"PASENSIYA KA na talaga sa abala, Erin. Pero pakiramdam ko kasi may igaganda pa iyong design mo. May hinahanap lang talaga ako na hindi ko ma-point out."
Pasimpleng naikuyom ni Erin sa ilalim ng mesa ang dalawang palad niya habang pinipigilan ang sariling sumimangot sa harapan ni Miss Yannie. Mabait naman ito, demanding lang talaga at malimit na hindi alam ang gusto. Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang magiging susunod na atake sa revisions para sa bagong issue ng isa sa mga lifestyle brochures nila. Martes na ngayon at ang schedule for printing is Friday, sinong hindi mase-stress dahil hindi pa rin nito malaman kung anong hinahanap sa lintik na design?
"Baka models, ma'am?" suhestiyon niya. Tutal wala naman raw mali sa disenyo na, baka sa mga modelo ang problema.
Namilog naman ang mga matanito at pumitik pa sa ere na akala mo naka-diskubre ng kung anong napakahalagang bagay, "Models! Yes!"
Weird talaga nitong si ma'am.
Imbes na maasar ay natawa na lang rin si Erin pagtakapos ay tumango-tango, "Kunsabagay ho napansin ko ngang masyadong maputi ang at makikinis ang nakuha nating modelo para sa issue nating rancho ang setting."
Dapat kasi kumuha kayo ng modelo iyong medyo moreno, matipuno. Iyong kaya kayong buhatin sa concrete dikes sa may seaside ng MOA para magstargazing. Iyong mukhang di naliligo pero ang bango-bango, maaamoy mo sa buong sasakyan yung amoy niya kahit na medyo maaasar ka lang kasi mang-aagaw pala siya ng taxi. Iyong...
Teka...
Bakit si Anton ang naiisip ko??
"Yes! Oh my gosh, bakit ba hindi ko agad naisip iyan noong photoshoot. Sa Friday na ang printing! Pwede mo pa bang magawan iyon ng paraan?"
Unti-unting napakamot ng kilay si Erin dahil sagad na talaga ang powers niya sa ginawa niyang editing para magmukhang latino ang nakuha nilang mga modelo. "Eh, ma'am, unless makahanap tayo ng mga bagong modelo bukas, malabo na hong magmukhang latino pa ang nasa cover ng brochure."
Ilang segundo rin itong halos maglupasay at mag-walling dahil sa helplessness nilang dalawa sa sitwasyon. Itinikom na lang niya ang bibig at hinayaan ito sa sandaling pagwawala. Wala sa sariling napapadalas na rin ang pagtingin niya sa sariling relo dahil sa appointment niya kay Dr. Alfonso, idagdag pa ang larawan ni Anton na tiyak n anaghihintay sa kanya sa lobby. Napansin naman iyon ni Miss Yannie, "Sorry, may lakad ka ba? I know undertime ka nga pala ngayon. Ganito na lang, tawagan kita hanggang bukas kung makahanap man ng bagong models. Are you okay to work tomorrow if ever magka-ambush photoshoot man tayo?"
Nag-isip siya saglit kung anong raket ba ang nakaschedule bukas... Clinic lang naman ako bukas.
"Sige, ma'am, pwede naman. Tawagan niyo lang ho ako agad para makapagpaalam sa boss ko."
"Okay great! Sige, I won't take any more of your time. Pasensya ka na talaga."
"Naku, okay lang ho iyon, ma'am." Nakangiting sabi niya bago tuluyang tumayo at inayos ang gamit.
"Teka, Ortigas ang way ko. Gusto mo sumabay? How much pala yung cab mo kanina?"
"Okay na, ma'am. Nahila ko ho iyong kaibigan ko para ihatid-sundo ako."
"Ay, prinsesa. Perfect! O bueno, sabay na lang tayong bumaba."
Magkaagapay silang lumulan sa elevator at ilang sandali pa ay nasa lobby na sila. Nahanap ng mga mata niya si Anton na tahimik na nagbabasa ng mga magazines sa reception at mukhang tutok na tutok sa isa sa mga pahina, hindi na nga nito napansin ang paglapit niya. Gandang-ganda sa modelo, kyah?
Saglit siyang pinigilan sa paglalakad ni Miss Yannie at agad na ngumuso sa direksiyon ni Anton, "Who is that hunk?" bulong nito sa kanya.
"A-Ah, kaibigan ko ho."
"I like him!" mahinang tili nito na kulang nalang ay magningning ang mga mata habang tinititigan ang tahimik na binata na abala pa rin sa tinitingnan. Sino bang babae ang kinabi-busy-han nito? Nais niyang maghimutok ngunit naalala niyang may sinabi yata sa kanya si Miss Yannie.
"P-Po?"
Natawa si Miss Yannie mula sa kung anong ekspresyong nabasa nito sa mukha niya bago bumawi, "No, I mean, I like him to model for my brochure. I think he fits what we're looking for."
Napaawang ang mga labi ni Erin habang nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Miss Yannie at sa binata na kasalukuyan pa ring humaling na humaling sa kung kaninong modelong nakaimprenta sa lintik na magazine na hawak nito. Anong title ba ng issue na hawak nito? Bago pa siya makasagot ay lumapit na si Miss Yannie kay Anton.
"Hi, excuse me."
Maganda si Miss Yannie. Mahahaba ang binti at maganda ang hubog ng katawan. Kung hindi siguro siya supervisor ng advertising company na ito, baka isa ito sa mga modelo. Subalit sa kabila ng nakaka-starstruck na ganda ng amo niya, napangiti naman siya dahil hindi agad ito nilingon ni Anton. Kinailangan pa itong kalabitin ni Miss Yannie para makuha ang atensyon nito. And when he looked at Miss Yannie, he mostly looked distracted than pleased. Ibang-iba talaga ito kay Andrew. Ay, ba't nagcocompare?
Hindi kasi tulad ng kapatid nito, mukhang maramot sa ngiti si Anton. Madalas pa, kung ngingiti sa ibang tao ay pakiramdam niyang hindi naman talaga ito nakangiti. Na para bang nag-unat lang ito ng pisngi. Erin was amused to find Anton be the least interested to her gorgeous boss. Kunwari ayaw sa tao pero hindi naman mapuknat sa pagtitig...sa kabayo? Hayop ba ang tinitingnan nito mula kanina? Nang makalapit siya sa dalawa ay pasimpleng tiningnan niya ang pahina ng magasin na tinitingnan nito, nang matawa sa natuklasan ay minabuti nang sumingit sa usapan ng dalawa bago pa tuluyang makapagsungit ang binata.
"Anton, this is Miss Yannie, my boss," Erin introduced, discreetly elbowing Anton to stand up and acknowledge Miss Yannie's presence. Sumunod naman ito.
"Hi, Anton. I'm here to offer you a job. Are you a model?" nakangiting tanong ni Miss Yannie.
"No," Anton replies flatly.
"A-Ah, eh. Financial consultant kasi siya, Miss Yannie. Hindi ho siya modelo," bawi ni Erin. Baka maoffend si Miss Yannie sa rudeness ni Anton.
"Oh, alright. Anyway, we really need a model for our brochure and you're kind of what we're looking for. Kaya, please, help us," pakiusap pa ni Miss Yannie na sinabayan pa nito ng pasimpleng paghaplos sa braso ng binata at pinapungayan ng mata.
Ang siste, tinitigan lang ang kamay ni Miss Yannie sa braso nito at wala yatang planong sumagot, nahiya naman ang boss niya kaya binawi rin nito ang kamay kapagkuwan.
At si Erin, bilang mabuting empleyado at hindi maka-hindi sa mga boss niya, ang sumagot para sa tahimik paring binata, "Ah, M-Miss Yannie, ako nang bahala. Payag na 'to."
"Perfect! Thanks, sweetie. I'll see you both tomorrow 7am sharp, okay? Bye!"
Maganda ang ngiti nito nang iwanan silang dalawa ni Anton habang ang binata ay nakaawang lang ang bibig sa bilis ng mga pangyayari. Akmang magrereklamo ito subalit inunahan na ito ni Erin, "Hepepep! You owe me a night, remember?"
"Sabi ko nga. I'll pick you up at 6," labas sa ilong na pagpayag nito.
"Very good. O halika na, may appointment pa 'ko."
"I know—"
"Huh?" takang-tanong ni Erin.
"I mean, w-where to?"
Weird. Pero hindi na ito pinansin pa ng dalaga bagkus ay nagpatiuna nang maglakad palabas. "Makati. May appointment ako kay Dr. Alfonso. Late na nga ako eh, pero tinawagan ko na siya. Nasabi ko nga na male-late ako."
"Dr. Alfonso? Your doctor?" tanong ni Anton.
"Yup, he says he got good news. There's a potential donor for me!" tuwang-tuwang balita ni Erin saka pumalakpak pa.
"I can see you're happy. That's nice," komento nito na bagaman hindi nakangiti ay ramdam ni Erin ang kagaanan sa boses nito.
"It is! Hay, alam mo ba kung gaanong katagal ko nang hinhintay ang balitang ito? Alam kong hindi pa sigurado, pero hindi ko talaga mapigilang hindi maexcite."
"That's okay. Just try not to get so excited, baka atakihin ka na bago pa yung transplant. Ang malas naman 'nun."
Natawa ang dalaga sa naging biro ni Anton. "Alam mo, lucky charm ko talaga ang kuya mo. Magmula nang makilala ko siya, tuloy-tuloy ang magagandang nangyari sa buhay ko."
"That's good."
"It's the best! Alam mo, normally, I wouldn't allow myself to hope this much but your brother brings out this positivity in me. Ang cheesy pero pakiramdam ko talaga sobrang malaking blessing siya sa buhay ko."
Tahimik si Anton at hinayaan lang si Erin sa pagsisiwalat ng kagalakan para sa existence ni Andrew sa buhay niya.
"Minsan iniisip ko kung ano bang nagawa ko para makatagpo ng isang tulad niya. Ang bait-bait niya, ang guwapo-guwapo pa. Wuu! Lord!"
"Hey, don't sell yourself short. I'm sure Andrew is lucky to have you too."
Siniko naman siya ni Erin pagkatapos niyang sabihin iyon, nang lingunin ito ng binata ay nangingilid ang luha nito at halos mapunit ang pisngi sa laki ng pagkakangiti. "Hey, what's wrong?" tanong ni Anton.
"Wala, masaya lang talaga ako. Naooverwhelm ako sa nangyayari ngayon sa akin. Tapos idagdag pa na mas mahabang panahon pa ang nadagdag sa akin para gawin lahat ng bagay na gusto kong marating dahil may bagong puso na ang nakalinya para sa akin. Grabe, pinapangarap ko lang dati iyong ganito."
Ngumiti lang si Anton at tahimik lang rin sa pakikinig sa mga sentimiyento ni Erin tulad dati. Magaan ang pakiramdam ng dalaga, masaya talaga siya. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para makilala kung kanino mang puso ang maibigay sa kanya para makapagpasalamat rito sa kahit na anong paraang alam niya.
"How do you feel about that? You know, some stranger will be giving their heart to you. Literally," tanong ni Anton kapagkuwan.
"Siyempre honored! Imagine, ni hindi niya ako kilala pero mapupunta sa akin ang puso niya. I don't really know how it works, pero kung pwede, sana makilala ko siya."
"Really? Why?"
"Wala lang. Siguro para magpasalamat. Tsaka para tingnan kung may pagkakapareho ba kami, kung magiging swak ba kami ng puso niya."
"What's the point? The person will die, anyway."
"Ang nega ha!" tinampal ni Erin ang braso ni Anton. "Ang akin lang naman, baka lang may ibang nagmamay-ari ng puso niya, you know, figuratively."
"Huh?"
Erin rolled her eyes at Anton, "I mean, my donor might be in love with someone. Palagi ko kayang iniisip iyon. Baka iyong mapuntang puso sa akin, may mahal pala. Automatic ba na kailangan kong ituloy yung love story nila?"
Natawa naman si Anton sa naging inclination ni Erin, "Nah, I don't think that's how it works."
"Naku, malay ba natin."
"Also, I wouldn't lean towards the notion that your donor is in love with anyone."
"Nge? Ba't mo naman nasabi?"
Halatang nag-isip ang binata sa isasagot sa dalaga, ilang sandali rin ay sabi na rin niya, "Well, if your donor is really in love with anyone I don't think he'll be willing to give his heart that easily."
"Sabagay. Ang sad naman 'nun."
"Is it?"
"Yeah. Mamamatay ka ng hindi naiinlove?"
"What's wrong with that? I know many would agree that falling in love is such a hassle."
"Siguro. But it's a requisite to life. Hindi mo masasabing nabuhay ka nang buo kung ni minsan sa bahay mo ay di ka nainlove."
"Ganoon ba 'yon?"
Erin smirked smugly as she shook her head sideways, "Try mo kaya. See for yourself."
Tiningnan lang siya ni Anton nang walang ekspresyon sa mukha subalit may kung anong pinahihiwatig ang mga mata ng binata. There's warmth, and fondness in them that pulled Erin in to his two, brown hues. Wala sa loob ng dalagang napahawak sa dibdib niya. There it was again, the rapid beating in her chest as if her heart wanted to jump right out. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya pinangangapusan ng hininga. Hindi na rin siya nahihilo. Although she can feel a slight burning in her cheeks, pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa mga pisngi niya kasabay ng pakiramdam ng kaunting pagkahiya habang nalulunod sa magagandang mata ni Anton. Nauna siyang magbawi ng tingin. Ilang segundo rin siguro silang nabalot ng katahimikan bago niya naramdaman ang paghimpil ng sasakyan.
"We're here," anunsiyo ni Anton.
Thank God.
"G-Gottagobyethanks."
Erin practically flew out of the car.
ILANG MINUTO nang gising si Erin subalit nakahiga pa rin. Hinihintay na lang niyang tumunog ang alarm clock bago tuluyang bumangon. High na high yata siya sa naging takbo ng araw niya kahapon kaya hindi siya gaanong nakatulog. Naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Dr. Alfonso. Sa katunayan, ang sabi ni Dr. Alfonso, kung maging maganda ang resulta ng mga lab tests niya, pwede na nilang i-schedule ang surgery sa susunod na dalawang linggo. Habang nakahiga ay kinapa ni Erin ang parte ng dibdib niya kung saan tahimik na pumipintig ang dispalinghadong puso niya.
"Hi, my heart. Salamat at nakatagal ka sa akin hanggang 27 years. Pasensya ka na kung napapagod ka sa akin palagi ha? Alam mo naman kung bakit diba? Konting tiis pa at may papalit na sa'yo at tuluyan ka nang makakapagsiesta."
Napangiti si Erin sa sariling mga salita, ngunit hindi pa siya tapos. "Kung mangyaring may mahal nang iba iyong donor ko, bulungan mo nalang iyong kapitbahay mong mga ugat diyan na si Anton—este, Andrew pa rin ang original." Napatigil siya sa naging pagkakamali, kasabay ng pagbaha ng alaala nilang dalawa sa loob ng sasakyan ni Anton kahapon. Hoy, Erin, magtigil ka. May Andrew ka na!
"Ikaw kasi, my heart, nililito mo ako. Masaya tayo at mahalaga sa atin si Andrew pero bakit kapag nandiyan si Anton halos tumalon ka palabas sa ribcage ko? Sino bang amo mo? Ako ba o si Anton? Pumirmi ka, ha. Dispalinghado ka na nga, salawahan ka pa rin. Hindot!"
Tinapik-tapik pa ni Erin ang dibdib niya na akala mo alagang hayop na pinapaamo ang puso niya. Habang nakatulala siya sa kisame ay saka namang tumunog ang alarm niya. Sinimulan na niya ang mabagal na pagkilos papunta sa banyo nang magulat siya sa dalawang magkasunod na pag-busina. "Ay, hindot!" Asar na dumungaw siya sa bintana para samain ng tingin ang kung sino mang gumambala sa kagandahan ng umaga niya. Nakita niya ang sasakyan ni Anton na nakaparada sa harapan ng bahay nila. Literal na napanganga siya sa gulat bago dali-daling tumakbo palabas, hindi na naalala pang tingnan ang sarili sa salamin.
Binuksan niya ang gate kung saan naghihintay si Anton, suot ang isang short-sleeved, buttoned-down polo and a pair of ankle-length pants. Hindi agad nakabuo ng lehitimong salita si Erin sa pagshort-circuit ng utak niya mula sa pagkakita sa binata kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagbubukas sa gate. "A-Ang aga mo naman!"
Tiningnan lang rin siya nito, with that signature non-smile, faint smirk on the side of his lips and a shadow of amusement passing in his eyes. Tahimik nitong pinanood ang bawat paggalaw ng mukha at katawan ng dalaga, tila kinakabisa ang bawat anggulo nito. He unconsciously reached a finger to gently poke her cheek before entering the residence's gate. "Hi."
"Erin?" boses iyon ng Ninang Hannah niya.
"Ma, si Anton po. Kapatid ni Andrew. Sasamahan niya ako sa opisina ngayon." ani Erin habang naglalakad sila papasok sa bahay, bilang paliwanag para sa ginang.
"Ah, kamusta ka, hijo—Sandali... Sinama mo na ba siya rito dati?" tanong ni Ninang Hannah.
"Huh? Ngayon lang iyan nagawi rito." Bumaling si Erin kay Anton. "Teka, bakit nga pala alam mo ang bahay namin?"
"A-Andrew told me. Hindi naman mahirap hanapin ang bahay niyo," sagot naman ni Anton.
"Aah, buti naman." Napansin ni Erin na wala pa ring puknat sa pagtitig ang Ninang niya sa binata, ayaw naman niyang mailang si Anton kaya marahang sinaway niya ito, "Ma, magkahawig lang talaga sila ni Andrew kaya mukha siyang pamilyar."
Nagbawi naman ng tingin ang Ninang Hannah ni Erin pagkatapos mapansin ang alanganing pagngiti sa kanya ni Anton, "Ah, oo nga. Pasensiya ka na, hijo. Halika pasok ka." Binalingan si Erin ng Ninang niya, "Ikaw, Erin, maligo ka na. Nakakahiya sa bisita mo, may muta ka pa."
"Mama talaga," reklamo niya sabay agad na pinalis ang kung anumang kahihiyan sa mga mata niya. "O siya, Anton. Maliligo lang ako, ha. Magkape ka muna." paalam niya at iniwanan na ang dalawa.
"SAAN BA ang punta niyo ngayon?" tanong sa kanya ng Ninang ni Erin habang naghahanda ito ng kape para sa kanya.
"Sa office ho nina Erin. Sa Makati."
"Ano na nga uling pangalan mo? Sa kadaldalan ni Erin ay hindi ko na maalala kung nabanggit niya ang pangalan mo, pasensiya ka na."
"Wala hong anuman, ako po si Anton."
Nginitian siya ni Aling Hannah kasabay inabot ang isang tasa ng kape. He wandered his eyes around the simple kitchen, it's nothing grand but there's a homey sense one can appreciate while staying there. Nakikita lang niya ang labas ng bahay ni Erin nang patago noon, ngayon ang unang beses na tuluyan siyang nakapasok hanggang sa kusina. A faint smile formed along his lips while picturing a young Erin growing up within these walls. Cute.
"Ang laki nga ng pagkakahawig mo kay Andrew, ano? Pasensiya ka na kanina kung malimit kitang matitigan dahil talaga namang napakaguwapo niyong mga binata," nakangiting komento ng ginang at naupo sa harapan niya, hawak ang sarili nitong tasa ng kape. "Natutuwa ako at lumalaki na ang sirkulo ni Erin. Madalas kasi kami lang ni Kaloy at mga kaibigan niya ang nakikita kong kasama niya. Magmula kasi noong nawala ang mga magulang niyan ay sinubsob na niya ang sarili sa trabaho, nag-iipon para raw sa bagong puso niya."
He could see the fondness and adoration in the eyes of the woman while she spoke of Erin. Tila inang tuwang-tuwang ikwento ang anak. Tumayo ito sandali at pumasok sa sala, pagbalik nito ay may bitbit itong isang photo album. Ibinuklat nito iyon sa harapan ni Anton sabay humagikgik nang bumungad sa kanila ang litrato ng batang si Erin habang nakasakay sa carousel.
"Heto ang una at huling punta ni Erin sa amusement park. Pagkatapos kasi naming mamasyal ay sobra siyang napagod kaya hindi na namin pinaulit." Kahit nakangiti ito ay mababakas ang pangungulila sa boses nito. It must have been too hard for her to keep Erin from the simple joys like amusement parks. He can only imagine how much of an adjustment they had to go through for Erin. Maswerte si Erin dahil mapagmahal at mabubuti ang mga taong nagpalaki sa kanya. May parte sa kanya na naniniwalang kung maging successful man ang transplant ng puso niya sa dalaga, he'd be part of that loving environment, too. Finally.
Tahimik lang si Anton na nakikinig sa pagkukuwento ni Aling Hannah, minsan ay sinasabayan niya ito sa pagtawa tuwing may kinukwentong kalokohan na ginawa si Erin noong bata. Naputol ang kwentuhan nila nang humahangos na pumasok sa komedor si Kaloy, ang kinakapatid ni Erin at kaisa-isang anak ni Aling Hannah.
"M-Ma, si Papa n-nawawala!"
"Anak, matagal nang wala ang Papa—Hala si Papa!"
Napatayo na ng tuluyan si Aling Hannah habang si Anton ay nalilito pa rin, nilingon siya ng binatang si Kaloy, "Sino ka?"
"Ah, si Anton. Kapatid ni Andrew, sinusundo ang ate mo at maaga silang aalis. Sandali, nasaan na ba si Papa?" nilingon siya ng ginang at napangiti lang sa nakitang kalituhan sa mga mata niya, ngumiti ito sa kanya, "Ah, si Papa yung aso namin. Ewan ko ba diyan kay Erin at iyon ang ipinangalan. Teka ha, maiwan ka muna namin at hahanapin namin si Papa. Palabas na si Erin niyan."
"Kailangan niyo ho ba ng tulong?" alok ni Anton sa dalawa na akmang palabas na ng kusina.
"Naku, huwag na. Maaga ang alis ninyo ni Erin, hintayin mo na lang siya rine."
Tahimik lang na sumunod si Anton at nawala na ang dalawa sa paningin niya. Ilang saglit ding pinagmasdan ni Anton ang pintuang nilabasan ng mag-ina, pumasok sa isip niya kung ano ngang pakiramdam na maging parte ng pamilya ni Erin. Sa ilang beses niyang pagsulyap mula sa labas ng bahay nila hanggang sa tuluyan niyang makakwentuhan ang Ninang nito kani-kanina lang, maswerte ang sinumang tatanggapin ng mga ito sa buhay nila. Maswerte si Erin, at kung sila nga ni Andrew ang magkakatuluyan, maswerte rin ang kuya niya. Siguro ganoon nga talaga, good things happen to good people. At para sa mga latak ng lipunan na tulad niya, maswerte na siya dahil kahit papaano'y nakatikim siya ng ganoong karanasan. Kahit saglit na panahon lang.
There's a bitter lump in his throat while his mind is flooded with thoughts about how happy Erin and Andrew would be in the future. Wala sa sariling umigting ang kanyang mga bagang nang makapa ang mumunting inggit sa loob niya. Why can't I be the happier one, instead?
Isang mapait na ngiti ang sinagot ni Anton sa sarili. Who is he kidding? Happiness is something impossible to achieve for people like him. Clinically and emotionally speaking, nakaprogram siya para mag-overthink, mag-analyze hanggang pati ang idea of happiness ay clouded na para sa kanya. He's fucked-up. Fucked-upness and happiness don't mix.
"Nasaan na sila?" Erin's voice broke him from his trance. Nasa likuran niya ang entrada ng kusina kaya hindi niya ito napansin. Umikot siya upang makita ito, na agad rin naman niyang pinagsisihan dahil halos maging mabuway ang tindig niya nang bumungad sa kanya ang mabangong amoy ng dalaga. It's a mixture of lavender, spring breeze and...her. She smelled so good, Anton almost gathered her up in his arms and bathed in her scent. If scents can be lovely, that is her. Erin's wearing a simple sundress, matched with a pair of white sneakers, accentuating her petite yet curvy frame. There's a slight wrinkle on her skirt, as if she only decided to wear that on the last minute. Medyo basa pa ang buhok nito at walang gaanong kolorete sa mukha pero parang nasilaw si Anton at hindi nakaimik. Erin is as radiant and as beautiful like the morning sun.
"Huy."
Hindi napansin ni Anton na ilang sandali pala siyang natulala sa dalaga, tumikhim muna siya bago pasimpleng ipinilig ang ulo para mabawasan ang pag-aagiw nito, "Uh, y-yeah. Nawawala raw si Papa, hinanap nila."
May kung ano'ng nakita si Erin sa ekspresyon ni Anton na ikinatawa ng dalaga, it made Anton conscious especially when she's looking at him like that. "What?" labas sa ilong na tanong ng binata.
"Tinawag mong Papa si Papa. Naalala mo ba kung paano ka nahindik 'nong una mong nalaman kung sino si 'Papa' sa buhay ko?" the laughter in her tone is contagious, Anton found himself chuckling in response.
"Erin, kahit sino ay mahihindik kapag narinig kang may kausap sa telepono at nagbibigay ka ng instructions kung paano itatali at sasalaksakin ng asukal ang 'Papa' mo."
Tuluyang napahalakhak ng malakas si Erin sa sinabi niya. And Anton, bless his sanity, just watched her in complete wonder. How can she be artless and elegant at the same time?
Ilang sandali rin ang itinagal ng pagtawa nito hanggang sa tuluyan pang mapaluha, "Hay, bentang-benta talaga sa akin ang reaksyon mo 'non. Iba ka." ani Erin pagkatapos punasan ang pamamasa sa gilid ng kanyang mga mata. "Halika na, baka maipit tayo sa traffic."
"Aren't you worried about your dog?"
"Naku 'yang si Papa lagi namang lumalayas 'yan. Wala nang bago 'ron," malaki pa rin ang ngiti nito pero may mabilis na dumaang emosyon sa mga mata ni Erin na hindi rin niya nahuli para intindihin pa.
"Malay mo naman may rason kaya lumalayas."
"Huwag na tayong umasa, nakamamatay. Pero si Miss Yannie maaasahan mong pagagalitan tayo kapag na-late tayo sa call time. Halika na."