Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Wake Me Up, My Boy

🇵🇭maejilexcious
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.8k
Views
Synopsis
Krischelle Valderama, ordinary journalist who lives with her mother. Simple, but has tha ability to see the future deaths of other people in her dreams. Tragic fates, unexpected deaths, sometimes she can also see other things like sweet moments with the man she loves. What would she do if one day, she accidentally dreamt about the death of her own mother, including hers? 001, also known as Mr. Grim, a serious modern type of Grim Reaper. He's been living as a Grim Reaper for 500 years as a punishment for all the bad things he did during his past life. But his mission started to ruin after meeting the last soul that he will be working on until the end of his remaining five months as a Grim Reaper. Does this last soul has something to do with his past life?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

May isang aksidente......

Nag aagaw buhay na mga tao...

Punong puno ng dugo sa lugar...

Nandoon rin ako sa scenario, naliligo sa sariling dugo, nag aagaw buhay, humihingi ng tulong.....

*Toooooooooottoooooot*

Narinig ko ang tunog ng alarm clock ko, hudyat na magigising na ko sa isang gabing puno ng malalagim na pangyayari.

Kusang pumatak ang mga luha sa mata ko, di ko aakalaing ang sarili kong pagkamatay ay masasaksihan ko.

Is this my end?

Then, I should be prepared.

--------------------------------------------------------------------

      Kasalukuyan akong nakasakay sa isang bus, papunta ako ngayon sa lugar kung saan napag usapan namin ni Mr. Grim na magkita. I've met him 5 months ago. Napapangiti nalang ako sa tuwing naaalala ko sya. We've met in a very unexpected situation.

     Maya maya pa ay biglang nag singhapan sa takot ang sakay ng bus kung nasaan ako, para silang mga takot na di mo maintindihan. Tulala silang manonood sa news sa tv ng bus saka dahan dahang lilingon sa lalaking army na lulan din ng bus.

  Bigla na ring may umusbong na takot sa sistema ko, parang may naaalala ako sa pangyayaring to.

'Hindi maaari!'

'Ito yung nasa panaginip ko!'

Pinagmasdan ko ang buong scenario, nagkakarambola na sa kaba ang puso ko, nag hahalo halo sa sistema ko ang iba't ibang emosyon.

'Kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng pamahalaan ang isang militar na tumakas mula sa headquarters nito, mula sa nakalap naming impormasyon ay isa isa nitong pinatay ang mga kasamahang army, nagbanta rin umano itong pasasabugin ang mga lugar kung saan may magtatangkang humarang sa kanya. Dala nito ang limang granadang ninakaw at isang Calibre '45 na baril mula sa headquarters.'

'Ito na ba ang katapusan ko?'

Maraming tao ang bakas na ang takot sa mukha. Marami ring pilit na pinapakitang hindi sila natatakot. Ngunit sa pagkakataong ito, tanging malakas na pagtibok ng puso ko ang aking naririnig. Ito na ang katapusan kong matagal nang bumabagabag sakin. Katapusang hindi ko inaakalang masasaksihan ko sa sarili kong panaginip. Katapusang sana'y nakita at napanaginipan rin ni Mr. Grim.

Tuluyan nang nagpanic ang mga tao sa paligid ko, ngunit ang lalaking army ay nakangisi lamang na tila may nabubuong plano sa isipan. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pilit kong binubura ang takot na bumabalatay sa buong pagkatao ko.

'Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Sa sandaling nasa panganib ka, tawagin mo ko, sigurado akong mapapanaginipan kita. Huwag kang magalala, kahit anong panganib pa yan pipilitin kong iligtas ka.'

Nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga katagang binitawan saakin ni Mr. Grim, sa sandaling iyon nabuhayan ako ng pag asa.

"Mr. Grim, kung sakaling napapanagipan mo to, kailangan kita, please kailangan kita." bulong ko, "sa isang color blue na bus at malapit kami sa isang 7/11 store, 11:30 pm ang eksaktong oras." patuloy kong bulong habang nakayuko.

Patuloy na nag papanic ang mga tao sa loob ng bus. Maging ako ay hindi na rin mapakali nang unti unting tumigil ang bus na sinasakyan namin, bakas na rin ang takot sa mukha ng driver. Matapos nitong ihinto ang bus ay humarap ito sa mga pasahero, pilit nitong pinapakalma ang sarili ngunit

nababakas pa rin ang takot sa pagkatao nito.

"Mga minamahal kong p-pasahero, pasensya na't nagkaroon ng sira ang b-bus natin, kailangan nyong bumab-----" hindi na nito naipagpatuloy ang sasabihin nang tutukan ito ng baril ng army. Mas lalong umatungal sa takot ang mga tao dahil sa mga nangyayari.

"Walang bababa! Sabay sabay tayong mamamatay!" galit na galit na sabi ng lalaki. Nakatutok pa rin sa driver ng bus ang baril nito, nanginginig rin ang kamay nito kung kaya't mas lalong natakot ang driver ng bus. Maya maya pa'y inilabas nito ang limang granada at handa nang alisin ang mga susing nakakabit dito, hudyat na maari na itong sumabog.

Napatayo ako kaya't nakuha ko ang atensyon ng lalaking army.

"Pakiusap, hayaan mong makababa ang mga pasahero, hindi ka namin pipigilan sa anumang gusto mong gawin bast--" itinutok nito saakin ang baril. Nanlalaki ang mata at nanginginig na sa galit ang army.

"Ito ang gusto kong gawin! Ang sabay sabay tayong mamatay!" ngumisi pa ito na parang demonyo. Tuluyan na nitong tinanggal ang susi sa dalawang granada saka ibinato sa dulo at unahan ng bus. Halo halo na ang tinig ng umiiyak na tao sa loob ng bus.

  Tila kumakaripas ng takbo ang puso ko sa kaba nang unti unting nagbabalik sa alaala ko ang mga pangyayaring itong nakita ko sa panaginip. Nagpaulit ulit ring bumalik sa alaala ko ang mga katagang binitiwan ni Mr. Grim.

'Pakiusap, tuparin mo ang pangako mo Mr. Grim.'

Tuluyan na akong yumuko dahil sa hindi ko makayanang titigan ang mata ng lalaking army, paulit ulit ko ring pabulong na tinatawag si Mr. Grim. Maya maya pa'y tuluyan nang sumabog ang mga granadang dala ng army. Mula sa matiwasay na paligid ay napalitan ito ng nagliliyab at tila impyernong kapaligiran.

  Tuluyan na akong bumagsak, unti unti na ring pumipikit ang talukap ng mga mata ko. Sa isip ko'y paulit ulit pa ring tinatawag ang pangalan ni Mr. Grim na kailanman ay hindi ko nalaman ang buo at totoo nyang pangalan.

'Ito na ang katapusan ko, kailangan ko nang tanggapin, di na sya darating, di sya tumupad sa pangako.....Paalam.'

   Tuluyan nang bumagsak ang talukap ng aking mata, hudyat na nilisan ko na ang mundo.

'Katapusang nakatakda at inaasahan ko na....'

------------------------------------------------------------------------