Chereads / Black Masquerade (taglish) / Chapter 7 - Chapter 06

Chapter 7 - Chapter 06

~06~Leila

KINABUKASAN ay pagod akong bumangon ng alas sais ng umaga.

8:00am ang klase ko kaya naman nagsimula na akong gumayak. Pinakain ang anak at inayos ang mga laruan nito bago ako tuluyan gumayak.

Mommy is stressed lately kaya mamaya ay pupuntahan siya ni Tita Rianne at mag-sha-shopping daw sila. Libre daw ni Tita Rianne.

At isasama pa nga ang kaniyang apo para makalibot kaya hinayaan ko na. Gusto ko din naman mag-enjoy si mommy kahit papaano.

Nagpaalam na ako sakanila dahil ayokong ma-late. Istrikto pa naman yung prof namin ngayon. Hays.

Nagkaroon kami ng recitation. And thank God kahit papaano ay nakinig ako kaya nakakasagot naman ako sakaniya. Bukas daw ay Activity naman ang gagawin namin. At pagkatapos non ay nag-class dismiss na ito.

"Ahhh! Grabe. Akalain mo yung matanda na yon, daming pinapagawa" reklamo nung isa kong kaklase. I think her name was Sia.

Humihikab itong tumayo at lumabas ng classroom kasama yung kaibigan niya. Nagkibit-balikat na lamang ako at inihanda na ang gamit para sa susunod na subject.

I still have fifteen minutes bago ang next subject kaya dumiretso ako sa library para magbasa-basa.

At nang maupo nga ako sa pwesto ko ay napa-angat ang tingin ko nang may maglapag ng gamit sa harapan ko.

Kunot noo kong pinagmasdan ito habang tahimik na inilalabas ang kaniyang gamit. At napakunot ang noo ko ng makitang may suot nanaman itong maskara.

Anong... ginagawa niya dito?

Natanong ko sa aking isipan nang tumama sa akin ang abo niya'ng mga mata.

Sinusundan niya ba ako? Bakit siya nandito? Madami naman iba'ng lugar ah?

"E-Ehem..." I cleared my throat.

Familiar talaga sa akin ang mga mata niya...

Pamilyar dahil pakiramdam ko ay natitigan ko na ito noon.

"D-D right?" Tanong ko.

Umayos naman ito ng upo at marahang tumango.

"B-Bakit pala nandito ka? S-Sinusundan mo ba ako?" Kinakabahan na tanong ko.

Natulala ako saglit ng ngumiti ito...

Bakit ganon? Bakit... ang ganda ng ngiti niya? Bakit... parang pamilyar talaga siya sakin? Nanuyo bigla ang lalamunan ko. Tubiggggg.

"Like what I said that night. I'll be watching you, Leila. Have you forgotten?" His lips curved into a smirk when he saw na nabalisa ako.

Bakit ba ako nababalisa???

"A-Ah... b-bakit nga? Hindi naman kita kilala ah..." napapalunok kong sagot.

Aha. Bat ba hindi ako mapakali?

Para kasi ako'ng ewan na pilit inaayos ang upo kahit maayos naman ang upo ko.

"I am D. You can call me D, Leila" he said before opening his book and completely ignoring me.

D... iyan ba talaga ang pangalan niya?

"Ah... D. I don't know, huh... bakit parang kilala kita" yumuko pa ako at sinilip mabuti ang mukha niya.

"It's better na wag mo na akong kilalanin. Just... let me be with you, Leila." Nang bumagsak ang mata niya sa akin ay kita ko don ang lungkot at pagsisisi.

Pagsisisi?

I smiled. Siguro naman wala siya'ng gagawing masama sa akin diba?

"Sige." Sagot ko at nakita kong biglang sumigla ang mata niya. 

Kahit na deep down ay madami akong katanungan sakaniya. At malaki rin ang pagdududa ko sakaniya. Kung kasama nga ito ni Zetto ay hindi malayo'ng... may kinalaman din ito sa pagkamatay ni daddy kaya't kailangan kong mag-ingat sakaniya.

NAGPALIT NA AKO ng uniporme. Pagkatapos kong makasama si D sa library ay nagulat na lamang ako na inaabangan na ako nito sa last subject ko. Niyaya niya akong kumain at pumayag naman ako.

May isa akong napansin sakaniya. He's silent. But, I don't think... he's really like that. Hindi siya tipid magsalita sa akin. Kaya iba ang pakiramdam ko sakaniya.

Naalala ko noon si Zetto. He's a bubbly guy kahit may suot ito'ng masquerade. And Vin... he's difficult to understand. He's bubbly sometimes, and serious most of the times. I like his serious side... to be honest.

He's cool, and we're good. He's really nice, and a good listener too. He would always caress my hair whenever I talk about my problems, and would pay attention to me.

Pero dahil difficult siya. May pagkakataon nga na hindi siya ganon. Parang... nag-iiba siya.

I shook my head. Bakit ba siya nanaman ang nasa isip ko?

Whenever I thought Zetto, biglang pumapasok sa isip ko si Vin.

I should forget about him. At buti naman na hindi ko na siya nakikita.

Madaming customer sa araw na ito, kaya halos dalawa na kami ni Ate Chels ang kumikilos. 

"Phew! What a rough day..." a voice said. Napakunot ang noo ko nang harapin kung sino ang bagong customer.

Pinakiramdaman ko ang sarili ngunit... bakit... hindi yata siya si D?

He's wearing the same mask with D. Kaya...

"Hey, miss? Wait... Leila?" Nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung sino'ng nilalang ito.

"Z-Zetto? Is that you?" Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kinabahan ako sa kaharap ko.

Ngumisi ito sa akin.

"Yep! Glad to know that you still remember me, anyways. One cup of cupuccino please" he winked at me. Tumango naman ako at ginawa ang order niya. Umupo naman siya sa bar stool namin at doon ko ini-abot yung kape niya.

"Kamusta kana, Leila? Nag... iba kana ah?" He eyed me pero dahil hindi niya kita ang ibaba'ng suot ko ay hanggang dibdib lang siya.

Ngiti'ng-ngiti ito sa akin.

"I'm... fine" I forced a smile.

In my mind... I still can't forget the fact na baka may kinalaman talaga ang lalaki'ng ito sa pagkamatay ni daddy.

"I saw you hanging around with my bro? So, what's the score?" Nakangisi ito. Napakunot naman ang noo ko sakaniya.

Bro? What does he mean?

"Huh? What are you talking about?" Naguguluhan kong tanong.

He snorted.

"Enkkk! Don't tell me you forgot about my brother already, babe?" He smirked.

Sino ba kasi ang tinutukoy niyang brother?

Was it... Vin? But I thought they are cousins? And that's impossible because hindi ko na nakita pa'ng muli si Vin after that night with Inspector Albez.

Tumunog muli yung Bell Chime kaya nang akma akong pu-pwesto ay nauna na sa akin si Ate Chels kaya hinayaan ko na.

Sumilip si Zetto sa gawi'ng entrance at ngumisi sa akin.

"Speaking of my brother..." sumimsim ito sa kape bago humarap sa kadadating.

Nanlaki ang mata ko...

Siya ang kapatid niya...?

What the heck?!

Halos matulala ako nang mapag-alaman ko na sila ay magkapatid...

Now, I'm skeptic...

HINDI AKO MAKAPANIWALA na siya ang tinutukoy na kapatid. Pero hindi ko naman iyon mai-kakaila sapagkat magkapareho sila ng body built.

Kaya nga napag-kamalan ko siya'ng si Zetto, right?

"D! Mah-big bro!" Kumaway pa ito sa kapatid. Ngunit ang mata ni D ay nasa akin. Matiim ito'ng nakatitig sa akin kaya bahagya akong nailang sakaniya.

Hindi ko alam na may kapatid pala si Zetto bukod kay Vanessa? Hmmm.

Pagkatapos nito'ng umorder ay tumungo siya sa malapit na kina-uupuan ni Zetto.

Nang akmang sasaluhin ko yung order kay Ate Chels ay ngumiti ito at sinabi'ng siya na daw. Isa lang naman.

Hinayaan ko na siya at nang akma akong babalik sa pwesto ay may pumigil sa akin.

"Teka lang, babe. We're not done yet" he smirked.

Why the heck he keeps calling me babe?

Noon pa man ay ganyan niya na akong tawagin. Even Vin... he would call me babe, or baby, or darling. Madami siya'ng tawag sa akin.

Ayan naalala ko nanaman si Vin. Tsk. Dahil nanaman kay Zetto.

I sighed at humarap muli sakaniya.

Naka-ngisi naman ito.

"So ano? What's the score??? Is my brother chasing you???" Tumaas-taas pa ang kilay nito. Kahit di ko kita yung kilay niya. Tumataas-taas kasi yung skin sa noo niya.

Ano ba'ng score na sinasabi niya? And why is he asking me that?

"Mukhang mahina ito'ng kapatid ko. HAHAHA. Ano bro??? Kupad mo! Pagong ka na pala!" Pambubuska nito sa kapatid. Habang ito naman ay nakatitig lamang sa kape na nasa harap niya.

Himala at hindi yata siya nagmamadali.

"A-Ano kaba, Zetto. Bakit ba ganyan ka magtanong? Umorder ka na nga lang ulet! Ubos na kape mo" tatawa-tawa kong sabi.

Kumunot naman ang noo nito at tinignan ang kaniyang kape na ubos.

He sighed.

"Hindi na, babe. Alis na ako. Baka sakali hindi na maging pagong ito, oh ito bayad ko" abot niya sa akin nung cash sabay ngisi niya sa kaniyang kapatid. "Bye, Leila... bye, mah-big-pagong-bro!" Kumaway pa talaga ito bago umalis.

The heck... pagong-bro? Gusto ko matawa ngunit nahihiya ako baka ano inisipin ni pago- este... D. Hehehe.

Nakiki-pagong ako eh di naman kami close. Tsk.

Siya naman ang nilapitan ko ngayon dahil mukhang wala pang dadating na customer.

"Pago- este... D..." tawag ko dito.

Umangat naman ang tingin niya sa akin.

Hindi man lang niya nabawasan yung kape. Ano yon? Pinapalamig niya? Eh last time... mukhang immune nga siya sa init eh.

Nilagok yata yung umuusok na kape. Hahahaha.

"H-Hindi ka yata nagmamadali ngayon?" I started. Napalunok ako ng titigan niya ako ng mariin.

Bakit ba ganon siya tumitig sa akin??? Sana pala diko na nilapitan.

"How are you, Leila?" Tanong nito. Hindi pinansin ang nauna kong tanong.

How are you nanaman... 

"I'm fine" ngumiti ako.

Dead air.

Hays.

Ano ba ito, sinimulan ko na nga yung conversation namatay pa dahil sa HOW ARE YOU niya.

"S-Sige ha. Doon muna ako sa pwesto ko" nag-aalangan kong paalam. Tumango naman siya kaya iniwan kona. Phew.

May naalala nanaman ako. Tsk. Bakit ba lagi nalang ako may naaalala?

Parang ganon din kase kami nung unang beses na mag-usap ni Vin...

"Chiron! Pakilala mo naman kami sa kasama mo" Stella giggled.

Bumaling naman si Chiron sa kasama niya. Chiron, ito ang pinsan ni Zetto. Si Zetto na laging lumalapit sa akin. Nasaan nga ba iyong lalaki na yon?

"Siya ba? He's Zetto's and I's cousin. His name is Vin" pakilala nito.

"Ang gwapo..." bulong ni Liza na nakahawak sa braso ko. "Pinsan pala nila Zetto... sayang at diko alam hitsura niya." Dagdag niya pa.

"Sayang taken na kasi ako eh..." wika naman ni Stella.

"Ako din eh... what if..." bumaling silang dalawa sa akin.

"Ah... hi Vin! Eto nga pala kaibigan namin. Her name is Leila" pagpapakilala nila sa akin. Umiwas ako ng tingin ng titigan ako nitong mabuti na tila inaaral ang mukha ko.

"Dali na, beshy! Pakilala kana!" Bulong sa akin ni Stella. I sighed.

"H-Hi... ako si Leila." Abot ko ng kamay ko.

He smiled. Ohmmm... I think my heart died... dang...

"How are you, Leila?"

"Leila?"

"Leilaa?"

"Oy!! Leila!" Napatalon ako nang biglang may humampas sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Ate Chels sa tabi ko.

"B-Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

I think... I just zoned out. And... bakit ko na naman naalala yung lalaki'ng yon? Lately talaga pansin ko na lagi ko siya'ng naaalala dahil sa dalawa. Zetto and... D. Vin is their cousin.

"Ano kaba? Kanina ka pa tinitignan ni mysterious guy oh... kanina tinawag ka niya dimo pinansin! Tsk. Sayang. Type ka yata" namula ako sa sinabi niya.

What????

Ako? Type??

Nang sulyapan ko si D ay nakatitig nga ito sa akin. Tipid akong ngumiti at lumapit sakaniya.

"Yes, sir?" Salubong ko dito.

"Can I have one of your blueberry cheesecake? For take out, please" Tumango.

"Okay sir. Just give me a minute" at tumungo ako upang ihanda iyon.

Nang maibigay ko sakaniya ay akala ko magbabayad na ito para umalis ngunit mukhang hindi pa yata.

Nanatili naman ako don, baka kasi may orderin pa siya.

Tumunog ang bell chime at dahil wala si Ate Chels, mukhang may inasikaso nanaman sa loob ay ako ang tumungo sa customer.

At nang makaharap ko ito ay nanlumo ako. Why is he here now?

"Leila" he breathe out. He looks... stressed out or something. Hindi kasi maayos ang buhok nito, at sa ilalim ng kaniyang mga mata ay ang naglalakihang eyebags.

"Inspector..." tila lumamig lalo ang kinaroroonan namin.

"Leila, why aren't you answering my calls? And even my texts? Is there something wrong?" Tuloy-tuloy nitong tanong, at bakas pa ang pag-aalala sa mukha nito.

Kung maka-akto kala mo walang nangyari. Tsk.

"Tell me... Inspector." Ngumisi ako. "Do you think there is a problem?" Mariin ko'ng tanong. Bahagya pa ako'ng sumulyap kay D na ngayon ay nakatitig sa gawi namin. "Are you really willing to find kung sino ang nagpa-patay sa daddy ko?" Dagdag ko. Natigilan siya.

Kumuyom ang kamao ko ng unti-unti ay bumakas ang gulat sa mukha niya.

"W-Why are you asking me that kind of question, Leila?" Gulantang na tanong nito, hindi inaasahan ang sinabi ko. "Are you saying na I'm not with you? Hindi ba't ako ang nag initiate sa kaso ng daddy mo? So why are you firing me that kind of question?" Tila hindi makapaniwala ito'ng nakatitig sa akin.

Right. He initiated it. But I wanted it. Kahit hindi niya ako tanungin ay may balak ako'ng hanapan ng hustisya ang pagkamatay ng dad ko. Call me crazy, but I would kill that person who murdered my father. At kung may nag-utos man dito ay idadamay ko siya. Malaman ko lang...

"Look, Leila... we'll just talk some other day." Pagkasabi niya'ng iyon ay mabilis na sinulyapan niya si D... "Have you seen their faces behind their black masquerade?" He whispered, smirking at me "You haven't Leila... we never know what's really behind their black masquerade" mariing bulong nito.

What does he mean?

Kinabahan ako bigla at hindi ko maintidahan ang nais iparating sa akin ni Inspector Albez.

"Be careful, Leila. Beware of the people around you" he whispered bago umalis. Habang ako ay natulala dahil sa kaniyang sinabi.

Beware...

Be careful...

Kanino ba talaga dapat ako'ng mag-ingat?

Nilingon ko ang dahan-dahan na sumisimsim sa kape na si D.

Who are you really? Why do ya'll have to wear those black masquerades

Then... I remember the unknownimous text message...

I should be careful to whom I trust...

========

To be continue...