Kaya ko to!
"Melody you're late!"
Agad akong kinabahan ng marinig ko ang boses ng boss ko. Bakit ba kasi kailangan kong ma-late ng gising?damn it!
"Hi boss"
Ngumiti ako, labas ang ngipin–napasimangot rin kalaunan dahil inilingan lang ako ng boss ko.
Ngumuso ako.
"Sorry na boss tinanghali kasi ako ng gising"
"Hay naku Melody alam mo naman na importante ang pupuntahan mo ngayon!"
Napayuko ako.
Ngayon meron kaming interview sa may ari ng AMC Empire. Isa akong reporter sa hindi kilalang channel at kapag kami ang kaunahang maka-interview sa may ari ng AMC Empire posibleng makuha ako sa isang kilalang channel!
"Pasalamat ka dahil may meeting ngayon si Mr.Chavez"
Biglang tinambol ang puso ko nang marinig ko ang apilyedong yun.
"Ayus ka lang ba Melody?"
Mabigat ang pinakawalan kong hininga bago tumango.
"S—sinong Chavez?"
Nanlaki ng bahagya ang mata ni boss.
Saka nya ako hinampas sa balikat.
"My gosh Melody hindi mo sya kilala?sikat kaya si Mr.Chavez dahil bukod sa mayaman na aba ay sobrang hot pa!"
Pasimple akong umirap, umiral na naman kasi ang kabadingan ni boss.
"Tandaan mo ang pangalan nya huh?Andro Chavez 30 years old!batang bata pero successful hindi ba?"
Tinambol ulit ang puso ko ng ilang beses. Sa dinami-dami bat sya pa?
"M—may asawa na sya?"
"Ahuh!sa pagka-dinig ko ay may asawa na sya pero nilayasan sya. Sa ngayon meron syang girlfriend"
Napalunok ako. Sila pa rin?
"May a—anak ba sila ng g-girlfriend nya?"
Umiling si boss.
"Wala akong naririnig na ganon. Kaya naman ang goal mo alamin ang pinakang sekreto ni Mr.Chavez! understood?"
Tumango tango ako at sya namang pag pasok ni Zeke ang aming camera man.
Nagda-dalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako?gusto ko na yatang mag back out!
"Morning Ms.Melody"
Ngumiti ako. Mukang puyat ang luko!
"Ayus ka lang ba Zeke?"
"Medyo puyat po Ms.Melody pero ayus lang dahil sulit"
Lumapit ako sa coffee maker para mabigyan sya ng kape.
"Bakit?may nakuha ka ba sa artistang pinapasundan sayo ni boss?"
Binigyan ko sya ng kape. Lumabas ang biloy nya ng ngumiti sya.
"Oo Ms.Melody!nakuhanan ko syang nakikipag halikan sa kanyang secret boyfriend"
Bumilog ang bibig ko.
"Nice one Zeke galing mo!"
Umupo ako sa tabi ni boss na nakikinig lang.
"Ito pa ang malupit!mukang may anak na sya!"
Parehong nanlaki ang mata namin ni boss na nag simula ng magtitili.
"Ang aking hinala ay inabandona nya ang anak nya sa ama ng bata!"
Lumapit si boss kay Zeke at niyakap ito. Napangiwi naman sya.
"Good boy Zeke!bravo!buti naman at may nakuha ka"
Parang nandidiring lumayo sa kanya si Zeke kaya nahampas sya ni boss.
"Wag ka ngang maarte Zeke aba baka gusto mong matanggal sa trabaho mo?nanjan si Jude na pwede kang palitan!"
"Ito naman si boss di na mabiro!"
Natawa ako sa dalawa.
"O sya Melody tapusin mo na ang pagka-kape mo at puntahan mo na si Mr.Chavez"
Napalunok ako ng ilang beses.
Its been a year simula ng umalis ako sa bahay pag katapos ng nangyaring yun. Hinaplos ko ang kwentas ko kung nasan ang abo ni Andy. Walang nakakaalam dito sa trabaho na kasal ako kay Andro Chavez. Sotto ang ginagamit kong apilyedo. Nagawan ni mama ng paraan.
"Ayus ka lang Ms.Melody?namumutla ka!"tanong ni Zeke na nagmamaneho.
"I'm ok"
"Naku wag kang kabahan Ms.Melody magaling ka sa mga ganito kaya nga ikaw ang laging pinapadala ni boss kapag may big scope tayo e!"
Nginitian ko na lang si Zeke at di na sumagot. Nang makarating kami sa AMC Empire, laking pag-kamangha ko. Sigurado akong ito pa rin ang kompanya ng dad nya kaya lang mukang mas pinalaki ito at pinaganda!pati pangalan pinalitan nila.
"Ang laki pala dito Ms.Melody?mukang big time talaga si Mr.Chavez"
"Obviously"
Nauna akong mag lakad papasok sa loob. Agad kong pinakita ang I.D ko sa isang gwardya.
"I'm from BZA Channel isa akong press. Nandito kami dahil may interview kami kay Mr.Chavez"
"Mrs.Chavez?"
Nanlaki ang mata ko. Lumingon ako sa likod. Laking pasasalamat ko na pasunod pa lang si Zeke.
"Manong ummmhh h—hiwalay na po kasi kami ni Andro. Hindi po alam sa trabaho ko na ako ang ex wife nya kaya pls wag po sana kayong maingay sa kasama ko!"
Tiningnan ako ng matagal ng guard bago tumango.
"Sige po pasok na kayo sa loob"
"Thank you po manong"
"Ms.Melody!ano ok na ba?"biglang sulpot ni Zeke
"H—huh?ano...oo tara na sa loob"
Nauna ulit akong mag lakad.
"Ms.Melody napansin ko ang pag titig sayo nong guard!lakas talaga ng kamandag mo!"
Umiling-iling na lang ako habang nakangiti.
Nang pumasok kami sa elevator may ilang empleyado kaming nakasabay.
"Diba sya si madam Melody?"
"Oo sya nga!"
Bulungan ng ilang empleyado. Kaya napayuko ako. Pasimple akong siniko ni Zeke.
"Nice mam famous!"
"ha ha ha"awkward akong natawa.
Mariin kong ipinikit ang mata ko.
Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko feeling ko maririnig ng mga kasama ko dito sa loob.
Ting
Agad akong lumabas, habang nakasunod si Zeke. Pinagtitinginan ako!
Agad kong kinuha ang sombrero at mask sa bag ko. Bwiset dinaig ko pa ang artistang nagtatago sa mga gaya ni Zeke na paparazzi!
"Ms.Melody mukang ang swerte natin ngayon!"
Napalingon ako kay Zeke. Sabay suot ng sombrero at mask.
"Ang sabi ay nandito rin daw ang ex wife ni Mr.Chavez" anya habang nag-i-scroll sa cellphone nya
Mas lalo akong kinabahan. Napaka-bad idea talaga na tumuloy pa ako dito!
"M—may picture ba?" nagpa-panic kong tanong
"Yun nga e wala!sayang!"
Dumiretso kami kay Marinel ang secretary ni Andro.
"We're from BZA Channel"
Tumango-tango si Marinel at pilit na sinisilip ang muka ko.
"Parang nakikilala kita?"
"Uhh nagmamadali kasi kami miss?" Anya ko
Kumunot ang noo nya
"Sige po sumunod kayo sakin"
Ihinatid nya kami sa venue. Opisina nya ito.
"Pakihintay na lang po si Mr.Chavez"
Tumango kami ni Zeke.
Nang makaalis si Marinel don pa lang ako nakahinga ng maluwag.
"Naks sikat ka pala dito Ms.Melody?"
Nasamid ako sa sarili kong laway
"H—hindi naman Zeke baka nag kataon lang!"
Biglang bumukas ang pinto. Agad akong kinabahan nang makita ko sya.
Andro
"Sorry I'm late kakagaling ko lang sa isang meeting"
Kahit may sumbrero at mask ako ay yukong-yuko pa rin ako.
"Its ok Mr.Chavez kadarating din lang namin, Zeke Guttierez" anya Zeke at nakipag kamay kay Andro.
"And this lady?"
"She's —
"I'm Hanna Delos Reyes"
Nag taka ang muka ni Zeke.
Habang si Andro naman ay nakatingin sa I.D ko na agad kong tinakpan.
"Melody Sotto ang nakalagay sa I.D mo miss?"
Napapikit ako ng mariin. Saka dahan-dahan kong inalis ang sumbrero at mask na suot ko. Narinig ko ang mabibigat na hininga nya, sinalubong ko ang mga mata nyang walang emosyon.
"You're right I'm Melody Sotto"pinilit kong hindi maging sarcastic ang pagkakasabi.
Nag-igting ang panga nya. Ini-abot ko sakanya ang nanginginig kong kamay pero di ko pinahalata.
"Melody Sotto Chavez" anya andro habang diniinan ang kanyang apilyedo.
Papalit-palit ang tingin ni Zeke samin.
"Chavez I'm Andro Chavez"patuloy nya
Nakahinga naman ako ng maluwag. Binawi ko ang kamay ko sakanya.
"You're nervous Ms.Sotto"
I gritted my teeth.
"Are you intimidating with my presence?"
Gusto kong umismid kung hindi lang nandito si Zeke!ang kapal ng muka nya!
"I must be intimidate with you Mr.Chavez, you're a bachelor who own a famous big company"
Ngumisi sya sabay tango. Pumunta sya sa swivel chair nya.
"Let's start then?"anya
Ihinanda naman ni Zeke ang camera.
Tumikhim ako saka kinuha ang kopya ng mga itatanong ko sakanya.
"You may start Ms.Melody"
Tumango ako kay Zeke. Mabuti na lang at malayo ako kay Andro.
Ngumuso ako sa unang tanong.
"Ano ang inspirasyon mo para maging successful sa buhay?"
Ngumisi sya sabay titig sakin.
"My son...and my special someone"
Napalunok ako ng ilang beses. So may anak sila ng kabit nya?nabuhay ang bata?
"Ilan taon na ang anak mo Mr.Chavez?"follow up question ko kahit hindi ito nakasulat sa papel.
"11 years old"
Tinambol ang puso ko. Is he repairing to our son?Nakita ko ang pag haplos nya sa kwentas nya habang nakatitig sakin. Kaya naman mabilis kong ipinasok sa loob ng damit ko ang kwentas ko. Hindi pwedeng makita ni Zeke na parehas kami ng kwentas.
Tumikhim ako.
"Paano nagsimula ang kompanya nyo?"
"My dad owned the company pinagpatuloy ko lang. Lumago ang business to clothing, shipping, airline, and lastly our famous perfumes"
Tumango-tango naman ako. Sa pagkaka-alala ko ay clothing company lang ito.
"And your dad?"
"Inaasikaso nya ang hotel na pinapatayo nya"
Nag form ng O ang bibig ko.
"Your family is a very successful now"
Tumango sya. Tiningnan ko ulit ang papel na hawak ko. Napanguso ako sa sunod na tanong.
"So umm...you have a w—wife?"
"You should know that Ms.Sotto"
Napaiwas ako ng tingin ng titigan nya ako.
"Where is she now?"
Napapikit ako ng mariin sa sarili kong tanong. Narinig ko ang pag halakhak nya. Malamang tinatawanan nya ako dahil hinahanap ko ang sarili ko.
"She's just near!"
Napalunok ako at di na nakaimik.
"So you see her?"biglang singit ni Zeke dahil di na ako nakaimik.
Tumango naman sya habang nakatitig sakin.
"I saw her again...but she left me before so I don't care"
Parang biniyak ng ilang beses ang puso ko.
"Baka naman sobrang nasaktan mo ang asawa mo Mr.Chavez"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umimik. Anong akala nya sakin?basta na lang magpapa-apekto sa kanya?
"Ang dinig ko nagkaron ka raw ng kabit noon?"
Umigting ang panga nya. Sabay iwas ng tingin.
Hanggang saan ang tapang mo Andro?
"Yeah pero hindi ko yun sinasadya. I was young and immature before. But I promised to her na aayusin ko ulit ang meron kami. Yet still...she left"
Tumawa ako ng sarcastic.
"Baka naman may nagawa kang mali Mr.Chavez?o nasabing masama?"
Deretso ko syang tiningnan sa mata.
"At ano naman sa tingin mo yun Ms.Sotto?"
Kumibit balikat ako.
"Baka napag-buhatan mo ng kamay o something?"
Umikot sya habang nakaupo sa swivel chair.
"If she love me she won't leave me"anya at matapang akong tiningnan.
Sinuklian ko rin sya ng matapang na tingin.
"If you love him Mr.Chavez di ka mag hananap ng iba"pabalik kong sagot.
"I was immature way back before"
Ngumisi ako. Obviously until now, he's still immature.
"So you're now mature?"
Tumango naman sya ng marahan.
Napahalakhak naman ako.
"You should be, Andro Chavez that's all. Thank you for the interview. Balita ko may girlfriend ka, is that your mistress before?"
Napalunok sya at tumango.
Tumawa ulit ako. I knew it, so talagang hindi nya iniwan ang babae nya?ang lakas ng loob na magpakita sakin na para bang sya ang biktima.
"Ingat ka Mr.Chavez maraming temptation sa paligid mo.Baka matulad ang girlfriend mo sa una mong asawa. Kawawa pag...nagkataon. Let's go Zeke"
Nauna akong lumabas.
"Ang galing mong mag bato ng tanong Ms.Melody!may pinaghuhugutan ka ba?"
Ngumiti ako at umiling na lang.
"Cr lang"
Nang makarating ako sa Cr ay agad bumuhos ang luha ko.
If she love me she won't leaved me
Ako pa ngayon?
Natawa ako ng pagak.
Ang kapal-kapal mo Andro!
Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng Cr. Nagulat ako dahil nasa labas si Andro nag-aabang.
"Melody"
"Mr.Chavez" mariin kong wika
"Let's talk Melody"
Umiling ako.
"Tapos na ang interview namin sayo Mr.Chavez aalis na ako"
Aasta sana akong aalis pero hinawakan nya ako sa braso. Isang malutong na sampal ang iginawad ko sakanya.
"Ang kapal ng muka mo!bakit huh?ano pang gusto mo?nananahimik na ako Andro!alam mo diba?alam mong sa BZA ako nag ta-trabaho kaya imbes na sa malalaking TV station ka nag pa-interview ay mas pinili mo samin!for God sake leave me alone!"
"You almost killed my baby" mariin nyang wika
Napasinghap ako. So buhay ang anak nila?
"Alam mong hindi ko yun sinasadya Andro!its all your fault because you ruined my life asshole!at ngayon ano?gusto mo na namang sirain?go to hell Andro Chavez!"
I shout at the top of my lungs because of frustration.
"No h—hindi sa ganon. It's about our son!"
"Wala na tayong dapat pag-usapan wag na wag mong idadamay si Andy!"
Anya ko sabay walk out
Hindi ko na pinansin ang pagsigaw nya sa pangalan ko.
Nang makarating ako sa parking lot nakita kong nagyo-yosi si Zeke. Itinapon nya ito nang makita ako.
"Ms.Melody ang tagal nyo po?"
"Tawag ng kalikasan"
Humalakhak sya sabay pasok sa sasakyan.
"Melody?"
Napalingon ako sa likod ko.
Nangunot ang noo ko ng makita ko 'to. Kung inaabot ka nga naman ng kamalasan oh?
Betina
"Hey Betina"
Halata sa itsura nya ang takot.
"Why are you here?"
"Ask your boyfriend Betina"
"Let's talk" mariin nyang wika
Tumaas ang kanang kilay ko. Kinatok ko si Zeke. Nang buksan nya ang bintana ay nginitian ko sya.
"Zeke mag-uusap lang kami ng kakilala ko"
Tumango naman si Zeke.
Naunang maglakad si Betina, sumunod ako.
"Bakit ka nandito?para guluhin ulit kami?"
Napasinghap ako at pinaypayan ng sariling kamay ang muka ko.
"Guluhin ulit?excuse me?kailan man hindi ko kayo ginulo. First of all ikaw ang biglang sumulpot sa relasyon namin ni Andro. You're such a disgrace!may anak ka lang kay Andro pero kabit ka pa rin" marahan kong wika.
Nakita ko ang galit sa mata nya.
"You bitch!"
Sinampal nya ako pero di ko na lang ginantihan dahil wala akong ganang makipag-away sakanya.
"Look who's talking. Betina imbes na guluhin ako manahimik ka na lang. Pasalamat ka at wala akong ganang pag-aksayahan ka ng oras!
Wag kang mag-alala dahil sayong-sayo na si Andro. Don't be threaten"
Nanlaki ang mata nya.
"I'm not threatened with you!"
"Really?pero yun ang nakikita ko. Oww well hindi kita masisisi. I'm the legal wife here and you're just a mistress"
Nginisihan ko sya
"Bye bye Betina"
"Hindi ako papayag na masira mo kami ni Andro!sakin na sya!"
Kinawayan ko lang sya habang nakatalikod.
"Sino yun?ayus ka lang ba Ms.Melody?"tanong ni Zeke nang makapasok ako sa sasakyan.
Tumango ako. Sinimulan nya ng paandarin ang kotse.
"Mag kakilala kayo?"
"Ahuh nagkasama na kami noon sa isang party" I lied
Tumango-tango naman si Zeke
"Nice, diba Ms.Melody mayaman naman ang pamilya mo?bakit napunta ka sa pagiging reporter?and beside may kompanya din naman kayo?"
Ngumiti ako
"Pangarap ko ito Zeke"na sana noon ko pa nakuha kung hindi naging kami ni Andro.
Napadako ang tingin ko sa sidewalk sa kanan. Nanlaki ang mata ko at nangatal ang mga labi.
This can't be
"Stop the car"
"Huh?"
"Itigil mo sa may kanan ang kotse bilis!"
Sinunod naman ako ni Zeke.
Nang huminto ito ay agad akong bumaba at pilit na hinabol ang batang nakita ko.
"Sandali lang!"
Naabutan ko ito.
Nang humarap ito ay agad nag bagsakan ang luha ko. Pa'no 'to nangyari?si Andy!nasa harap ko ngayon si Andy.
"A—andy"
Kumunot ang noo nito
"I'm not Andy my name is Jessie not Andy"malamig na wika nito
"How old are you?"
"11"
Napatakip ako sa bibig ko.
"You're my Andy!"
Umiling ito
"Sorry po pero Jessie ang pangalan ko. I'm sorry but I need to go my mom is waiting for me"
Iniwan nya ako ng nakanganga at naguguluhan.
"Ms.Melody are you ok?"
Agad kong pinunasan ang luha ko.
"T—tara na nagkamali lang ako. Ayus lang ako d—don't worry"
"Sigurado ka po?"
Tumango ako. Bata pa si Zeke kaya magalang sya sakin. He's only 23.
Nang makarating ako sa BZA Station ay agad akong sinalubong ni boss.
"May nalaman ka ba?ano ang big revelation?"
"May anak sya sa girlfriend nya" wala sa sarili kong na-i-wika.
Pumalakpak si boss.
"May sinabi bang ganon si Mr.Chavez sa interview?"bulong ni Zeke
"Wala pero meron syang anak sa girlfriend nya"
"Very good Melo!"
Ngumiti ako. Hindi ko hinahamak si Andro. 'Di sya magagalit dahil totoo naman yun.
"We need to celebrate this guys!"anya boss
Ngumiti ako at napa-iling na lang.
"Naku boss, pustahan 'di na naman sasama yan si Melody"anya Jude
Itinaas ko ang sandamakmak na papel na kailangan kong ayusin.
"Marami pa akong gagawin e. Tsaka bukas na rin pasahan nito"anya ko.
"Naku Melody, mamaya mo na yan gawin. Marami pa namang oras"
"Boss bawat oras, mahalaga sakin. Alam nyo naman na after ng trabaho ko may pinupuntahan ako"
Bumalik sa pwesto nya si boss–sa kanyang swivel chair. Ito ang kinaganda ng team namin. Hindi pumayag si boss na hiwalay ang opisina nya samin, dahil mas gusto nya ang ganito na kaibigan nya lang ang impleyado nya. Pero syempre iba pa rin pag nasa oras kami ng trabaho.
"Melody bakit ba hindi mo na lang sabihin kung sino ang pinupuntahan mo?may kinikita ka bang papa?"
Natawa ang mga kasamahan ko sa tanong ni boss. Miski ako ay natawa.
"Wala akong kinikita boss, basta!siguro sa susunod sasabihin ko rin sa inyo. Pero hindi ngayon"
Umismid si boss "Melody huh?baka naman mabigla kami kapag sinabi mo yan. Baka naman nakikipag-relasyon ka sa matanda na?"
Nanlaki ang mata ko at natawa ng malakas.
"Si boss palabiro talaga. Wala boss ano! Hindi ko na kailangan ng matandang karelasyon"
"Tama nga naman si Ms.Melody!ang ganda kaya nya, at tsaka mayaman pa. Kaya boss tigilan mo na ang kaka-imagine mo ng ganyan. Ang mabuti pa ilibre mo na lang kami ng lunch dahil nakaka-gutom talaga"anya Zeke
"Naku crush mo lang si Melody!"banat ni Jude.
Natawa na lang ako sakanila.
Patuloy silang nag-asaran, at ako naman hindi ko na lang sila pinansin. Mas importante sa 'kin ngayon matapos ang gawain ko.
Kailangan kong pumunta sa park pagkatapos nito. Don ko lang kasi nabubuhay ang alaala ng anak ko.
I miss my Andy. Miss ko na ang anak ko.