Nagpunta ako sa kusina at binuksan ang Ref nya na marami namang laman na mga manok at baboy, may kasama pang gulay na mukhang kaka-grocery lang. May nakita pa akong biscuit, chi-chirya at mga noodles na nakapatong sa ibabaw ng Ref.
Hindi sya nagsalita kaya naisipan ko na lang magluto ng sinigang dahil may baboy naman dito at kangkong na tatlong tali pa, may labanos na rin at sinigang mix kaya hindi ko na kailangan lumabas dahil kumpleto na sya ingredients.
Naghiwa ako ng sibuyas at bawang lalo na nang kamatis. Chineck ko ang mantika at may nakita naman akong bago roon pero uubusin ko na lang yung natira para walang matira.
Ginawa kong bun ang buhok ko at hinayaan na nakabagsak ang dalawang bangs ko sa gilid ng mukha ko at kumuha na rin ng Apron para hindi madumihan ang puti kong damit.
Hiniwa ko na ang kailangan kong hiwain bago hugasan ang kaldero nya dahil binabalak kong duon na lutuin para hindi ko na ililipat kung sakaling mag gisa amo ng sibuyas, bawang at kamatis sa kawali.
Hanga ako kapag nagluluto sa condo dahil hindi na kinakailangan ng gas dahil nga condo ito at baka magkanda sunog sunog bawat unit kung magkaroon ng gasul dito. Tanging electric lamang ang kailangan para makapagluto.
Mabilis kong natapos ang niluluto ko at naramdaman ko na nasa likod ko lamang sya. Hindi ko rin kinalimutan na mag saing habang nagluluto kanina.
"Eto na po master ang kanin at ulam. Maari na po kayong kumuha at magpaka busog." Biro ko pero hindi nya ako pinansin man lang at kumuha na agad doon.
"Eat with me." Sambit nya na ikinatigil ko sa pag tanggal ng Apron.
"Huh?" Gulat na sambit ko at tinignan sya.
"Sabayan mo ako kumain." Pag uulit nya at nakakunot na ang noo kaya tumango na lang ako dahil mukhang magagalit na agad sya kapag tumunganga pa ako sa harap nya.
"Sige." Napalunok pa ako bago maupo at kumuha nang kanin at ulam.
Hindi ko rin naman maiiwasan na hindi magutom dahil paboritong ulam ko ang iniluto ko para sa kanya. Nang tignan ko sya ay mabilis ang pagsubo at pang nguya nya kaya hindi ko alam kung nasasarapan ba sya sa niluto ko.
Kumuha pa sya ng sabaw at hinigop iyon bago pumikit. Kumunot ang noo ko at pinagnamasdan lang sya habang kumakain din ako sa harap nya.
"Masarap ba?" Deretsong tanong ko dahil gusto ko nang malaman ang sagot sa sobrang tahimik nya.
Tumango sya at muntikan pa akong mabulunan nang tingnan nya ako. Naramdaman ko na yata ang pamumula ng pisngi ko. Ano ba 'yan chloe.
Nauna akong natapos sa kanya nang hindi man lang sya nagsasalita at umulit pa ng ilang kanin bago makuntento.
"Favorite mo rin ba ang sinigang?"
Kumunot ang noo nya. "Sinigang?" Nagtatakang tanong nya sa akin.
Masyado ba syang mayaman at hindi nya alam ang ganitong lutong ulam? I want to pity him dahil ito ang pinaka masarap sa panlasa ko.
"Ay hindi mo alam? Kawawa ka naman." Pagbibiro ko pero tinignan lamang nya ako ng blanko bago inubos ang nasa mangkok na ulam bago uminom ng dalawang baso na tubig.
Ano ang niluluto nya kung ganoon? At bakit meron syang ingredients nang pang sinigang, adobo, caldereta at iba pa.
"Magtira ka para mamayang gabi. Hindi na rin ako magtatagal dito." Paalala ko sa kanya at tumayo na para hugasan ang pinagkainan namin.
Hindi naman sya umangal at hinayaan na kunin ko ang plato at mangkok na pinagkainan nya bago dalhin sa sink nang mahugasan na.
Sinimulan ko na agad hugasan ang simot na plato nya at ang akin matapos ay inunang sabunan ang mga baso, kutsara at tinidor bago ang mangkok at plato. Mabilis ko na lamang tinapos dahil naririndi na ako sa sobrang tahimik at hindi man lang nagsasalita.
"Wala ka bang sasabihin, mag ingay ka naman o. Parang ako pa yung nakatira dito e." Sambit ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi pa rin sya umaalis sa kinauupuan nya.
"I have nothing to say." Ikling sagot nya. Ano ba ang mapapala ko kapag kasama ko sya?
"Madaldal ka naman ah? Tumahimik ka yata ngayon?" Naalala ko nang tinulungan nya pa kami ng kapatid ko sa groceries noon at lagi nya akong pinupuntahan sa mansion namin para bisitahin ako.
"What's wrong?" Sya naman ang nagtanong nang matahimik ako.
Hindi ko sya sinagot at inalala ang mga panahon na kasama ko sya. Naghahanap ng dahilan kung bakit ganito ang pakikitungo nya. I bit my lower lip to stop my tears from falling. Ayoko nang tina trato ako ng ganito.
"Wag ka namang ganito oh, galit kapa rin ba nang simulang tanungin kita noon?" Tanong ko at humaral sa kanya nang maalala na iyon na din ang huling pagkikita namin dahil sya na din ang umiiwas.
"I- i was scared." Pag-amin nya, hindi makatingin sa akin. "I don't want to hurt you badly, so I choose not to show myself to you and to your family. I regretted, for hurting you physically."
Ah iyon lang pala. Matagal ko nang nakalimutan ang nangyari noon. Hindi pa pala siya nakaka get over doon.
"Ok lang-"
"No! don't say that." Nagtaka ako sa sinabi nya pero hindi ko nagawang magsalita nang titigan nya ako.
"You are scared right?" Tanong nya. "Takot kana masaktan ulit?"
Ah, iyon ba? siguro. Iyon pa rin ang dahilan kung bakit hindi ko pa din magawang magmahal ng iba.
"Siguro, hindi pa ako magiging handa ulit kapag nagmahal ako dahil may kasama itong sakit." Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at bakit ko nasabi 'yon sa kanya.
"Love is not always a pain. Love has a joy, free, sadness and anything. If you're still scared to hurt nor love, how about the people who love you secretly? Do you want another regret in your life?"
Mahinahong tanong nya. Naging active yata sya nang iopen ko ang tungkol sa pag-ibig. Siguro nang dahil sa first love nya?
Nag focus ako sa tinanong nya sa akin at kinalimutan ang unang naisip. Nakaramdam ako ng takot nang sabihin nya iyon. Normal lang nan ang masaktan pero ayoko na kasing maulit iyong naranasan ko.
"I don't want another regret to my life. Swear na masisiraan na ako ng bait kung may malalaman ako na may gusto pang pumasok sa buhay ko upang mahalin ako. Maybe, there's a chance that I'll accept him to my life." Kung ano ano na lang ang sinasabi ko dahil hindi nya matanggal ang tingin nya sa akin.
Iniisip ko pa lang na mangyayari iyon ay parang naiipit na ako sa sitwasyon. Wag naman sanang mangyari iyon dahil hindi ko talaga alam ang totoong gagawin at isasagot ko kapag nangyari man iyon.
"Chloe." Pagtawag nya sa akin nang syang nang gising sa malalim na pag iisip ko.
"O-oh?" I stuttered and looked at him in a nervous face.
"I... uh.. like you."