AMIRA'S POV
Pinunasan ko ang noo ko dahil pinagpapawisan na ako sa kaka-mop. Halos buong bahay na ang nilinis ko dahil na naman sa batang to! Alam ko namang inuuto ako nito, hinahayaan ko na lang para may magawa at makalayo din ako sa limang yun.
"Bakit ka tumigil??" humarap na ako kay nathalie na kumakain pa ng popcorn habang nakahiga sa sofa.
"I'm so tired nathalie" sabi ko at sumandal sa hawakan ng mop.
Sina yaya kanina pa nagpresenta na sila na ang gagawa. Ayaw ko dahil ibig sabihin ikukulong na naman ako ng limang yun at ayaw din ni nat na iba ang gagawa. Tumingin ako saglit kay mr.linc na nakamasid lang din.
"No no no continue what you are doing" bagot akong tumingin sa mop na hawak ko. Just go easy on it amira~ kaya ko to! Bumalik na ako sa pagmop kaya narinig ko na naman ang mahinang tawa ni nathalie.
"Prima ti farai questo infronto di me (sooner you'll do this in front of me)" sabi ko habang nakatutok lang sa ginagawa.
"Huy weirdo kumakanta ka ba? hahaha ang pangit ng boses mo!"
"Aspetta solo quando Papá va bene (just wait when papá is okay)" maya maya pa ay may narinig akong sasakyan mula sa labas kaya humarap ako sa pinto at hinintay na pumasok sila.
"Akin na yan!" nagulat ako kay nathalie nang kunin niya ang mop mula sa akin.
"Amir!" mabilis akong lumapit kay kuya nang tawagin niya ako habang yung mga katulong nila ay isa isa ng pumasok.
"Kuya how's papá?!" pumasok din sina tita tapos si ate zaira na dumiretso lang sa taas.
"Amir he's fine" sagot ni kuya. Huminto si tita sa harap namin kaya tumingin kami ni kuya sa kanya.
"We will bring all our maids later and we will leave you here again with your bodyguards" yumakap ako kay kuya dahil sa sinabi ni tita.
"I want to see papá~" pagmamakaawa ko. May hinugot si kuya sa bulsa niya at pinakita ang video. Hindi kami pinansin ni tita at umakyat na din sa itaas.
"Hi my princess! I'm fine here, I know you're worried so after you watched this video don't think anything okay? I will come home soon and just have fun and enjoy nath's debut party. Just remember papá is in his business trip hmm princess?" hindi ako siguradong tumingin kay kuya na nakangiti.
"Kuya is papá really okay?"
"Yes amir, he's totally fine but now he needs to rest until he fully recover" tumango lang ako kaya dinikit niya ang palad niya sa noo ko.
"You are not feeling well amir, you should take a rest" tumango ulit ako at napatingin sa lima na papalapit na sa amin. Tinaas agad ni kuya ang kamay niya.
"We will bring her to her room sir"
"Leave her alone, linc will escort her" tumingin siya kay mr.linc at tumango. Sumunod na ako sa kanya.
***
Binuksan ko ang pinto ng kwarto nina yaya pero wala din sila pati yung mga tagaluto. Wala din sa labas yung security guard! Halos nalibot ko na ang buong bahay at wala akong makitang tao bukod sa limang to at si mr.linc na nasa kwarto ata ni ate zaira. Ewan ko anong ginagawa niya dun, nakita ko lang siyang pumasok doon kanina.
"Miss amira we gave you enough time, you need to go back to your room"
"Wait!" mabilis na sabi ko at napakamot na lang sa batok habang nagiisip ng pwedeng tutulong sa akin.
I'm not good in style and tomorrow will be nathalie's debut. I will follow as what papá said. Usually nagpapatulong ako sa pagpili ng susuotin either kina yaya or kay bestfriend. Umangat ang tingin ko nang makita si mr.linc na pababa ng hagdan.
"Mr.linc can I have a favor?" nahihiyang tanong ko at tumakbo papunta sa kanya.
"Cosa?(what?)" dinaanan niya lang ako. Nagkatinginan muna kami nung lima at sumunod agad.
"Puoi aiutarmi a trovare il miglior vestito per me? (can you help me find best dress for me?)" I doubt why he is so fluent in italian and english but can also speak in filipino. I also wonder what nationality he is.
"Sono occupato (I'm busy)" pinagdikit ko ang mga palad at inunahan siya.
"Pregigionatevi! Non sono a proprio agio con loro (pretty please! I'm not comfortable with them)" huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin.
"Quindi sei tu a buon mercato con me? (so you're comfortable with me?)" mabilis naman akong umiling habang iniwagayway ang mga kamay sa harap niya.
"No no no non ho alcuna scelta! (no no no I have no other choice!)" nagulat ako nang may humawak sa braso ko.
"Ma'am kung pwede magtagalog kayo para mas maintindihan namin" hindi siya pagalit pero alam niyo yung may pagbabanta sa boses? Pati lengwahe pinapakialaman nila?! Tumingin ulit ako kay mr.linc at mabilis siyang hinila.
"I'll change as quick as I can mr.linc!" napatigil ako nang sumunod din yung lima papasok ng kwarto.
"Ma'am hindi po kayo pwedeng mawala sa paningin namin" tumingin ako kay mr.linc kaya sumenyas siya sa lima na lumabas.
Yas! Sumunod! Ngumiti ako at sinara agad ang pinto tsaka nagmamadaling pumasok sa cr para magpalit ng unang damit.
Dress no. 1 kulay red siya hanggang tuhod lang tapos simpleng red dress lang ganun. Lumabas na ako at humarap kay mr.linc.
"Mr.linc how about this?" diretso lang ang tingin niya sa akin habang nakapamulsa kaya napanguso akong tumingin sa dress. Walang response kaya hindi ko alam anong sagot! "I'm sorry, I'm not good at styling, bea used to do it for me"
"Successivi vestiti(next clothes)" nabuhayan ako at bumalik ulit. Binanggit ko naman kasi yung crush niya kaya nailang tuloy ako!
Dress no.2 medyo kita yung collar bone at medyo revealing yung tiyan dahil sa may konting butas doon.
"Successivo(next)" ano ba!! Hindi pa nga ako tuluyang nakalabas. Bakit mapili siya?? I know he has a great fashion sense because of his simple but perfect outfit.
Dress no.3 ito na talaga! Medyo revealing na! Totally backless na talaga! Fitted dress siya na hanggang tuhod. Nakikita ang magandang shape ng katawan ko. Aakalain mong sa harap parang normal dress lang siya pero 'pag tumalikod ka nandun pala lahat nilabas HAHAHA. Lumabas na ako at umikot sa harap niya.
"Ito mr.linc??" tinaas ko ang daliri para hindi muna siya magsalita. Humarap ako sa salamin, hindi na masama! Tinali ko na ang buhok tsaka humarap ulit sa kanya.
"S-successivo" nawala ang ngiti ko at tinignan lang siya, ang hirap naman nito!
"Ano na lang suotin ko? Last na yun mr.linc ehh" lumapit na ako sa wardrobe para maghanap pa. Madaming damit kaso wala namang bagay sa pang event. Humarap ulit ako sa kanya nang tumikhim siya at umayos ng tayo "Ano mr.linc? May suggestion ka?"
"N-nessuno(none)" pinanliitan ko siya ng mga mata at ngumiti kaya humarap siya sa ibang direksyon habang tumitikhim.
"I have an idea, what if we will b---"
*blagblag* napatigil ako dahil parang may malakas na yabag ng paa sa labas ng kwarto.
Nagkatinginan muna kami ni mr.linc bago lumapit sa pinto at nakinig ng mabuti. Sa aming lahat ako lang ang hindi sound proof ang kwarto, ewan ko ba kay papá.
"ZAI! Don't turn your back at me!"
"Kuya naman ang kulit mo! Sabi ng hindi!"
"Ilang beses pa ba natin itong pagtatalunan?! Dadalhin ko nga si amir sa condo ko! Doon mas ligtas siya!" kumunot agad ang noo ko sa narinig.
"Ligtas?! Kuya kaya na niya buhay niya dito!"
"Bakit ba ayaw mo siyang ialis dito?!"
"Bakit ba nangingialam ka?!"
"BECAUSE SHE IS ALSO MY SISTER! Tell me zai!! What are you planning to your sister?! Know her condition zai!"
"I know! I know her condition! Paulit ulit na lang! Baliw yan alam ko na!"
"What will happen to amir will result to papá! Think twice zai!!"
"Alam ko! Bakit ko naman gagawin yun! Kapag mawala na si papá mapupunta lahat kay amir!!-- na dapat ay sa akin!!"
"So it's still the will?! My god zaira! Move on! Everything is final!!"
"Then for me as long as papá haven't sign under her name everything can be change!!"
"I can't believe you!" nakarinig ako ng pagbukas sara ng pinto kaya humarap ako kay mr.linc at bumuntong hininga.
"Thanks for the time mr.linc, you can call them to watch me" sabi ko tsaka pumunta sa bintana at pinakain na lang ang parrot.
*click*
*sigh*