▫️Zia's POV▫️
"ZIA CARMEN CHING!!!" sigaw saakin ng bestfriend kong si hazel.
"Bakit nanaman ba, Hazel Katrina Alcantara?" sagot ko naman sa kanya habang nag-aayos ng laman ng bag ko.
"ANG TAGAL MONG KUMILOS LATE NA TAYOOOO!!" sigaw niya ulit saakin. Nakakarindi na siya, tinawag na nga ako sa buong pangalan ko, sinigawan pa ako.
"Ito na nga eh chill ka lang, hindi ka pa sanay saakin ngayon patapos na ang first year college " sabi ko sa kaniya at tumayo na.
"Ayun nga eh, patapos na hindi ka pa rin nagbabago." sabi niya at lumabas na.
Ganun ang lagi niyang pang-gising saakin, ang bunganga niya na mala alarm clock.
By the way, ako nga pala si Zia Carmen Ching, 18, alam niyo naman na ata na 1st year college kmai. At yung bestfriend slash roommate ko naman ay si Hazel Katrina Alcantara, 18 years old din siya at magkaklase kami.
"Hoy asan ka pupunta nandito na tayo sa harap ng building" gulat na sabi saakin ni hazel at pumasok na sa building, at syempre susunod lang naman ako sa kaniya.
Nang makapasok kami sa room namin ay huminga ng malalim si hazel at kumalma dahil wala pa yung professor namin.
"Pasalamat ka, wala pa si prof." sabi niya saakin at dali-daling umupo sa upuan namin.
At nga pala, 2 weeks nalang at end of first year college na. At sa ilang months ko dito sa school ay parati akong late, minsan kasi hindi na nakikisabay si hazel saakin dahil sa tagal kong kumilos.
"Good Morning Class" automatic na napatayo kaming lahat dahil sa bati ni Prof.
"Good Morning Prof. " bati namin pabalik at umupo na.
Nang makaupo kami ay biglang pumasok sa pinto at parang masisira na yung pinto sa pagbukas niya.
"Good Morning, Mr. Novazaki" bati ni Prof. sa gangster slash kinakatakutan ng lahat sa school, Marvin Kent Novazaki. Sila din ang may ari ng school na ito kaya walang may karapatan na magsalita yung tungkol sa kaniya. And hate ko pala yan, dahil sa nangyari noon saamin.
Flashback.....
Naglalakad ako sa hallway at nakikinig lang sa music dahil nauna na saakin si hazel, may gagawin daw kasi siya na pinapautos ni Prof. Loku.
Nagulat ako nang may tumakbo nang mabilis sa gilid ko kaya natumba ako, nang tignan ko ay nakasuot siya ng t-shirt na may logo ng M at may mga baril sa gilid nito. Alam ko yung logong yun, logo yun ng gang ni Marvin.
Agad akong pumssok sa classroom na malapit saakin para magtago dahil alam kong madadamay ako kung mananatili ako sa labas kaya umupo ako sa ilalim ng lamesa.
Pero akala ko ay safe na ako pero narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Pinikit ko nalang ang mata ko at nanatili duon. Nakita ko na umupo sa upuan si marvin, hindi lang siya mag-isa may kasama siya, yung tumatakbo kanina at yung mga iba pang kasama niya.
"Lumabas na kayo, ako na ang bahala dito" sabi niya at tuluyan ng lumabas ang mga grupo niya.
Nakita kong susuntukin niya na sana yung lalaki nang biglang magring yung phone ko, nanlaki ang mata ko at pumatak lahat ng pawis ko, hindi na talaga ako safe, lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumayo, nakita ko siya duon, nakatingin saakin at naglakad papalapit saakin.
Kinagat ko nalang ang pang ibabang parte ng labi ko dahil sa kaba, palapit siya ng palapit kaya paurong naman ako ng paurong hanggang sa wala ng maurungan.
Nagulat ako nang sinuntok niya ang pader sa gilid ng ulo ko, nagulat ako kaya ang nagawa ko nalang ay sumigaw ng malakas.
"H-hindi ko naman sin-sinasadya na pumunta dito eh" sabi ko at nakapikit ang mga mata.
"I don't need your explanation, did I tell you to explain?!" sigaw niyang tanong saakin.
"All you have to do is to say sorry" mahinahon niyang sabi.
Tumahimik lang ako dahil wala akong dapat na ipagpaumanhin sa kaniya.
"Will you say sorry or not?!" sigaw niya ulit saakin at sinilip ko yung lalaki na hinahabol nila at papalapit ito saamin.
Nagulat ako nang paglapit niya sa likod ni Marvin ay tinulak niya ito at buti nalang ay nakaiwas ako pero kulang pa ata yung pag-iwas ko dahil nakadampi na ang labi nito saakin pisngi.
End of flashback...
"From earth to zia!" nagulat ako sa sigaw ni hazel saakin at pagpalo niya sa braso ko.
"Bakit nanaman?" tanong ko at sinamaan ang tingin ko sa kaniya.
"Buti naman at nakinig ka na din, recess na, zia, 'di ka informed?" sabi niya saakin at tinignan ko naman ang relo ko.
Napatayo nalang ako nang makita ang oras, ang bilis naman ata? Nag-explain lang ako sa inyo kung bakit hate ko si Marvin pero bat ang tagal naman ata?
" Tara na nga kung ayaw mo maiwan"sabi niya saakin at tumayo na, ganun din ako.
Nasa harap na kami ng canteen nang may narinig kaming humihingi ng tawad. Hinanap namin yun at nakita namin ang kawawang bugbog na lalaki na binubugbog parin hanggang ngayon ng grupo ni Marvin.
Madami ding tao ang nanonood kaya lumapit kami.
Medyo naguguluhan kami sa nangyayari kaya nagtanong kami sa isang babae na nanonood din.
"Ahmm, excuse me po, ano pong kasalanan nung lalaki?" tanong ko sa kaniya.
"Naglalaro yung lalaki nang aksidente niyang naitama ang bola kay Marvin." sagot nung babae, pero kailangan bang bugbugin yun kung nanghingi naman ng paumanhin?
"Tara na, zia baka madamay pa tayo diyan" sabi saakin ni hazel.
"At bakit naman tayo madadamay diyan, eh wala naman tayong ginagawa eh!" sagot ko pero parang napunta lahat ang tingin ng tao saakin kahit na yung grupo ni Marvin, at kahit ata siya sa sarili niya narinig ako.
"Oo nga sabi ko nga aalis na tayo, diba?" sabi ko kay hazel at tinulak siya paalis pero huli na ata ang lahat nang nagpasya akong umalis, ngayon nasa harapan ko nanaman si Marvin.
"A-ahmm, excuse m-me" sabi ko at pinilit na isiksik yung katawan ko sa maliit na daanan pero hindi ko siya maitulak.
Nagulat nalang ako nang sumenyas siya sa mga kasama niya at biglang may humawak na lalaki sa magkabilaang braso ko.
"Sorry na nga eh!" sabi ko at nagpumiglas sa kanila, kahit malakas sila ay nakawala pa rin ako sa mga hawak nila, at mas lalo atang nanggalaiti ang leader nila dahil parang kulang nalang ay mag-aapoy na yung mata niya.
Laking gulat ko nang siya na mismo ang humila saakin at binuhat ako na para akong isang sako na bigas, alam niyo naman kung paano buhatin ang bigas diba? Yung nasa balikat niya ako, nakakainis pero masyado ata siyang malakas.
Nagsimula siyang maglakad at nang makarating kami sa rooftop ay pinasok niya ako sa bodega dun kung nasaan ang mga lumang upuan at mga sirang blackboard.
"Sa-sandali lang anong gagawin ko di--" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang isara niya ang pinto at ilock ito.
"You, Deserve inside of this, kung ayaw mo namang nandiyan ka sa loob, then mind your words, at 'wag kang pakialamera, nakialam ka na noon, at swerte ka lang talaga noon!" sigaw niya at narinig na ako ng yapak niya na paalis.
Paano na ako dito? Binuksan ko yung flashlight ko para may maging ilaw ako pero nakakita ako ng ipis kaya napaatras ako. Kasalanan ko kasi ito eh bakit pa kasi kami pumunta dun.
May papuntang ipis sa akin kaya napaatras ako, pero mali pa ata ang pag-atras ko dahil natumba ako at tumama ang tuhod ko sa mga pako ng lumang upuan.
"Aww" singhal ko at sinubukang tumayo pero hindi ko magawang tumayo dahil sa sugat sa paa ko.
"Tulong!" sigaw ko pero wala atang nakakarinig saakin rooftop na ito eh.
Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na at magwa-1 o'clock na ng tanghali.
Baka umabot ako ng 6 dito, or hindi na ako makakauwi.
Nakatingin nalang ako sa bubong ng bodega na kinalalagyan ko hanggang sa unti-unting pumikit ang mga mata ko.
▫️Hazel's POV▫️
Asan na kaya dinala ni Marvin si Zia, nag-aalala ako sa kaibigan ko, baka mamaya bugbog ng ibalik saamin ni Marvin si Zia, ang kulit kulit kasi sabing umalis na lang eh sinigaw niya pa yung sinabi niya, malamang lagot talaga siya kay Marvin. Nobody wants to talk to Marvin, lalo na in that way, she even scolded him. Gusto niya ba talagang mapahamak?
Tinatawagan ko yung cellphone ni Zia pero out of reached siya.
Hahanapin ko nalang siya, may alam akong pagdadalhan ni Marvin kay Zia, baka nasa base nila. Malayo yun pero para kay Zia.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito na ako sa pinakalikod ng school kung asan ang tambayan ng M gangster.
Hinhingal ako dahil pinakalikod na talaga ito ng school.
Pagtingin ko sa loob ay wala namang tao,kaya pinasok ko nalang baka kasi nandito si Zia.
Pagpasok ko ay ang gulo at kalat ng mga gamit nila, patuloy lang ako sa paglalakad nang matisod ako sa basurahan nila at natabig ang basong babasagin.
"Sinong nandiyan?!" nagulat ako nang marinig ang tanong yun, akala ko walang tao? Shit!.
"Sino sabi yan eh!" sigaw niya at lumabas sa banyo.
"WAAAAAAAAHH" sabay naming sigaw at lalabas na sana ako ng pinto pero bakit hindi bumubukas? Lagot na ako ngayon..
"Ba-bakit ka nandito?" tanong niya saakin at nagpigil naman ako ng tawa, siya ata yung sinasabi na pinakamatatakutin sa M gangster. Gangster paman din.
"Pfft-HAHAHAHAHA" sa sobrang tawa ko ay hindi ko na ito mapigilan.
"Bakit ka tumatawa, hoy baliw ka!" sigaw niya saakin kaya natigil naman ako sa pagtawa.
"Hindi mabuksan yung pinto, bakit?" tanong ko sa kaniya dahil hindi mabukas ang pinto.
"Diba pumasok ka? Edi bahala ka ng lumabas.? Sabi niya at tumawa tsaka niya inakyat ang bubong at nakalabas na, paano ko yun aakyatin?
Nakatingin lang siya saakin mula sa labas, nakangiti, yung ngiting nangiinis.
" Mukhang mali ata ang napuntahan mo? Sa susunod na building pa ang tambayan ng M gangsters, at ito? Sariling kwarto ko ito" Sabi niya at binuksan na yung pinto
"May mabait palang gangster" sabi ko at ngumiti sa kaniya.
"Anong mabait? May bayad yan, bilhan mo ako ng isang dosenang donut" sabi niya at lumaki ang mata ko, para saan?
"Para saan naman? Kakainin mo lahat?" tanong ko sakaniya
"Oo, ay hindi pala isang dosena, bilhan mo ako ng tatlong dosena" sabi niya at napalunok na lang ako.
"Ganun karami?" tanong ko sakaniya.
"Yup, or else.." sabi niya sa nananakot na boses.
"Sige, sige." sabi ko baka kasi torturin ako nito eh.
"Nga pala, Justin" sabi niya at nilahad ang kamay niya para makipagkamayan saakin.
"Hazel" sabi ko naman, hindi naman ako snobber eh.
"Tara na bibilhan mo pa ako ng donut" sabi niya at hinila ako at ako naman ay nakatingin lang sa kamay ko na hawak niya.
May mabait din palang gangster.