Nakarinig ako ng busina sa labas, malamang 'yung driver na 'yun ni Jared. Pagbukas ko ng pinto, si Nathaniel ang nakita ko. Nakatulala lang sya sa akin, bigla akong na conscious.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinapasok ko muna sya sa labas.
"Pinapasundo ka ni Jared." Nakatitig pa rin sya sa akin.
"A-Akala ko driver nya ang susundo sa akin?" Medyo nadissapoint ako.
"May ibang dinaanan ang driver nya. By the way, you look b-beautiful." Namula ako sa sinabi nya. Sya pa lang ang lalaki na nagsabi sa akin na maganda ako.
"S-Salamat."
"Let's go." Inalalayan ako nito palabas hanggang pasakay ng kotse.
Sa totoo lang, gwapo talaga si Nathaniel, mabait pa. Kumbaga complete package na sya. Swerte ang babae na mamahalin nya.
Ilang minuto lang ay narating na namin ang hotel na pinagdadausan ng party. Napakaraming tao na magagarbo ang damit, naglalakihang mga alahas sa katawan.
Nagulat ako ng biglang nagtinginan ang mga tao sa amin kaya napakapit ako sa braso ni Nathaniel.
"Nate! Girlfriend mo?" May lumapit na isang binata sa amin.
"Hindi eh, sayang nga!" Natatawang sabi ni Nathaniel. "Mauna na kami."
"Gosh! Ang ganda nya!"
"Yeah! Look at her dress, mukhang mamahalin!" Parang gusto ko ng lumabas. Ayoko sa lahat ay 'yung center of attention, hangga't maaari ay gusto ko nasa gilid lang, yung hindi pansinin.
"Nasaan na ba si Jared? Ayoko na dito." Bulong ko kay Nathaniel.
"Relax ka lang. Sayang naman ang ayos mo kung uuwi ka na kaagad." Bulong sa akin nito. Medyo napaatras pa ako kasi kinilabutan ako sa hininga nya.
"Hija! Elaisa!" It's tita Daniella. She kissed me. "You look so beautiful and sexy
"Salamat po. Happy anniversary po tita." Hindi ako sanay na pinupuri, isa lang naman kasi akong ordinaryong babae.
"Nagustuhan mo ba 'yung surprise ko sayo?" Hinawakan pa ako ni tita sa kamay.
"Opo, ang ganda po ng store. Salamat po ulit.
"Where's your husband?"
"Hindi ko po napansin tita, baka po kasama ang mga kaibigan nya." Yun na lang ang sinagot ko, dahil hindi ko talaga alam kung nasaan sya.
"Halika Hija at Nate, doon na tayo sa table na nakareserve para sa pamilya." Binati ko na rin si tito. Iniwan ako ni Nathaniel dahil may kinausap syang mga businessman. Wala pa rin si Jared.
Ano na kayang nangyark sa kanya? Baka naaksidente na sya, wag naman sana. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nagriring lang ang cellphone nya simula kanina nung tawagan ko sya.
Tumayo muna ako para pumunta sa restroom. Nakakatense kasi sa loob, feeling ko lahat nakatingin sa akin. Nagmumukha na rin kasi akong tanga na mag isa.
"A-Ahhh! Shit!"
Kinilabutan ako sa narinig ko. Ano 'yun? Nanlaki ang mata ko sa narealize. May gumagawa ng kababalaghan sa loob ng cubicle.
"Yeah babe! You're so good! Suck it! Deep!" Doon ko nakumpirma na si Jared ang umuungol na lalaki. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.
"If I we're your wife, I'll make sure na lagi kang nasa heaven." Malanding sabi ng babae.
"Yeah, I know that. Go suck me!" Utos ni Jared.
Hindi ko alam kung may sariling utak ba ang paa ko dahil kusa itong kumilos at tumapat sa pinangagalingan ng ingay. Tanga nga siguro ako kasi kahit alam kong masasaktan ako ay tinutuloy ko pa rin.
Hindi nakalock ang cubicle dahil may kaunting awang. Huminga ako ng malalim bago ko itinulak ang pintuan.
I was shock when I saw Jared half naked, and his thing is in this girl's mouth. Nanlaki rin ang mga mata ni Jared at ng babae.
Itinulak ni Jared ang babae at kaagad na nagzipper. Inalalayan nya ang babae na makatayo.
Nilakasan ko ang loob ko. "Hinahanap ka ni tita." Yun lang at umalis na ako. Iisipin ko na lang na walang nangyari, na wala akong nakita.
Naging proud ako sa sarili ko dahil hindi ako naiyak, sayang din kasi 'yung ganda ng pagkakaayos sa akin kung sisirain ko lang.
Nang makarating ako sa table ay tumawag ako ng waiter para bigyan ako ng maiinom. Mga 30 minutes bago ko maramdaman na may umupo sa tabi ko. Pilit ko syang tinitignan kahit na nahihilo ako.
"You're drinking." Boses pa lang, kilalang kilala ko na.
"Haha! Oo! Ang sarap eh." Sabi ko sabay tungga. Isa sa kabaliwan ko na kapag umiinom ay tumawa ng tumawa.
"Hinahanap ka ni Mommy."
Tumayo ako at kinuha ang isang baso ng alak. Hinanap ko si tita, kaya ko pa naman maglakad. Kinilabutan ako ng maramdaman ko ang kamay ni Jared sa hubad na likod ko.
"You're showing too much skin." Bulong nya na nagpakilabot sa akin.
"H-Hindi ba ito ang gusto mo?" Umikot pa ako paharap sa kanya sabay hawak sa necktie nya.
"Stop it Elaisa, lasing ka na." Mariing sabi nito.
Inirapan ko lang sya at tinuloy ang paglakakad. "Tita." Kiniss ko ang Mommy ni Jared.
"Hija, mukhang nag eenjoy ka ah." Natatawang sabi ni tita.
"Opo, ang saya po sa party nyo. Nag eenjoy din po si Jared. Diba husband?" Ikinawit ko pa ang kamay ko sa braso nya.
"Mom, we should go. Lasing na si Elaisa." Pilit akong hinihila ni Jared.
"Tita, ayoko pa. I want to stay and enjoy the night." Gusto ko naman maging malaya, kahit ngayong gabi lang.
"Let her Jared. Just watch her." Utos ni tita.
"Salamat tita." Niyakap ko pa sya sabay bulong. "I love your son po."
"I know. I know." Ganting bulong nya. "Jared, wag mo syang hahayaan mag-isa."
Bumalik ako sa table at uminom ulit.
"What do you think you're doing ha?" Galit na galit syang naupo sa tabi ko.
"Inienjoy ko ang gabi kagaya ng pag eenjoy mo." Sarkastikong sabi ko. Hindi naman pwedeng sya lang ang masaya.
"Stop it! Lasing ka na!" Pilit nyang inaagaw sa akin ang baso, nakikipaghilaan ako.
"Bitawan mo Jared! Pinigilan ba kita ng halos makipagsex ka na kanina? Oo naistorbo lang kita pero hindi ako nagalit! Respeto naman! Ang tagal kong nagmukhang tanga dito kanina kakahintay sayo, nag-aalala! Tapos makikita ko na okay ka naman habang nakikipag make out sa iba! Asawa mo pa rin ako kahit sa papel lang sana naman--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa mga hikbing kumawala sa akin. Hindi ko na kinaya, iyak na ako ng iyak. Sobrang sakit lang kasi.
"Wala kang karapatang manumbat. Wag kang gumawa ng eksena dito Elaisa!" Hinigit nito ang braso ko.
"Ayan! Ayan ang alam mong gawin! Ang saktan ako!" Buong lakas akong kumawala sa kanya at tumakbo palabas.
Naghanap ako ng taxi, pero walang dumadaan na sasakyan. Naglakad ako, hindi pa ako nakakalayo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Awang-awa ako sa sarili ko. May nagawa ba akong mali para mangyari sa akin 'to? Nagmahal lang naman ako, mali ba 'yun?
[BEEP BEEP] Nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan mula sa likod ko.
"Get in Elaisa!" Utos ni Jared, hindi ko sya pinansin at tinuloy ang paglalakad.
"Putangina Elaisa!" Nakita ko syang lumabas, nababasa na rin sya ng ulan. "Hindi ka ba makikinig sa akin? Ang tigas ng ulo mong babae ka! Putangina talaga!" Hinila ako nito patapat sa pinto ng kotse nya. Natapilok pa ako kasi nakaheels ako, ininda ko 'yun.
"Tama na! Pwede ba Jared? Kahit isang araw lang! Isang araw lang, 'wag mo akong saktan, 'wag mo akong murahin. Tratuhin mo ako bilang isang asawa." Rinig na rinig ko ang sariling hikbi bago ako mawalan ng malay.
--
Ang sakit sa puso >.<