HEAVEN KELSEY'S POV:
Madilim diko alam kung nasaan ako tanging nakikita ko lang ang dilim ng paligid walang kahit anong ingay ang maririnig mo.
Diko alam kung bakit madilim at walang ingay akong naririnig. Diko maigalaw ang katawan ko kahit anong gawin diko magawang maigalaw ang buong katawan ko.
Ilang sandali lamang unti unti ng lumiliwanag ang buong paligid lumaaliwas na ang buong silid liwanag na diko maintindihan.
Bakit ako nandito sa loob ng puting silid? Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko. Diko alam kung bakit ako dinala dito.
Sa kabila ng liwanag may unti unti akong nakikita dalawang tao na sobrang pamilyar sa akin mga mukhang diko kayang kalimutan mga mukhang tumatak na saking isipan simula palang nung bata palang ako. Unti unting lumalapit sila sakin takot, tanging takot lang ang nararamdaman ko ayuko ng maulit pa ang mga nangyari sakin noon. Ayuko nang maranasan yung pait ng kahapon.
"Anak" tanging sambit ng babae.
"Mommy please mommy" sambit ko habang umiiyak.
"Anak huwag kang umiyak wag kang matakot sakin di na kita sasaktan nag bago na ako anak" sambit niya muli
"Mommy nasaan ako?" Tanong ko sa kanya.
"Anak hindi mo sana ito nakikita ngayon di mo pa oras" sambit sakin ni daddy.
"Anak gusto ko lang malaman mo na sana mapatawad mo kami sa lahat ng ginawa namin sa iyo anak patawarin mo kami ng daddy mo" naiiyak na sabi ni mommy
"Mommy" tanging sambit ko habang umiiyak.
"Anak mahal na mahal ka namin ng daddy lahat ng ginawa namin sa iyo noon pinagsisihan na namin anak masaya na kami sa kung anong meron ka ngayon masaya na kami na nakahanap ka ng pamilyang totoong magmamahal sa iyo basta lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin" naiiyak niyang sabi.
"Anak paalam na at salamat sa lahat" tugon ni daddy.
Unting unting naglalaho ang liwanag na animoy tanging ilaw ng silid lahat bumalik sa dilim.
Diko alam kung anong gagawin ko patay naba ako? Bakit nakausap ko si mommy at daddy? Mga tanong na kahit anong gawin ko wala parin akong makukuhang sagot.
Sa bawat minutong nagdadaan unti unti na naman lumiliwag ang paligid.
Isang babae at lalaki na matanda na naman ang lumalapit sakin.
"Mama papa" tanging sambit ko habang papalapit sakin ang mag asawang kumupkop sakin.
"Hija anak malaki kana"tanging sambit ni mama
"Mama" rawag ko sa kanya
"Ang ganda muna hija tulad ng inaasahan ko sa iyo anak" papa
"Papa mama miss na miss ko na kayo mama papa" sambit ko habang yumayakap sa kanilang dalawa.
"Anak miss kana rin namin anak sobrang miss na miss" papa
"Mama papa isama niyo nalang ako please" pagmamakaawa ko sa kanila.
"No hija hindi kapa pwedeng sumama samin hinding hindi" mama
"Pero mama miss na miss ko na kayo ni papa"
"Miss ka narin namin ng papa mo pero anak hindi pwede"
"Bakit naman hindi?" Tanong ko sa kanila
"Hindi pwede kasi hindi mo pa oras anak, paano yung mga kaibigan mo pano na si Travis si Felix at paano na si Colin iiwan mo nalang ba siya anak, anak pilitin mong mabuhay para sa kaligayahan mo para sa mga taong nagmamahal sayo" Papa
"Mama papa pagod na ako pagod na pagod na akong mabuhay para saan pa yung buhay ko kung palagi lang naman akong nasasaktan pagod na pagod na akong masaktan."
"Ganyan ang buhay anak kahit anong pilit mo na maging masaya kung nasa iba pala ang kaligayahan mo pipilitin mo paring mabubay. Pilitin mong mabuhay para sa iba at para narin sa sarili mo anak. Gustuhin man namin isama ka pero hindi pwede anak wag mong iwan yung mga taong tunay na nagmamahal sayo" Mama
"Alam naming nasaktan ka dahil kay Colin pinapanuod ka namin sa taas anak, ganyan talaga anak pagkatapos mong maranasan ang kaligayan na ninanais mo mararanasan mo rin ang masaktan, kakambal na ng saya ang lungkot yan ang tatandaan mo anak sa buhay natin hindi lang puro saya may lungkot rin kaya anak kung gusto mong maranasan ang maging masaya pilitin mong mabuhay." Mama
"Pilitin mong mabuhay para sa amin ng mama mo anak kahit anong magyari mahal na mahal ka namin,pilitin mong maging masaya kasama ang mva taong nagpapasaya sayo at pina pasaya mo kahit para nalang sa amin ng mama mo mabuhay ka ng matagal sa ikatlong pagkakataon maging masaya ka dahil ang kaligayahan mo ang siyang kaligayahan namin ng mama mo. Hanggang dito nalang anak paalam at salamat sa lahat mahal na mahla ka namin" Papa
"Paalam na anak I love you with all my heart" Mama
"Mama, papa please" tanging sambit ko.
Nanlalabo na ang paningin ko unti unti na akong nawawalan ng lakas naghihina na buong katawan ko diko na kaya pagod na ako guato ko nang magpahinga ngunit kahit anong gusto ko pipilitin ko parin mabuhay. Unti unti ko ng pinikit ang aking mga mata.