Chereads / Divorce Me Kuya! / Chapter 8 - Chapter 7: Visiting the Grave

Chapter 8 - Chapter 7: Visiting the Grave

The life of dead is placed in the memory of the living.

******

"Wow! Ang ganda ganda naman niya! Parang di ako makapaniwalang may lahi siyang pinoy"

"Tangek eto nga o nakasulat na half siya pero mas prominent lang yung pagiging British niya. Kitang kita naman sa mga mata, blue na blue"

"Oo nga eh, mukha siyang isang manika. Di ko nga alam na may nobilities pa ngayong panahon and what's more surprising is that she is a Countess of one of the oldest and most richest family in Europe! "

"Yeah! to think that she's only nineteen right? Para siyang modern princess"

Kanina ay naglalakad lamang ako papunta sa office ko nang marinig ko paguusap ng mga female employees kasama ni Briana. Their topic got my attention. Are they perhaps talking about...

"Briana let's go" I interrupted as I step out from my hiding place.

"Ah, yes Sir Clyde! " agad na sinunod naman akong sinunod ng sekretarya ko.

Napatingin ako kay Briana na inaayos ang table niya pagkapasok naming sa loob ng office. Umupo ako sa swivel chair ko at parang nagdadalawang isip pa ako.

"B-Briana"

Napalingon siya sa akin "Yes Boss? "

"Can I see that magazine of yours?"

Confusion registered on her face but she answered right away "Sure Boss"

A smile broke from my face. Lumapit siya sa akin at inabot ang magazine.

"Ngayon ko lang kayo nakitang mapangiti ng ganito Boss. Next time ipapahiram ko po ulit ang ibang magazines ko sa inyo" nakangiting puna niya.

Napatingin ako sa mukha ng babaeng nakalagay sa cover photo ng magazine "No, this is enough "

She's enough...

"Sabagay Boss ang ganda nga naman nung cover girl, hair palang pak na pak na! Like ko din yung outfits niya pero lahat kasi e branded kaya ang mahal. Kayo Boss, anong bet niyo diyan? I think bagay niyo rin yung shade ng lipstick niya! Mas maeenhance kasi ang shape ng labi mo" dirediretsong daldal niya at sa huling sinabi niya ay napakunoot noo sa kanya.

Agad siyang namutla at ngumiwi "K-Kunin ko lang po ang surveys sa marketing department Boss! " paalam niya at kumaripas ng takbo palabas ng office ko.

Napailing lamang ako at binalik ang atensyon ko sa hawak hawak na magazine.

Sadness enveloped my heart as I look at those beautiful and yet dead blue eyes...

""""

"Hello po Papa, andito ulit ako" bati ko at nilapag ang dala dala kong basket ng bulaklak.

Nasa isang private memorial park ako, tahimik at walang katao tao sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin dahil sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Madalas akong nagpupunta rito tuwing may panahon ako.

Nakangiting hinimas ko ang pangalang nakaukit sa lapida.

Raven Earl Sinclaire

Umupo ako sa damuhan katabi ng lapida.

"Pasensya na po, I still kept on calling you Papa kahit na halos siyam na taon na kaming hindi nagkikita ng anak niyo." Saad ko at ngumiti.

"Pagkatapos ng halos siyam na taon ay nagkalaka loobs na po akong tingnan ang mukha niya"

"Nakita ko ang latest magazine spread niya kanina, she looks so beautiful and stunning while being surrounded by jewels and roses, para talaga siyang isang tunay na reyna. Medyo naninibago nga po ako, seeing how extravagant and lavish everything about her. Sabi doon ay nasa kanya ang atesyon ng buong Britanya, hinihintay kung sino ang mapupusuan ng mailap maharlika para maging susunod na Konde sa kanyang sariling palasyo. Hindi raw maitatangi na lahat ng mga lalaki mapa dugong bughaw man o businessman ay nagtatangkang makuha ang anak niyo" kwento ko.

"I am mad with those men who only see your daughter as a trophy which they can boast to the public. I hate those men who can't see the real value of your daughter" seryosong amin ko.

Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan.

I remembered the exact day kung saan ay tinaboy ko siya, yung araw na sinaktan ko siya. I knew that time that I will definitely regret it but I still ended up doing it all.

"Papa, alam ko pong malaki ang kasalanan ko sa inyo ni Mama Pauline at hindi na po nakakapagtaka kung galit kayo sa akin"

Umihip ang hangin at napapikit ako.

I imagined Papa Raven sitting beside me and listening with a gentle smile on his face.

"Pero alam niyo, kahit na hirap na hirap ako ngayon dahil nawalay ang babaeng mahal ko, ayos lang sa akin. Seeing how she became successful own her own makes me so proud. Masayang masaya ako na pinakawalan ko siya, na namuhay siya para sa sarili niya at hindi para sa akin" napalitan ng kalungkutan ang masayang ekspresyon ko.

"The only thing I regret is that she suffered because of me. I inflicted a wound in her heart that will never heal and it's tormenting me. I never wanted to hurt the girl I love. I never wished for her to cry because of me."

Napatingin ako sa singsing na lagi kong suot.

"I love your daughter Pa. Sinunod ko po ang kagustuhan niyo dahil alam kong para iyon sa kanya. Sa pinakamamahal niyong anak, but the guilt inside my heart is killing me as days passed by. Sinaktan ko ang anak niyo hangang sa puntong sinubukan niyang magpakamatay." Silence enveloped the place.

I don't know kung gaano ako katagal nanahimik pagkatapos kong magsalita habang inaalala ang lahat patungkol sa asawa ko.

Eiffel was like a delicate and fragile figurine that must be handled carefully.

But what did I do?

I recklessly destroyed her.

I am the reason why her heart was shattered into pieces.

"Papa... Wala na akong karapatang lumigaya, not after I hurt the girl who became already my life..."

"Pasensya na pa, kayo nalang lagi ang nakikinig sa mga kadramahan ko" natawa ako habang umiiling.

Sa tuwing nagpupunta ako dito ay nakakalimutan ko ang mga responsibilidad ko bilang isang presidente ng kompanya, nakakalimutan kong isa ako sa mga maimpluwensiyang tao sa buong bansa.

Tuwing andito ako, ang nasa isip ko lang ay ako si Clyde, ang lalaking nagmahal sa isang labing isang taong gulang na bata, ang simpleng lalaking nauulila sa kalinga ng kanyang asawa.

Tumayo ako at nakangiting tumingin sa lapida

"Mauuna na po ako Pa, pero pangako po, dadalaw ulit ako Papa" paalam ko at tumalikod na.

Pagdating ko sa naghihintay sa sasakyan ko ay pinagbuksan ako ng Assistant/personal driver ko.

"Sir Clyde, saan po ang sunod na pupuntahan niyo?" tanong niya.

"Sa JBL Network Carlo" sagot ko at binaba ang windshield ng bintana.

Iniangat ko at kamay ko at tila sinalo ang patak ng tubig na nahulog mula sa kalangitan.

Malungkot sa napangiti ako. sana sa pagpatak ng ulan tulad ngayon ay makita ko siya tulad dati. Kahit minsan lang...

"Sir" tawag muli sa akin ni Carlo, napatingin ako sa side mirror at nakita ko ang isang puting Mercedes Benz na magpapark sa likuran namin.

"Let's go" utos ko at ibinaba na ang kamay ko.

Eiffel's POV

Pagdating ko sa memorial park ay may nakita akong nakaparadang Rolce Royce.

May lumabas na kamay mula sa bintana na tila sinalo ang mga patak ng ulan. Pero ng makalapit na ang sasakyan ko ay humarurot na ito paalis.

Lumabas ako sa puti kong kotse at napatingala sa kalangitan.

May mga mangilan ngilang pumapatak na ulan pero parang ambon lang ito sa hina.

Kinuha ko sa katabi kong passenger's seat ang bouquet na mga puting rosas at naglakad na papasok sa gate ng memorial park.

Humuhuni ang mga ibon habang malamig ang simoy ng hangin. Berdeng berde ang kulay ng mga damo at napakatahimik din ng lugar.

Nagulat ako ng pagdating ko sa destinasyon ko ay may naratnan akong isang malaking basket ng mga bulaklak.

May nauna na sa aking bumisita?

Tinignan ko ang mga bulaklak at nakita kong mukhang kalalagay lang ng mga ito dahil napakabango at wala pang lanta ni isang bulaklak.

Nakangiting inilapag ko katabi ng basket ang dala dala kong bouquet.

"Hi po Daddy..." bati ko at nakangiting hinimas ang puntod ng aking namayapang ama.

"Sayang at hindi ko po naaabutan kung sino man ang nagbigay nitong mga bulaklak sa inyo. Naunahan pa nga po niya ako oh. Siguro ay isa mga kaibigan niyo no?"

Malungkot napayuko ako. "Pasensya na Daddy, inabot ako ng halos siyam na taon para mabisita kayo. Siguro ang laki na ng tampo niyo sa akin no?"

"Nakikita niyo po ba ako? Dalaga na ang anak niyo!" I chuckled and twirled around na parang isang bata.

"Sayang at hindi niyo na po ako hinintay pang magdalaga, pero ok lang po yon! Alam ko namang proud kayo sa akin kahit na ano man ang itsura ko"

Maingat na umupo ako sa tabi ng lapida ni Daddy at humiga sa damuhan.

Noong bata pa ako ay gustong gusto kong humiga sa kandungan ng Daddy ko habang kinukwentuhan ko siya.

But right now, I'll just imagine that he is beside me just like what he used to do. Him, listening in my stories with a smile on his face.

"Halos siyam na taon na po ang lumipas Daddy... Halos siyam na taon na po akong iniwan ng mga lalaking mahalaga sa buhay ko" I stated with a bitter smile.

"Mommy thinks that I'm already engaged Dad" amin ko at itinaas ang kaliwang kamay ko looking at the pink diamond ring.

When I was eleven and was still believing in his lies, I promised myself na ang wedding ring ko lang any nagiisang singsing na isusuot ko sa daliri ko. Na sa oras na lumaki ako at nagkasya na ang blue diamond ring na iyon ay buong puso ko itong isusuot araw araw at ipagmamalaki na kasal na ako. Pero ngayon ay ibang singsing ang suot ko...

"Funny isn't it? Hindi ko siya kinorrect, I didn't want to lie to her pero I believe na mas maganda na iyon."

"Silva is a great friend, I know he only loves me like a sister kaya imposibleng maipapakilala ko pa siya kay Mommy as my fiancée, heck, I'm even using him."

"Once I get divorced with that man, I will never marry anyone again. After All, I did promise you that I will only have one husband but, the truth is that I don't want to repeat that same mistake again. Pagod na akong maniwala sa happy ever after o na may nakalaang prince charming para sa akin. Ayoko man aminin pero natatakot na ako Daddy. Natatakot na akong umibig muli."

"Nine years had already past..." mahinang saad ko at napayakap sa sarili ng biglang humangin ng malakas.

"Kahit anong pagpapangap kong ok lang ako, hindi hindi ko parin maloloko o mapapaniwala ang sarili kong ayos lang ang lahat..."

"Ang sakit sakit Daddy, iniwan niyo na nga po ako tapos iniwan di niya ako. Wala po ba akong karapatang magkaroon ng minamahal? Kasi lagi nalang po akong iniiwan eh" at pagak na tumawa ako.

"Countless of men came to me begging on their knees, they did their best to woo me, to amaze me and to confess their undying love for me. They would shower me with gifts, jewelries and flowers. They all stated that I am priceless treasure, that no diamond worth as much as I do."

"Many says that I'm so breathtakingly beautiful that I can even anger Aphrodite, I'm so intelligent that I can outwit Athena, that I am so perfect I'm able to defeat Helen of Troy, the face that launched a thousand ships. But I don't believe them daddy... They are just lying, they're just fooling me, and they are going to do the exact thing he did to me. They are going to hurt me too.

And if ever they are telling the truth, that I am that beautiful, then why didn't he love me? If I am that perfect, then why did he throw me away? And if I am that intelligent... Then why in the hell can't I teach my heart to forget him?" mapait na tanong ko.

Ni isa ay wala akong pinaniwalaan... Kahit anong pagluhod o paglupasay ng mga kalalakihan ay walang kwenta. Kahit ilang dyamante at lahas ang ibigay nila ay wala akong pakealam. Dahil hindi ako tanga at hindi na ako magpapakatanga pa…

I am well aware that men adore me not because of who I am but because of my unparalleled beauty and wealth. They want to have me because I am treated by everyone in the society as the highest jewel.

"Men are pathetic Daddy... They are all stupid"

"They say that time heals all the wounds. But I don't think that I will be able to ever forget the heartbreak and heartache he has caused me... So I challenge time to shower it's miracle on me"

Buong akala ko. Sa pagpunta ko sa Britain ay makakalimutan ko ang sakit na mga nadanas ko but I failed. No matter how many months and years had passed... It's still here. In my ever-stupid heart...

And I'm still hoping that it's only pain that was left.

"Pero kahit kelan ay hindi ko po kayo sinisi, because it if weren't for you, hindi ko naranasang sumaya... kahit na maikling panahon yun at kasinungalingan lamang ang lahat" malungkot na napangiti ako haabng nakatingala sa mDakulimlim na kalangitan.

"Daddy... mahal na mahal ko po kayo"

****