Chereads / Wake Me Up, My Boy / Chapter 3 - Chapter 2 (Dream ²)

Chapter 3 - Chapter 2 (Dream ²)

Tagasundo ba sya ng ano? Mga bata sa preschool? School bus driver ba sya? Hindi ko magets. LG ako lagi eh. Tumawa ako saka tinapik sya.

"Required ba ang all black outfit sa tagasundo? Anong klase ba ng taga sundo?" tatawa tawa pang sabi ko. Tiningnan naman ako ng masama ni Mama. Bakit? May mali ba sa tanong ko? Tiningnan ko naman si Mr. Grim na nakatungo. "Ah, hindi mo naman kailangang sagutin yun, hehe pasensya na." naiilang na sabi ko saka nag Peace Sign kay Mr. Grim.

Pinagpatuloy namin ang paglilinis ng restaurant. Isang oras kaming naglinis doon saka sabay sabay nang umuwi. Hays, eto nanaman ang kinakatakutan ko. Matutulog nanaman. Habang naglalakad ay tahimik lang si Mr. Grim, nakapamulsa ito at nakatingin lang sa baba.

"Hays, kapagod kanina, Ma. Naalala mo yung sinabi ko sayo na aksidente sa subway station?" pagbubukas ko ng usapan. Ang tahimik kasi.

"Bakit? Ano ang tungkol don?" seryosong tanong ni Mama.

"Yun po kasi ang ifefeature ko sa news, nangyari na kahapon, ang aksidenteng yun. Hay! Alam ko na mangyayari yun wala man lang akong nagawa." napabuntong hininga ako. Nanatiling tahimik si Mr. Grim habang naglalakad.

"Chel, anak, hayaan mo na, hindi mo naman kasalanan ang nangyari, nakita mo lang naman, pero hindi ikaw ang may gawa." sabi pa sakin ni Mama. Tama naman di ko naman kasalanan yun pero naabala pa rin ako. Hirap ng sitwasyon ko.

Maya maya pa ay biglang tumigil si Mr. Grim. May kung anong narinig saka tumingin samin.

"Oh, anong problema hijo? Ayos ka lang ba?"nagaalalang tanong ni Mama. Hinarap ko naman sya saka tiningnan ng mabuti. May kakaibang aura talagang bumabalot sa pagkatao ni Mr. Grim, hindi ko lang matukoy kung ano, basta meron.

"Ah, may susunduin lang po akong mga kaluluw--- ay este may nakalimutan lang po akong bilhin. Mauna na po kayo salamat." nagmamadali pang tugon nito saka kami tinalikuran. Teka? San nya nakuha ang itim na sombrerong hawak nya? Naglakad na rin kami ni Mama pauwi.

"Anong nangyari dun? Mukhang di mapakali." tanong ko kay Mama na nagtataka rin. "At saka, Ma, may dala ba yung cap na black kanina?"tanong ko.

"Wag ka ngang praning Krischelle, dala nya na yun kanina, pagod ka na kaya bilisan na natin."sabi pa ni mama saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nilingon ko ulit ang daan kung saan naglalakad si Mr. Grim, nawala na agad. Ang bilis naman nya ata? Hmm?

Nagpatuloy na rin lang ako sa paglalakad.  Pagdating sa bahay ay humiga kaagad ako sa kama,napatulala saglit at tumayo ulit, saka lumapit sa Dream Wall ko. Dito ko lahat nilalagay ang mga sinusulat kong napanaginipan ko, at kapag nangyari na ay tinatanggal ko na. Binasa ko ulit ang napanaginipan ko kagabi. Hmm? Kailan kaya mangyayari to?

NASA loob siya ngayon ng isang lugar kung saan hinihintay ang mga kaluluwang handa nang umakyat sa taas. Trabaho nyang sunduin sila at dalhin sa tinatawag nilang 'Hi Oblivion, Goodbye Life Memories' dito huling pumupunta ang mga kaluluwa ng patay bago umakyat. Mayroon ding mga taong nag aassist sa kanila, kumbaga mga nagtatrabaho doon sa lugar na iyon kung saan sila ang sumusundo sa mga kaluluwa para na rin gabayan ito sa paglalakbay. Pinapainom nila ang mga kaluluwa ng tinatawag nilang Oblivion, sa pamamagitan nito makakalimutan ng kaluluwa ang mga alaala nya nung nabubuhay pa siya.

Tinatawag na 'Grim Reaper' ang mga taong sumusundo sa kaluluwa ng patay. Minsan na ring naging tao ang mga Grim Reapers ngunit nang dahil na rin sa dami nang kasalanang nagawa nila noong nabubuhay pa sila ay ginawa silang tagasundo ng kaluluwa bilang kabayaran at kaparusahan din ito sa mga nagawa nilang kasalanan.

"001, andito na ang lahat ng pangalan ng susunduin mo sa loob ng limang buwan. Matagal na panahon ka na ring kasapi nang mga Grim Reapers, at nakasisiguro kaming napagbayaran mo na ang mga kasalanan mo sa iyong nakaraang buhay. Kapag natapos ang limang buwan, ang nasa pinakahuli ng mga black envelope na yan ang makakasabay mo sa pag-akyat." dinig nya na ang boses ng Grim Reaper na kailanman sa loob ng  limandaang taon ay hindi nya nakita.

Hindi nya mapigilang mangiti sa narinig, sa wakas, matapos ang limandaang taon nya ay makakaakyat na siya.

Tiningnan nya ang lahat ng pangalan na nakasulat sa bawat isang black envelope na hawak nya. 19 lahat iyon sa loob lamang ng limang buwan.

Nang makita nya ang huling pangalan ay nabigla sya.

19. Ms. Krischelle Valderama (26 years old)

BAGO matulog ay nag shower muna ako. Gosh! Feeling ko kasi ang dumi dumi ko. Pero naupo lang naman ako sa trabaho maghapon, siguro dahil dun sa pag lilinis namin ng restaurant. Hindi na nag abala si Mama na tawagin ako para kumain, alam naman na nya na ang sasabihin ko. Hindi na ako nag aabalang kumain ng dinner, natatakot kasi ako sa mga sinasabi nila na binabangungot daw yung mga taong natutulog na busog, ang bilis ko pa naman makatulog kapag busog.

Nang mahiga ako ay sya namang may tumatawag sa phone ko! Hays! Kahihiga ko lang! Tumayo ulit ako saka kinuha ang cellphone sa bag ko. Napairap nalang ako nang tingnan kung sino ang tumatawag. Ang boyfriend ko kuno! Hays! Nakakadiri.

Inis kong sinagot ang tawag ng kumag na yon.

"Hello! Ano?" parang galit na sabi ko pa. Anyways wala naman akong pakealam sa kanya.

"Hello, Babe! Bat parang highblood ka ata?" nangaasar na sagot nito sakin. Walangya talaga tong lalaking to! Akala mo kung sino, hindi naman gwapo. Ni hindi ko nga sya gusto eh kahit katiting wala. Sa gigil ko ay gusot na gusot na ang parte ng kumot na nahahawakan ko.

"Alam mo kung bubwisetin mo lang ako umayos ka! Pasalamat ka at kuripot ako kaya pinatulan kitang pangit ka! Matapos lang ang dare na to papatayin kita!" galit na talagang sabi ko habang nakaupo sa kama. Pasalamat nga siya at pumayag ako sa dare. Ayokong gumastos ng 10, 000 ah. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita, pinatay ko na agad ang tawag. Kung andito lang sya, sya ang papatayin ko. Hmp!

Mabilis ring nawala ang inis ko nang maalala si Mr. Grim. Napuno nanaman ng kuryosidad ang isip ko. Bakit di nalang nya sagutin kung tagasundo sya ng ano? Kinakahiya ba nya trabaho nya? Hala! Baka illegal yun! Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip.

Dreaming....

'Ma! Please! Hindi na natin mapipigilan yun, mapapahamak lang tayo Ma!' sigaw ko kay Mama nang tumakbo ito palapit sa batang konti nalang ay masasagasaan na ng truck. Natulala ang bata sa paparating na truck kaya hindi na ito makagalaw sa kinauupuan. Nahulog ang teddy bear nito sa isang madilim na kalsada kaya binalikan ito ng bata.

"Ma! Makinig ka naman sakin oh, Ma!" patuloy sa pagsigaw ko habang dumadaloy ang luha sa aking mga mata.

Hindi pa rin nakikinig si Mama sa sinasabi ko, iyak na ko nang iyak, nang malapit na si Mama sa bata ay saktong nasagasaan silang dalawa ng truck, agad na tumilapon si Mama at ang bata matapos masagasaan ng napakabilis na truck. Parang namanhid ang buong katawan ko, napaupo ako sa gilid ng kalsada at natulala nang makita ang katawan ni Mama na punong puno ng dugo at halos di na makilala. Patuloy na dumaloy sa pisngi ko ang luha. Nahihirapan na akong huminga.

Bakit, Ma? Di ba sabi mo walang iwanan? Sabi mo wag tayong makialam sa nakatadhanang mangyari sa ibang tao? Bakit, Ma!

Walang tigil na sa pag buhos ang luha ko.

Wala na si Mama, hindi ko kaya. Pakiusap, tulungan nyo kami.....

Napabalikwas ako ng bangon, ramdam ko rin ang pamamasa ng mukha ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi pwede to! Hinde!

Walang tigil sa pag daloy ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwalang makikita ko ang kamatayan ng Mama ko. Ano nang gagawin ko? Bakit ba ko pinapahirapan ng ganito. Hanggang sa pagsusulat ko sa sticky note ay patuloy na tumutulo ang luha ko.  Bat si Mama pa?

Maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, hudyat na papasok na si Mama. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya nang mahigpit. Naramdaman ko namang hinahaplos nya ang likod ko. Lalo lang akong naiiyak.

"M-ma, a-ano n-nang gagawin natin?" tiningnan naman ako ni Mama na bakas sa mukha ang pag aalala. "Ma! Sumagot ka naman! Hindi kita kayang mawala! Huwag mo kong iiwan!" sigaw ko habang nakayakap na muli kay Mama. Patuloy lang nitong hinahaplos ang likod.

"Tahan na, Chel, magagawan natin yan ng paraan, huwag ka nang umiyak, ha?" pilit na pinapakalma ni Mama ang boses nya kahit halata namang naiiyak na siya. "Halika na, kumain na tayo, may pasok ka pa diba?" hinarap ako ni Mama saka pinunasan yung mga luha sa mata ko gamit ang kamay nya.

"Mag ayos ka na. Hintayin kita sa kusina ah." pilit ang ngiting sabi pa ni Mama saka ako tinalikuran.

Umiyak pa rin ako nang umiyak. Hanggang sa banyo ay umiiyak pa rin ako. Ano nang gagawin ko? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pinagmasdan kong mabuti ang buhok ko at inalala kung anong itsura ko sa panaginip. Mahaba ang buhok ko doon, kaya't kinuha ko ang gunting saka ginupit ang buhoko ko hanggang sa umabot na lang sa leeg.

Hinding hindi na ko magpapahaba ng buhok, kahit kailan!

Nang lumabas ako ng kwarto para kumain ay bumungad saakin ang tinig ni Mama na umiiyak mula sa kusina. Pinagmasdan ko syang nakaharap sa niluluto nya habang patuloy sa pag-iyak. Isa sa mga kahinaan ko ang makitang umiiyak si Mama, sanay akong lagi syang malakas at ngumingiti pero sa ora na to, maging ako ay gugustuhing umiyak dahil sa letcheng panaginip ko.

Inalis ko muna ang mga luhag dumaloy sa pisngi ko bago lumapit kay Mama, yumakap ako sa kanya mula sa likod. Ramdam ko naman ang pagka bigla nya.

"Oh anak maupo ka na ron kakain na kayo," sambit ni Mama nang hindi ako nililingon. Nakanguso akong lumapit sa mesa at saka naupo.

"001, may madadagdag na isa sa mga kailangan mong sunduin sa loob ng limang buwan. Ilagay mo ito sa pang 9 na bilang." tumango sya at kinuha ang black envelope na nakalapag sa mesa.

Pilit pa rin nyang iniisip ang Krischelle Valderama na kasama sa mga huling kaluluwang susunduin nya. Iniisip nya kung ang Krischelle Valderama na kapitbahay nya at ang Krischelle Valderama na nasa black envelope ay iisa. Habang naglalakad pabalik sa bahay nya ay suot pa rin nya ang itim nyang sombrero. Sa tuwing sinusuot nila ito ay hindi sila nakikita ng tao, kumbaga ay nagiging invisible sila. Maging ang black envelope ay hindi nakikita ng nabubuhay pang mga tao. Dahan dahan nyang tiningnan ang pangalan at ganon na lamang ang gulat nya nang mabasa ang pangalan na nakasulat.

9. Mrs. Kriss Valderama (59 years old)

Mukhang pahihirapan sya sa mga huling kaluluwang susunduin nya. Hindi pa nya sigurado kung si Krischelle nga iyong nasa pinakahuli pero sigurado syang ang dagdag na kaluluwa sa listahan nya ay Ina ni Krischelle.