Madilim. Tahimik. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa buong bahay.
Kaluskos nga hangin mga huni ng ibon ang tanging maririnig mo.
"Aling Cora tumakas na po tayo ayaw ko na mag stay dito sa bahay na ito" bulong habang humihikbik nakatago kami sa sulok ng kwarto ko parahindi makita nina mommy at daddy.
"Shhhh wag kang maingay" bulong niya pabalik.
"Ang ingay niyo naman akala niyo siguro hindi ko kayo makikita o mahahanap man lang alam niyo kayong dalawa ang sarap sarap niyong patayin masiyado na kayong pabigat lalaong lalo kana Cora pakealamira kang matanda ka mabuti pa ibigay mo na sa akin yang putanginang batang yan"
"Please mommy please patakasin muna kami" pagmamakaawa ko habang umiiyak at naka luhod sa harapan niya.
"Tumabi ka putangina ka" sigaw niya sabay tadyak sakin ng sobrang lakas hanggang sa diko na makayanan pang tumayo.
""Ma'am please ako nalang wag lang yung bata please hayaan niyo siyang mabuhay hayaan niyo siyang maranasan ang buhay ng malaya sa lahat please maam patakasin niyo na siya kahit ako nalang ang saktan niyo" pagmamakaawa ni Aling Cora
"Ang ganda niyo naman panuorin nakakaawa. Pero kahit anong gawin niyong pagmamakaawa sa harap ko wala ring kwenta dahil papatayin ko rin naman kayo kaya ngayon palang magdasal dasal na kayong dalawa." Sigaw niya samin.
Pinipilit kong makatayo para maka hanap ng bagay ng pwedeng pwede kong gamitin sa kanya. Masiyado na siyang naadik sa druga kaya nababaliw na siya hindi na siya ang dating kinikilala kong ina kailangan may gawin kami para makatakas dito sa bahay na ito.
Lahat ng gadgets na meron ako sinira na niya wala na akong gagamitin para humingi ng tulong sa mga pulis kahit sumigaw pa ako ng napakalakas wala ring silbi ni kahit isang kapit bahay wala na ni-aaway nila ni daddy sa oras na may gustong tumulong sa akin na makatakas dito.
Bago pa ako mahuli ni mommy nakalapit na ako sa drower ko kung saan may baril na nakalagay duon baril ni daddy na naiwan niya nung pumasok siya dito sa kwarto ko buti nalang naitago ko yung baril na iyon.
"Ikaw saan ka pupunta tatakas ka di mo ako matatakasan" sigaw niya sa akin sabay hatak sakin.
"Siguro kailangan ko nang umpisahan ang pagpatay sa inyong dalawa pero syempre mauuna yung matanda bago yung bata" sabi niya pa habang tumatawa na parang baliw.
"Baliw baliw kana" sigaw ni aling cora sa kanya.
"Ako baliw hindi ako baliw" parang tangang sabi niya.
"Alam niyo ang saya sigurong panuorin kayo habang naliligo sa sariling dugo"
"Diba diba masayan yon?" Siagaw niya saamin ng malakas
"Baliw baliw kana talaga ang dapat sa iyo dinadala sa mental hospital" sigaw ni manang tanging pagiyak lang ang nagagawa ko.
"Ako dadalhin sa mental hinding hindi niyo kaya kasi bago pa kayo makahanap ng tulong patay na kayo"
"Baliw ka talaga" sigaw ko sa kanya.
"Aba magyaya nga talaga kayo parehong pareho dina ako magtataka siya namannagpalaki sayo, alam niyo pero di niyo pa alam na ngayong gabi ito na ang huling sandali na masisilayan niyong sinag ng buwan kasi papatayin ko na kayo."
"Bakit mommy bakit mo kami papatayin hindi mo ba ako mahal?" Mag mamakaawa ko baka kahit papano magbago ang isip niya na wag nalang kami patayin.
"Mahal, sinong nag sabi na mahal kita kahit kailan di kita minahal kasi walang kang kwentang anak isa pa bunga kalang ng kasalanan"
"Mommy please tama na wag muna kami idamay sa kabaliwan mo"
"Sinabing hindi nga ako baliw" sigaw niya samin ng malakas.
"Baliw ka" sigaw ni aling Cora sabay hampas ng kahoy sa ulo ni mommy
"Takbo baka maabotan pa tayo" sigaw ni aling Cora sabay hatak sa akin nasa pinakadulo kami ng bahay sa third floor kailangan pa naming bilisan yung pag takbo para makatakas kay mommy.
"Sige takbo lang kayo takbo hanggat kaya niyo" sigaw ni mommy na nasa likod pala namin di namin namalayan na malapit lang pala siya sa amin dina kami nakatakbo pa ng ipinutok niya ang baril buti nalang sa bubong niya ipinutok yung baril.
"Alam mo Cora masiyado kanang nagpapakahero dapat sayo pinapatay na" sigaw ni mommy sabay tutok ng baril kay aling Cora.
Bago pa ako makasigaw para magmaka awa kay mommy pumutok na yung baril na hawak niya bigla namang natumba sa sahig si aling Cora. Napasigaw nalang ako ng pumutok yung baril.
"Nako Cora sorry diko sinasadya" sabi ni mommy habang niyayakap niya si aling Cora binitawan niya naman yung baril niya na agad ko naman pinulot tumakbo papalayo sa kanya.
"Ikaw saan ka pupunta aba't kinuha mo pa baril ko ibigay mo yan sa akin" sigaw niya sakin. Habang papalapit na hawak hawak ying kahoy na ginamit ni aling Cora para paluin siya.
"Sige lumapit ka at ipuputok ko ito sayo" matapang na sabi ko kahit nanginginig na ako sa takot.
"Aba ang tapang mo naman" sigaw niya na aatake sana sakin.
Bago ko pa maramdaman yung sakit sa katawan naiputok ko na yung baril ng dalawang beses habang nakapikit ang mga mata. Ilang sandali pa ako nakiramdam bago ko iminulat yung mga mata ko.
Pagmulat ng mga mata ko nakita ko si mommy na nakahandusay na sa sahig habmg naliligo ng sarili niyang dugo. Agad ko naman nabitawan yung baril na hawak ko diko na kaya pang tumagal sa bahay kaya naman tumakbo na ako habang umiiyak, para tumakas at magpakalayo layo sa bahay na iyon.
Takbo, lakad yung ginawa ko diko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Ilang oras na akong tumatakbo nagugutom narin ako madilim pa at ang tanging ingay lang na maririnig mo ay ang ingay ng gilaok ng mga manok.
May napapadaan na mga sasakyan pero diko alam kung hihingi ba ako ng tulong sa mga taong diko kilala.
Tulala lang akong naglalakad sa kalsada diko alam kung kaya ko pa ba mabuhay sa sobrang gutom dalawang araw na akong kain.
Tatawid na sana ako ng kalsada ng may biglang sasakyan na padaan sa harapan ko ng bigla nalang ako nawalan ng malay sa sobrang gutom.