Chereads / She's The Wife / Chapter 9 - Hanggang Saan

Chapter 9 - Hanggang Saan

"Give me the necklace"bungad ko kay Andro nang makapasok ako sa isang cafe restaurant.

Nakasuot ako ngayon ng sunglasses at mask para walang makakita ng muka ko.

"Why are you wearing sunglasses and mask?"nakakunot ang mga noo nito habang tinatanong ako.

"Anong gusto mo?ipakita ko ang pagmumuka ko?para ano?gusto mo bang malaman nila na asawa mo ako?tsaka may issue pa nga ako don sa artistang naghatid sakin e"

I extended my left hand to him

"Give me the necklace"

"Can we order first?you're so excited, relax!"

Umismid ako kahit hindi nya pa nakikita ang muka ko.

"Akin na nga kasi?"

"No let's order first, you have to eat. Tingnan mo nga yang katawan mo, nangangayayat ka na. Nong ako pa ang asawa mo hindi naman ganyan ang kataw—

"Anong gusto mo?tumaba ulit ako?tsaka dati yun nong—

Nahinto ako sa pagsasalita ng ma-realize ko ang sinabi nya.

Nong ako pa ang asawa mo hindi naman ganyan ang kataw—

Biglang nanikip ang dibdib ko ng maisip na kino-consider nya ng hindi na kami mag-asawa.

"Natahimik ka?are you ok?"

"Pumayag ka na sa annulment Andro"wala sa sarili kong nasambit.

Itinago ko sa ilalim ng mesa ang nanginginig kong kamay, habang nakapatong sa may hita ko.

"Still a no Melody, asawa pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo"

"Kakasabi mo lang diba?nong asawa mo pa ako hindi ganito ang katawan ko, so technically you considered me as your ex wife"

Napahilot ito sa noo nya, sumilay ang maliit nitong ngiti na mas kinainis ko.

"Ok nagkamali ako, ibig kong sabihin nong magkasama pa tayo sa iisang bahay"

Nangunot ang noo ko

"Bakit ka ba nakangiti?"inis kong tanong sakanya.

Kinagat nya ang ibabang labi upang mapigilan ang muling pag ngiti.

"Wala akin na lang yun"

"C'mon Andro I'm not kidding around just give it to me!"

"Ok, ok!I will give it to you, but first let's eat ok?"

Napabuntong hininga na lang ako sa katigasan ng ulo nya.

"Fine"

Nang matapos kaming mag-order, sinimulan ko na agad lantakan ang cake na order ko.

"Madaling-madali ka Melody, may pupuntahan ka ba?"

Nagkibit balikat na lang ako.

"Oww look who's here"

Sabay kaming napatingin ni Andro sa nagsalita.

"Betina?"Anya Andro

"Surprise dro!happy to see me?"sarkastikong wika nito.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Syempre inalis ko yung mask ko, alangan namang kumain akong naka-mask, pero naka-salamin pa rin ako.

"Ibang klase ka talaga Melody, hiwalay na kayo pero ikaw habol ka pa rin ng habol sa boyfriend ko"

Kumuha ako ng tissue bago pinunasan ang bibig ko, saka ako tumingin sakanya ng nakangisi.

"Well may mas karapatan ako"

Umarko agad ang kaliwang kilay nito.

"Ibig sabihin gusto mo pa rin si Andro?"

Natawa ako ng mahina pero nakakaluko. Tumayo ako at nilapitan sya.

"Asawa ako ni Andro, kahit ano pang sabihin mo isa ka pa ring kabit, ano Betina?natatakot ka na ba?"

Suminghap ito at akma akong sasampalin pero agad itong napigilan ni Andro.

Tumingin ako kay Andro.

"Give me the necklace"

Dumukot ito sa bulsa nya at binigay sakin.

"Mauuna na ako sa inyo"anya ko.

"Sandali lang Melody, hindi ka pa tapos sa kinakain mo"

"Hayaan mo syang umalis Andro!"

Umismid ako, well tama nga naman. Since hindi pa ako tapos sa kinakain ko, bakit hindi ko pa tapusin?

Humarap ulit ako sakanila at ngumiti ng matamis. Sa panahong gan'to masarap asarin ang kabit ng asawa ko.

"Oo nga pala, sige tapusin ko muna"

Parehas silang nagulat sa sagot ko, pero sa huli ay nakita ko ang maliit na ngiti ni Andro, samantalang si Betina naman ay halos namumula na sa galit. Hanggang saan ang kontrol mo Betina?takot ka bang makita ang totoo na unti-unting bumabalik ang sa akin?

Bumalik ako sa inuupuan ko, sinenyasan ko si Andro. Bumalik din si Andro sa inuupuan nya, at iniwan si Betinang nakatayo.  Kawawa naman sya dahil para lang sa dalawang tao ang

pwesto namin.

"I swear Andro, magsisisi ka!"

Tumingin ito sakin ng masama.

"Humanda ka Melody, hindi pa tayo tapos!"Anya sabay walkout.

Natawa ako sa inasta nito, pero agad din natigil ng mapansin ko ang pagtitig sakin ni Andro.

"What?"

"You choose to stay just to tease her"

Ngumiti ako ng matamis saka pinagpatuloy ang kinakain ko kanina.

"Well that's what she get. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon andito ka pa sa harap ko, diba dapat hinahabol mo na ang girlfriend mo?"

Umiling ito.

"She's not my girlfriend"

Naiwan sa ere ang desert spoon ko, tiningnan ko sya ng may pagtataka, saka marahang ibinaba ang desert spoon.

"Matagal na kaming hiwalay, sya lang ang nagpipilit na kami pa dahil may anak raw kami. Pero matagal na akong nakipaghiwalay sakanya"

Hiwalay na sila?no Melody!baka trick nya lang yan para maniwala ka!imposible!

"Kunyare naniwala ako"

Nagkibit balikat sya, "Hindi ko naman sinabing maniwala ka"

Ano 'to?bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Huminga ako ng malalim.

Relax lang Melody, hindi ka na teenager para sa ganyan. Niluluko ka lang ulit ng lalakeng yan!

"Akin na yung kwentas"anya Andro

"Huh?"

"Pahiram muna"

Wala sa sariling kinuha ko ang kwentas at binigay sakanya. Nagulat naman ako nang bigla syang tumayo at pumunta sa likod ko. Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na bagay sa leeg ko.

"Ayan kasama mo na ulit si Andy"

Bumalik sya sa pagkaka-upo nya.

Napahawak ako sa pendant nito.

Nang matapos akong kumain ay hinatid nya na ako sa bahay. Nagpahatid na ako sakanya, dahil gabi na rin.

"Salamat sa paghatid"anya ko

Bahagya akong napaatras mg subukan nyang hawakan ang muka ko, pero pinagpatuloy nya pa rin at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa muka.

"Don't hide your face, it's beautiful"

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Inayos ko ang tayo ko, saka nginitian sya.

"Gabi na, baka gusto mo ng umuwi?"

Napaiwas sya ng tingin sabay tikhim.

Natatakot ako na baka bumalik ang nararamdaman ko sakanya. Aaminin kong natuwa ako sa sinabi nyang wala na sila ni Betina, pero hindi ibig sabihin non na babalik pa ako sakanya.

"I should go then"

Namulsa ito saka ako nginitian.

"Take care"

"You too"

"Bye"I said

"See you tomorrow"

Bahagyang umangat ang kanan kong kilay.

"Remember what I've said?I don't want to see you again"

He shrugged.

"Nope, I decide to see you tomorrow, the other day, months, years, and forever"

Pinigilan kong mapangiti pero hindi ko nagawa, bwesit!

"See?you're smiling and that's mean you want me to see you again"anya habang inaangat-angat ang kilay.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. Samantalang nagtataka naman syang nakatitig sa'kin.

"Anong nakakatawa?"

"Hahahaha you've sound like a teenager. Walang forever ok?"

Tumango-tango sya na animo'y nag-iisip.

"C'mon let's seeing each other again"

Huminto ako sa pagtawa at tiningnan sya ng masinsinan sa mata.

Hanggang saan ang kaya mong gawin para lukohin ulit ako Andro?

"Ok"

Nanlaki ang mata nya at hinawakan ako sa dalawang balikat saka inalog-alog.

"Totoo?"

I push him, and cross my arms.

"Yun ay kung magpapakita ako"

Nginitian ko sya ng malapad, saka pumasok sa loob. Sinarhan ko ang gate.

"See you when you see me Andro"

Ngumiti ito saka kumaway.

"I'll see you"

Tumalikod na ako at pumasok sa loob, napa-iling na lang ako sa sarili kong kagagawan. Ako rin ang gumagawa ng paraan para hindi sya lumayo sakin.

Oww well hindi na lang ako magpapakita sakanya.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw.

Pumasok ako sa banyo at ng makita ang sarili ko sa salamin ay napangiti na lang ako.

Tsk, grabe ang ganda ko pa rin kahit bagong gising. Natawa na lang ako sa sarili kong katangahan.

Nagsimula na akong gawin ang dapat kong gawin sa umaga. Wala ako ngayong trabaho, kaya naisipan kong maglakad-lakad sa labas.

Matapos kong maligo ay tanging tapis lang ang dinala ko para ipambalot sakin. Ano kayang magandang umagahan?

Nakanguso akong bumababa sa hagdan habang iniisip kung ano ba ang dapat kong kainin.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdag nang hindi sinasadyang mapatid ako sa sarili kong paa, napapikit na lang ako pero imbis na lumagabog ay naramdaman ko ang dalawang kamay na yumapos sakin, at tumama sa isang bagay na mabango.

Sandali...pamilyar yung amoy!

Tuluyan ko ng binuksan ang mata ko at nagulat ako nang makita ang lalakeng sumambot sakin.

"Anong ginagawa mo dito?!"

Ngumisi lang sya saka inayos ang pagkakatayo ko.

"Sabi ko sayo kagabi diba see you tomorrow?"

Napakurap ako ng ilang beses napapikit na lang ng mariin, jusmiyo naman nanaginip ba ako?

Umiling-iling ako at tiningnan sya.

"Pa'no ka dito nakapasok?"

"I have my own way...and can you change first?it's distracting"

"Ano?!"

Napatingin ako sa sarili ko, at naka-towel nga lang pala ako!

Dali-dali akong umakyat nang 'di sinasadyang mahulog ang towel sa katawan ko.

Napahinto pa ako ng ilang segundo, bago dahan-dahan kinuha ang towel sa lapag habang nakatalikod.

Nang makuha ko ito ay narinig ko ang bahagyang pagsipol nya kaya dali-dali ko agad 'tong binalot sa katawan ko bago nagmadaling tumakbo ulit.

Narinig ko ang hagalpak na pagtawa nito na mas lalong kina-inis ko.

Bwiset ano ba kasing ginagawa nya dito?kating-kati na maluko ulit ako ganon?pwes sorry sya dahil hindi ako magpapa-uto sakanya.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay agad akong nagbihis ng malaking tshirt at maiksing short. Hindi na ako nagsuot ng bra, dahil may naisip ako.

Ngumisi ako, saka bumalik sa kusina.

"So anong ginagawa mo dito?"

Humarap sya sakin at lumagpag ang mga mata nito sa dibdib ko, umangat muna ang isang kilay nito bago sakin tumingin.

"Nagluto ako ng agahan mo"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Ano?!"

"Nagluto ako"

Madali akong pumunta sa kusina at agad naman akong nakahinga ng maluwag ng makitang walang usok sa kusina, malinis din.

"What?"

Umiling-iling ako

"Wala akala ko lang...

"Nasunog ko ang kusina?"

Humagalpak ito ng tawa saka ibinuka ang mga kamay nya sabay tingin sa itaas.

"Hahaha marunong na akong magluto sorry ka"

Napakurap ako ng ilang beses sa kawirduhan nya. Kailan pa sya naging hambog?

Tiningnan ko ang niluto nya, napalabi ako at tumango-tango.

"Grabe ang sarap naman ng niluto mo, pritong itlog"

Tumango ito saka itinuro ang upuan.

"Maupo ka na, pagsisilbihan ka ng pinaka-gwapo sa buong mundo"

"Weird mo"anya ko.

Nagsimula na syang kumuha ng pinggan at sinandukan ako ng kanin.

Ok naman yung kanin syempre sa rice cooker nya niluto e.

Akalain mo yun, bagay pala sakanya kahit naka-polo sya habang sumasandok.

"Ito na, at ito naman ang kape mo"

Nailing na lang ako at unang tinikman ang kape na tinimpla nya.

Napatango naman ako nang matikman 'to. Isinunod ko naman ang kanin na isubo. Ok rin yung kanin, sunod naman ay sinamahan ko ito ng itlog.

Nang manguya ko ito at malunok ay tinitigan ko sya.

"Anong lasa?masarap ba?"

"Una sa lahat Andro, yang kape na niluto mo nasa sachet na miski 5 years old kaya yan itimpla, pangalawa ok naman talaga yung kanin kasi sa rice cooker ka nagluto buti na lang marunong ka kung pa'no sumukat ano?pangatlo 'yang itlog mo...

Bahagya akong natawa ng may pumasok sa isip ko.

Tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa pagsalita.

"Yung itlog mo maalat"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa, nang mapansin ko ang seryuso nyang muka.

"O bakit?maalat naman talaga"

Ngumisi sya

"Aling itlog ba ang tinutukoy mo"

Mas natawa ako lalo at tinuro ang itlog na niluto nya at nagkunwareng seryuso.

"Ito maalat, sobrang alat. Papatayin mo ba ako huh?akala ko ba marunong ka ng magluto?"

Nagkibit balikat ito at naupo sa may gilid ko.

"Sinabi ko nga marunong na akong magluto pero hindi ko naman sinabing masarap akong magluto, magka-iba yun"

Napasinghap na lang ako sa dahilan nya. Tumayo ako at tinuro ang itlog na niluto nya.

"Ikaw na lang kumain nyan, magluluto na lang ako ng sa'kin"

"Hayaan mo sa susunod masarap na ang ihahain ko sayo"

Umiling na lang ako, at kumuha ng dalawang itlog at niluto 'to, kumuha na rin ako ng hotdog at niluto na rin.

Nang matapos ay ibinigay ko sakanya ang hotdog na naluto ko.

"O ulamin mo"anya ko

Ngumiti naman ito ng malapad.

"Wala ka bang trabaho?"

"Meron"

Umupo na ako at nagsimula ng kumain.

"May trabaho ka pala, bakit ka nandito"

"Dahil gusto kitang makita"

Pinigilan kong mapangiti. Kalma self isa lang yan sa mga trick nya.

"Nagkita pa lang tayo kagabi"

"Sabi ko naman sayo, see you tomorrow"

"Ibang klase ka talaga"

"Pagkatapos nito ihahatid na kita sa trabaho ko"

Umiling ako bago nilunok ang kinakain ko.

"Nope, wala akong trabaho ngayon kaya naisip kong maglakad-lakad"

"Ayus—

"At papasok ka na sa trabaho mo"

Tumingin sya sakin na para bang nakiki-usap.

Kung siguro naki-usap sya sakin dati na wag akong umalis, siguro nasa tabi nya pa rin ako. Masaya kaya kami?masaya ba kami kung hindi ako umalis?

"Sige na pumayag ka na"

Umiling ako

"Hindi ka sasama Andro, bumalik ka na sa anak at girlfriend mo"

Napabuntong hininga sya ng malalim humigop sa kape nya.

Tumingin sya sakin ng seryuso.

"Wala na kami ni Betina"

Napalabi ako at nagkibit balikat na lang.

"Ok"

Nagulat ako ng biglang kunin ni Andro ang kaliwa kong kamay na walang hawak.

"I'm serious Melody"

"Ok?"

"I want you back"

Hinila ko ang kamay ko pabalik.

"No Andro hindi na ako babalik"

"Babalik ka at ipapakita kong seryuso ako"

Nangunot ang noo ko, "Ano?"

"Liligawan ulit kita sa gusto at sa gusto mo"

Napasinghap ako, "Ibang klase ka talaga Andro"

Ngumiti lang sya at nagpatuloy sa pagkain.

"You'll be back Melody, see you're seducing me"

Nanlaki ang mata ko at napa-ismid.

"Ano bang sinasabi mo?"

Nginuso nya ang dibdib ko, "Hindi ka nag-bra"

Tss, oo nga pala hindi ako nag bra para asarin sya. Ang luko iba ang inisip!

"At sinong nagsabing inaakit kita?!"

"Hindi ba?"

"Hoy Andro!para sabihin ko sayo, hindi talaga ako nagsusuot ng bra pag nandito!kung wala ka nga siguro ay baka naghubad na ako"

He shrugged and lick his lower lips.

"Ok"

Mabilis kong sinubo ang natitirang pagkain sa bibig ko at nang matapos ay agad akong umakyat sa kwarto ko para magbihis saka nagsipilyo.

Naka-dress lang akong puti at puti din ang sandals. Hinayaan ko lang rin na nakalugay ang buhok ko. Matapos kong maglagay ng light make up ay bumaba na rin ako.

Wala na si Andro ng makababa ako.

Dumiretso ako sa garahe at sumakay ng kotse. Nagdisesyon akong mamasyal sa park kung sa'n kami madalas mamasyal ni Andro at ng anak namin.

Biglang nanlamig ang kamay ko nang maalala ko ulit si Andy, bahagya kong hinaplos ang pendant ng kwentas ko.

Kahit ilang araw ang lumipas, walang araw na hindi ko naalala si Andy.

Screaaccchhhhhhhh...

Malakas akong napatapak sa preno nang may tumawid na bata.

Nang tingnan ko ito ay laking gulat ng makilala 'to.

It's Jessie

Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at nilapitan sya.

"Ayus ka lang ba Jessie?"

"Ayus lang po ako, sorry po"

Umiling ako at niyakap 'to.

"Ayus ka lang ba talaga?wala ba sayong masakit?"

Umiling ito.

"May pupuntahan ka ba?"

Tumango lang ito

"Sa'n?"

"Sa malapit lang po na park"

"Sige, sumabay ka na sakin tutal don din naman ang punta"anya ko

Humiwalay na ito sa pagkakayakap.

"Sige po, Salamat"

Pinagbuksan ko sya ng pinto at nang makasakay ay sumakay na rin ako.

"By the way, where's your mom?"

"Nasa hospital po sya"

Tumango na lang ako.

"Alam nya bang lumabas ka ngayon?"

"She doesn't care about me"

"Hey don't be like that, she's your mom. Sino palang kasama mo sa bahay nyo?"

"Kami lang pong dalawa ni mommy sa bahay"

Nanlaki ang mata ko sa narinig, she's a doctor at sinong kasama ng anak nya pag wala sya?

"Sinong kasama mo pag wala ang mom mo?"

"Ako lang po"

"Wow!pa'no ka kumakain?"magiliw na tanong ko dito

"Iniiwanan nya na po ako ng pagkain, minsan nagpapa-deliver na lang po sya sa bahay ng pagkain ko"

Tumango-tango na lang ako, he's brave!if Andy still alive I won't make him leave alone, kagatin nga lang ng lamok si Andy nag-aalala na ako, ang iwan pa kayang mag-isa. Nailing na lang ako sa naisip ko. Hindi ko alam na may mga inang kayang tiisin ang anak nila.

"We're here"anya ko

Nang makababa na kaming pareho ay dumiretso agad sya sa isang bench.

Lumapit ako at tumabi sakanya.

"Alam mo hindi ko maiwasang makita ang anak ko sayo"anya ko

Napatingin sya sakin.

"Ano po palang nangyare sa anak po ninyo?"

Biglang pumatak ang luha sa mga mata ko. Nagulat naman ako ng punasan nya ito ng kamay nya.

"Sorry po miss wag na po kayong umiyak"

Mas lalo akong napahagulhol.

Umalis si Jessie at pumunta sa kung saan. Nang bumalik ito ay may dala itong isang puting rosas.

"Here po, 'wag na po kayong umiyak"

Mas naiyak ako dahil lalo ko lang naalala sa kanya si Andy.

"Sige po aalis na lang po ako para hindi na kayo umiyak"

Umiling ako, at ngumiti.

"No pls stay, don't leave"

Marahan itong tumango at tumabi sakin.

"Alam nyo po ba may nakapagsabi po sakin na, sa tuwing umiiyak raw po ang mommy ko bigyan ko lang sya ng puting rosas at titigil na sya"

Napahinto ako sa pag-iyak at tumitig sakanya.

"Pero nong binigyan ko po si mommy, nagalit lang sya sakin at tinapon ang rosas na binigay ko sa kanya. Pero kinabukasan nakita ko po ulit yung rosas na nakalagay sa gilid ng table nya, kaya simula po non umaasa akong sana hindi na magalit ang mommy ko sakin kaya kapag tulog na po sya, nag-iiwan ako ng rosas sa tabi nya"

"Sino naman nagsabi sayo na kapag umiiyak ang mommy mo ay bigyan mo ng rosas?ang daddy mo ba?"

Umiling sya.

"Ako"

Sabay kaming napatingin sa nagsalita.

Si Andro, at may hawak syang isang bouquet ng rosas.