Chereads / Arranged_Marriage / Chapter 5 - THREE

Chapter 5 - THREE

Violet's POV.....

"Table for two."

Dinala niya ako sa isang luxury restaurant at nang pumunta kami sa mesa namin, pinagtitinginan kami ng mga tao. Mukhang kami laman ng chismis ngayon. For sure magiging masaya rin si mama dahil lumabas kami ni Indigo. Pupurihin na siya ng mga kumare niya dahil nakabingwit ng isang De Luna ang anak niya.

"Bakit dito tayo kakain? Pwede namang sa jollibee nalang," sabi ko.

"Are you kidding?" nakakunot noo niyang tanong sakin.

"Mukha ba akong nagbibiro? Pinagtitinginan na tayo dito oh! Magiging laman tayo ng chismis nito."

"The hell I care," aniya sabay order ng pagkain.

Binalewala ko nalang ang mga titig ng mga tao samin at kumain hanggang sa may isang babae na hindi nakatiis na makiusisa. Si Mrs. Lantigua, asawa ng isang senador at may-ari ng minahan ng ginto. Tanyag sa larangan ng negosyo at politika. "Hi hijo! Indigo De Luna, right?" tanong nito.

"Yes, Mrs. Lantigua," sagot niya.

"Oh I'm glad to see you here. Who is this gorgeous lady?" ayy gorgeous daw ako mga beks!

"This is my fiancee. Soon to be Mrs. Violet Delgaldo De Luna." Proud si tukmol mga beks! Ipinangalandakan ako!

"You are host, model and gorgeous daughter of Delgaldo, right?"

"Yes, I am," sagot ko.

"You are lucky to have the most gorgeous heir in business world, Indigo. What a perfect match!" sabi nito.

Actually, maswerte rin si Indigo pagpinakasalan niya ako dahil pwede niya akong gawing trophy. Kaya pala isa sa mga conditions ang pag treat ko sa kanyang asawa dahil para may ipagmalaki siya na nakuha niya ang diamante ng Delgaldo, which is ako mga beks! Trophy! Yan ang papel ko sa mundo. Gagamitin para ipangalandakan at para akong isang bagay na ginagamit para kainggitan ng iba. In short, trophy! Saklap no? Tapos kung sira kana, itatapon ka kasi hindi na kaaya-aya at hindi na maipagmamalaki.

Tahimik lang ako habang kumakain kami dahil na bad trip ako. Papakasalan lang pala ako nitong si Indigo para gawing trophy.

"Hey bakit ang tahimik mo?" tanong niya.

"Wala lang." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.

Nang matapos kaming kumain, hinatid niya ko sa bahay at sinabihan niya si mama at papa na bukas na kami ikakasal. Natuwa naman ang mga bwesit kong magulang. "Oh my god! Anak mama loves you so much! Buti naman ikakasal kana. Tsaka totoo bang nagdate kayo kanina?" nakangiting tanong ni mama sakin.

"Nagyaya lang po siyang maglunch kami," bagot kong sagot.

"Gaga! Date na yun no!" aniya. "Keep it up anak!"

"Opo. Magpapahinga lang po muna ako kwarto. Excuse me," sabi ko at tumungo sa kwarto.

Hay buhay. Bukas ikakasal na ako at matatali na ako sa tukmol na yun! Lord kunin niyo na ko please! Ayoko na dito!

Biglang tumawag si Sam sakin kaya sinagot ko. "Hello Sam! Napatawag ka?"

"Totoo bang ikakasal kana?" ramdam ko ang galit niya sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ako. "Oo."

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"I'm sorry Sam. Biglaan kasi tsaka desisyon yun nina mama at papa."

"So sinong pipiliin mo? Ako o sila?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Sam syempre-"

"OK pupuntahan kita diyan. Magtatanan tayo."

"No! Sam syempre ang magulang ko ang susundin ko kasi sakaling itatanan mo ko. Magiging mahirap ang buhay natin dahil gagawin ni mama ang lahat para magahirap tayo. Ayoko ring mawala ang career mo dahil sakin."

"So ano? Hanggang dito nalang tayo? Makikipagbreak kana sakin?" garalgal niyang tanong.

"Oo sorry." Napaiyak ako sa sagot ko at binaba ko ang tawag.

Pinakawalan ko ang taong mahal ako dahil sa mga magulang ko. Pinagpalit ko sa isang lalaking hindi ko kilala ang taong mahal na mahal ako. Oo ramdam ko na mahal na mahal ako ni Sam at galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. I give up everything para sa mga walang kwenta kong mga magulang. Hindi ko kayang ipaglaban ang kalayaan ko dahil duwag ako at mahina. Hindi ko kayang humindi sa lahat ng bagay kaya naging sunod-sunuran ako nina mama at papa. Well that's me. Bwesit!

"Anak gumising kana kasi maaga tayong pupunta sa mansyon ng De Luna." Naalimpungatan ako dahil biglang pumasok si mama sa kwarto.

Nakatulog pala ako kahapon dahil sa kakaiyak. Buti nalang hindi masyadong halata na namamaga ang mata ko. Pumasok ako sa banyo at naligo. Tinulungan akong mag-ayus ni mama at pinasuot niya ako ng isang puting dress na mukhang bagong bili niya. Pagkatapos niya akong ayusan, bumaba na kami at pumunta na sa mansyon ng bwesit kong pamamangasawa.

"Anak, sumunod at magpakabait ka kay Indigo. Maliwanag?" sabi ni mama.

"Opo ma."

"Ano pala ang kondisyon ni Indigo sayo kahapon?" tanong niya.

"Marami po siyang kondisyon," bagot kong sagot.

"Gaya ng ano?"

"I have to give him a son." Napatingin si mama sakin dahil sa sagot ko.

"Really? He wants to have a family with you?" nakangiti niyang tanong.

"Gusto niya lang ng anak ma. Hindi pamilya kasama ako." Nasaktan ako sa sagot ko.

Oo gusto ng anak mga beks pero pag na meet na niya ang kanyang love of his life, itsapwera ako mga beks! Wala akong karapatan na mag-inarte o magselos kasi ASAWA LANG AKO SA PAPEL! Tapos baka makikipaghiwalay na siya sakin tapos dadalhin niya ang anak namin. Ilalayo niya sakin ang anak ko. Ang ipapakilala niyang ina sa anak namin ay yung mahal niya. Maiiwan akong mag-iisa dahil wala na akong kwenta.

Nagsilabasan ang mga luha ko habang iniisip ang kahihintanan ng buhay ko sa kamay ni Indigo bilang asawa. Pinahiran ko kaagad ito para hindi mahalata ni mama. Baka isipin nilang nagdradrama ako at nag-iinarte.

Mabilis kaming nakarating sa mansyon ng De Luna at tunay ngang sobrang yaman nila. Mansyon palang, mukhang bilyones na! Bumaba kami at sinalubong kami ng mga katulong. Giniya kami patungo sa isang silid. Nang makarating kami dun, isang judge, pamilyang De Luna at may iba pang mga negosyanteng hindi ko kilala ang bumungad samin. Tumayo silang lahat ng makita kami. Hinatid naman ako nina mama at papa sa harap kung asaan si Indigo at ang judge na mukhang magkakasal samin.

"Please take care of our daughter, Indigo," sabi ni papa habang binibigay ang kamay ko kay Indigo.

"I will Sir," sagot niya habang nakangiti.

Gusto kong maiyak hindi dahil sa saya kundi dahil sa lungkot. Hindi ganito ang ginusto kong kasal! Giniya ako ni Indigo papunta sa judge. Gusto kong umalis. Gusto kong matapos na tong lahat!

"Pwede po bang pirmahan nalang namin diretso yang marriage contract na yan?" tanong ko sa judge at nagulat naman ito sa tanong ko.

"Pasensya ka na po judge. Excited lang siya sa honeymoon namin." Biglang nagsalita sa gilid ko si Indigo. Bwesit siya! Honeymoon niya mukha niya!

"OK sigi. Bibilisan natin to." natatawang sabi ng judge. "Pumirma kayo rito." Tinuro nito ang mga pipirmahan namin. Nanginginig ang kamay habang pumipirma. Pagnatapos na to, magsisimula na ang bagong yugto ng masalimuot kung buhay kasama si tukmol na kulay Indigo.

Nagsipalakpakan ang lahat ng matapos kami at ng ideklara ng judge na kasal na kami. Nagbabanya na tumulo ang luha ko kasi masaya silang lahat sa pagluluksa at pagsisimula ng bago kong impernong buhay. Kung alam lang nila ang sitwasyon ko ngayon, maaawa ba sila?