Chereads / She's The Wife / Chapter 2 - Burol

Chapter 2 - Burol

Ikalawang araw na ng burol ng anak ko at bukas ang kahulihan. Until now hindi ko pa rin matanggap. Kaya nga simula ng iburol si Andy dito sa bahay nagkulong lang ako sa kwarto. Sila Andro ang nag-asikaso ng burol ng anak namin.

Kasalukuyan akong nakatitig sa picture ng anak ko nang biglang tinawag ako ni Andro.

"Hon?"

Lumingon ako sa pinto at niluwa nito ang asawa ko. Mukang wala rin syang tulog, pero kung titingnan kaming dalawa mas malala ang itsura ko.

"Hon bumaba ka na muna andiyan ang mga kaibigan mo"

Kaibigan

Nangunot ang noo ko at tsaka seryuso syang tiningnan.

"Sinong mga kaibigan?"

"Sila Trisha at Deille"

Umiwas ako ng tingin sa asawa ko.

Sa pagkaka-alala ko, nong nalaman nilang buntis ako iniwasan nila ako

at di na pinansin. Tapos ngayon dadalaw sila?para saan pa?

"Ayukong bumaba"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya saka umalis ng kwarto.

Asawa ko ba talaga sya?he never comfort me.

Napalingon akong bigla sa cellphone nya na tumutunog.

Unknown number calling...

Kinuha ko naman ito at sinagot.

"Dro?"

Kumunot ang noo ko nang makarinig ng boses ng babae sa kabilang linya.

Narinig ko ang mahina nitong hikbi.

"Dro please umuwi ka na muna dito. K—kailangan kita."

Napalunok ako ng ilang beses.

Umuwi saan?may iba pa bang bahay ang asawa ko?napahawak ako sa bibig ko nang may isa pang bagay na pumasok sa isip ko.

"Dro we need you"

Hindi ako sumagot at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"Dro alam kong nagluluksa ka sa anak mo p—pero sana wag mong kalimutan na d—dinadala ko ang magiging bago mong anak. K—kaya please kausapin mo ako. Umuwi ka na dito sa condo"

Para akong pinatay sa bagong nalaman ko. Una si Andy ngayon naman ang Daddy nya.

Ito ba ang dahilan?kaya ba palaging umaga na sya umuuwi o kung minsan ay hindi?

"Dro sumagot k—ka naman ohh?"

Huminga ako ng malalim.

"Anong pangalan mo?"anya ko.

Pinipigilan ko lang na sigawan ang babaeng 'to, pero gustong-gusto ko ng magwala!

"S—sino ka?"

"Asawa nya ako, ngayon sino ka?"

Hinintay kong sumagot sya pero wala. Pinatayan nya pala ako.

Nang maibaba ko ang cellphone sunod-sunod ang pag tulo ng luha ko.

Diyos ko anong klaseng pag subok 'to?bakit di mo na lang ako isunod sa anak ko?

Dumapa ako sa kama at ibinuhos muli ang luha ko. Parusa ba 'to?masama ba akong tao?hindi ba ako karapat-dapat para sumaya?

"HON PANGATLONG ARAW NA NI ANDY, HINDI KA PA RIN BA LALABAS?"

Magang-maga ang mga mata ko, walang tulog, at maayus na kain. Wala syang idea tungkol sa nalaman ko kagabi.

Hindi ko sya pinansin at nanatiling nakahiga. Bumagsak na naman ang mga luha ko. Hindi ba mauubos ang lahat ng 'to?

Lumapit sya sakin at umupo sa may gilid ng kama. Hinaplos nya ang muka ko. Agad ko itong tinapik at tinalikuran sya.

"Melody please don't be like this. Andito pa ako. Hindi kita iiwan, makakaya natin 'to"

Napahagulhol na ako ng tuluyan. Pina-upo nya ako at hinalikan sa noo. Isang yakap na mahigpit ang binigay nya sakin para pakalmahin ako.

"Tell me this is only dream"tell me that its only me.Its only us, you and Andy and of course me.

"I c—cant hon"

Mas lalo akong humagulhol. Siguro panahon na para tanggapin ko na wala na si Andy. Saka ko na lang aayusin ang tungkol samin ni Andro. Sana matapos na ang lahat ng ito, dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit.

Humiwalay ako sa yakap. Tiningnan ko sya sa mata.

"You still l—love me right?"

Umiwas sya ng tingin.

"Y—yes of course"

He's stuttering

Lumayo ako sa kama at dumiretso sa CR. Pumasok ako sa loob.

Pag kasara ko ng pinto agad akong nag-iiyak.

If only my tears can back my baby Andy.

Kinatok ako ni Andro.

"Hon are you ok?"

Hindi ako umimik. Binuksan ko ang shower.

Andy my baby. Can you please wake up mommy?with your kisses, hug.

Tiningnan ko ang sarili kong reflection sa salamin. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.Medyo nabawasan ang timbang ko.

Hinayaan kong kainin ako ng lamig ng tubig na nanggagaling sa shower.

"I promise that I will love you forever Melody, 'di ako magluluko—pangako ikaw lang. I love you so much kahit pa lumipas ang mahabang taon, ikaw at ang magiging anak lang natin.Kayo ang buhay ko Melody. It will always been you, for poorer or for richer, for better even worst ikaw lang"

Humagulhol na ako ng tuluyan nang maalala ang vow ni Andro noong ikina-kasal kami.

He said it's only me but tell me why its hurts?so badly.

"LUMABAS NA SYA"

"Ang laki ng pinag bago nya"

"Nakaka-awa naman si Melody maagang nabuntis at nakapag-asawa pero heto at agad kinuha ang anak nya"

Tama sila. Tatlong taon pa lang ang anak namin. 18 years old ako nang malaman namin ni Andro na buntis pala ako, at first na-dissapoint ang parents namin pero sinuportahan pa rin nila kami at hinayaang makasal.

"Yan siguro ang kapalit ng maaga nyang pag-asawa"

"Shhh wag kang maingay baka marinig ka nya"

"Totoo naman"

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Tiningnan ako ni Andro.

Ang mga tingin nya, hindi na kagaya noon na puno ng pag-mamahal.

Awa na lang ang nakikita ko sa mga mata nya.

"Malalagpasan din natin ito hon"

Nakakatawang isipin na mismong si Andro pa ang nag bitaw ng katagang yan. Malalagpasan nya oo naman.

Pero ako?hindi ko alam.

Hindi ko na alam.

Nangunot ang noo ko sa biglang pag tayo ni Andro. Tiningnan ko kung san sya nakatingin.

Nangunot ang noo ko nang makita ang babaeng humarang sa dinaraanan namin ni Andro para maihatid sana agad sa hospital ang anak namin. Kung 'di sana humarang ang babaeng 'to—baka buhay pa ngayon ang anak ko!

Tumayo ako at nilapitan ang babaeng nakatunghay kay Andro. Narinig ko ang pagtawag sakin ni Andro pero di ko ito pinansin. Kinaladkad ko ito palabas ng bahay at dinala sa may garden. I don't care kung nakita pa ng mga tao ang ginawa ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umiwas sya ng tingin. Hinimas nya ang kanyang braso na hawak ko kanina.

"I'm sorry pero nandito ako para makiramay"

Tumawa ako ng sarcastic.

"Nakikiramay ka?if im not mistaken Andro called you Betina right?"

Hindi pa rin sya tumingin sakin.

Mabuti na lang at natandaan ko ang pangalan nito.

"Umalis ka na dahil hindi namin kailangan ng simpatya mo."malamig kong wika.

Matapos ko yung sabihin ay matapang nya akong hinarap.

"Pasalamat ka nga nakiramay pa ako!"anya sa mataray na tuno.

Tinaasan ko sya ng kilay. Umakyat lahat ng dugo sa muka ko dahil sa sobrang galit.

"Bakit naman ako magpa-pasalamat sayo?sa hindi ko kakilala at ang dahilan kung bakit hindi na nabuhay pa ang anak namin ni Andro?at isa pa sino ka ba sa inaakala mo?"

Namutla ang buong muka nito.

"Hindi ako ang dahilan nang pagka-matay ng anak mo!masyado ka lang talagang pabaya dahilan kung bakit ngayon wala na ang mahal mong anak!"

"Betina!"

Sabay kaming napatingin kay Andro.

Mukang hinanap nya kami.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Lumapit sakin ang asawa ko at hinawakan ako sa bewang. Napansin ko ang pag tama ng tingin don ni Betina. Ano ba talaga ang kailangan nya?

"Mabuti pa Betina umalis ka na" anya Andro.

"Pero Dro kailan mo ba ako kakausapin?"

Dro?

Naikuyom ko ang kamao ko.Hindi lang pala buhay ni Andy ang nawala dahil sa babaeng ito.Mukang pati ang asawa ko balak nyang kunin sakin!

Bago pa ako makagawa ng marahas ay pinili ko lamang na tumalikod at naglakad pero huminto ulit ako.

"Hon paalisin mo ang babaeng yan dito.Wala akong pake kung kapamilya mo sya o ano pero sa oras na makita ko ulit ang pag mumuka nyan sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sakanya.Kilala mo ako Andro Chavez"anya ko at diniinan ang bawat salita.

Matapos kong sabihin ang mga salitang yun ay umalis na agad ako. Muli akong lumingon sakanila bago ako pumasok.

Kitang kita ng dalawa kong mata na magkalapat ang mga labi nila. Sa bahay ko pa talaga. Ang kakapal ng muka. Sa burol pa talaga ng anak namin.

Nang marating ko ang kabaong ni Andy ay agad pumatak ang luha ko.

Para lang syang natutulog.

"My baby Andy. I'm sorry ngayon ka lang dinalaw ni mommy I'm still hoping na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Iniisip ni mommy na—

Pinunasan ko ang luha ko bago nagpatuloy sa pag salita.

Iniisip ko na nasa mga lolo mo at lola ka lang. A—anak please help me kunin mo na rin ako please?sama mo na lang si mommy?"Napahagulhol na ako ng tuluyan.

"Anak wag mong sabihin yan andyan pa ang asawa mo. Pwede pa kayong mag simula"dinaluhan ako ni papa at ni mama saka niyakap.

Kung pwede lang sana kami ulit mag simulang mag-asawa pero ang masakit mukang malabo na.

"21 ka pa lang anak, maraming blessing pa ang dadating sa inyo ni Andro. Chance na rin siguro ito para bumalik ka ng college anak"wika ni mama at hinahaplos ang muka ko.

Biglang nanlambot ang tuhod ko.

Buti na lang at naalalayan agad ako ni papa.

"MWAMIE WAKE UP NA PO"

I smiled and still closing my eyes.

"Mwamie"

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko sabay libot ng tingin.

Walang Andy ang sumalubong sakin ng halik. Wala ang anak ko. Panaginip lang pala.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

I miss you anak.

"Hon?"

Walang gana akong tumingin sa asawa ko na kakagising lang.

"What's with that look?"

"Wala"

"Mag handa ka na maya-maya lang ay iki-crimate na si Andy"

Parang dinurog ang puso ko sa katotohanan.

Naubos na ang luha ko kakaiyak dahil kahit parang gusto ko na namang  ibuhos ang sakit na nararamdaman ko wala ng tumutulo. I wish i could hug my son.

"Andro"

Lumapit naman sya sakin at nginitian ako.

"Wag mo akong iiwan kahit anong mangyare please?"anya ko sa namamaos na boses.

"I p—promise"

Parang gumaan ang nararamdaman ko, he's true by his words. May tiwala akong tutuparin nya 'to.

"Get ready its time"

Pumunta na ako ng banyo at nilinis ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Pumayat ako I see that. Tumaba kasi ako nong manganak ako kay Andy. Konti pa at babalik na sa dati ang katawan ko, ang laki din ng pinagbago ng muka ko. Lubog ang dalwa kong mata na namamaga. Meron ding ilang pimples na tumubo.

"Hon matagal ka pa ba jan?ikaw na lang ang hinihintay sa baba"

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Bago lumabas ng kwarto.

"Let's go?"

Marahan akong tumango saka sumunod sa asawa ko. Umiiyak ang mga parents namin. Mas malakas pa ang iyak ng mommy ni Andro. She really love my son.

Tinunghayan ako ni Andro. He kiss my forehead.

Sumakay na kaming lahat sa sasakyan para ihatid si Andy sa simbahan para magpa-mass. Pag katapos non ay iki-crimate si Andy. Para atleast makasama ko pa rin ang baby ko.

"Here take this hon"

Kinuha ko sakanya ang isang kwentas, may pendant ito ng maliit na bottle pero walang laman.

"Anong gagawin ko dito?"

"Konting ash lang ni Andy ang kukunin natin. Ako, ikaw, pati na rin ang mga parents natin ay mag tig-isang kwentas. Pinasadya ko yan para palagi nating kasama si Andy kahit saan. Yung matitirang abo naman ni Andy ihahalo natin sa halaman na nasa bahay. He loves flower right?ok lang ba yun sayo?"

Ngumiti ako at tumango. He's right Andy love flowers specially white roses he always give me a flower before going sleep.

"I'm sorry hon"

Napatingin ako sakanya.

"Bakit ka nagso-sorry?"

Yumuko sya saka lumingon sa likod kung nasan si Andy. Nasa unahan kasi kami ng van, since malaki naman ito.

"Kung sana hindi ko kayo niyaya na lumabas s—sana buhay pa ang anak natin"

He cover his eyes with his hands.

His shoulder is shaking. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang umiyak ng ganyan dahil nong umiyak sya sa hospital ay hindi naman ganyan. Ang huli ay nong pumapasok pa kami sa school yon yung panahon na nakikipag-break ako sakanya.

"I—im such a fool" humihikbi nitong wika.

I tap his shoulder.

"You're not a fool Andro"

Hindi sinasadyang mapatingin ako sa may side ng kalsada. My whole body's shaking. May nakita akong babae na nakatalikod at may kausap na lalake. Kamukha nya si...

"Manong pakihinto muna please"

"Hon?"

"May nakita ako Andro, maybe its Ash!"

Nangunot ang noo ni Andro.

"What are you saying Melody?Ash is dead a long time ago. Baka namalik-mata ka lang"

Pilit kong kinalma ang sarili ko.

Siguro nga b—baka namalikmata lang ako.

Sa pagtuloy-tuloy ng byahe ng sasakyan ay mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko, dahil ihahatid na namin ang anak namin sa huling hantungan nito.

Pumikit ako ng mariin. Oww Andy please guide me. Baka 'di ko kayanin.

Habang palapit kami ng palapit sa simbahan ay lumalakas ang hagulhol ni Andro. This is first time, ito na ang grabe nyang iyak to the point na pati ako ay nahahawa na.

"I'm so sorry Andy hahhhh!I'm sorry my baby sorry sorry. D—daddy loves you so much"

Pati ako ay 'di na rin matigil sa pag-iiyak.

"This is all my fault!take me son!take me with you!"Anya Andro habang nakatunghay as kabaong ng anak.

Tinakpak ko ng dalawang kamay ang bibig ko para pigilan ang malakas kong hikbi.

Oww God I can't take this. Please wake me up.

"Nandito na po tayo"

Pinilit kong tatagan ang sarili ko. Kahit na nanginginig ang tuhod ko ay pinilit ko pa rin na makalabas mg van.

Hinintay ko si Andro na makababa.

Pulang-pula ang mga mata nito.

Sinalubong ko sya ng yakap, tinugon nya naman ito ng napaka-higpit.

"We can do this hon, this is for our baby. See this?"

Pinakita ko sa kanya ang kwentas na pinasadya nya at pilit akong ngumiti.

"Andy is always with us, hindi lang dito sa kwentas kundi mananatili ang anak natin sa 'ting puso"

Hinintay ko na unti-unti syang kumalma. Humiwalay ako ng ngiti sakanya, at kahit na sumasakit na ang mata ko nang dahil sa pag-iyak ay pilit ko pa rin pinagmukang masaya ang mga mata ko.

"Lets go?"

He held my hand and kiss it, then he kiss my forehead too.

Malamlam nya akong tiningnan at malungkot na ngumiti.

"I'm sorry I promise to my self na hindi ako iiyak, kasi ayaw kong maging mahina sa paningin mo. I need to be strong for you because that's all I can do"

Umiling ako at bahagyang hinaplos ang muka nya."Crying doesn't mean you're weak, it's just showing the real you, and Andy is our son not just my son, but its ours. Andy will guide us"

"I miss our baby"

I smiled."You do" Anya ko bago naunang pumasok sa simbahan.

Just for now I want to forget Andro caused pain on me. I want my all attention to my Andy.

Habang papalapit ako sa unahan ay 'di maampat ang luha ko. Funny, dito rin naganap ang kasal namin ni Andro while I'm carrying our baby on my stomach. Now—now I'm back here because it's the death of our baby.

Ilang minuto pa ay nagsimula na ang mass, hanggang sa oras na para mag wisik ng holey water.

Nauna ang mga ibang dumalo, ibang relatives, mga dating kaibigan, hanggang sa sumunod ang parents ni Andro. Papa Alfonso is crying hardly, umaalingawngaw ang ungol ng iyak nito sa buong simbahan.

"Lolo will miss you, I love you so much our Andy"

Nang sumunod na ang mommy ni Andro ay dito kami mas lalong naapektuhan. She is crying like there's no tomorrow. Yumakap sya sa ataol ni Andy at hinalikan ang salamin ni Andy.

"Ibalik nyo si Andy!hindi pwedeng mawala ang apo ko!apo ko!huhuhu hindi ko kaya!Diyos ko ang kawawa kong apo!napaka-bata nya pa para kunin ng maaga!hindi!"

Hindi ko na kinaya ang nasaksihan ko kaya naman lumapit na ako kay mama, may sakit sya sa puso kaya makakasama sakanya kapag nagpatuloy 'to. Ako man ay gusto ko ring maglupasay pero kailangan kong tatagan ang loob ko. Andy won't like it kapag gumaya ako sa lola nya.

"Ma please, stop crying. Hindi matutuwa si Andy kapag ganyan ka.

You're sick, you need to calm"

Umiling-iling ito at yumakap pabalik sakin.

"Ang bata pa ng anak mo Melody, kawawa ka naman, nawalan kayo ng a—anak ni Andro. Alam kong ikaw ang mas nahihirapan. Paki-usap 'wag mong iiwan ang asawa mo kahit anong mangyari"

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

I'm still looking for that. No—I'm still into him. I can't leave my husband.

'Di ko kakayanin. Nawalan na ako ng anak, kung pati si Andro mawawala.

Baka mas piliin kong sumunod na lang sa anak namin.

"I promise po, balik na po muna tayo sa upuan nyo, don't stress yourself po. Andro won't like it kapag nawalan sya ng mommy"

Umiiyak man ay tumango pa rin ito.

Tinulungan ako ni Andro na alalayan ang mama nya. Ganon din si papa Alfonso.

Nang maayus na ang lahat ay sumunod naman ang parents ko.

"Seeing my grandson death is nearly death for me too. Mahal na Mahal namin ang aming apo. Ito ang palaging nagpapasaya samin, ang magsalita sya kahit bulol-bulol, labis na ang sayang hatid nito." Nang crack ang boses ni mama at agad nyang winisikan si Andy saka umalis agad. Ganon din ang ginawa ni papa. Alam nilang matanda na sila kaya naman dapat nilang alagaan ang mga emosyon na lumalabas as kanila.

Nang sumunod kaming mag-asawa ay halos segundo lang ang binilang ko. Humalik lang ako sa kabaong ni Andy at winisikan lang ito. Akala ko ay ganon rin ang gagawin ni Andro, pero mali ako. Dahil ang iyak ng mommy nya at daddy nya ay mas triple pa.

Sinisisi nya ang sarili sa pagkawala ni Andy, and murmuring sorry again and again. Nang hindi namin sya maawat ay ang mga lalakeng kaibigan nya na lang ang umawat sakanya.

Mabuti na lang at nagtagumpay ang mga ito.

He's maybe a cheater but it won't change the fact that his heart is still melting when it comes to our son.