Chereads / Marry Me Kuya! / Chapter 36 - Chapter 35: Loneliness 

Chapter 36 - Chapter 35: Loneliness 

"Sometimes the person who tries to keep everyone happy is the most lonely person"

***

Eiffel's PoV

"Thank you for coming Mrs. Rosenthal" ani ko sa matandang babae na nasa harap ko.

"There's nothing to be thank about Lil' lady, your father was a great man" saad niya at ngumiti ako. Napakadaming mga kaibigan at katrabaho ni Papa ang bumisita at nakidalamhati sa amin. Even other nobles from other country also came.

Napatingin ako sa puntod na nasa harap ko.

Katatapos lang ng libing ni Papa. Ang nais daw niya ay dito siya mailibing instead sa Britain dahil mas napamahal na raw siya sa bansang ito.

Lumapit sa akin si Mama at umuklo sa harap ko "Anak, halika na. Umuwi na tayo" maluhaluhang yaya niya habang hinihimas ang mahaba kong buhok. I flashed another smile.

"Mauna na kayo Mom, I know you're tired." Saad ko pero mas napaluha siya.

"A-Anak. Do you h-hate Mommy?" tanong niya pero agad akong umiling. Nakikita ko kung gaano nahihirapan si Mommy sa nanyayari ngayon. Hindi lang ako ang nasaktan sa pagkawala ni daddy at ayokong problemahin pa nila ako.

"Why are you asking me like that Mommy? I will never hate you" puno ng sinseredad na sagot ko. I need to show them that I am a matured and understanding girl.

However, I know that they are worried with my current state. Ni isang luha ay hindi pa nila nakikita mula sa akin and even I wonder because of it.

Hindi kaya hindi ko talaga mahal ang Papa ko kaya hindi ako makaramdam ng lungkot? Or is it because sobra ko siyang mahal na namanhid na ako sa sobrang sakit at lungkot?

"Sige na Mama, sasamahan ko muna dito si Eiffel" pahayag ni Kuya Clyde at hinawakan ako sa balikat.

Mama looked at kuya at nodded. "Hihintayin nalang namin kayo sa mansyon" bilin ni Mommy Sophie at inakay si Mama.

Pagkaalis nila ay umupo ako sa damuhan at hinawakan ang malamig na lapida.

Raven Earl Sinclaire

Tahimik akong nakatulala dito nang biglang may kamay na humawak sa akin. Napatingin ako sa tabi ko just to see kuya Clyde sitting beside me.

"Eiffel..."

Even if he doesn't say it. I know and I can feel it that he is worrying about me. Well, everyone does.

"I'm alright Hubby. You don't have to worry."

"Eiffel. You cannot tell me not to worry. Your reaction and the way you cope with this is not normal." Giit niya na parang mali ang sinabi ko.

"I'm not a child you have to worry about. Tangap ko noon pa man ang katotohanang hindi ko makakasama ang Papa ko habang buhay. I can handle myself perfectly" seryosong sagot ko.

"Eiffel, don't be like this. Mama Pauline is just worried!"

"There's nothing to be worried of! Bakit niyo ba ipinipilit? You're starting to annoy me!" I snapped. He was dumbfounded with my response. First time ko siyang pinagtaasan ng boses ng ganito.

Umamo ang mata niya "You're not fine at all"

"Then what do you want me to do? Cry? Shout my lungs out?"

Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan as he looked at me intensely.

"Let it go" seryosong sabi niya.

Pagak na tumawa ako "I don't have to, for there's nothing to let go. I can't feel anything Hubby... And I don't know why..." masakit na saad ko.

Bakit ganoon? Ayaw nilang maniwala sa akin?!

Kuya Clyde looked at me with his eyes full of sadness.

He took something from his pocket and gave it to me.

Napakunot ako at kinuha ko ito. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nakasulat sa harap ng sobre

To My Beloved Daughter

Napatingin ako sa kanya and he nodded.

This is...

Nanginginig ang mga kamay ko na binuksan ito.

Dear Eiffel,

Kumusta ka na anak?

Napanood ko ang video mo noong Graduation Day. I'm so sorry kasi hindi kami nakapunta ng mommy mo. Andami ko nang kasalanan sayo Princess. But you know? I'm so proud of you. You are the next 16th Countess of the House of Campbell, a truly fitting princess of our family. For sure you'll be the best head of the Sinclaire's and you will surpass me and your grandfather when it comes to greatness.

I was very selfish when I requested you to get married. Hindi ko inisip ang kapakanan mo at ang mararamdaman mo. You are just a child and I am giving you a big responsibility. Pero tinangap mo, handa kang gawin iyon at isuko ang kalayaan mo para sa akin. You really made me so happy anak. There would be more difficult challenges that you'll encounter in the future princess, but I'm confident that you'll be able to surpass it. After all, you are my daughter.

I have accepted my fate a long time ago, the only thing I regret is that I will not be there anymore to look after you. The eleven years God gave me to be with you is not enough, I want to stay by your side. To wipe your tears when you cry, to hug you when you are lonely and to smile with you when you are happy. I want to stay with you even if you already have your own family. Nevertheless, I have to accept the truth, even if it is too painful.

But do you know when does a person truly die? It is not when they are killed, poisoned or met an accident. People die when they are forgotten, that is why believe me when I say that I will always be with you. It may not be physically; however, I am sure that I am always in your heart. Those memories I shared with you will never be forgotten.

The moment I held you in my arms, I felt so blessed. Anak, you are my most beloved treasure and will forever be.

I love you...

-Daddy

Di ko namalayan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Wala sa sariling napahawak ako sa pisngi ko.

I-I'm Crying?

My lips started to quiver as tears stream down.

"D-Daddy...." Nagsimula akong humikbi.

"Daddy..."

"Daddy!"

Palakas na palakas na tawag ko. Hirap akong makahinga sa lakas ng hikbi ko.

I was very hurt ng malaman kong patay na ang Daddy ko. Aaminin kong nagalit ako.

"Adults are so cruel..."

"W-Why did they have to lie to me? Bakit kailangang papaniwalain nila akong umalis sila para magpagamot?" tanong ko habang nakapalungbabaw sa lapida ni daddy.

"Para akong tangang iniwan nila na umaasa araw araw na babalikan nila ako. Tila tinangalan nila ako ng karapatang makasama ang Daddy ko sa huling sandali"

"Kasi dapat andoon ako e! Andoon ako para alagaan at iparamdam kay Daddy na mahal na mahal ko siya! Na ipakita na kahit aong mangyari ay hinding hindi ko siya iiwan!"

"Pero bakit? Bakit nila ako tinulak palayo? Bakit nila ako hinayaang maging masaya kasama ang lalaking mahal ko habang unti unting nanghihina ang daddy ko?!"

Ang sakit... Ang sakit tangapin na wala na talaga ang Daddy ko.

I am now a fatherless girl...

Naramdaman ko nalang na nasa bisig na pala ako ni Kuya Clyde. He was hugging me from behind but I know that he is comforting me.

He was holding me so tightly na parang natatakot siyang mabasag ako.

I felt so fragile in his arms but at the same time... I felt so safe.

"D-Daddy!"

Napahawak ako sa mga kamay na nakapalibot sa akin na parang humuhugot ng sapat na lakas.

"A-Ang Daddy ko!"

Napatingn ako sa asul na kalangitan habang tuloy tuloy sa pagagos ang mga luha ko.

I can hardly see it because of all these tears but I clearly remember my father's eyes that were as blue as the sky.

"Shhh..." tahan sa akin ni Kuya Clyde.

Hinarap niya ako at pinunasan ang mga luha ko "It's ok, ilabas mo ang lahat. Iiyak mo ang sakit. Isigaw mo ang lahat. Do everything you can to lessen the pain in your heart" bilin niya at niyakap ako.

"Andito lang ako para sayo"

"K-Kuya Clyde..."

Ramdam ko ang paulit ulit na paghalik niya sa ulo ko

"Tandaan mo Eiffel, kahit ano man ang nangyari, mahal ka ni Papa, ginawa niya ang lahat na ito dahil mahal na mahal ka niya. Maaaring hindi mo pa maintindihan o hindi mo pa kayang tangapin pero ayos lang. Andyan si Mama Pau sa tabi mo" saad niya at kinuha muli ang kamay ko

"Ako, andito ako para sa iyo. Hinding hindi kita iiwan." Pangako niya at hinalikan ang kamay ko.

Unti unti ay nawawala ang sakit sa puso ko. Sa yakap ng pinakamamahal kong lalaki ay tila isang mahikang nababawasan ang hinanakit na aking nararamdaman.

Daddy is right. Hangat andito siya sa puso ko, hinding hindi siya mawawala...