~05~Leila
Have you trusted someone so much? And suddenly... they betrayed you?
If you do, I guess... we are the same.
Pakiramdam ko ngayon ay pinagtaksilan ako ni Inspector Albez. Tinalikuran si daddy dahil lamang sa babae na iyon.
Gusto ko'ng sumigaw sa galit. Gusto ko silang ipakulong! Lahat ng may sala nang matapos na ito! Naiinis ako at hindi alam kung ano ang gagawin ko.
Pagkayari kase nung tawag ay dali-dali'ng nagpaalam sa akin si Inspector Albez. Emergency daw kaya wala akong nagawa.
I tried to stop him but he was so desperate to get back with his fiancé!
And I... never felt so betrayed before.
Ngayon lang.
"Sweetie, are you alright?" Mommy asked when she saw me left alone in our dining table, with brows furrowed, balled fist and jaw clenching.
Kumalma lamang ako nang haplusin ni mommy ang likod ko.
Hindi ko na napigilan at niyakap ko ang tiyan ni mommy at napaiyak.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa wala ng luha'g tumutulo. My mom just stood there, infront of me, letting me cry on her tummy. Wala ito'ng paki kahit mabasa na ang damit na suot basta mai-iyak ko lamang ito.
Thank God, I have my mom. Dahil kung wala siya ay baka mabaliw ako sa dami kong iniisip at problema.
Hindi na ako kinulit ni mommy tungkol sa pag-iyak ko. She knows na may kinalaman ito kay Inspector, ngunit hindi na ito nang-usisa.
NANLULUMO akong pumasok sa eskwela. Hindi ko na tinawagan o sinasagot ang mensahe at tawag ni Inspector.
What for?
Nang oras na pinuntahan niya yung ex-fiance niya. Wala na. Tapos na.
Nagtagis ang bagang ko dahil doon.
After school, nagpalit ako at pumunta sa isang job interview.
May isang cafe na malapit lamang sa eskwelahan kaya doon na ako nag-apply. And seems like, ayos lamang kahit College Students kaya binigay na din nila ang trabaho sakin dahil kulang din sila ng mga staff.
2ND SEMESTER. Lahat ng klase ko ay pang-umaga. Sinadya ko iyon para tuwing hapon ay makapag-trabaho ako. 1pm-9pm ang shift ko.
At ngayon ang unang beses ko sa trabaho.
Tinuturuan pa ako ni Ate Chels kung paano gumawa ng coffee at kung ano-ano pa. Madali lang naman, basta wag daw ako magpapa-paso.
At dahil first day ko, ako ang iniharap niya sa mga customer, bilang Cashier. Inu-utusan din naman niya ako kapag may ipapa-abot or kukuhanin sa stock room.
Bago pa ako mag-simula ay nai-tour niya na din ako, since siya ang ini-assign sa akin para maturuan.
"Oh, Leila. Ikaw muna diyan ha? Tawag ako ni Sir Francis! Saglit lang naman ako" tinanguan ko siya.
"Sige lang, ate Chels." Sagot ko dito. At dahil naituro naman na niya sa akin kung paano gumawa ng mga kape ay hindi na niya ako kailangan i-assist. It's easy, but I can manage. Since, the whole sembreak ay nandito na ako at tinuturuan niya.
Nang tumunog yung bell chime ay naging alerto kaagad ako. Maganda'ng ngiti kaagad ang inihanda ko sa parating na customer. But before that, I can hear their conversation from here...
"Yeah, I'll call you later, honey." Tinig ng isang babae na may kausap yata sa cellphone.
"Yep... I'm with Annie..." hmmm... bakit parang nadinig ko na ang tinig na iyon?
Napaisip ako...
"Alright, fine!" Sinilip ko sila at nakita kong ibinaba na nito ang hawak na cellphone.
"Ano? Nakikibalita nanaman yang jowa mo?" Dinig kong ani nung isang babae. I think... I heard them before talaga eh.
"Tsk, I don't know with Zetto! Masyado siya'ng atat" nagsalita yung isa.
Nanlaki ang mata ko. Ngunit dahil paparating na sila ay pinilit ko parin na ngumiti.
Calm down... Leila... hindi ka nila kilala.
"Good afternoon, Ma'am! Welcome to Shay's Café!" Bati ko. At pilit na ngiti ang iginawad ko sakanila.
"Ah, miss. I'll have one americano, please" yung isa. I think... kung tama ang pagka-alala ko sa tinig niya. Her name was Annie?
"Make it two, paki-serve nalang." Tumango ako.
"Names po?" I asked.
"I'm Annie." ... I'm right.
"Shaila" and with that tinalikuran na nila ako.
Hindi ko maiwasan hindi mapangisi habang nakamasid ako sa dalawang babae na iyon.
I think Annie is just 5'4 or something. Samantalang 5'6 or 5'7 naman yung Shaila. Same height with mine.
Both fair skin, ngunit iba ang kulay ng buhok nung Annie.
Kulay blue yung buhok niya at medyo malaman. Heart shaped face, at makinis. Pouty lips at malaki ang hinaharap.
While Shaila. She's like a model. Balingkinitan at malaki ang dibdib. Maganda ito, at humihiyaw sa karangyaan ang kaniyang kasuotan.
Siya ba yung ex-fiancé ni Inspector Albez? Hmmm. Probably. Bagay sila...
Nang matapos kona yung dalawang Café Americano na order nila ay tinawag ko si Garry. At ito ang nagdala ng order nung dalawa habang ako ay pasimple'ng pinagmamasdan sila.
Back when daddy was still here. Tinuturuan ako nito kung paano makiramdam. Kaya malakas ang pakiramdam ko kapag may nakamasid sa akin.
And I know right now... someone's watching my every move again. And I remember that night... when Vin pulled me.
Siya ba ang tinutukoy ni Inspector? Hindi ako sigurado sapagkat hindi niya ako hinayaang lingunin ng lalaki na iyon. Kaya I couldn't tell of it was really Vin.
Madami na din naituro sa akin si daddy noon na unti-unti ay nagagamit ko ngayon. They are obvious and I can feel them from here.
That's why I'm thankful kay Daddy.
Nang tumunog muli ang bell chime ay naging alerto at inihanda ko na ang ngiti ko. Ngunit napanis iyon nang makita kung sino ang pumasok.
What is he doing here???
He's wearing that mask again. The same mask Zetto was wearing that night, only with different style. Basta kagaya nung gabi'ng iyon ang suot niya.
Ang I know it's him cuz his hair was just like the last time I saw him. And his eyes...
Kahawig na kahawig nga ito nang kay Zetto, the only difference is his hair style.
Siya iyong lalaki sa Party ni Vanessa... dalawang linggo na ang lumipas ngunit naalala ko parin siya.
Marahan siya'ng naglakad patungo sa akin. At hindi ko maiwasan hindi kabahan.
"G-Good afternoon, Sir! Welcome to Shay's Café" bati ko dito. Tumikhim lamang ito at tinignan yung menu namin.
"I'll take one cup of espresso-" but before he could finish his order ay may tumawag sakaniya.
"Dee? D!"
Tila natigilan yung lalaki nang may tumawag yata sakaniya. Dahil don ay lumingon siya at nakita ko na yung Shaila pala ang tumatawag sakaniya.
Am I hearing right? His name is... D? Or Dee?
Nakakunot ang noo nito sa babaeng tumawag sakaniya. Habang ako naman ay inasikaso ko na ang sinabi niya.
"One espresso, sir?" Kuha ko sa atensyon niya. I have to confirm it first.
Humarap naman ito sa akin at marahang tumango.
"Name, sir?" Tanong ko muli.
"D" tanging sabi niya lang.
Napakunot ang noo ko. D nga?
"Dee or D?" I asked. He sighed. Mukhang nakukulitan na sakin.
"Just, D. Okay?" Tumango ako at napalunok. Sungit naman...
Samantala'ng nung gabi'ng iyon eh hinayaan ko siya'ng yakapin ako. Tsk. Napaisip tuloy ako... bakit niya naman ako niyakap? Hindi ko na naitanong iyon dahil hindi ko naman na siya nakita mula non. Ngunit ramdam ko parin ang pagmamasid sa akin mula sa malayo.
And oh! He kissed me! I can't believe I let someone kiss me... aside from Vin, may iba nang nakahalik sa akin.
"D! How are you? Si L? Nasaan?" Lapit nung Shaila kay D.
Akalain mo yon... magkakilala sila?
"I don't know about L" he just shrug at nakita kong tumungo siya upang umupo sa bar counter.
Mukhang nakalimutan na nung Shaila na may kasama siya ah? Makasiksik kay D wagas.
Naka-lingkis na kase ang braso niya kay D na tahimik lamang na nakikinig sakaniya.
Somehow... his behavior reminds me of someone...
I shook my head. That's impossible. Tsk.
"Anyways, D. Saan ang lakad mo niyan?" Makulit na tanong nung babae. Ako naman ay tapos na kaya tinawag ko na siya.
"Sir D! Your order is ready" nakangiti ko ito'ng ini-abot.
Nagtama pa ang tingin namin na mabilis ko namang iniwas. At bumalik na ako sa pwesto ko.
Napaangat ang tingin ko nang biglang tumunog na tila binagsak yung cup. It was D.
Wala pa yatang isang minuto ay...
Tapos na siya!
Ang bilis ah??? Nilagok niya iyon?
"Here, keep the change" he said and left me just like that.
Natulala naman ako saglit. Ngunit bumalik din naman ako sa katinuan ko nang samaan ako ng tingin nung Shaila.
What did I do now?
EXHAUSTED. Agh. Pagod ako'ng humiga sa kama ko dahil sa umaga'ng klase at panghapon na trabaho. Phew!
Nag-shower muna ako bago tumungo sa silid ni Mommy kung nasaan ang natutulog na Siopao. Hmmm. Ang cute. Kaunti nalang magiging bola na ito'ng si Logan.
Napaka-lakas kasi nito'ng mag-gatas. Tapos ito'ng si mommy eh ini-ispoiled pa. Hindi nililimitahan. Kaya heto... ang lusog lusog ng anak ko.
"Baby..." I whispered as I duck to kiss his face.
Wala akong balak itabi siya sakin ngayon. Ang himbing na kasi ng tulog kaya hinayaan ko na.
Always be good to, Lola... Logan ha? Pagkausap ko sakaniya sa utak ko.
Nang magsawa ako kakatitig sa mukha nito ay napag-desisyunan ko ng matulog.
Ngunit bago iyon ay isa'ng tawag ang gumambala sakin.
UNKNOWN NUMBER
Sinagot ko ito.
"Hello?"
Ngunit limang segundo ay walang nagsasalita.
"Hello?"
"Hellooooo?"
"Hellooo?"
Wala parin! Sino ba ito?
Kaya sa inis ay pinatay ko lamang.
Ngunit bago matulog ay may nagpadala ng mensahe sa akin.
UNKNOWN NUMBER:
Be careful, baby. From now on
I'll be watching you from afar.
Don't trust people easily. It's
A warning.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa mensahe'ng natanggap. There is no sign kung sino ang nagsend. Pero hindi ko maiwasan na hindi kabahan...
It's a warning, I can't help but feel like my life is in danger...
=====
To be continue...