Chereads / SOMEONE'S SPECIAL / Chapter 10 - CHAPTER 9

Chapter 10 - CHAPTER 9

AMIRA'S POV

"Papá are you okay?" tanong ko nang huminto na talaga siya. Lumapit na sa kanya si tita elisa kaya tumayo din kami at nilapitan si papá.

"Alejandro?" tawag ni tita.

"Papá!!!" una akong napasigaw nang dahan dahan niyang binitawan ang ballpen kasabay ng pagbagsak ng katawan niya.

"Sir!/Papá!!!" nataranta ang lahat kaya nanatili akong nakatayo habang umiiyak na tumingin kay papá.

"P-papá"

"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ni nat. Lumapit na yung iba para buhatin si papá kaya sumunod na lang kami.

"P-papá!!" nagtaka ako nang harangan ako ni tita bago pa ako makalabas ng bahay.

"Stay here!"

"B-but t-tit--" maglalakad pa sana ako nang itulak na niya ako kaya napatingin ako kay mr.linc na nabangga ko. Lahat kami napatigil at tumingin kay tita.

"I SAID STAY HERE!! HINDI KA PWEDENG LUMABAS NG BAHAY!!!" nakapasok na sila sa kotse. Wala na akong nagawa kundi tignan silang paalis ng bahay.

"P-papá" huminga ako ng malalim at hindi alam kung saan ibaling ang tingin dahil hindi ko na matanaw ang sinasakyan nila.

"Bestfriend tumahan ka na" yumakap ako kay bea at doon umiyak sa balikat niya. Hinagod naman niya ang likod ko kaya mas lumala pa.

"PAPÁ!!!"

"Shh ma patahanin niyo po siya!" natarantang sigaw ni bea. Hinagod din ni nanay ang likod ko.

"Shh aayos ang kalagayan ng tatay mo" ilang minuto lang kaming ganun kaya inalalayan na ako ni bea na maglakad.

"MA!! Uminit po siya!" huminto kami sa paglalakad para matignan nila ang mukha ko "MAAA! Ang putla niyaaa!!"

"Dalhin natin siya sa kwarto niya!" naramdaman kong may bumuhat sa akin. Tinignan ko lang siya.

"Emilda! Ihanda niyo ang gamot niya!" rinig kong sigaw ni nanay.

Nakarating na kami sa kwarto kaya inihiga agad ako ni mr.linc. Tumakbo naman sa kung saan sina bea at nanay tsaka ako kinukumutan ng makapal na bedsheet.

"Bestfriend m-malamig pa?!" napapikit lang ako habang nililibot ang tingin "Isa pa maaa!!"

LINC'S POV

"What happened there?"

"She got high fever" napatingin ako sa direksyon niya na mahimbing na natutulog. Muntik ko na siyang mabitawan kanina dahil sa biglaang paginit niya. How could that be possible?

"Okay, inform them not to tell others especially papá sabihin mong huwag ng ipaabot pa dito ang balita dahil baka magalala lang siya dito"

"Pupuntahan ko kayo dyan z"

"No, just stay there, Mukhang karamihan sa bodyguards nandito kaya at least may maiwang isa dyan" tumango na lang ako kahit hindi niya nakikita.

"Okay"

"And remember this, tatakas at tatakas yang si amira kaya huwag na huwag mo siyang paalisin hanggat hindi pa maayos si papá. This is your new task. Bye" pinatay na niya ang tawag kaya humarap sa direksyon niya. Nakatayo lang ako dito sa labas ng kwarto habang hinihintay ang papalit sa akin.

I was on the phone while they were discussing about that heritage. She must be our REAL target and I should take a move as early as I can.

Noong isang araw narinig kong ibibigay ni sir ethan ang share niya kaya inakala ko kay z na niya ibibigay yun. So I took my move but thanks to this lady. I almost got the wrong jackpot.

"Hm" napaayos ako ng tayo nang gumalaw siya saglit. Hinugot ko ulit ang cellphone at nagdial.

"Cj what are you planning now?"

"Okay na lahat linc, salita mo na lang ang hinihintay and we got the plane tickets to italy. Soju asked when we are going to bring her so I said within in two weeks or probably this week"

"Okay" magandang pagkakataon sana siguro ngayon dahil walang masyadong bantay at nakadagdag pa sa kalagayan niya.

I don't want to do the same thing like z. I cannot just flirt with her, she had a mental problem! Tsk we can still get money in many way.

"It's your strategy linc" binaba ko ang cellphone at maglalakad na sana papasok nang biglang pumasok si mama.

"Anak magpahinga ka muna tsaka papalitan ko pa siya ng damit pantulog" tumango lang ako at sinundan muna siya ng tingin tsaka nilagay na lang sa bulsa ang mga kamay ko at naglakad paalis "Anak? Bumangon ka muna para makainom ng gamot"

Maybe tomorrow.

AMIRA'S POV

Dahan dahan akong dumilat dahil nawala na ang antok ko. Nag-inat muna ako at umupo na.

"Anong oras na ba? Hating gabi na? Pwede pa bang pumunta sa hospital ngayon?" gusto kong makita si papá! 

Napatingin ako kay nanay sa may bintana na nakaupong natutulog. Buong magdamag ba niya akong binantayan? Si bestfriend?

Tumayo na ako at inayos ang dress. Kinuha ko muna ang wallet at phone tsaka tahimik na lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko ng hagdan ay si mr.linc agad ang bumungad sa akin habang natutulog sa sala. Sa tingin ko nagbana--mabilis akong umupo nang gumalaw siya at humarap sa taas. G-gising pa siya?! Anong oras na ba?! 12:03am na!

Dahan dahan akong naglakad palabas ng bahay kaya sinikap kong hindi niya ako mapansin. Hindi ko sasayangin ang oras na to! Sumama pa ang pakiramdam ko kaya dapat kong malaman ang lagay niya ngayon!

Tumakbo na ako papunta sa gate at maingat na binuksan yun. Wala pang nagbabantay sa guard house kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Where are you going?" nagulat ako at dahan dahang lumingon sa kanya. Nakapamulsa siya habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Mr.linc?"

"I was ordered not to let you go outside. You're unlucky that I am assigned" tumikhim ako tsaka binagsak ang balikat.

Hindi ako gumalaw dito at hinintay siyang umalis. Mapapagod din yan kaya papasok yan sa loob tapos doon na ako tatakas.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagtitigan lang kami na hindi pa rin umaalis nang hindi man lang nagalaw sa kinatatayuan niya.

Dahan dahan akong umatras kaya kumunot pa ang noo ko nang sumunod din ang tingin niya sa paa ko.

"Mr.linc dyan ka lang ba? Pumasok ka na sa loob. Wala na akong lagnat kaya wag mo na akong bantayan" bumuntong hininga na ako at naglakad sa maliit na fountain tsaka binabad ang mga paa ko. Tumingin ulit ako kay mr.linc na nakaharap pa rin sa akin.

*sigh* bumuntong hininga ulit ako at nilibot ang tingin. Malas. Sana pala gumamit ako ng hagdan sa likod para walang makakita! Akala ko natutulog na silang lahat!

"Do you mind if I'll say something that I want you to do?" lumingon agad ako sa kanya at ngumiti para sabihing ayos lang sa akin. Yes! Pwede na ako umalis pagkatapos nito!!

"Uhhuh?" nakatingin lang siya sa akin ng diretso kaya umiwas ako ng konti. Hindi ko pa rin nakalimutan ang nakita ko!

"Leave bea" agad namang nawala ang ngiti ko pagkarinig nun. Si b-bea?

"Why? Are you concern about her?" totoo nga! May gusto nga siya kay bea!! Hindi! Paano yung nakita ko kina ate? What was that?! Fling??

Tumalikod ako sa kanya at yumuko. I'm so disappointed. Nakabusangot lang ako habang malungkot na tinitignan ang mga isda. Hindi ko 'to pwedeng ikwento kay bestfriend baka magkailangan pa kami. Crush ko may crush sa kanya tsk!

"I was just concern with her safety"

"Ano?! May gusto ka ba sa kanya? Ako una nakakita sayo" binulong ko lang ang huling pahayag ko. Sigurado akong hindi na maguhit ang mukha ko "I am the one who liked you first mr.linc! Huwag si bestfriend!"

"I don't care what you are thinking. Just stay away from her. You have mental problem and I can't bear watching her with you, you have no future and most of all you have a dangerous life" padabog akong tumayo at humarap sa kanya habang nagkasalubong ang mga kilay.

I didn't know this is his atittude! How can he say that to me?? Ilang segundo kaming nagtitigan at unti unti ding sumama ang tingin niya.

"Kapag papayag kang paalisin ako dito gagawin ko yan!" taas noong sabi ko. Inutusan siya kaya hindi niya magagawa--

"Okay" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumakbo ako sa gate at tinignan pa siya nang hawakan ko na yun. Sinundan ko siya ng tingin nang maglakad siya sa may fountain.

*GASP*

"Ang pera ko nandyan! Wag mr.linc!" hindi ko na nagawang habulin siya nang sipain niya papunta sa tubigan ang wallet at phone ko.

"Then go" bakit siya ganyan?! Bakit ganyan ang attitude niya?! Tumakbo ako palapit at tinignan siya ng masama.

"You're fired! Get out! You cannot work here anymore!"

"I am working with your sister and as far as I know you don't hold my salary so your words is just a pest"

"Mr.linc! Akala ko mabait ka?! Turned off na ako!"

"Don't you rendersi conto (realize)?? Her life will be more dangerous knowing that you will be more richer because of that inheritance, that means her life become dangerous too so stop bugging her around"

"B-bugging?!!" wala akong masabi dahil totoo din naman. Wala akong nagawa kundi ang tumakbo papasok ng bahay.