Violet's POV
"Violet, we have a family dinner with De Luna family at exactly eight in the evening. Don't be late or else I won't give the car you want."
Napairap nalang ako sa sinabi ni mama sakin. Alam ko na kasi kung bakit may pa family dinner. I'm sure ipapakasal na niya ako sa bagong CEO ng De Luna Group of company na matanda at hindi alam ang salitang mag-ahit ng bigote. I know na mga gurang na ang mga hitsura ng CEO kaya I'm pretty sure na kulubot at uugod-ugod na ang mapapangasawa ko. Hayy buhay nga naman! Binibigay nga nila ang lahat na gusto ko pero itatapon naman nila ako sa imperno.
Padabog akong lumabas sa opisina nina mama at papa at lumabas sa building ng Delgaldo Real Estate, which is company namin. Pumunta ako sa bar ng kaibigan kong maganda pero bobo nga lang. "Huyy Fire! Bigyan mo ko ng hard drinks!"
"Huyy ang aga-aga, nangbubulabog kana!" reklamo niya.
"Wag na madaming satsat! Bigyan mo ko ng brandy!"
"Ayy bad mood?" usisa niya.
"Ayy hindi ba obvious? Obvious na nga nagtatanong pa. Tskk."
"Ayy bawal?"
"Oo Bawal!" sigaw ko.
"OK sigi. Dun tayo sa VIP area." Na una siya maglakad sakin at sumunod naman ako. "Bakit ba ang init ng ulo mo?" Inabutan niya ko ng brandy at nilagok ko ito. Napangiwi ako.
"I'M ENGAGE! MAGPAPARTY TAYO!" sigaw ko habang happy-ing-happy sarcastically.
"Talaga nino? Buti naman at pinayagan kang magpakasal sa mama mo sa isang artista." Binatukan ko siya.
"Gaga! Hindi ako papayagan ni mama na magpakasal kay Sam na hamak na isang artista lang."
"So kanino ka ikakasal?" tanong niya.
"Sa isang gurang na matanda na CEO," bagot kong sagot.
"Nakita mo na?"
"Hindi pa pero ganon naman ang mga CEO diba? Mga gurang na?"
"Ayy judgemental. Grabe ka sa mga CEO! Huwag mo namang lahatin, bruha," aniya.
Hindi ko siya pinansin at tinuon ko ang atensyon ko sa alak. Alas singko na ng hapon kaya nagsimulang dumami ang mga tao dito sa loob ng bar. Pangmayaman ang bar ni Fire kaya maraming mayaman na hotties dito at meron ding mga celebrities. Tungkol pala kay Sam, siya ang boyfriend ko at mukhang inlove naman ako sa kanya. Hindi ako sure kasi hindi ko pa narasan sa kanya ang dugdug sa heart.
"Hi miss! Do you want to dance?" Dahil maganda ang bida niyo, which is ako, linapitan ako ng isang hot na hunk pero hipon. Yummy pero hindi gwapo.
"Sorry boy! Malapit na yang maging taken. Hanap ka nalang ng iba," saad ni Fire sa gilid ko.
Napairap nalang ako at bigla kong naisip ang family dinner namin. Shit anong oras na pala? Tinignan ko ang orasan ng phone ko. Seven o'clock na! Patay ako!
"Huy bruha! Alis nako," paalam ko kay Fire.
"Sigi pero hatid na kita kasi nakainom ka."
"Thanks but no thanks. Tipsy lang ako tsaka may family dinner pa kami," sabi ko at tumango siya.
Umalis na ako sa bar at pumunta sa bahay para mag-ayos. Nagsuot ako formal dress na color violet at stiletto. I put some heavy make-up at nang makuntento nako sa hitsura ko, pumunta na ako sa restaurant kung saan ako lalapain. I arrive at exactly eight o'clock at sina mama, papa, at Mr. and Mrs. De Luna lang na datnan ko. Mukhang wala pa ang gurang na mapapangasawa ko.
"Violet! Thanks god pumunta ka." sinalubong ako ng beso ni mama at nagbeso-beso din kami ng mga De Luna. "Upo ka anak."
Umupo ako sa isang bakanteng upuan na katabi kay mama. May anim na upuan at for sure kay gurang ang isang natitira. Late siya kasi uugod-ugod na yun. Tsssk. Hay nako! Hindi ako na inform na magiging caregiver ako nito.
"He's here!" saad ni Mrs. De Luna na nakatingin sa likod ko. "Over here son!"
Son? Anak niya? CEO na ang anak nilang si Indigo? Yes I know their one and only son kasi mag business partners sila ng parents ko. Indigo De Luna, ang kaisa-isang anak ng mag-asawang De Luna. Actually, hindi ko pa ito nakikita or na nakilala kasi ayoko sa business world dahil ang gusto ko ay showbiz world so isa akong host, model at minsan umaarte sa ilang pelikula.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain na nasa harap ko. Naramdaman kong umupo sa harapan ko si Indigo at feel ko nakatingin siya sakin. Kinabahan kaagad ako kasi what if totoo ang sabi-sabi na isang hunk, hot, gwapo at malakas ang sex appeal tong si Indigo.
"Violet, hija, this is my son, Indigo De Luna." saad ni Mr. De Luna kaya nilingon ko siya at nginitaan. Dahan-dahan ko ring tinignan si Indigo at diyos ko! Ang gwapo nga! Malayo siya sa isang gurang na uugod-ugod na matanda na inakala ko.
"Kompleto na tayo so sasabihin na namin ang rason kung bakit tayo nagtitipon-tipon dito," sabi ni papa.
"So why are we all here?" tanong ko. Syempre hindi muna tayo mag-assume na ipapakasal kaming dalawa kasi baka hindi.
"We're all here dahil ipapakasal namin kayong dalawa para ma merge ang ating mga kompanya," sabi ni Mr. De Luna
Hay salamat hindi sa gurang ako ipapakasal. Hindi naman tayo luge kay Indigo dahil mukhang masarap naman pero medyo bossy at istrikto lang. Pagtitiisan ko nalang to kaysa sa gurang ako mapunta diba?
"So Violet, do want a garden wedding or a grand church wedding?" tanong ni Mrs. De Luna sakin.
"I prefer to a simple marriage contract signing. I want a civil wedding." Napatingin ang lahat sakin. May mali ba sa sagot ko? Ayoko ko ng bunggang kasal dahil kahit gaano pa yan ka bungga, pag ang ikakasal hindi mahal ang isa't isa magiging useless ang kasal at hindi masaya.
"Ahmm anak are you sure about that?" tanong ni mama na parang hindi makapanila sa sinabi ko.
"Yes ma. I'm sure about that," sagot ko.
"I don't want to marry this woman," cold na sabi ni Indigo.
Anong sabi niya? Ayaw niya kong pakasalan? Ayy gago siya! Sinayang niya ang isang diyosang kagaya ko. "Son you have to marry Violet," galit nasaad ni Mr. De Luna.
"In one condition," aniya
"Anong kondisyon?" tanong ni mama.
"I'll tell Violet tomorrow at exactly eleven o'clock am at my office. I'm sorry I have to go," aniya sabay alis. Ayy bastos siya!
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa anak ko. I'm really really sorry about that and don't worry I will do everything para matuloy itong kasalan," saad ni Mrs. De Luna.
"It's fine. Papupuntahin nalang namin si Violet bukas. We have to go," paalam ni papa at umalis na kami.
Ang pa hard to get naman ng Indigo-ng yun. Kala mo kung sino! May pa kundi-kundisyon pa! Puta siya! Bwesit! "Violet puntahan mo siya bukas at mag-ayos ka ng bungga. Dapat sobrang ganda mo para hindi makahindi si Indigo. Maliwanag?" sabi ni mama.
"Ma parang ang desperada mo namang maikasal ako sa Indigo na yun," reklamo ko.
"Desperada na kung desperada basta ang importante maikasal ka sa isang De Luna."
"At para mainggit ang mga kumare mo dahil pinakasalan ng isang De Luna ang anak mong babae," dadag ko sa sinabi niya.
Totoo naman na ipapakasal nila ako sa isang De Luna para may ipagmamalaki sila at para kaiinggitan sila. Mayaman at tanyag kasi na pamilya ang De Luna kaya atat si mama na ipakasal ako kay Indigo. Tsaka ang mga De Luna naman ay atat rin na ipakasal kami para ma merge ang parehong kompanya namin at para maging mas maging makapangyarihan sila at mayaman.
Nang makabalik na kami sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at natulog.