Chereads / After Her Heart [COMPLETED] / Chapter 3 - Chapter Two

Chapter 3 - Chapter Two

"HEP! PAMBIHIRA naman kayo, blowing of the cake na agad 'ni hindi niyo ko hinintay?" humahangos na nakisali si Erin sa apat na babae sa table na nakatungo sa isang kandilang malapit nang matunaw sa ibabaw ng isang cupcake.

"Ay, sino po sila?"

"Naka-order na ho kami."

"Dumating ka pa?"

"Himala! Buti naman may inabutan ka pang apoy sa kandila."

"Eh pasensya na, traffic kasi sa EDSA diba?" palusot niya sa mga ito bago iniabot sa celebrant ang regalo niya para rito, "Happy Birthday, Essang. Matanda ka na naman." Unahang nagtikwasan ang mga kilay ng apat na babae habang sinagot naman sila ng isang tabinging ngiti ni Erin tapos siya na rin mismo ang nanghipan ng pobreng kandila.

Namilog ang mga mata niya matapos tuluyang sumiksik sa tabi nina Meera at Randee, at sininghot-singhot ang umuusok pang sisig. Birthday ni Essa ngayon. Sumakto at day-off niya kaya hindi na kailangan pang madagdagan ang kasalanan niya sa langit dahil magsasakit-sakitan na naman siya para may dahilang hindi pumasok. Hayok man siya sa kwarta at trabaho, naging pangako naman niya sa sarili niyang hindi aabsent sa mahahalagang okasyon sa buhay ng mga kaibigan niya. Liban kasi sa Ninang niya at sa kinakapatid na si Kaloy, ang apat na babaeng ito na lamang ang pinakamalapit sa pamilyang maituturing niya.

"Hoy, Erin, sinumbong ka sa amin ni Tita Hannah. Hindi ka na naman daw magkamayaw sa trabaho. Iyang puso mo, sinasabi ko sa'yo," si Aggie ang nagsalita. She's the mom of their little group, palibhasa doktora kaya sanay na sanay manermon sa mga pasyenteng matitigas ang ulo.

"Dok, relax. Kaya ko. Very good kaya ako sa mga gamot ko. 'Lapit na nga kong bigyan ng star ni teacher Essang, eh."

"Naku, Aggie, immuned na sa trabaho iyang puso ni Erin. 'Eh sa love lang naman yan mahina," panggagatong naman ng celebrant na agad siyang kinindatan bago humagikgik ang tatlo pang kababaihan sa mesa nila.

Akmang dadampot siya ng isang buffalo wing at tuluyang dedmahin ang hirit ng kaibigan nang bawiin naman ni Meera ang plato mula sa kanya, "Hep! Huwag mong ikaila, nakita ka ni Randee kagabi sa may MOA na may kasamang fafa."

Tiningnan naman niya si Randee na inabala ang sarili sa pagtungga ng lemon juice. At tila dumaan ang isang anghel dahil ang mga madadaldal na kaibigan ay biglang natahimik, talagang hinihintay siyang magsalita. At kapag ganito ang estado ng mga ito'y, talagang kukulitin siya hanggang sa umamin siya. Alam niya iyon dahil ganoon rin naman siya. Hay, ang hirap palang maging target.

"Wala, kliyente ko lang. Meet up, alam niyo na, online selling." Maniwala kayo... Maniwala kayo...

"Hoy, Mariah Catherine, tigilan mo kami. Naghoholding hands pa raw kayo!"

"Anong holding hands, tinakpan ko lang ang mga mata niya kaya—"

Her friends' knowing smiles and mischievous looks made her realize she's fallen into their little trap. Wala naman talagang nakitang may kaholding-hands siya, ngunit dahil nagreact siya ay para na ring umamin siya na hindi kliyente ang kasama niya nang gabing iyon. Walang anu-ano'y pinaghahampas na siya ng mga ito habang hindi magkamayaw ang kantsyaw at tili. Naalog pang lalo ang huwisyo niya nang bigla na naman siyang yugyugin ni Meera, "Hala, bhe, dalaga ka na!"

"O dali, kwento. Nooooow,"

"Simulan mo sa pangalan niya. Who's this lucky guy na nakadagit sa mailap na atensyon ng isang Mariah Catherine Villaflor?"

"Correction, who's this guy na hindi nakaimprenta ang mukha sa paper bills pero nakadagit sa mailap na atensyon ng isang Mariah Catherine Villaflor?"

Sa sinabi ng mga ito'y abot-abot ang pigil niya sa sariling mangiti dahil mahina talaga siya sa tuksuhan. Lalo na kung tungkol sa lalaking iyon. Tatlong gabi matapos ng moment nila'y aaminin niyang hindi madaling makalimutan ang ganoong klaseng coincidence.

Huminga muna siya nang malalim bago kumagat sa hawak na binti ng manok at sumagot, "His name is Anton. Hindi ko na natanong ang apelyido, kagabi lang kami nagkita. At hanggang dun lang 'yon. The end."

Inulan na naman siya ng hampas at yugyog ng mga ito dahil sa kilig mula sa sagot niya. Hindi naman niya masisi ang mga ito dahil close to inexistent ang love life niya as far as they remember. All her life, she was focused on earning and saving enough. She had goals and dreams, and nothing is ever more valuable than achieving those. Wala naman talaga siyang balak bigyang-kahulugan ang gabing iyon. They were just two random strangers who randomly fought over a random taxi. Lukaret lang itong si Randee dahil napakadaldal, she wouldn't consider Anton as a potential love life dahil ni hindi umabot ng limang oras ang naging pagsasama nila. She doesn't even know the guy's last name, for Pete's sake. Nilingon niya ang kaibigang puno't-dulo ng pangangantsaw sa kanya at mahinang siniko, "At ikaw, Randeelyn Abuevo, anong ginagawa mo sa bay area ng MOA nang dis-oras ng gabi? Gusto mong isumbong kita sa Nanay mo?"

Mapagkakamalan kasi itong high school student sa height nitong hindi man umabot ng limang talampakan kaya madalas nila itong tuksuhin na lagot sa nanay kahit na malapit na rin itong mag-treinta anyos tulad nila. It was a very petty comeback coming from her, pero medyo naasar siya sa kadaldalan nito dahil siya tuloy ngayon ang target ng matatabil na kaibigan. Yan tuloy, napilitan siyang ikwento sa mga ito ang magical moment niya. Naks, magical moment? Saan na naman galing iyon?

Nahagip ng paningin niya ang malimit na pagtingin ni Randee sa entrada ng restaurant, tila may inaabangang pumasok. Sino naman? Halata na nananahimik ito, hindi tulad ng normal na pananahimik na gaya ng nakagawian niya, tila ba may gustong itago. Nag-iwas din ito ng tingin sa kanya, at sa tuwing lilingunin niya ito'y pasimpleng aabalahin ang sarili hanggang sa hindi na siya makabuwelo. Her knack at reading people and her keen instincts never faltered, something is up and her friend isn't ready to talk about it yet. Kaya hahayaan muna niyang sa kanya ang atensyon ng tatlo pa nilang kaibigan. She'll let Randee have her peace, tsaka na niya ito kukulitin.

May tatlong bubwit muna siyang tutuusin. Case in point, ang anim na pares ng matang tila abang na abang sa susunod na kwentong lalabas sa bibig niya.

"Okay, so Anton. Nice name. How'd you two meet? One night lang talaga? Wala ng tawad?"

"Saan niyo ginawa? Ehhhhh! Erin, hindot ka! Kinikilig ako!"

"Did you use protection? Diyos ko, Erin, please tell me you used a condom atleast."

Mukhang mahaba-habang distraction ang gagawin niya para sa kaibigan kaya, "Waiter! Beer pa nga."

Saglit silang nagpalitan ng tingin ni Randee before her friend mouthed a subtle "Thanks" and finished her lemon juice quietly.

HOW THESE girls can talk nonstop without losing breath is beyond his understanding. Magdadalawang oras na siyang nakaupo sa isa sa mga bar stools at tahimik na pinagmamasdan ang grupo ng mga babaeng kinabibilangan ni Erin. It's been three days since he and Erin met, naaalala pa kaya siya nito? That night was probably the best night he had after a long while. It's not even involved in hedonistic pleasures like how he's used to. It was just pure, genuine peace. It's the first night he hadn't thought about the ending, just a hopeful new beginning.

Hope.

Pasimpleng pinilig niya ang kanyang ulo upang wakasan ang kahit anong ideyang mabubuo mula sa simpleng salitang iyon. He knew better than let himself believe there's redemption after what he did...

Flashback 2 years ago....

26 March 2015

"Hi, my name is Anton and I'm an addict."

It took every ounce of his self control to keep himself from rolling his eyes as he spat out those words. Sinabayan pa ng palakpakan ng mga tukmol na lalong nakakairita. His parents signed him up for a 28-day rehab as part of the program they want as proof that he really is committed to change.

Well, fuck change.

"Anton, tell us something about your day." ani therapist. Nakapaikot sila sa isang maliit na bilog, walo silang present nang araw na iyon. Walong lulong sa alak, droga, minsan pareho. Walong taong itinali sa isang pasilidad na ginawa upang tulungan silang kumawala sa hawla ng kadilimang wala naman talagang nakakaintindi. Walong nilalang na may iba't-ibang kwento ngunit pito lang sa grupong iyon ang taos-pusong gustong magbago.

Tiningnan niya ang mga kasamahan isa-isa, walang kaalam-alam na siya si Cedric Anton Avila, ang bunsong anak ng mag-asawang doktor na nagmamay-ari ng chain of hospitals and rehabilitation centers sa buong bansa. Hindi niya masisisi na hindi siya kilala. He's always been away from the 'spotlight', always wrecking havoc to 'the family's legacy', kaya hindi niya masisisi ang mga magulang kung sila mismo ay kinahihiya siya. He's a disgrace to the family name, sinong matinong miyembro ng alta-sosyedad ang gustong maiugnay sa isang tulad niya.

Katatapos lang ng daily phone time niya ilang minuto bago magsimula ang group session nila ngayong hapon. Ang abogado niya ang nakausap niya, ibinalita na ang isinampang kaso sa kanya ng pamilya ni Katie, ang huling pasyenteng hinawakan niya, ay tuluyan nang naibasura.

He swallowed the bitter lump in his throat as memories of Katie started flooding his mind again. Pinilig niya ang ulo upang iiwas sa direksyon nito ang daloy ng isip niya at ibinalik sa naging tanong sa kanya ng kanilang therapist.

"I'm okay, Susan. Ikatlong araw pagkatapos kong malugmok sa kulungang ito, alam mo ba kung anong unang bagay na pumasok sa utak ko kaninang paggising ko? Whiskey. Clear. Crystal-like against the afternoon sun."

"Anton—"

"Ang pinagsamang init at pait na guguhit sa lalamunan mo ay sapat na para makalimot sa lamig at tamis ng mga kasinungalingan ng totoong mundo," dagdag niya na binuntutan ng mahinang pagtawa.

Isa-isa niyang pinanuod ang pagningning ng mga mata ng mga kasama niya, tila iisa ang dumadaloy sa isipan nila ngayon: Isang tikim pa.

"That thick, phenolic taste balances with the sweet undertones. I like a bit spicy with a hint of nut, aromatic, enough for you to go crazy in one gulp."

There's a cold, sinister smile dancing along his lips as he watched the people in his group practically salivate over the idea of a glass of whiskey. Ngunit hindi pa siya tapos. Nagpatuloy lang siya sa pasimpleng pagtorture sa mga kamukha niyang bilanggo sa kamay ng alak at bisyo. Pabalik-balik na siya sa mga ganitong rehab facilities, labas-masok at paulit-ulit sa ginagawang therapy sessions na para bang makakatulong iyon sa isang tulad niya na wala nang puwang ang pagbabago.

He tried it once. Ano'ng napala niya? Nakapatay pa siya.

He's a well-renowned neurosurgeon and Katie was her patient. Labintatlong taong gulang na batang punung-puno ng buhay, she was diagnosed with late stages of brain tumor. She was ready—excited for her surgery, her potential chance to a normal life. And he ruined it.

Ang akala kasi niya'y kabisado na niya ang sarili, na kaya na niyang imaintain ang pagkalulong sa bisyo. Anton measured all his intakes to a minimum, not too much and not too little—just enough to keep his head straight without worrying about the side effects of withdrawal. He found a loophole and was happy to live in it.

Everything was starting to go well, with his patients, his parents, his whole life was starting to get better with his newfound regime. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinumpong ng kaliwa't-kanang seizures si Katie kaya isinugod ito sa ospital. It required him to do immediate surgery, he got a beep in his pager from the emergency room but he was so high to even bother checking other things. Nothing mattered other than the shit he blows up to his nose and the poison he drains down his throat.

Anton checked his phone come morning and found 33 missed calls, all from the emergency room. Hindi siya nagdalawang isip at halos liparin ang distansya mula sa kanyang condo hanggang sa ospital. She was in a medically-induced coma when he arrived, brain dead and there's nothing much he can do. Makina na lang ang bumubuhay rito, hinihintay na lang siya ng kanyang staff upang kausapin ang pamilya nito tungkol sa estado ng pasyente.

It was the worst day of his life. At habang abot-abot ang galit sa kanya ng mga magulang Katie, wala nang mas lalala pa sa galit niya sa sarili niya. He's a scum of the earth, the lowest of the lows, the worst asshole to ever live this world. Walang puwang ang pagbabago sa mga katulad nilang nakatali na ang ligaya sa bisyo. Magsama-sama silang mabulok sa impyerno.

"ENOUGH!!"

Natahimik ang lahat matapos dumagundog ang boses ng head psychiatrist na tinatawag nilang Mr. V, maging siya ay hindi niya alam ang kabuuan ng pangalan nito at hindi na niya inabala pang alamin dahil wala rin naman siyang pakialam. As far as Anton's concerned, he's just one of his parents' bitches.

Diretso ang tingin nito sa kanya habang dalawang nurse attendants ang nagtutulungan para mapanatili ang dalawang kamay niya sa kanyang likuran. Hindi na siya naglaban dahil alam naman niya kung saan siya dadalhin, he's done this enough times to know the routine. Mas pabor pa nga sa kanya dahil sa loob ng tatlong araw, matatahimik na rin siya.

Kinulong siya sa isang puting silid na walang bintana, they call it The White Room. Doon inilalagok ang mga sutil na rehab patients na tulad niya. Ilang sandali pagkatapos nilang tanggalin ang pagkakagapos ng mga kamay niya ay siyang pagpasok ni Mr. V sa silid. Umupo ito sa harapan niya kipkip ang isang folder.

"Hello again, Anton," umpisa nito saka siya nginitian. Napakunot siya ng noo. Ngayon lang ito nagsagawa ng session sa labas ng opisina nito. Anton has been a regular 'tenant' of the facility and he's quite sure behavioral assessments happen after the patients spend atleast 36 hours in The White Room, so what the fuck is this about?

"I want my peace, leave me alone," malamig na sabi ni Anton sa doktor ngunit hindi naman ito natinag, bagkus pinagkrus pa ang dalawang binti at sumandal sa monoblock chair na pinasok ng isang staff.

"Oh, haven't you heard? I'm stuck here with you for the next 48 hours."

Tumawid ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi ni Mr. V, "Hello, roomie."