun rin ang nararamdaman. Wala nang tawanan at ano pa kay Atros. Gumagapang nalang siya sa kung saan na 'di na niya nakikita.

Saan ako? Ba't ang init, ang bigat, ang hapdi, ang sakit, at ang hirap dito? Oo nga pala impyerno 'to. Hahahahaha. Hindi na ako makatawa peste. Sa isip na lang. Limang daang taon? Kalahati pa lang a. Tsk masyado kong minaliit ang kondisyon ng lalaking yon. Hayup na yon. Nasan na kaya yon. Siguro ang sarap ng buhay no'n habang gumagawa rin ng kasunduan sa iba para maghirap sila. Hahaha. Hayss. Pagkatapos nito talagang susulitin ko lahat sa pagkabuhay ko. Tae,  nasabik ako bigla sa mundo a. Samantalang pinahirapan lang naman ako no'n. Hahaha. Aray peste ang sakit aaahh. Ganto rin yon nung namatay mga magulang ko. Oo ganto rin yata. Ilang buhay ko ba yon na namatay magulang ko sa harapan ko. Ang dami grabi. Ang sakit. Ang sakit. Wala na ba akong magagawa sa sakit na 'to? Pesteng mga Binagsak tuwang-tuwa e. Palibhasa kasi pinatapon e hahahaha buti nga sa inyo hahahaha. Pareho lang naman kayong mali ng mga taong yon. Inaangkin nila ang mundo, at kayo rin, inaangkin niyo ang mundo, samantalang para sa lahat yon. Syempre pabor sa mahina ang mundo. Kayo ngayon ang pinatapon at sila ang nanalo. Peste ngang mga tao e 'no. Kung sinong mahina siya pa'ng lamang. Baliktad. Ta's tayong malakas ang maghihirap para sa kanila. Punyeta. Hays. Pero kahit anong sabihin ko, nanaig pa rin ang pagkabayani ko e hahaha. Sinalo ko pa rin ang kasalanan nila at naghirap para sa kanila. Pero kahit gano'n lahat ng kasalanan ay may kabayaran kaya maghintay lang sila. Aray. Pesteng mga Binagsak.

Pitong daang taon.

"Masakit ba? Masakit ba?! Masakit ba!! Hahahahaha!" sigaw ni Atros habang ngiting ngiting nakikipaghampasan ng latigo sa mga Binagsak.

"Hahahahahahahahahaha!" tawanan sila habang masayang naghahampasan.

Sa daang libong taon ni Atros ay nakabisado niya ang impyerno. Ang nagkalat na enerhiya at mahika na gumagawa ng apoy sa impyerno. Mga takot at iba pang emosyon na nagkalat at maaaring gamitin bilang lakas. At ang dahilan kung bakit hindi nauubusan ng lakas ang mga Binagsak. Ang mga iyon ay hindi talagang nakukuhu ng tao, ngunit iba si Atros dahil nakuha niya kapangyarihan ng impyerno.

Pano niya natuklasan iyon? Sa impyerno'y mararanasan mo lahat ng hirap. Gutom, uhaw, hilo, at kung anu-ano pa. Habang gapang na siya sa hirap wala naman siyang ibang magawa, sinubukan niyang singhutin ang apoy, kainin ang nagbabagang putik, kagatin ang mga Binagsak, at kung anu-ano pa. Inobserbahan niya ang paligid. At nadiskubre niya ang lahat. Walang ibang makakapag-isip ng matino at mapapansin ang mga iyon habang naghihirap sa impyerno maliban kay Atros na pabalik-balik na roon.

"Hahahahahahahaha", tawa ni Atros habang binabalibag ang mga Binagsak(wrestling/smackdowm/RKO).

"Hahahahahahahaha" tawa pa nang isang Binagsak habang tumatakbong lumundag pa sabay sapak sa panga ni Atros.

"Hahahahahahahaha", tawa ni Atros habang gumaganti.

Siyam na raang taon na ang lumipas. Maganda-ganda ang progreso sa relasyon ng mga Binagsak at ni Atros.

"Alam mo pre noon. Nung nasa lupa pa kami ang saya-saya namin. Gumagawa kami ng kaniya-kaniyang mga kaharian tapos maggegerehan kami. Hahahahaha!" kwento ng isang Binagsak.

"Oo ang saya no'ng mga panahon na yon. Padamihan kami ng mga taong sumasamba sa amin. Ang sarap no'n sa pakiramdam. Hahahaha", kwento pa ng isa.

"Hahahahahaha mga tarantado! Kaya kayo pinabagsak e. Hahahaha!" tawanan sila.

Natapos na ang Milyong taong paghihirap sa impyerno.

"Hays ang bilis ng milyong taon, parang kelan lang nagapang kapa dyan. Hahahahahahahahaha!" sabi ng isang Binagsak.

Tawanan naman lahat yung iba bumagsak pa hawak sikmura, tawa ng tawa.

"Wahahahahahahaha. Ahuhuhuhu" tawa sila.

"Mga siraulo haha" tawa rin si Atros. "Wag kayo mag-alala siguradong babalik ako at magdadala ako ng maraming mga pwede niyong pagkatuwaan. Wahahahaha!"

"Hahahahaha! Yan ang gusto namin sayo!" sabi ng mga Binagsak.

Ilang sa'n dali pa ay may isang liwanag na sumulpot mula sa itaas. Tingala ang lahat.

"Ayan na s'ya", sabi ni Atros.

P.S.: Boom! Ito nanaman ako! Nasa bahay walang magawa! Thanks for reading! At magbasa kayo ng magbasa. Wag kayong magsawa hahaha.