AMIRA'S POV
"Amira! Meron na akong nakuha!" masayang sabi ni bea habang tinataas ang isdang nakuha niya.
"HAHAHAHAHA" nandito kami sa maliit na fountain sa harap ng mansyon at naisipang manghuli ng mga isda dito.
"Miss amira get up masisira ang damit mo" sabi sa akin ng yaya ko. Tumawa lang kami at binalik sa fountain ang mga isda. Basa na nga ang tiyan namin dahil yun ang ipinatong namin sa gilid para hindi kami mahirapan sa pagkuha.
"Hey weirdos!" mabilis kaming tumayo nang makita si ate zaira at Mr.linc na palabas ng pinto.
"Hi Mr.linc! Hi ate!" nakangiting bati ko. Kumaway pa ako kay mr.linc na humarap lang sa kabilang direksyon.
"Pirmahan mo na, nagmamadali ako" mataray na sabi ni ate at inabot kay yaya ang folder tsaka ipinasa na sa akin.
Binasa ko na lang yun para makaalis na siya. Ito yung pinapapirma niya sa akin noong nakaraang araw. Nakitingin din si bea kaya binigay ko sa kanya.
"Alam ba ni papá to?"
"Hindi dahil hindi na kailangan, bilisan mo na may appointment pa ako!" tinapon niya ang pen at saktong tumama yun sa ulo ni bea. Basa kasi nang basa ayan tinapunan tuloy!
"Aray ano ba" reklamo niya kaya pinulot ko yun at kinuha ang folder.
"Si papá na lang papirmahin mo ate" inabot ko sa kanya kaya hindi siya makapaniwalang tumingin doon.
"What?! Stupid ka tal--" itatapon niya sana yun sa akin pabalik nang makita ko si nanay na nagmamadaling pumunta dito. Dumiretso siya sa akin at hinila ako ng konti sa braso.
"Nay bakit?/Ma? Problema?" sabay na tanong namin ni bea pero pabulong lang sa kanya. Nasa likod ko kasi para iharang ako kay ate.
"Miss amira kailangan niyo po itong makita tsaka pinapatawag kayo ni madam elisa" napakamot lang ako sa batok at sumama na kanya.
"Wait! Yaya can't you see? We're doing something" tumigil kami dahil sa sinabi ni ate zaira. Binitawan naman ako ni nanay at yumuko ng konti kay ate.
"Ate I told you si papá na lang papirmahin mo dyan! Baka importante to kasi si nanay na tumatawag sa akin!" sigaw ko mula dito sa hagdan.
Ang rude niya sa nanay ng bestfriend ko tsaka sa lahat kasi ng yaya dito masasabi ko talagang salita ni nanay ang pinakaimportante sa lahat ng maririnig ko.
"Come here!! I'm not done talking to you!!" susugurin niya sana ako nang tumakbo na kami ni bestfriend at ni nanay papunta sa kwarto ko.
I mouthed nanay na ano-po-ba kasi naglalakad na kami sa hallway at may naririnig akong konting ingay.
"Madam nandito na po siya" sabi ni nanay.
*blag* pagharap ko sa pinto ng kwarto ay saktong pagtapon niya ng dslr ko.
"T-tita?" tawag ko habang palipat lipat ang tingin sa kanya at sa mga gamit na hindi naka-ayos, in short sa magulong kwarto ko.
Napansin kong sumunod sina ate kasi nakikita ko sa gilid ng mga mata na naglalakad silang dalawa ni Mr. Linc palapit sa amin pero I didn't dare to look because this is the most unforgettable moment!
*blag!" napatulala na ako habang tinatapon niya ang mga bagay na ako mismo nagdesenyo at nag-ayos. I worked hard on that!
"I will be teaching you a lesson and this one is where we should start!" sigaw ni tita habang tinatapon ang libro na nasa personalized bookshelf ko. Lumapit naman si ate zaira at sumilip ng konti.
"T-tita"
"What is this?! Marami kang bagay na hindi nagagamit!! Mga walang kwenta lahat to!!!! Saan mo ito kinukuha?! Is this clean?! Safe ba 'to?!! Tsk tsk tsk!" sigaw niya sa bawat gamit na tinatapon. WHAT IS HER PROBLEM?!!
"B-bestfriend"
"Starting today you will listen to me and follow all my command! Rebellious woman like you shouldn't be in this family! This is SMITH and you shouldn't humiliate our name!"
"W-where's papá?" mahinang tanong ko kay nanay pero alam ko narinig niya yun.
"Your father can't save you right now amira besides I had his approval and gave me the responsibilities to teach you" humarap siya sa akin habang nakahawak sa maliit na pot na pinaglagyan ko ng rose.
*craaaaack* humakbang ako ng isang beses paatras nang itapon niya yun sa harap ko.
Tinignan ko lang siya ng diretso habang unti unting napakuyom ang mga kamao. She's so mean. Someday I will sue her for doing this to my life. Yes, I understand I didn't grow up with my REAL mom but that doesn't mean magpaka-nanay siya sa akin para gawin niya lahat to. This is what we called abusing!
"What are you looking at?!" bumalik ako sa ulirat nang maglakad siya palapit.
"You're not my mom" pabulong na sagot ko at umiwas ng tingin habang pinipilit na hindi maiyak sa pagkakahawak niya sa baba ko.
"What?! Sabihin mo ulit!!?" galit na tanong niya at diniin pa ang kuko sa pisngi ko.
"I SAID YOU'RE NOT MY MOM!"
*PAAAAK* kasabay ng malakas na sampal niya ay ang pagtulo ng luha ko. Hinawakan na naman niya ako sa baba at marahas na iniharap sa kanya.
"Ulitin mo!! Wala kang galang! Ako ang nagpalaki sayo kaya marunong kang tumanaw ng utang na loob!" nakatingin lang ako sa bulaklak na nasa sahig dahil hindi ko kayang tumingin sa kanya ng diretso. She's so mean. Yes, I don't want to treat her like my mom because she is not real. Kay nat na lang niya ituon yan!
"I think this is not right mom" singit ni ate zaira, humarap sa kanya si tita habang nakahawak pa rin sa baba ko.
"Shut up zaira! I'm teaching your sister a good manner!!" humarap na siya ulit sa akin at pilit na tiningala ang mukha ko.
"It was nanay who took care of me not you" mahinang sabi ko or it was murmuring? Tinapik niya ng konti ang pisnging sinampalan niya kaya tumingin na ulit ako sa kanya.
"Are you whispering?!?! Ulitin mo!"
"N-nothing"
"Ano?!!"
"I SAID NOTHING!!" bumalik na siya sa loob ng kwarto kaya inilayo na ako nina bestfriend at nanay. Tinitignan ko lang siya na mas ginulo pa ang kwarto ko.
"Starting today you will stay in this room and you are not allowed to go out unless I told you so!!" tumigil siya saglit at tumingin kay bea. Hindi naman agad siya mapakali sa tabi ko "You! Prendi un martello! (Get a hammer!)"
"Hammer" sabi ni ate sa kanya kaya tumakbo agad si bestfriend. Tinignan ko lang ang fish bowl at ang gold fish na nasa sahig. Pati isda hindi niya pinalya?! I couldn't believe her! How papá fell in love with her?! She's mean, brutal and strict as if she is really my mom tss!
"Hey stupid we're still not done discussing" tinignan ko muna si ate tapos si tita. Mabilis kong kinuha ang hawak ni mr.linc na folder at ballpen tsaka pinirmahan yun.
"Done" mahinang sabi ko at marahas na binalik kay mr.linc yun tsaka tumakbo palayo. Hindi na ako nagpapigil dahil gusto ko din mapag-isa.
She's not my mom pero kung umasta siya daig pa niya si papá kung dumisiplina. Sa ginagawa niya baka mas pipiliin ko pang magrebelde kesa magpakabait.
Nakarating na ako sa tree house at doon humiga. Mga teddys ko kayo na lang stress reliever ko~ Maliit lang dito pero punong puno ito ng iba't ibang klase ng size at uri ng teddys na nilagay ko para diretso na ako ng higa kapag dumating ako.
"I'm just okay" nakangiting sabi ko sa mr.bean's teddy ko. Lilipas din tong inis ko. Hindi ko lang naman kasi maintindihan ba't kailangan pa niyang sirain ang kwarto ko dahil lang sa gusto niya akong turuan ng leksyon.
"Bestfriend! Bestfriend!" umupo ako nang makita si bea na papasok.
"Oh bakit bea?" umupo siya sa harap ko at tinuro ang labas habang hinihingal pa.
"P-pinapaayos na ng tita mo yung kwarto pero sabi niya yung gusto niya daw na disenyo ang susundin" dumapa ulit ako at niyakap ang human size teddy ko.
"She's so mean" hinagod niya ako sa likod kaya tumingin ako ng masama sa kanya "Huwag ka ngang ganyan bestfriend pinapaiyak mo ko lalo eh!"
"Oh sige na hindi na!" tulala na ako sa kawalan at inalala ang mga nasaksihan ko. Ang ganda na ng kwarto ko!! Sayang!! Paano kung masama ang resulta ng pagpapaiba niya??!?