Chereads / Black Masquerade (taglish) / Chapter 9 - Chapter 08

Chapter 9 - Chapter 08

~08~Leila

Tall... dark man. He looks like a model wearing his mask. Hindi ko namalayan, bumibilis na ang pintig ng puso ko... kinakabahan ako.

Isa... dalawa... dalawang araw ko siyang hindi nakita. At sa dalawang araw na iyon ay ramdam ko ang pagkawala ng presensya niya.

At doon ko napansin na meron nakasunod sakaniya na tatlo'ng lalaki na naka-suot din ng maskara. Pare-pareho sila ng disenyo...

"Ah... miss? Sino nga ulit?" Nakangiting tanong nung receptionist.

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Nakikita ko na siya... ngunit hindi ko alam kung paanong... lalapit sakaniya.

"Si... D po... may kilala po kayo'ng D?" Shet! Pano ba ito?

Habang kaharap ko iyong babae. Pakiramdam ko ay may nakatitig na kung sino mula sa likod ko. Alam ko na kung sino iyon pero...

"Ah, si Mr. D po ba? Ah..." natigilan ito. 

Pakiramdam ko ay may nakatayo na sa likod ko. At tama nga ako.

Nang magtama ang tingin namin ay walang emosyon na makikita sa kaniyang mata. Naka formal ito... bakit ganon? Ang hot... niya. 

Siya at ang mga kasama niya ay mga naka-formal attire. At nasisiguro ko na sa ilalim ng kanilang maskara ay ang natatagong ka-gwapuhan nila.

Ngunit... bakit nga ba kailangan pa nilang itago?

"D-D..." naiusal ko nang lumapit pa siya sa akin.

"Follow me..." he whispered, sending shivers down my spine. Grrrr... napapalunok naman ako'ng tumango at sumunod sa kaniya. Tila nahipnostismo ako nito...

What are you doing to me D? What kind of spell you cast on me?

Medyo nahiya ako sapagkat pinagtitinginan kami. Ako lang yata ang walang suot na maskara except sa mga nakikita kong bisita.

Pag-sakay sa ELEVATOR ay naramdaman ko ang marahang pag-hila ni D sa akin. Mukhang wala lang sa mga kasamahan niya na kasama ako.

Napansin ko din ang mga kasama niya. Mga hindi nagsasalita. Sino ba sila?

Habang tinitignan ko sila isa-isa ay medyo nahiya ako nang mahuli ako nung lalaki na kulay blonde yung buhok na nakatitig sakaniya.

He flashed a smile na ikinawindang ko.

Kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at sinilip ang seryoso'ng mukha ni D.

Nang makalabas kami ay hila-hila parin ako ni D. Teka... saan niya ba ako dadalhin? Dapat binigay ko na agad yung wallet nang makauwi na ako eh. Hays.

"D..." tawag ko sa kaniya. Ngunit hindi ako pinansin. Ays.

Mukhang ito yata yung pinaka taas ng building... and I guess, ito din ang office niya?

"Hah... phew!" Ungol nung isa sa na tila napagod sa pag-akyat. Ha?

Nang lingunin ko iyon ay nakita kong basta na lamang ibinagsak nung Blonde na lalaki ang katawan niya sa nakita'ng sofa.

"Fudge man! Why do we have to act all so serious? Phew. I'm famished!" Ungot nung lalaki.

Napangisi yung isa at dinaganan yung blonde na lalaki.

Nanlaki ang mata ko.

"You're always famished, S. Anyways umorder nalang tayo" ani nung dumagan sakaniya.

"Ten boxes of pizza, G. For sure, makukulangan yang si S" biglang sabat nung isa na luntian ang mata.

Bigla kasi ito'ng tumingin sa gawi ko at sakto'ng tumama ang mata ko sakaniya.

"Anyways... sino ito, D?" Kinilabutan ako nang biglang may umakbay sa akin. Bahagya pa akong napadusog palayo. "Hi miss, you can call me T" ngiti'ng-ngiti ito sa akin. Eh kanina lang ay sobra'ng seryoso nang mga mukha nila ah?

"Keep your hands to yourself, T. Don't touch her" dinig kong may diin na ani D.

Itinaas naman nung T ang pareho'ng kamay. "Geez D, inakbayan ko lang, okay?" At tuluyang lumayo na ito sa akin.

"Why are you here, Leila?" Baling sa akin ni D. Ahay... ngayon lang ako tinanong.

"Ano kase, may ibi-" I was cut off by a loud voice.

"Hayooo everyone!!!" Napakunot ang noo ko at tinignan kung sino ang bagong dating.

It was, Zetto! What is he doing here?

Ah... oo nga pala.

Magkapatid sila.

"Owww, may bisita pala tayo. Hi babe!" Kumaway ito sa akin. Napangiwi naman ako.

Ayan nanaman yung... babe niya. Ehk... diba may jowa siya?

Narinig kong napabuntong hininga si D.

May kasama si Zetto. At kagaya nang mga kalalakihan na ito ay may suot din siya'ng masquerade na pareho'ng design sakanila.

Bumaba ang tingin ko sa gawing tiyan ko nang maramdaman ang pagpulupot ng kamay ni D doon.

Then he pulled me closer to him.

"Come with me, my brother will just annoy us here" he whispered. Napatango naman ako.

Hindi na naisip ang mga nalaman tungkol sakanila.

Nakahawak parin ito sa bewang ko habang naglalakad kami patungo sa kung saan.

Saan niya ba ako dadalhin?

Pero mukhang dininig niya yata ang tanong ko nang igiya niya ako papasok sa elevator.

Rooftop? O bababa?

Nang pindutin niya na ay hindi ko maiwasan nerbyosin. Patungo kami sa taas. Mukhang rooftop nga...

Dapat lang kabahan ako... pero bakit pati tibok ng puso ko bumibilis? At tila parang kinikiliti pa yung pusod ko!

Ano ba ang gagawin namin? Kailangan talaga private ang pag-soli ko nung wallet niya?

Bakit ba hindi ko maabot-abot pa sakaniya para tapos na? Dahil gusto ko din ba?

Whatttt???????

Gusto ko'ng kaltusan ang sarili dahil sa naisip. Gusto ko? The eff? Gusto ko siyang...

Bumukas ang elevator at naglakad kami palabas... 

Lamig...

Malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Kaya sigurado akong sabog na ang buhok ko. Shet!

Kaya mabilis ko itong hinawi at pilit na sinusuklay. Nang makita niya ang ginagawa ko ay bahagya pa'ng sumingkit ang mga mata niya.

Na-conscious ako bigla.

Tumalikod na lamang ako para ayusin ang buhok ko. Ngunit ganon na lamang ang pagkalaki ng mata ko nang maramdaman ko ang marahang pag-hawak or more like suklay gamit ang daliri niya sa buhok ko.

May naalala nanaman ako...

"How are you, Leila?" Panimula niya.

Ayan nanaman yung HOW ARE YOU niya...

"Ayos naman." Mabilis kong sagot habang sinisikop ang buhok ko.

"Sorry..." I heard him say. Dahilan kung bakit umangat ang tingin ko sakaniya.

Why is he sorry?

"I really don't know what to say, Leila. But, just know that I'm here and... I will listen to whatever you say" seryosong sabi niya.

Napalunok ako.

The tingling sensation in my tummy... dang... why is it so familiar to me?

"Your rants, your silly jokes, your stories... whatever it is, I am always here listening to your voice, Leila. I am sorry if I may act weird sometimes. Just know that when I'm with you, I am at peace"

Vin... why does he sounded like... Vin?

"Ah... D... I... n-naiwan mo daw kasi..." sabay abot ko nung wallet niya. Bahagya siya'ng napakunot nang makita ang wallet. 

Kinabahan pa ako kasi nagbago bigla ang expression ng mukha niya.

"That's... That's not mine" kunot noo'ng ani nito.

Ha???

Wait... what?

"W-What do you mean?" Napapalunok kong tanong.

"I said, it's not mine" sagot niya.

"Ha? Eh... kanino yan? Ikaw daw ang nakita ni Ate Chels na pumunta sa Shay's Café..." I trailed.

Hindi sakaniya? What?

Pero bakit... dissapointed ako?

Teka. Bakit nga ba?

Samantalang nung una pinagtatabuyan ko si... Vin. Ngayon umaasa ako'ng... siya si Vin?

Wait what???

Umaasa ako?

"That's Zetto's, Leila" nanlaki ang mata ko.

Pagkasabi niya'ng iyon ay hindi ako makapaniwala na napatitig sa mukha niya.

Dahil kahit papaano... umasa ako... umasa ako na sana... siya si... Vin. Oo na... umasa na nga eh...

Na kahit nagalit ako kay Vin... umasa ako na magiging okay din kami, at para hindi na ako mahirapang aminin ang totoo...

Ngunit lahat ng iyon ay gumunaw nang biglang may humablot sa wallet na hawak ko.

"Akin to ah? Bat nasa inyo?" Sulpot ni... Zetto. "Naiwan ko yata ito sa Shay's Café ba iyon? Ah basta..." anito habang pinagmamasdan yung wallet.

So it was really... his?

WALA YATA AKO'ng balak na matulog. Katabi ko'ng muli si Logan at tulog na tulog ang siopao nang kuhanin ko kay Mommy.

Am I... dissapointed?

But why? Bakit nga ba ako nadismaya nang malaman na... hindi si D ang nag-uwi sa akin nung gabi na iyon? Na si Zetto iyon?

Am I really hallucinating that night? Did I really saw Vin?

If Vin was Zetto... could it be?

The father of my baby is the... possible suspect of my father's death?

Parang hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na si Zetto nga iyon? Pero si Zetto nga ba?

Kaya ba... hindi ko kailanman nakita si Zetto na kasama si Vin? Because he was Vin the whole time?

Parang diko yata matanggap... agh.

Tinitigan ko ang mukha ni Logan...

Hindi yata kaya ni mommy, baby... baka mapatay ko ang tatay mo pag nalaman ko'ng may kinalaman siya sa pagkawala ng Lolo mo.

Mahina ako'ng umiyak habang katabi ang anak...

Kailangan... iwasan ko ang magkapatid na iyon. Kailangan, huwag na akong lumapit sakanila.

Lalo na kay D... dahil alam ko hindi ko na mapipigilan ang sarili ko. 

D... Zetto and Vin.... why are you all confusing me?

Kayo ang posibleng kasangkot sa pagkamatay ni daddy... kaya hindi na dapat ako makipag kaibigan pa sainyo.

======

To be continue...