Chereads / After Her Heart [COMPLETED] / Chapter 12 - Chapter Nine

Chapter 12 - Chapter Nine

"BHEEEEEEEEE! WE heard the news!"

"We're so happy for you, mamsh!"

"Kailan raw ang operasyon mo?"

"OMG! Ang saya-saya talaga!"

Hindi magkamayaw sa pagbati ang mga kaibigan ni Erin nang pagbuksan niya sila ng gate. Linggo ngayon at dalawang araw pagkatapos niyang matanggap ang napakagandang balita mula kay Dr. Alfonso, nakaschedule na siya for heart transplant sa susunod na dalawang linggo. Don't get her wrong, masaya siya. Masaya naman siya sa balitang kay tagal rin niyang hinintay, at hindi akalaing agad na makakamtan. Subalit sa kabila ng masayang pagbati at halos yugyugin na siya ng mga kaibigan sa pakikiramay sa kaligayahang dapat ay nararamdaman niya, balisa si Erin at hindi mapakali. May parte kasi sa kanyang gustong ibahagi kay Anton ang magandang balita dahil alam niyang matutuwa rin ito para sa kanya.

Okay lang naman siguro, tutal magkaibigan naman kami?

"Hello? Earth to Erin?" marahan siyang siniko ni Essa sa tabi niya. Nilingon niya ito at napansing dalawang pares ng mga mata ang naghihintay sa kanya. Binisita siya ni Essa at Meera nang araw na iyon, bagamat binalak niyang manahimik lang at magpahinga maghapon, kahit paano'y natuwa siya at narito ang dalawang madaldal na mga kaibigan para aliwin siya.

"H-Ha? Ano nga iyon?" litong tanong ni Erin sa dalawa.

"Si Tita Hannah, tinatanong ko kung nasaan at bakit parang mag-isa ka rito?" si Meera ang sumagot.

"Wala, namalengke. Kumain na ba kayo?" wala sa sariling tanong niya sa dalawa.

Imbes na sagutin siya ay maang lang nilang tiningnan si Erin na para bang hindi makapaniwala sa naging tanong niya.

"OMG."

"Sino ka at anong ginawa mo sa kaibigan namin?"

"Huh?" kunot-noong balik-tanong sa kanila ni Erin.

"Erin, you never shared food," mabagal na paliwanag ni Essa na para bang ang simpleng pahayag na iyon ang paliwanag para sa lahat ng alalahanin niya.

Tumango naman si Meera sabay dagdag ng, "Ikaw ang madalas manghingi ng pagkain, hindi ang mang-alok."

"H-Hindi ah. Grabe kayo, gano'n ba ako kaburaot?"

"Bhe, ultimo ang aso niyong si Papa walang mapala sa'yo kapag gusto mo ang ulam. Simot na simot."

"Kaya nga nagdala na lang kami ng pagkain dahil sigurado naman kaming hindi ka marunong maghanda para sa bisita," tinaas pa ni Essa ang hawak na isang box ng muffins at maliit na tray ng lasagna na siguradong sariling gawa nito kaya agad siyang naglaway.

"Okay ka lang ba?" si Meera ang nagtanong.

"I-I think so? I mean, I should be. Diba? Heto na 'yon, yung bagay na ang tagal kong pinagdasal, pinag-ipunan tsaka pinaghandaan ay sa wakas abot-kamay ko na. I should be happy."

Pumasok sila sa komedor, dumiretso si Essa sa lagayan nila ng plato para ayusin ang mga bitbit. Sila naman ni Meera ay inokupa ang dalawang upuan sa may mesa. Hinarap siya ng huli upang himuking isalaysay ang bumabagabag sa kanya, "...But?"

Erin just shook her head and shoulders in utter loss. Maging siya ay hindi na naiintindihan ang sarili, pakiramdam niya ay rereglahin siya para sumpungin ng ganito katindi. Yung totoo? Hormones or denial?

"Baka naman overwhelmed ka lang masyado. Kumalma ka kaya muna. Heto, kumain ka," ani Essa sabay abot sa kanya ng isang serving ng lasagna nito.

Tahimik namang nilantakan ni Erin ang pagkain habang nagpatuloy si Essa sa pagsasalita, isa itong special education teacher at bihasa sa field ng child psychology, "You know sometimes uneasiness is rooted from stress, anxiety and guilt. Kilala kita, madalas kang ganyan. Tuwing may magandang bagay sa buhay mo, agad kang mag-iisip ng kung anu-ano hanggang sa humantong ka na aayawan mo iyong magandang bagay kasi pakiramdam mo hindi mo deserve."

"Ilang taon mo 'tong hinintay at pinagdasal, pinaghirapan mo 'to," dagdag na rin ni Meera.

"See, a part of me knows that. Pero, ewan ko ba, hindi talaga ako mapakali. Siguro may takot? Nasanay kasi akong hanggang sa ganito lang, okaya hanggang diyan lang. Never kong inakala na makakarating sa higit pa. Parang biglang lumaki ang mundo sa paningin ko dahil sa balitang madudugtungan ang buhay ko. Alam niyo 'yon?"

Mataman lang siyang pinakikinggan nina Essa at Meera nang may nakauunawang ngiti sa mga labi.

"Biglang may pumasok na notion sa akin na magbabago ang lahat pagkatapos ng dalawang linggo, tapos naisip ko na baka magbago na rin ako," dagdag ni Erin. She's not usually this chatty about her thoughts but she's glad Meera and Essa were there for her to confide in.

"Sira ka ba, talagang magbabago ang lahat. Imagine, buong buhay mo may takot ka na bigla na lang magexpire ang puso mo. Tomorrow is something uncertain, every day is absolutely a miracle. Pero after two weeks, after ng transplant mo, magsisimula ka ulit. Tomorrow becomes less uncertain and today won't be a miracle anymore but a new opportunity to actually do something you're passionate about," sabi ni Meera na tinanguan naman ni Essa.

"Korek! Kung may bagay ka mang ikatakot ay marahil ang mga long-term choices na ginawa mo sa pag-aakalang short-term lang sila kasi nga diba feeling mo mamamatay ka na?" biro ni Essa, pero hindi siya natawa.

Her chuckle froze in mid-air because there's a bit of truth in Essa's words, and her friends are just too keen not to notice that. Nang hindi siya nakisali sa pagtawa ng mga ito ay dalawang pares ng namimilog na mga mata ang humarap sa kanya, parehong bibig ang nakaawang sa pinaghalong sumbat at gulat.

"Elaborate!"

"What the hell?"

Magkapanabay na tanong ng mga ito na hindi naman alam sagutin ni Erin kaya tabinging ngiti na lang ang piniling isagot sa dalawa, ngunit halatang hindi kumbinsido sa sagot niya ang dalawa. Pinagtatampal ng mga ito ang magkabila niyang braso hanggang sa hindi siya nakatiis at tuluyang nang masabi ang isa pang bumabagabag sa kanya, "O-Okay! Okay!"

"Ano'ng ibig mong sabhin, Erin?"

"I...I might be doubting my feelings for Andrew."

Sa sinabi niya ay panibagong batch ng pagtatampal ang iginawad ng dalawa sa magkabilang braso ulit niya, "Aw! Aw! A-Aray!"

Iyon ang senaryong nabungaran ng Ninang niya nang makapasok ito sa komedor, "Huy, ano ba kayong mga bata kayo bakit kayo nagkakasakitan?"

Para silang mga paslit na nahuli ng nakatatanda, at parang mga bata rin siyang isinumbong ng dalawa sa Ninang niya.

"Tita Hannah, kausapin niyo nga 'tong inaanak niyo."

"Tita Hannah, si Erin apakaharot!"

Tiningnan lang siya ng Ninang niya at tila agad na naintindihan ang pinag-uusapan nila kahit kararating lang nito, imbes na magtanong ay isang mapang-unawang ngiti ang iginawad nito sa kanya, "Alam ko."

"Alam niyo??"

"Pero—"

Itinaas ng Ninang Hannah niya ang dalawang palad para pigilan ang dalawa sa panibago na namang litanya ng mga tanong, at lumapit sa mesa para makiupo at tuluyang makisali sa usapan. Naiintindihan niya ang pag-alma ng dalawa lalo na't botong-boto ang dalawa sa relasyon nila ni Andrew. Ayon sa dalawa ay si Andrew ang tipo ng lalaking hindi pinakakawalan at talagang deserve ng kahit sinong babae dahil kitang-kita naman ng mga ito kung paano siya alagaan ng binata. At aminado naman siyang napakaespesyal ng ipinaparamdam sa kanya ni Andrew, siguro'y kung hindi bumalik sa eksena si Anton ay baka tuluyan na niyang tinanggap si Andrew sa buhay niya. Kung hindi sana bumalik si Anton sa eksena, edi sana hindi siya nalilito ng ganito? Naks, ganda ka talaga gOrL no?

"Espesyal naman sa akin si Andrew. Pero nitong nakaraang mga araw ay nalilito na ako sa kanilang dalawa," pag-amin ni Erin sa mga kasama. "Mabait si Andrew, maalaga at napakaguwapo. Sinong babae ang magdadalawang-isip na ibuhos sa kanya ang lahat ng atensyon, diba?"

"Ikaw, ikaw lang 'yon. Nag-iisa ka, Mariah Catherine," gigil na sagot sa kanya ni Meera.

"Sandali, kailan pa nagsimula iyan? Nakapag-usap na ba kayo ni Andrew?" ani Essa.

"Hindi pa kami nagkakausap nitong linggong ito. Iniiwasan ko silang dalawa. And no, I don't know when this confusion began. Siguro simula nang bumalik sa eksena si Anton."

"Pero, mamsh, boyfriend mo na si Andrew. Hindi ba't dapat siya ang mas matimbang?"

"Siguro..."

"Siguro?? Kung hindi ka sigurado noon pa, bakit mo siya jinowa??" Akala mo tumaas ang presyon ni Meera sa agresibong pagrereact nito sa mga bagay-bagay.

"Bakit ka ba nagagalit?" asik na rin ni Erin rito. "Kasalanan ko bang malito ako? Dapat sa kanila kayo nagagalit dahil nililito nila ako! Aba, nananahimik lang ako rito, may sariling mundo, tapos papasok-pasok sila sa buhay ko? Para ano?"

"Para mahalin ka at turuan kang magmahal," doon lang nagsalita ang Ninang Hannah niya, may kislap ang mga mata at may tuwa ang ngiting ginagap nito ang mga palad niya. "Nagmamahal ka, anak."

"H-Ho? B-Bakit?" tila lalong nalito si Erin sa ipinahayag sa kanya ng Ninang niya. Hinigpitan nito ang hawak sa dalawang kamay niya at lumapad ang pagkakangiti bago sinagot.

"Anong bakit? Ang tamang itanong ay kung Sino?"

STRESSED IS an understatement.

Kabado si Erin at namamawis ang mga palad, malikot rin ang mga mata niyang iniikot ang dalawang mata sa kabuuan ng restaurant. Tinawagan siya ni Andrew kanina at pinapunta sa isang restaurant sa BGC at pinadalhan ng isang napakagandang bestida na siyang sinuot niya ngayon. Matapos ng naging pag-uusap nilang tatlo kaninang umaga ay kahit paano'y naliwanagan siya ng mga susunod niyang dapat gawin. Una na roon ay linawin kay Andrew ang status ng relationship nila. Aminado naman siya na sa bawat 'i love you' nito ay sinsagot niya ang mga iyon ng 'i love you too' at pakiramdam niya'y tama ang sagot niya kapag ngumingiti sa kanya si Andrew pagkatapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon. Isa si Andrew sa napakagandang pangyayari sa buhay niya sa mga nakalipas na linggo, at pakiramdam niya'y tama lang na isukli sa binata ang saya na pinaranas nito sa kanya.

Ganoon lang ba iyon? Parang utang na loob na dapat suklian ang pagmamahal ni Andrew?

Andrew has always made him feel like a Disney princess and tonight, as she took her steps inside the restaurant looking for her valiant knight, she felt that the fairytale has come to its ending. And she's not sure if it'll be a happy one. Sa wakas ay nakita niya ito, nagtama ang kanilang mga mata at awtomatikong nginitian siya nito. Nakatayo ito sa gitna ng isang hardin na napapalamutian ng maraming maliliit na liwanag na nagsilbing mga alitaptap sa marikit na gabi. Inilahad nito ang kamay nito nang tuluyan siyang makalapit at inalalayan siyang makaupo sa isa sa mga silya, at naupo naman ito sa harapan ng kanya. They're under the night sky and a lull of violin is to be heard in the background. It's like a scene in a romantic movie, lalo na sa ganda ng pagkakangiti ni Andrew sa kanya ay parang lalong nanigas ang panga niya pero kinaya pa rin niyang ngumiti. Hindi nga lang siya sigurado kung maganda ba iyon.

"Hi," bati nito. "You look really beautiful tonight."

"Thank you," sagot niya. "What's all this?"

"Wala naman. I've been out the whole week, I just thought I should make it up to you."

Parang pinipilipit na parang lubid ang sikmura niya dahil sa ka-sweet-an ni Andrew. She didn't mind it before, she even liked how romantic he is. Ngunit iba na ngayon. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili. Masaya siya sa piling ng binata pero hindi siya sigurado kung sapat na ba ang sayang iyon para ituring na pagmamahal. Bago siya pumunta sa restaurant ay kinondisyon na niya ang sariling sabihin kay Andrew ang mga bumabagabag sa kanya tungkol sa relasyon nila. Boyfriend niya ito at karapatan nitong malaman kung may problema siya sa pagsasama nila, hindi ba? Pero habang tinitingnan ni Erin ang kislap sa mga mata ni Andrew, ang ligaya sa bawat ngiti na binibigay nito sa kanya, bakit imbes na tuwa at pagmamahal ang maramdaman niya ay lungkot at panghihinayang ang nakakapa niya sa kanyang dibdib? Agad namang sinundot ang konsesnya niya nang mapagtantong hindi patas ang nararamdaman niya sa pagpapahalagang pinararamdam sa kanya ni Andrew.

"Andrew—"

"Hon—"

Sabay silang nagsalita at sabay ring natawa, ngunit nauna si Erin na makabawi, "Go ahead, sige, mauna ka na."

"I'd probably should get this done and over with before I ran out of courage to actually pull this through," nagsimula itong tumayo at lumapit sa kinauupuan niya, tila lalong lumiwanag ang paligid at mas naging malamyos ang musika. Nahigit ang hininga niya nang bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya habang hawak ang isang singsing.

Diyos ko...

Biglang bundol ang kaba sa dibdib niya at parang natuyo ang lalamunan niya dahil walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya. Andrew took her silence as cue to go on, "Erin, the day I met you, I thought I saw an angel. You bring light to my life and always push me to become the best version of myself. Thank you, my angel, for the wonderful three weeks. I'll be an idiot to let you go. So...will you marry me?"

Andrew is looking at her with pure love in his eyes, it tugged something in her heart and caused wetness in her eyes. The feeling is overwhelming yet enough to bring her clarity. Ginagap niya ang palad ni Andrew at iminuwestra para bumalik sa upuan. Kanina habang nakaluhod ito at hawak ang napakagandang singsing, ang tanging bagay na nasa isip ni Erin ay ang mukha ni Anton. It's breaking her heart that she has to do this to someone like Andrew but it's the truth they both need.

"Andrew... I'm sorry," simula niya saka nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. It's not the ending she expected for them, it pained her even more when she saw the disappointment replacing the light in his eyes. Pero saglit lang iyon, mabilis na bumalik ang ngiti sa mga labi ni Andrew ngunit hindi na umabot iyon sa mga mata tulad dati.

"You know I had a feeling you'd say that..." the smile on his face contradicted the longing in his tone. Andrew reached across their table and wiped her tears with his hand. "Hey, why are you crying? I'm the idiot who bought the ring," biro nito na ikinatawa rin niya sa pagitan ng pagtangis.

"Is it Anton?"

Tumango siya. Napangiti naman si Andrew, ngiti na may bahid ng pait.

"I'm sorry," aniya.

"Hey, it's okay. A part of me always knew, you know? The day I saw you guys in the hospital, I sensed it. I was just too stupid to still push my luck."

"Nahihiya ako sa'yo. Sobra. And I don't want to create a rift between—"

"No, of course not. I'm just happy you let me be with you even just for a short while," ngumiti itong muli sa kanya at marahang hinaplos ang pisngi niya. "You're still my angel."

"Andrew—"

"Bro! Erin! Hik!"

Naputol ang tagpong iyon sa pagitan nila ni Andrew nang dumating bigla si Anton. Mabuway ang lakad nito at may hawak na bote ng alak na kulang na sa kalahati ang laman.

"Congrashuleyshon!" bati nito sabay lagok sa hawak na inumin.

"Anton, what are you doing here?" si Andrew ang nagtanong. Si Erin ay mulagat lang na nakatanga kay Anton, hindi makapaniwalang narito ito ngayon. Despite his drunken state, his unruly form, there's no denying that her heart beats for him. Tulad ng unang beses silang nagkita hanggang sa huling beses na lumayo siya, walang pinagbago ang reaksyon ng puso niya para sa binata.

"I'm here to ekshtend my greetingsh," sagot nito sa kapatid bago lumingon sa kanya. "Erin. Hik!" lumapit si Anton sa kanya habang siya'y napatayo naman mula sa upuan niya dahil sa pagkakataranta. "You're byutipul."

"Thanks," sagot niya.

"But I'm not here to tell you dat, I'm here to tell you bowt dat I'm beri, beri happy por you! Cheersh! Hik!"

Bago pa ito muling makainom mula sa hawak na alak ay mabilis nang inagaw ni Andrew iyon mula sa kamay ni Anton, sabay sinapok ni Andrew ang huli, "What the fuck's wrong with you? She said no."

"What?" mukhang nilipad ng sinabi ni Andrew ang espiritu ng alak sa katawan ni Anton at mulagat na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa at sunud-sunod ang ginawang pag-iling, "No... No, no, no, no, no."

"What the hell are you saying?" litong-tanong ni Andrew.

"Oo nga, ano'ng ibig mong sabihing 'no'?" sa gulat ay naitanong na rin ni Erin. Hindi niya inaasahan ang naging reaksyon ni Anton, hindi rin naman niya inasahang magdidiwang ito dahil hindi pa rin naman malinaw sa kanya kung may nararamdaman rin ito sa kanya. Pero hindi niya mapigilang hindi sumama nang kaunti ang loob sa walang habas na pagtutol nito sa naging sagot niya kay Andrew.

"You should marry him," simpleng pahayag nito na para bang inuutusan pa siya.

"Excuse me?" nagpapantastikuhang tiningnan niya ito.

"Y-You belong to him."

Hindi na napigilan ni Erin ang sarili at hinampas niya sa dibdib si Anton bago nagmartsa paalis, ngunit napigilan siya ng pag-angil ni Anton, "What the hell was that for?!"

"That's for being a dumbass. Hindi mo ba napansin? I said no to him because I don't want to be with him. I want to be with you!"

Sa gigil niya'y hindi na niya naikonsidera ang mararamdaman ni Andrew, pasimpleng tinapunan niya ito ng tingin mula sa sulok ng kanyang mata upang tingnan ang naging dating rito ng sinabi niya. Andrew actually looked amused, she took it as a sign to continue.

"Pogi ka na sana kaso tanga ka. Manhid ka. Bakit ako magpapakasal sa kuya mo kung ikaw ang mahal ko?"

Ilang sandali itong napamaang sa kanya, payapang inubos ang natitirang alak sa bote na dala at bumaling ulit sa kanya, "Sinaktan mo ang kapatid ko kasi mahal mo ako? Bullshit, Erin."

The disdain in his voice made her wince, she almost took a step back but the shock kept her frozen in place. Lumapit sa kanya si Anton, his eyes looked cold and sinister, "I don't really know how to tell you this without being awkward but I don't think you're the kind of woman I should want in my life."

Umalingawngaw sa pandinig ni Erin ang mga katagang iyon mula kay Anton. Para siyang pinompyang ng katotohanan, para siyang sinaksak ng walang katapusan. Hindi siya makahinga... Suddenly the pretty lights became too bright, ultimately blinding her and leaving her lost in between time and space. Suddenly the world began spinning, pulling her into an endless loop where she felt herself falling. Deep... deep, down.

Then everything went black.