Chereads / Marry Me Kuya! / Chapter 35 - Chapter 34: The Death

Chapter 35 - Chapter 34: The Death

"Death may indeed be final but the love we share while living is Eternal"

***

Eiffel's PoV

"Hubby, paabot naman ako nung basket" pasuyo ko kay kuya Clyde. Kasalukuyan kong kinukuha ang mga sinampay naming mga puting kumot.

"Sige saglit lang." sagot niya at pumasok sa loob ng bahay.

I took a deep breath, nakangiting napatingin ako sa maaliwalas na kalangitan, napakasarap ng sariwang simoy ng hangin.

Sana ganito katahimik ang buhay namin araw araw. Yung masaya lang at walang problema.

"Eiffel, tulungan na kita" sabi ni kuya Clyde at tinulungan akong tupiin ang mga kumot.

"Malapit na ulit ang monthsary natin" sabi niya at napangiti ako, dati ay nakalimutan niya ang first monthsary namin pero ngayon ay alam niya maski ang eksaktong petsa at araw.

"Malapit na ang first anniversary natin" dagdag ko at napangisi siya.

"Excited much?" pangaalaska niya at natawa ako.

"Sorry naman daw"

"Nah it's ok, mabuti nga yan para mapagplanuhan na natin"

Natawa ako dahil mas excited pala siya kesa sa akin.

"How about Hawaii? O sa Brazil? Sa New Zealand? Guam?" suggest niya.

"Kahit saan basta magkasama tayo"

"Cheesy mo Wife, panigurado naman e may plano na si mama para sa atin. Daig pa niya ang boss-" naputol ang pagsasalita niya dahil nagring ang phone niya.

"Excuse me" bulong niya at tumalikod.

Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pagtutupi ng mga kumot. Aabutin ko na sana ang huling kumot ng biglang humangin ng napakalakas at tinangay iyon.

Napapikit ako sa lakas ng hangin. This is weird, kanina naman ay hindi humahangin.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko at napatingin sa asul na kalangitan.

Nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatulala ako.

Ang bilis ng tibok ng puso ko...

Pero naputol ang pagmumuni ko ng biglang nahulog ni kuya Clyde ang phone niya at agad akong napalingon sa kanya.

Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Eiffel..."

.

.

.

Clyde's POV

Tahimik akong nakaupo sa isang upuan. Ang lahat ng tao sa loob nitong chapel ay nakaitim at taos pusong nakikiramay.

"Clyde anak, hindi ka pa kumakain" saad ni mama na nakaupo rin sa tabi ko. Malungkot na ngumiti ako at tumingin sa munting babae na nakasuot ng itim na bistida

"Hindi parin naman kumakain ang asawa ko Mom," sagot ko at hinimas niya ang balikat ko.

Kahapon ay tinawagan ako ni mama para ipagbigay alam na namatay na ang Papa ni Eiffel,

Yes, Papa Raven is already dead...

Napakasakit tangapin na ang isang mabait na tao katulad niya ay nawala na at mas nahihirapan akong makita na nasasaktan ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko.

Nang malaman namin ito ay agad kaming nagpunta sa nasabing chapel just to see Papa na nakahiga na sa kabaong.

Umiiyak na niyakap ni Mama Pauline si Eiffel. Ang mas pinagaalala ko ay ni isang luha'y hindi pumatak sa mga mata ni Eiffel. Hindi ko inexpect na matatangap niya ito kaagad, lalo na't wala siya sa mga huling sandali ng pinkamamahal niyang ama.

Nakatayo habang katabi ni Mama Pauline si Eiffel na bumabati sa mga nakikiramay. Nakangiti siyang nagpapasalamat sa mga ito ngunit kapansin pansin na walang makikitang emosyon sa mga asul na mata niya.

Her long wavy hair was securely braided and she was wearing a plain black dress. Para siyang manika kahit saang ngulo mo tingnan. Maski ang walang buhay na mga mata niya ay umangkop din.

Dumating si Willam kasama ang kambal at malungkot na nilapitan sina Mama Pauline at Eiffel.

Agad niyakap nila Kathlene at Kathrene si Eiffel, gayun din si Willam.

"We're so sorry for your lost, Tita, Eiffel" puno ng kalungkutan na sabi ng kambal.

Agad pinunasan ni Mama Pauline ang mga luhang tumulo at pilit ngumiti.

"Thank you girls, we really appreciate it" saad ni Mama at hinimas ang balikat ni Eiffel.

"Maraming salamat sa pagpunta niyo ate Rene, ate Lene at Kuya Willam" nakangiting pasasalamat ni Eiffel.

Bahagyang umuklo si Willam sa harap ni Eiffel "Everything is gonna be alright Eiffel, your husband is there to support you"

Nakangiti man ay umiling lamang siya. "Don't worry, I'm ok Kuya and Hubby knows it"

That's not true. I don't know what she is feeling right now and I feel so damn useless.

Tipid na ngumiti si Willam at hinimas ang ulo ni Eiffel "Don't act too tough lil' girl. Acting like one will bring you nothing" payo niya at naglakad naman papalapit sa akin.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kabaong ni Papa.

Naramdaman ko ang madahang pagtapik sa akin ni Willlam. "You ok Brad?"

Umiling ako habang nanatili ang paningin ko sa kabaong.

"I told him that my wife and I will wait for his return, ang dami kong mga katanungan ngayon. Tulad ng bakit hindi niya inisip ang mararamdaman ni Eiffel? O matagal na ba niya itong pinlano? Ang dami dami pa... Pero hindi na ito masasagot ngayon"

Bumuntong hininga si Willam "There are reasons for everything Clyde. Maybe for now ay hindi natin ito maiintindihan, pero alam ko na darating din ang panahon that everything will come to sense"

"Sana nga Willam, because I don't know how my wife can cope with this... I don't know how she can accept it" malungkot na napatingin ako kay Eiffel.

Nilapitan ko si Eiffel at binigyan ng water bottle na tinangap naman niya at uminom ng kaunti.

"You should eat Eiffel" sabi ko at umiling lamang siya. "I'm fine, madami pa kasing bisita Hubby e" sagot niya at binalik sa akin yung tubig.

"Then kumain ka na mamaya ha?"

Nakita ako ang isang may katandaan na lalaki at may kasamang bata na kasing edadan ni Eiffel. Bahagyang yumukod si Eiffel at ngumiti.

"Greetings Milord" bati ng aking unting asawa at tumango ang matandang lalaki.

"Condolence my fair lady" saad nung batang lalaki. "Thank you, Sir Alphonse"

"Lord Elric, thank you for coming" pagbati rin ni Mama Pauline nang makalapit sa amin.

"Of course, Raven was like a son to me and it is so painful losing him" tumingin siya sa akin "My lord please meet Clyde Fuentabella, the one who will be wedded to my daughter" pagpapakilala ni Mama Pauline sa akin. "Clyde, this is the current Viscount of Salazaar family in Ireland, one of the oldest aristocrat families in Europe, Lord Elric and his heir, Alphonse Salazaar"

Kinakabahang tumingin sa akin si Eiffel, base sa aura at postura ng matandang ginoong ito ay masasabi kong isa siyang tunay na maharlika katulad ni Eiffel.

Yumukod ako ng kaunti tulad ng ginawa ni Eiffel kanina "It's an honor meeting you your excellency" sagot ko na puno ng galang.

"It's a good thing that your daughter already has a marriage partner Mistress Pauline. This devastating news must have already reached throughout the world and the other noble families might be making their move now that the 15th count is no longer around" seryosong puna nito.

"Yes Lord Elric, my husband already prepared everything for our daughter, he always knew how difficult the world of nobles is especially since our daughter is yet too young"

Nakangiting hinawakan nito ang kamay ni Eiffel, "You might not have chosen my grandson as your partner but rest assure that it changes nothing about our family's friendship that has been tested throughout the generations lady Eiffel"

"I am at peace with your kind words Milord"

"You must make your decision now young lady, the position of the Count of the house of Campbelle cannot be empty for too long"

Napatingin naman sa amin si Mama sa sinabi ng matandang maharlika. "Lord Elric..."

Eiffel is not yet on the right mind to think about those kinds of things! She's only a child for pete's sake plus the fact that her father just died!

"Rest assure Milord, I will put it in my mind"

"Very well be at ease that we the Salazaars will be at your back whatever your decisions may be. I, as one of the elders will give you guidance upon everything you need to know as the next head of your family" paalala nito at kasama ang apo ay umalis na samantala ay napatingin lamang ako sa aking tahimik na asawa.

""

"Clyde..." tawag sa akin ni Mama Pau at agad akong napalingon sa kanya.

"Can I talk to you?" tanong niya at agad akong tumango. Nagpunta kami sa labas ng Chapel at nagtungo sa may maliit na pond.

"Mama" tawag ko sa kanya.

She took a deep breath and faced me "I'm so sorry for everything Clyde. For keeping it a secret from the both of you" panimula niya.

"And I don't understand it Mama, why did you have to keep it from Eiffel? You know how she loves Papa, she even married me for his sake." mapait na sabi ko.

"Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko ito gagawin Clyde but it wasn't me who chose this. I-It was Raven." Umiiyak na amin niya.

"R-Raven loves her so much. He loves her so much that he didn't want Eiffel to see her beloved father fighting against death. That was the reason kung bakit kami umalis six months ago. He knew that he will die and instead of spending the last moment of his life with Eiffel and me, he chose to keep it a secret" dagdag niya.

"But Mama, Eiffel is..." hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Masyadong mahirap. I can't blame Mama Pau and Papa Raven, but seeing my wife's current state is too painful for me.

"Until his last breath, he wishes for his daughter's forgiveness and I'm scared. Wala akong maramdamang emosyon sa anak ko. She neither shout at me nor cry out. She doesn't ask questions, heck she doesn't even put the blame on me!" mas lumakas ang pagiyak niya.

"Ma, Eiffel Is a matured girl and being an understanding daughter, she will never hate you or Papa Raven." Pagpapalliwanag ko.

"But she is still a child, Clyde. She is still a child who just lost her father and it wasn't supposed to be like this"

"What do you want me to do Mama?" diretsong tanong ko. Alam kong hindi niya lamang ako gustong kausapin para lang sa wala.

"Wala Clyde. Wala akong gustong ipagawa sayo." Sagot niya at agad kumunot ang noo ko.

"But Raven does." Dugtong niya at may inabot sa aking dalawang sobre.

"The one is addressed to Eiffel and the other one is yours"

Nanlamig ang mga kamay ko at kinuha ang mga ito.

"Raven wrote this for the two of you and I am not aware of its content but I'm sure that he leaves Eiffel in your care" huling pahayag ni Mama at ngumiti sa akin saka ako iniwan.

Bahagyang humangin at napatingin ako sa asul na kalangitan.