SABADO NG gabi.
MRT Ayala Station.
Ingay ng lungsod at sunud-sunod na tunog ng pagbuntong-hininga mula sa mga taong nasa huling gabi ng shifts nila sa mga trabaho nila. Everybody is waiting for the weekend. Everyone's dreading the rest they all deserved from the full week they just finished. Everybody else except her.
Not Erin.
'Sleep is for the weak' ang dramahan ng lola niyo.
Malimit ang pagtingin niya sa orasan dahil dalawang minuto na lang ay mahuhuli na siya sa isa pang gig niya para ngayong gabi. Siguradong sermon na naman ang aabutin niya sa boss niyang Intsik pero ano naman nga bang magagawa niya kung ang tanging bagay na nagtatagal sa mundong ito ay lintik na traffic at dispalinghadong public transportation? Matapos ng ikatlong hikab niya sa makalipas na dalawang minuto ay tumunog ang cellphone niya.
Ang kinapatid niya ang tumatawag.
"O, Kaloy—"
"Ha? Si Papa? O anong nangyari?"
"Ayaw kumain? Bakit? Matamlay ba? Salaksakin mo muna ng asukal sa bibig."
"Pilitin mo. Sabayan mo ng tubig para mabilis pumasok."
Sunud-sunod ang bilin niya sa kausap sa kabilang linya, pinagtitinginan na siya ng tao sa paligid niya sa lakas ng boses niya. Maingay ang paligid at wala siyang pakialam. Iisang ekspresyon ang nakapako sa mga mukha nila—pinaghalong windang at pagkasuklam.
"Talagang magwawala yan. Itali mo ang paa. Pati ang kamay."
Parating na ang tren.
"O, Kaloy, ikaw na bahala kay Papa. Nandito na ang tren. Basta ha, asukal lang katapat niyan. Bye."
Walang kiyeme niyang binaba ang tawag bago nginitian ng matamis ang lalaking nahuli niyang maang na nakatitig sa kanya bago sumakay sa loob ng tren. Puno ang bagon, pinagkasya niya ang maliit na katawan sa pagitan ng dalawang lalaking nakatayo sa gitna na malapit sa pinto. Nang makapasok ang huling pasahero ay nagsara na tren at nagsimula nang tumakbong muli. Nagsawa ang mga mata niya sa pagpapalitan at pagsasayawan ng mga ilaw sa gabi. Araw ng Sabado, walang pasok ang karamihan, subalit puno at maingay pa rin ang mga kalsada para sa tulad nilang hindi kilala ang salitang 'pahinga'.
Graphic Designer sa umaga, Vet assistant minsan, bartender sa gabi, make-up artist anytime. Markado na nga siya sa Red Cross dahil noong huling ginusto niyang magdonate ng dugo ay puro kape na lang ang nananalaytay sa mga ugat niya. Siguro kung isang sakit ang pagsubsob sa pagtatrabaho, mayroon siya 'non. At kiber lang. Ang importante, may pera.
"Kuya, Ortigas tayo. Greenfield."
Subalit bago pa niya maisara ang pintuan ng taxi ay may sumakay mula sa kabilang panig ng backseat.
"'Brad, Eastwood tayo."
Maang na nilingon niya ito. "Uh, hello? Okupado na 'to."
"Yeah, I know." kaswal na sagot nito at bumaling mula sa naguguluhan na ring driver. "Eastwood tayo, boss."
"Uh, excuse me? Taxi ko 'to. Maghanap ka ng sa'yo."
"Come on, Miss. There's no available taxis around, let me share your cab. Tipid pa."
Atribido. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay mga epal. Mukha bang hindi niya afford magbayad ng buo? Sampalin ko kaya 'to ng coin purse ko?
"No. Kuya, pababain mo siya." nagresort siya sa paghingi ng saklolo kay Manong Driver nang mukhang wala talagang balak umalis ang lalaki.
"Or else, what? Itatali mo ang paa at kamay ko tulad ng ginawa mo sa tatay mo?"
Ngayon ay nasisiguro niyang parehas na silang maang na nakatingin ng driver sa talipandas na lalaki. What fuck is he even talking about?
"Don't even try to deny it. Narinig kita kanina sa train, kausap mo ang accomplice mo sa cellphone mo. You know for someone who's committing a crime, discretion is not your strong suit."
Nang maalala niya ang ibig nitong sabihin ay natawa siya ng malakas. Namamatok na siya kakatawa nang biglang sumingit ang driver sa usapan nila.
"Mawalang-galang na ho, sinasayang niyo na ho ang oras ko. Pasahero ho ang hanap ko hindi sakit ng ulo. Bumaba ho kayo sa taxi ko."
Sila naman ngayon ng lalaki ang napatanga sa sinabi ng driver.
"What?—"
"Ha??—"
"Bumaba na ho kayo. BABA."
Nakanganga at hindi makapaniwala sa naging takbo ng pangyayari ay bumaba rin si Erin tulad ng utos ng galit na driver. Tahimik niya lang na pinanuod itong mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo, ilang segundo rin niyang in-absorb ang sitwasyon bago nahanap ng mga daliri niya ang emergency hotline ng LTFRB.
"Hello?"
"Yes. I'm calling to file a report."
"Plate number DRK 7865. Namimili ng customer, very rude pa."
"Ano'ng nangyari? Ganito ang nangyari, ikukwento ko sa'yo..." sinimulan niyang idetalye sa representative sa kabilang linya ang naging experience, mula umpisa hanggang sa umabot sa pagpapatalsik sa kanila ng lalaking kasama.
"...Makatao ba 'yon?"
"No, save your sorry's. Turuan niyo ng leksiyon iyon. Late na ako sa appointment ko, ang laking abala."
"Ifafollow up ko ito, miss, ha?"
"Ano? Pangalan ko?" luminga-linga siya upang maghanap ng salitang pwedeng maging 'pangalan' niya. "Starbu—Starla. Starla ang pangalan ko."
"Yes, okay. Thanks. Bye."
Binaba niya ang tawag pero naroon pa rin ang inis sa kanyang dibdib. Sobrang late na siya sa shift niya, siguradong iaaawas na naman ang undertime na iyon ng amo niyang Intsik. Ugh, putris talaga.
"Ganyan ka ba talaga kaeskandalosa sa telepono?"
Lalong nagpanting ang tainga niya nang marinig ang komento ng lalaki. Kasalanan nito lahat ng stress niya ngayong gabi eh.
"At ganyan ka ba talaga kawalang magawa sa buhay mo kaya pati ang nananahimik na buhay ng may buhay, ginugulo mo? Kasalanan mo lahat 'to eh. Kung hindi ka ba naman isa't kalahating epal, eh di sana hindi naburyong sa atin iyong driver?"
Natawa lang ito habang naiiling, na lalong nagpaasar sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano kamahal ang oras ko? Bawat segundo ko aypumapatak sa metro ko. At ilang daan na ang nasayang sa akin magmula nang bigla ka nalang sumulpot sa kabilang panig ng taxi at guluhin ang mga plano ko. Bayaran mo 'ko."
Noon lang tila narinig nito ang mga sinasabi niya at natatawang tiningnan siya. "What?"
"Cliche as this sounds but time is gold, especially my time. So either pay me actual gold or atleast pay me my night's worth." pumalad pa siya rito habang nakataas ang isang kilay. Subukan lang talaga nitong humindi, masasaktan na talaga ito sa kanya.
Matagal bago ito sumagot at nakatitig lang sa kanya habang nandoon pa rin ang nakakaasar na ngiti sa mga labi nito. "Alright. But if I'm going to pay you for the night, I get to decide what to do with you."
There was a glint of mischief in his eyes but she wasn't sure. It was gone all too quickly.
"Tanga ka ba? Hindi ako makikipagsex sa'yo, 'no."
"Sex agad?"
"Ano sa tingin mo ang gagawin ng isang babae at lalaki nang magkasama sa ganitong kadis-oras na gabi?"
Handa na siyang mang-umbag nang bigla na lang nitong itaas ang dalawang palad at natatawang umiling.
"No sex. Usap lang."
"Php500 per hour."
"Deal."
Tikwas ng kilay ang ibinalik niya rito bago nagpatiuna sa paglalakad. Hindi niya inasahang papayag ito agad sa ganid na rate niya pero hindi na rin siya magrereklamo na madali itong kausap. Mahahaba ang biyas ng binata kaya agad din naman itong nakasunod sa kanya.
"So what's your name?" tanong nito kapagkuwan.
"Erin. Ikaw?"
"Anton."
"Okay. So 'san tayo pupunta?"
"Eastwood."
Tumango siya, sinundan ng komportableng katahimikan. Pumara sila ng taxi dahil wala silang balak na lakarin ang kahabaan ng EDSA hanggang Eastwood.
Financial Consultant si Anton. Big time. Madalas itong gising sa gabi dahil hindi makatulog. Piniling tambayan lagi ang isang cafe sa may Libis, minsan mga chill bars, or coffee shop kipkip ang isang libro. Depende sa mood nito.
"Naks. Daming time." komento ni Erin.
Anton just shrugged. "Ikaw? Ano'ng hilig mo maliban sa pagtali sa kamay at paa sa tatay mo? Is he okay?"
"Ah si Papa? Oo. Nakakain lang yata ng palaka o dagang naligaw sa bahay kaya sumama ang tiyan."
Natahimik ito. Tila tinatantiya ang susunod na sasabihin. Hindi niya napigilan na matawa na naman.
"Ginagago mo lang ako 'no?"
"Hindi. Sumama talaga ang tiyan ni Papa sa katakawan niya, akala nga namin bubula na bibig 'non eh. Pero hindi ko tatay si Papa. Aso namin 'yon, Papa lang ang pangalan."
Dinig niya ang mahinang pagmumura nito nang matawa na rin sa paliwanag niya.
"Ang daming pwedeng ipangalan kasi bakit iyon pa?"
"Trip lang. Cute kaya."
"How about Kaloy? Boyfriend mo?"
"Ha? Hindi! Kinakapatid ko 'yon!"
"Oh, so single ka? Good. Atleast I'm assured na walang gugulpi sa'kin kapag nakita tayong magkasama ngayong gabi."
"Ako gugulpi sa iyo kapag may ginawa kang hindi maganda habang magkasama tayo ngayong gabi."
"Sabi ko nga."
Maliwanag at marami nang parokyano sa Portia's nang dumating sila. Mukhang sikat ito subalit ngayon lang siya nakapasok rito. Kumalam ang sikmura niya nang magsalimbayan sa kanyang ilong ang mabangong putaheng hinahain mula sa kusina. Portia's got this homey vibe, parang bahay ng Lola mo na inuuwian mo tuwing weekend na siguradong ihahain ang paborito mong ulam na hindi ka magsasawang tikman kahit nasa strict diet ka. It's a bit of a contrast among the rest of the bars along that alley. Nagiisa itong establishment na walang LED lights, bagkus mga capiz shells na ginawang maliliit na lampara ang nakasabit sa kisame ang nagbibigay liwanag sa lugar. Ang mga muwebles ay antigo rin, mukhang authentic Spanish-Filipino themed ang lugar at wala siyang reklamo. Natutuwa siya.
"Nice. Lagi ka rito?" komento niya habang nililibot ang paningin upang maghanap ng mauupuan.
"Noon. Lately hindi na eh, tuwing magkakapagkakataon na lang."
Lumapit ang isang waiter sa mesa nila at inabot ang menu para umorder sila. Inilibot ni Erin ang mga mata niya upang pagmasdan ang mangilan-ngilang kumakain. Pawang mga yuppies o young professionals ang bumubuo sa customer bracket ng kainan, and she can't blame them. Anyone would want to unwind in a place like this after a long, gruesome day at work. Tahimik lang siya sa pagsimsim ng complimentary drinks na inihain sa kanila nang makaupo sila sa table, habang may banayad na musika silang naririnig sa background. Nahuli niya ang sarili niyang napangiti. Yeah, this is nice.
Tumingala pa siya sa kisame nang hindi inaasahan habang pasimpleng sinasayaw ang ulo sa saliw ng awitin, nang mapansin niyang open-ceiling pala ang restaurant. Napatulala na lang siya nang tila mumunting palamuting glitter ang entrada ng mga bituin sa langit ngayong gabi. Makislap at kumukutikutitap, tila sumasabay rin sa marahang pag-awit ng nakasalang na singer ngayong gabi. Lalo siyang napangiti.
"Like it, huh?"
Noon lang naalala ng dalaga na may kasama nga pala siya. Nakapangalumbaba ito habang nakangiting pinagmamasdan siya. Naconscious naman ang lola niyo at pasimpleng umayos siya ng upo.
"Maganda eh, ba't ba?" pagtataray na lang niya para pagtakpan ang pagkahiya.
"Wala naman. Natutuwa lang ako na hindi ka pa nagselfie o kaya'y kinunan ng litrato ang interiors nitong lugar mula kanina. What do you, kids, call it nowadays? Instagrammable?" komento naman ni Anton na halata ang panunuya sa tono.
She's not very millenial but her deviant nature was poked by the mockery in his tone, "At ano namng masama sa mga mahihilig kumuha ng litrato sa bawat lugar na puntahan nila?"
Tama ito, hindi nga siya mahilig sa paselfie-selfie at pagpopost sa social media sites ng mga happenings niya sa life dahil mas trip niya ang pribadong buhay. Idagdag pa na wala rin siyang creativity sa katawan para makisabayan sa trending filters at pakulo ng mga kabatan, maging ng maraming kasing-edad niya.
Mas hilig pa niya ang kumontra nang kumontra kahit kanino. Tulad ngayon.
Tinaasan lang ng binata ng kilay si Erin at piniling hindi na mangatwiran pa. Halata kasing tinatamad itong i-elaborate pa ang nasa isip nito, "You sound offended. It's not what I meant."
"I know. I'm just defending anyone in this room who might negate your prejudice about 'kids' nowadays. Masyado ka raw judgmental."
"Judgmental? Paano ako naging judgmental?"
"Somewhere noong sinabi mong natuwa ka kasi hindi ako tulad ng kabataan ngayon na kinukunan lahat ng litrato ang lahat ng bagay."
"Ano'ng masama sa comment ko? Natuwa ako kasi kakaiba ka. Saan ko sila na-judge sa part na 'yon?"
"Na para bang sinasabi mong napakababaw nila para gustuhing kunan o i-record lahat ng bagay para i-post sa kani-kanilang social media accounts at gawing audience ang buong mundo. Na kasayangan sa oras at ang mga tunay na memories, dapat sa puso at isip iniipon at hindi sa memory card o flash drives," mahabang litanya niya at medyo napapalakas na rin ang boses niya.
Nakatanga lang ito sa kanya habang umani ng bulung-bulungan ang ingay sa mesa nila. Unti-unti namang sumilay ang ngiti sa mga labi nito at napailing na lang. "Wow. Ako ba ang judgmental o ikaw?"
Irap ang sinagot niya rito bago asar na tumayo at dali-daling lumabas. "Bahala ka sa buhay mo."
"Oy! Teka sandali—Ang bilis mo palang mapikon, nagbibiro lang naman ako."
Naglabas siya ng isang stick ng Marlboro at sinindihan iyon, "Charot lang 'yon. Nag-inarte lang." ani Erin matapos ibuga ang hinithit niya.
Bahagya pang nagulat ang dalaga nang bigla na lang nitong inabot ang kaha, kumuha ng isang cigarette stick at nagsindi rin para sa sarili. Tahimik nilang binaybay ang mahaba pang hilera ng bars at kainan sa bahaging iyon ng Pasig habang payapang nagsasalitan magbuka ng usok. They were embraced by a comfortable silence, next thing they knew, nakarating na sila sa bus stop.
"Saan mo gustong pumunta?" si Anton ang nagtanong. Nilingon ito ni Erin pagkatapos itapon ang upos ng sigarilyo sa malapit na trash bin.
"Seaside. MOA."
"Huwag 'don, maraming nagmoMOMOL 'don."
Nasamid pa si Erin mula sa sagot ni Anton, "Gago talaga."
Mataginting na halakhak ang sinagot nito bago pinara ang dumaang taxi.
"MOA tayo, manong. Metro mo lang ah." anito na tinanguan lang ng driver.
Tahimik nilang binaybay ang EDSA habang pinakikinggan ang mahinang radyo sa loob ng sasakyan. Naisipan ni Erin na basagin ang katahimikan sa pamamagitan ng pagtatanong.
"So bakit ka mag-isa tonight?"
Nilingon siya nito nang nakataas ang dalawang kilay at may pahapyaw na ngiti sa isang gilid ng mga labi, "What makes you think I'm alone tonight?"
"Duh! Papatulan mo ba ang napakaganid na hourly rate ko kung hindi ka desperadong magkaroon ng kasama ngayong gabi?"
Napangiti ito. "Touche. Atleast aware kang ganid nga ang rate mo."
"So bakit nga?"
There it was again, that glint of mischief passing through his eyes.
"Ganito nalang, bibigyan kita ng dalawang pagkakataon para hulaan ang dahilan kung bakit ako mag-isa ngayong gabi. Kapag nahulaan mo, dodoblehin ko ang bayad ko sa'yo."
Parang kumalembang ang kampana sa pandinig ni Erin at nangislap ang mga mata niya nang marinig ang oportunidad ng mas malaking kita, pinagkiskis niya ang dalawang palad at nginisian ang katabi, "Aba game ako diyan!"
Umayos siya ng upo bago hayagan itong tinitigan. She's trying to get clues from his clothes, from the blank expression on his face, and whatnot. Ngayong mas napagmasdan niya ito sa malapitan, hindi niya maikakailang may hitsura si Anton. Kung hindi nga lang sa suot na lumang tshirt at faded jeans, pati ang piercing sa tainga nito at may kahabaang buhok na halatang hindi pinagkakaabalahang ayusin o suklayan, aakalain niyang modelo ito o artista. Isang artistang tamad maligo.
Napako ang tingin niya sa dalawang pares ng mga mata nito. His eyes aren't black, they're mid-browns like brewed coffee on a Sunday morning. Captivating, alluring, enthralling. Bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito. Hindi masyadong makapal at hindi rin naman manipis, sakto lang. The type you'll fantasize about kissing, the kind of lips that would surely leave anyone breathless and giddy and satisfied. With that in mind, she caught herself speaking her mind, "Kapag hindi ko nahulaan, hahalikan mo ba 'ko?"
Babawiin na sana niya ang kaeng-engan niya nang mauna naman itong sumagot, "Kung iyon ang gusto mo, makakatanggi ba ako?"
Malandi ang hudyo.
"Deal."
Aba, mas malandi ang lola niyo.
Ibubuka na sana uli niya ang bibig niya nang biglang magsalita si Manong Driver. "Nandito na po tayo."
Bumaba sila at sinalubong ng malamig na simoy ng look ng Maynila. Payapang tunog ng gabi ang tila humehele sa maingay na lungsod. Lahat ay pawang magkakapareha o di kaya'y umpukan ng buong pamilya ang masayang namamasyal sa kahabaan ng seaside part ng MOA.
"So ano nga?" tanong ni Anton na nakapamulsa at umaagapay lang sa paglalakad niya.
"Huh?" it took her a few moments to catch on his drift. "Ah, oo nga pala. Sa tingin ko kaya ka mag-isa ngayong gabi kasi... Wala kang kasama."
Malakas na tawa ni Erin ang pumunit sa kapayapaan ng gabi dahil sa masamang tinging ipinukol sa kanya ni Anton mula sa hirit niya.
"Seryoso bang iyon ang first entry mo? Sinasadya mo bang magkamali para halikan kita?"
Agad siyang huminto, ngunit habol pa rin ang hininga. Ang ayaw niya sa lahat ay iyong harap-harapan siyang tinutukso dahil namumula siya. Tulad ngayon.
"Hoy, tanga, hindi ah!"
"Erin, you're blushing."
"S-Siyempre mainit! Humid dito sa Pilipinas, tapos naglalakad pa tayo. Kanina pa tayo naglalakad, malamang napapagod din ako. Palibhasa kasi ikaw hindi naranasan ang maglakad dahil mukhang mayaman ka, pwes ako dinanas ko—"
Palad nito ang tuluyang pumutol sa papahaba nang litanya niya, nagulat pa siya nang inilapit nito ang mukha at gahibla na lamang ang layo sa mukha niya.
"Daldal mo talaga." bulong nito, ramdam niya ang mahinang buga ng hininga nito na dumampi sa pisngi niya.
Kumurapkurap lang si Erin, hindi makapaniwala sa katatapos lang na pangyayari. Hinila siya nito sa isa sa mga concrete dikes o iyong mga konkretong harang sa pagitan ng sementadong kalsada at mismong Manila Bay. Iniupo siya roon ni Anton, walang hirap na binuhat sa pamamagitan ng baywang niya.
"Yan, diyan ka. At dito naman ako." anito sabay sumampa at umupo sa tabi niya.
Hindi na siya nagkomento pa. Bagkus ay pinagsawa ang kanyang mata sa kariktan ng gabi. Ang ilaw ng siyudad ay sumasabay sa kislap ng mga bituin sa kalangitan, maging ang liwanag ng buwan ang nagpatingkad sa payapang look na tinatanaw nilang dalawa. Ang ganda ng vibe, chill lang.
"Kung wala ka ngayon dito, nasaan ka?" biglang tanong niya, mema-i-topic lang. Hindi niya ito nilingon datapwat ay hinintay din namang sumagot.
"Siguro nasa bahay, tulog." sagot nito. "Ikaw?"
"Nasa raket, o kaya sa bahay ni Ninang Hannah—ang tumatayong nanay ko, o kaya naman sa clinic, o kaya nagsusulat. Kahit saan. Malay mo dito talaga ang punta ko tonight, sumabay ka lang," sagot naman ni Erin.
Tawa lang ang isinagot sa kanya ni Anton at piniling huwag nang patulan ang hirit nito. Hinarap siya ni Erin at ilang minuto ring tinitigan.
"Alam mo, Anton, pakiramdam ko nakita na kita dati. Yung pamilyar, ganon? Kilala ba kita?"
Ngiti lang ulit ang isinagot ng binata sa dalaga, hindi malaman kung seseryosohin ang tanong nito o isa na naman sa mga hirit nitong susundan ng hugot.
"Seryoso nga. Naniniwala ka ba sa deja vu? Parang ganoon ang feeling ko ngayon."
"Gutom lang 'yan. Nagwalk-out ka kasi kanina sa restaurant, hindi ka tuloy nakakain ng maayos." naiiling na sagot na lang ng lalaki habang si Erin ay kunot-noo pa ring inaalala kung saan nga ba niya nakita ang binata. Nang wala talagang mapiga sa utak niya'y tinantanan na lang din niya ang pag-iisip.
"Oo, naniniwala ako." sabi ni Anton kapagkuwan. "Naniniwala akong ang buhay ay isang malaking siklo, masalimuot man pero paikot-ikot lang. Kaya maaaring maulit ang mga bagay-bagay. Minsan sa parehong pagkakataon, o di kaya'y sa parehong tao, minsan pareho."
Napanganga si Erin sa paliwanag ni Anton. May kalaliman rin palang taglay ang binata.
"Ang galing no? Eh di ang ibig sabihin, posibleng totoo rin ang reincarnation. Posibleng wala naman talagang namamatay, nabubuhay lang sila ulit sa ibang anyo."
Nilingon ni Anton ang nakangiting dalaga, tila tuwang-tuwang may nakakasakay sa mga malikot niyang opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Napangiti na rin siya.
"Tingnan mo ang langit. Tingnan mo ang paligid. Pagmasdan mo ang bawat tao at sasakyang dumadaan sa harapan mo. Minsan iniisip ko, natutulog tayo para magising sa parehong araw. Iniisip lang nating iba ang araw ngayon sa kahapon kasi akala natin iba ang nakikita natin, nararamdaman at naririnig. When in fact, hindi naman natin totally naranasan ang kabuuan ng kahapon para may ikumpara tayo sa ngayon."
Nilingon ni Anton si Erin. "Kaya ba pinipili mong hindi matulog para patotohanan iyang teorya mo? Kakayanin mo bang maranasan ang kalahatan ng mundo sa loob ng 24 oras?"
"Siyempre hindi. Pero what if, diba? What if we're biologically programmed to administer function at a maximum of 24 hours so the world can refresh and make us believe we're living every single day differently?... I mean, what if?"
Buhay ang kislap ng mga mata ni Erin habang pinahahayag sa binata kung gaano kalikot ang imahinasyon niya. And Anton, bless his heart, just nods and agrees to what she's saying. Walang may alam kung totoo ngang sumasang-ayon ito sa mga ideya ng dalaga o tinatamad lang itong makipagdebate pa.
Pero kuntento na si Erin na may nakikinig sa kanya. Kuntento na siyang may nababahagian ng sangkatutak na ideyang pumapasok sa utak niya. Kuntento na siyang may isang normal na taong tumatanggap sa mga pananaw niya nang hindi siya tinitingnan ng masama pagkatapos. Nakangiti siyang kumukuyakoy habang dinadama ang marahang hampas ng malamig na hangin sa balat niya na dala ng look. Tonight was probably one of those nights where she found a little tranquility amidst the city's buzz.
And she has Anton to thank for all that.
"Anton—"
"Erin—"
Sabay pa nilang untag bago natawa sa kanilang mga sarili. Ang corny, parang rom-com ang datingan.
"Una ka na," si Erin ang nagsabi.
"Hindi ikaw na," hindi niya mailarawan pero natatawa na rin si Anton sa hiyang biglang sumibol sa dibdib niya. "Ladies first."
"Ang arte. Pero sasabihin ko lang sana na... salamat. Salamat sa gabing 'to."
Matamis ang ngiting nakapaskil sa bawat labi nila ngunit si Anton ang naunang magbawi ng tingin. May pusyaw sa mga mata nito na hindi na napansin pa ni Erin dahil abala pa siya sa magandang pakiramdam.
"May sasabihin ka?" untag ng dalaga sa tahimik na binata.
"Gusto ko lang—"
Hindi na nito naituloy pa ang nais sabihin dahil bigla na lang tumunog ang alarm ng wristwatch na suot ni Erin.
"Shucks! Maga-alas kwatro na pala? Eh paano ba 'yan, tsong? Kailangan ko ng magpadami ng gold bars, hanap na ko ng next raket ko."
"Ganoon ba? Sige. Dito muna ako." sagot ni Anton na tila sanay na sa ganitong senaryo. Na-weird-an man si Erin sa naging reaksyon nito ngunit hindi na nagkomento pa dahil mahuhuli na talaga siya.
Ngunit tila may invisible force na nagsasabi sa kanyang dedmahin na lang ang tawag ng kaban at samahan na lang ito. Torn between staying or leaving, Erin chose the latter. She never trusted her gut anyway.
"So paano?... Hay, ano ba yan. Ang hirap mo biglang pakawalan." Nanulis naman ang nguso ng makulit na dalaga na ikinatawa lamang ng binata. "Pikit ka," utos ni Erin rito.
Halata sa pagkakakunot ng noo ni Anton na hindi siya sigurado kung susundin ang pakulo ng dalaga.
"Dali na. Para hindi mo ko makitang lumayo. Para sakaling alalahanin mo ang gabing 'to, wala kang maaalalang umalis ako o iniwan kita o naghiwalay tayo. Basta ang maaalala mo lang, ang magagandang alaala ngayong gabing 'to. Ayos ba?"
Maang lang na nakamasid sa kanya si Anton. He was trying to keep his amusement to himself. Who would ever believe a woman of this size can possess such an enormous soul. But he obliged and found himself actually closing his eyes as per Erin's request.
"Magbilang ka hanggang sampu. Pagkatapos 'non, kantahin mo ang Alphabet Song nang dalawang beses... Tapos pwede ka ng magmulat. Okay, game? Game."
Tahimik lang ang binatang naghintay at walang balak na sundin ang utos ni Erin. Ang akala niya'y nakalayo na ito nang mamayani ang saglit na katahimikan.
"Hep! Huwag kang magmumulat, ikaw mandaraya ka talaga. Dali na. Bilang ka na," of course she's still here. Naiiling na huminga ng malalim si Anton bago nagsimulang magbilang.
"One... Two... Three..."
Tuwang-tuwa si Erin na pinanunuod si Anton sa marahang pagbibilang. Ngayong nakapikit ito'y mas malaya na niya itong napagmasdan nang hindi naiilang. Maamo ang mukha nito at kahit hindi nakangiti'y, magaan ang aura ng binata. Sa ilang oras na nakasama niya ito'y masasabi niyang mabuti itong tao. Sayang lang at hindi niya naitanong kung may nobya ito. Di bale, atleast malaya niyang matatanggap ang mumunting kilig na hatid ng alaala nito sa puso niya.
"Nine... Ten."
Kinabisa niya ang detalye ng mukha nito at tahimik na inimprinta ang larawan nito sa kanyang isip. Baon niya iyon hanggang sa mga susunod pang bukas na haharapin at hahanapin niya. Pati na ang teoryang muntik na niyang makilala ito dati, nakatulog lang talaga siya kaya hindi nangyari.
"H, I, J, K, L, M, N, O, P..."
Pigil niya ang hagikgik habang pinanunuod ito sa pag-awit bago dahan-dahang inilapit ang labi sa pisngi nito at binigyan ng isang marahang halik sa pisngi.
"Hanggang sa muli..." bulong ni Erin sa hangin bago tuluyang tumayo at lisanin ang magandang bulang pinalooban nilang dalawa.
NAIWAN SI Anton na nakaupo at tinitingala ang mga bituin. Nakatukod ang dalawang palad sa likuran upang gawing sandalan habang tahimik na hinahayaang bayuhin ng mayuming hangin ang may kahabaan niyang buhok. Naglalaro ang isang kiming ngiti sa kanyang mga labi habang inaalala ang nakalipas na mga oras na nakausap niya si Erin. Lingid sa alam ng dalaga'y matagal na niya itong kilala. One would even regard it 'stalking' if we're talking about 8-months-worth of keeping tabs of a person's way of living. Not that he's a creep, he just had to know and see for himself that Mariah Catherine Villaflor is the right one. Ngayon nga lang siya nagkalakas-loob na lapitan at tuluyang kausapin ang dalaga sa hinaba ng panahon na binubuntot-buntutan niya ito. Kung bakit ay hindi rin niya maipaliwanag. Maybe there really is something special about tonight.
Tumunog ang cellphone niya at matapos ng ikalawang pag-ring ay sinagot na niya ang tumatawag, "Kuya."
It was Andrew, his brother.
"Anton, man, where the hell are you?"
"Andito lang. Nagpapahangin."
"Kailan ka ba uuwi? Nauubusan na ako ng excuse na sasabihin kina mommy tuwing hinahanap ka."
Natawa siya ng bahagya. His brother has been covering for him ever since he went MIA to his friends, even to his family. Minsan sa dalawang buwan kung tanggapin niya ang mga tawag nito, laging sinisiguro kung buhay pa ba siya o nagtatanong kung nasaan siyang lupalop ng mundo. Na kahit kailan din naman ay hindi niya sinagot ng diretso. Gaya ngayon.
"Uuwi rin ako. Okay lang ako. Don't worry."
"Umuwi ka kaya muna? Magpakita ka lang ng kahit saglit kina mommy tapos bumalik ka na sa pag-eermitanyo mo. Magpacheck ka lang ng attendance."
Anton drew out a chuckle before shaking his head as if Andrew is not speaking through a call and would actually see him. Nah, he can't come home. Atleast not anymore. That house doesn't feel like home anyway. Especially now that she's gone.
It's been 2 and a half years since she passed, and it was all his fault. It's been 2 and a half years since his life ended as well.
"Pakisabi nalang sa kanila na huwag akong alalahanin. Okay lang ako."
Iyon lang at pinutol niya na ang tawag. Ibinalik ang tingin sa payapang karimlan ng karagatan sa harapan niya, kasabay ng nakabibighaning ingay ng Maynila tuwing gabi. Sa kabila ng polusyon at ingay ng siyudad, lumaya ang isip niya. Nakapa niya ang isang pirasong papel sa unahang bulsa ng suot na pantalon. Lukot na iyon at halatang minadali lang ang pagsulat ng mga pangalan. Tatlo sa mga iyon ay burado na ng ballpen, tila listahan na namarkahan nang tapos na o nagawa na. May dalawang pangalan pa ang natitira at kaaalis lang no'ng isa.
Sinindihan niya ang cellphone at sinimulang irecord ang sinasabi, "Sabado. March 22, 2017. Kasama ko si Erin. Oo, hindi ako nakatiis at nilapitan ko siya. Siguro at some point, kailangan ko rin ng personal proof na siya nga ang nararapat na taong hinahanap ko. And she is. She's a pure soul. Too pure for my heart."
Sa loob halos ng isang taon niyang pagmamanman sa dalaga, pati na sa iba pang mga taong laman ng maliit na listahang iyon, naging madali na rin para sa kanya ang patunayan na tama si Flynn sa mga binigay na pangalan. Si Flynn ang abogado niya at natatanging taong alam ang ginagawa at gusto niyang gawin sa nalalapit na tatlong buwan. Thank goodness for client-attorney privilege kaya kahit gustuhin man nitong isumbong siya sa kanyang mga magulang ay hindi maaari. Tinawagan niya ito.
"Hey," sagot nito sa ikatlong ring, halata sa boses na nasa gitna ng masarap na pagtulog.
"Hey, man, I met her today."
"Who?"
"Erin."
"Haven't you already been following her all these time? What's up?"
"No, Flynn. I meant I finally met her today."
Sinundan ng naging sagot niya ang katahimikan mula sa kabilang linya. Marahil ay noon lang nagsink-in sa kaibigan ang ibig niyang sabihin.
"I'm ready, man." aniya na hindi na hinintay pang magsalita ito.
"Anton—"
"Flynn, stop. Alam mong wala ng makakapigil at makakapagpabago ng isip ko."
"Right, but—"
"Tumawag lang ako para paalalahanan ang abogado ko."
He tried to keep the conviction in his dismissive tone. Naiintindihan at alam naman niya ang gusto nitong sabihin. Gaya ng isang kaibigan na pinapaalalahanan ang kapwa kaibigan. Subalit buo na ang loob niya at mukhang wala nang makakapagpabago ng isip niya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya, tanda ng pagsuko, "Alright. What do you need me to do?"
"Where are we on Erin Villaflor's status for heart transplant?"
"I spoke with the hospital for her operation's arrangements. She should hear from them in the next few days."
Natahimik ang linya nilang dalawa. Si Flynn ang unang bumasag sa katahimikan.
"Anton, man, sigurado ka na ba talaga?"
"What choice do I have? It's her dad's dying wish."