Isang ordinaryong araw para sa isang ordinaryong babae. Matapos ang isang napakahabang panaginip ay lilitaw ang isang napakagandang umaga na nagsasabing 'panaginip lang yan, kabaliktaran sa totoong mangyayari'. Ngunit para sakin, mahalaga ang bawat detalyeng nakapaloob sa panaginip ko, hindi man maganda pero nag sisilbing babala.
Matapos kong magsulat ay idinikit ko na sa Dream Wall ang sticky note na pinag sulatan ko. Sakto namang pumasok si Mama sa kwarto ko.
"Ano ba naman yan, Chel? Ang taas na ng araw oh, ang gulo pa rin ng kwarto mo, kababaeng tao nito oh." yan ang paulit ulit kong naririnig kay Mama tuwing umaga, kaya pinapabayaan ko nalang. Niyakap ko si Mama mula sa likod at naglalambing na humalik sa pisngi nya. Nagsimula namang ayusin ni Mama ang lahat ng gamit ko na nakakalat.
"Mama, pwede rin palang nakakakilig at kaabang-abang ang panaginip ko no?" sabi ko pa habang inaalala ang bawat detalye ng panaginip ko. Humarap naman bigla saakin si Mama at nakangiting nagtanong.
"Bakit? Ano bang panaginip mo?" interesadong tanong nya. Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
"May titira na kase dyan sa bakanteng bahay na kaharap naten Ma, tsaka ang guwapo nya." kinikilig pang sabi ko, napaigtad naman ako ng sundutin ni Mama ang tagiliran ko.
"Asuss, oy Krischelle, tigil tigilan mo ko dyan, diba eh may boypren ka na?" nagbabantang sabi ni Mama habang inaayos ang mga gamit ko sa kwarto.
"Pwede ko namang hiwalayan yun Ma, diba? At saka mas guwapo yung magiging kapitbahay naten. At isa pa, wala naman talaga akong gusto dun sa boyfriend ko ngayon." pagbibiro ko pa, habang sunod nang sunod kay Mama. Lumabas na si Mama na tatawa tawa dahil sa pinagsasabi ko. Nagpaiwan ulit ako sa kwarto saka nag isip. Ang totoo mas higit pa roon ang napanaginipan ko kaya't di ko mapigilang matuwa. Napahiga ulit ako sa kama at tumitig sa kisame habang inaalala ang panaginip.
'Dream Flashback'
'Isang magandang araw kung saan, pupunta sya sa trabaho, pero natigilan sya nang biglang humarang sa daan niya, ang lalaking magiging bagong kapitbahay nila. Malugod itong ngumiti sa kanya, maya maya pa ay may inilabas itong apron sa likod nito.
'Pasensya na, hindi ko natanggal kahapon, nagmamadali kasi ako.' nakangiti nitong tugon sa kanya. Kinuha nya ito at binigyan ng matamis na ngiti.
'Aminin mo, sinadya mo no? Ikaw talaga! Sabihin mo lang kase na gusto mo akong makita.' nagbibirong tugon nya.
Napakamot sa batok ang lalaki saka nahihiyang nag angat ng tingin sa kanya, awkward din itong ngumiti.
'Sige, alis na ko, may trabaho pa ko eh, saka pwede ka namang bumisita ulit mamaya sa restaurant namin. Sulit din yun, may waiter na walang sahod.' nakangiting sabi nya saka ito tinapik s balikat saka naglakad papalayo.
'End of Dream Flashback'
Lumabas na ako ng kwarto para tulungan si Mamang magluto ng agahan. Kami nalang dalawa ang magkasama sa bahay. My father died 5 years ago. I was still in college that time. Pero ngayon, isa na akong Journalist. Mayroon ring pinapatakbong restaurant ang Mama ko, yun ang source of income namin, may trabaho rin ako bilang Journalist sa isang Media Company.
Habang kumakain kami ay may malaking truck na huminto sa harap ng bahay namin, marami itong kargang gamit. So, this is it. Our new handsome neighbor.
Napatayo si Mama saka lumabas ng bahay para salubungin ang bago naming kapitbahay, syempre ako rin itong intrimidita, makikichismis na rin ako. Sayang opportunity oy!
"Bagong lipat ho kayo?" tanong ni Mama sa lalaking nakatalikod, pinagmamasdan nito ang bahay. Ang weird nga eh, naka all black sya. Kasali ba sya sa cast ng Men In Black?
"Ah, opo. Ikinagagalak ko pong makilala kayo." humarap ito saamin saka malugod na ngumiti. Shocks! Ito talaga yung sa panaginip ko! Tinignan nya rin ako.
Ngumiti sya sakin yun tipong makalaglag panty. Chos. Napaligon sakin si Mama saka ako siniko.
"Hi, welcome sayo." sabi ko habang inaayos ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko, yung tipong nagpapacute. Nginitian nya ulit naman ako saka bumaling ulit kay Mama.
"Welcome sayo hijo, kapag may kailangan ka, andyan lang ang bahay namin ah." sabi pa ni Mama habang nakanigiti. Siniko nanaman ako ni Mama.
"Aray! Ma naman!" reklamo ko pa. Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama. "Hehe, sige feel free to call us." napapahiyang sabi ko. Agad namang ngumiti si Mama.
"Salamat, sige po pasok na ko, marami pa po kasi akong gagawin." paalam pa ni Mr. Handsome Neighbor. Oo, handsome neighbor, ang gwapo nya kasi talaga, saka with matching all black outfit pa, san ka pa oy!
Pumasok na ulit kami ni Mama sa bahay para ipagpatuloy ang pagkain. Grabe tong si Mama, akala mo kanina hindi interesado, pero ngayon nagawa pang iwan ang pagkain para makipagkilala kay Mr. Handsome Neighbor.
"Ikaw Mama ah, kunwari di interested kay new neighbor, sus, nagawa pang iwan ang pagkain, ay nakuu, iba na yan Ma ah." pangaasar ko kay Mama, natawa ito sa mga sinabi ko. "Wag kang tumawa Ma, seryoso ako, wag mong aagawin sakin si Mr. Handsome Neighbor ah, di kayo bagay." pagpapatuloy ko, natatawa na rin sa mga pinagsasabi ko.
"Tigilan mo nga yang kalokohan mo Krischelle Valderama, ano kala mo sa Mama mo teenager?" natatawang sabi ni Mama. Mukha naman syang teenager talaga eh, aakalain mo ngang magkapatid lang kami. Pero dahil nga mas maganda ako, mas napapansin ang beauty ko kesa kay Mama.
"Chaross lang Ma, ito naman oy, pero seriously, ang gwapo nya Ma diba? Like, omaygad! All black outfit pa."
"Bilisan mo nga dyan baka mahuli ka pa sa trabaho, wag ka ngang ganyan, kawawa naman boypren mo."
"Kaya ko namang makipag break dun. Hindi ko rin naman yun type no. I mean, pustahan lang yun, napagdiskitahan lang ako ng mga co-journalist ko." paliwanag ko pa. Hindi ko naman gusto na maging boyfriend ang kumag na yun. Lawyer nga siya, pero di ko sya type. Choosy na kung choosy, basta di ko yun type. Tumango-tango nalang si Mama saka tumayo para mag hugas ng pinagkainan namin.
Naligo na rin ako para makapunta sa trabaho. Nagsuot lang ako ng simpleng pink polo at jeans saka isinuot ang ID ko. Sa pagiging Journalist, di naman kailangan ang bonggang damit, magsusulat at magsusulat lang naman. Maghahanap ng pwedeng i feature na news.
Pagdating sa trabaho ay meeting kaagad para sa mga latest na news na kailangang i-feature. Minsan naiinis na rin ako dito sa senior namin, minsan mabait, minsan masungit, kadalasan baliw.
"Ms. Valderama, i-feature mo sa news mo ang isang accident na nangyari kahapon sa subway station. Marami ang makakalap mong impormasyon sa mismong pinangyarihan ng engkwentro." sabi pa sakin ng Senior Journalist namin. Tumango nalang ako. Actually, mukhang di ko na kailangang pumunta, napanaginipan ko ang mga pangyayari doon nung isang gabi. Habang on operation ang subway station ay bigla nalang bumigay ang railings kaya, marami ang namatay na pasahero, bagong gawa palang kasi ang subway station na yun pero binuksan nila agad.
"Siguraduhin mong on-time mo maipapasa yang news Krischelle, ayaw ko nang tatamad-tamad," paalala pa ni Senior. Tamad ba ako? Shems. Umirap ako saka sya tinanguan ulit. "Oh, yung iba rin, ipasa nyo yan ng on-time," dagdag pa nya saka tinapos ang meeting. Pagod akong tumayo saka bumalik sa harap ng computer ko para gumawa ng iniutos na news ni Senior.
Isa sa mga kinakatakutan ko kapag natutulog ay ang mga napapanaginipan ko, minsan mayroong magagandang panaginip pero mas madalas ang masasamang panaginip gaya na lamang ng kamatayan ng isang tao, o ng karamihan. Napatunayan ko nang nagkakatotoo ang lahat ng napapanaginipan ko, ni isa sa mga panaginip ko ay hindi pa nagkakamali, palaging sakto sa totoong mangyayari. Minsan na rin naming sinubukan ni Mama na pigilan ang mangyayari, pero wala, hahanap at hahanap ang tadhana para mangyari yun kahit anong pigil mo pa. Just like water, they flow in different directions, once na pinigilan mo ang daloy nito, maghahanap ito ng ibang direksyon na mapagdadaluyan. Kaya hindi na namin sinubukan pang harangan o pigilan ang mangyayari.
Matapos ang maghapong pagsusulat at pag ieedit ng news na kailangang i feature ay dumeretso na ako sa restaurant namin para tulungan si Mama na mag ayos kung sakaling magsasara na.
"Hi, Ma! Andito na ko." pagod na bati ko habang papasok. Wala namang sumasagot kaya nag angat ako ng tingin. Kasama ni Mama si Mr. Handsome Neighbor. Naka all black nanaman sya ngayon. Black T-Shirt black shorts at black na shoes. Iba rin talaga ang dating nitong lalaking to. Ngumiti ako saka lumapit sa kanila.
"Oh, Ma, bat walang costumer? Magsasara ka na? 8 pm palang ah." dere deretsong sabi ko saka naupo sa katapat na upuan ni Mr. Handsome Neighbor in All Black Outfit. Medyo yata nailang ito kaya nagbaba ng tingin.
"Wala nang costumer, Chel. Tulungan mo na nga muna ako ditong magligpit ng mga gamit." sabi pa sakin ni Mama. Mabilis naman akong tumayo at isinuot ang apron. Para na rin hindi madumihan ang damit ko. Tumayo rin si Mr. Handsome Neighbor at nag suot ng apron.
"Ma!" mahinang tawag ko kay Mama, dali dali naman syang lumapit saakin. "Bakit may suot na apron si Mr. Handsome Neighbor?" bulong ko kay Mama.
"Nagpresinta kasi sya kaninang tutulungan ako, eh ayaw ko sana kaso nag pumilit, kesyo wala naman daw syang ginagawa." sagot sakin ni Mama. Tumango nalang ako saka pinagmasdan sya. Ay! Nga pala! Ang pangalan nya! Nilapitan ko sya habang dala ko ang mop saka kinalabit. Gulat na tumingin saakin saka ngumiti.
"Hello, ano nga palang pangalan mo? Di ko pa kase alam eh. By the way, I'm Krischelle Valderama." mukhang nagulat pa ito nang marinig ang pangalan ko. Iniangat ko ang kamay ko naghihintay na tanggapin nito.
"Ako si Grim! Maari mo akong tawagin na Grim," kinakabahan pang sagot ito saka awkward na ngumiti.Hindi nya tinanggap ang pakikipagkamay ko kaya nahihiyang ibinaba ko into. Ngumiti na lang din ako saka sya tinalikuran para mag mop.
"Thank you nga pala sa pagtulong kay Mama." pagbubukas ko ng bagong topic, mahirap na ayoko ng awkward moments.
"Wala yun, wala naman kasi akong ginagawa sa ngayon." sabi pa nito habang abala sa pagpunas ng mga mesa, ako naman ay nag mo mop ng sahig.
"Ano bang trabaho mo? Curious lang! Lagi ka kasing naka all black na outfit." pang uusisa ko. Hindi naman masama di ba? Curious lang naman talaga ako. Pero ang cute ng name nya. Grim? Hmm? Parang Grim Reaper? Yun ang tingin ko sa sarili ko eh, nakikita ko sa panaginip ang future deaths kaya inassume ko na lang rin. Siguro ang sama ko sa past life ko, hays!
"Ah, wala pa naman masyadong gagawin sa trabaho ko ngayon. At required yung all black na outfit ko sa trabaho." parang nagdadalawang isip sya. At dahil madaldal ako, kukulitn ko pa rin sya para sabihin ang work nya, parang 'Getting To Know Each Other Stage' Mas mabuti na yung close mas masaya at syempre exciting. Wait? Kailan kaya mangyayari ang nasa panaginip ko na kasama sya? Napatingin sya muli kay Mr. Handsome Neighbor, ay oo nga pala Grim ang pangalan nito. I should call him Mr. Grim. Wait, wala ba syang apelyido?
Ano naman kayang trabaho ang required ang all black na outfit? Hmm.
"Anong trabaho mo, Mr. Grim?" tanong ko ulit sa kanya. Hindi nya sinagot ang una kong tanong eh. Napakamot pa ito saka tumingala na animo'y nag iisip.
"Lets say, Tagasundo?" awkward na sabi nito.
Tagasundo? Ng ano?