Violet's POV....
Nagpapiging ang pamilyang De Luna pagkatapos ng kasalan daw namin. "Don't cry kasi baka isipin nilang sobrang saya mong pinakasalan ako." bulong sakin ni Indigo.
"Halos isumpa ko itong kasal na to! Para akong pinagsakloban ng langit kung alam mo lang," matigas kong sabi sa kanya.
"Kumare, ang swerte mo naman dahil napangasawa ng anak mo ang diamante ng Delgaldo," sabi ng isang bisita kay Mrs. De Luna.
"De Luna wants, De Luna gets," mayabang na saad ni Mrs. De Luna.
See? Trophy lang ako nila. Ginagamit para ipagmamalaki sa iba. Yumuko ako para umiyak dahil hindi ko na kaya. "Hey get up," utos ni Indigo.
Hindi ko siya pinakinggan dahil sobrang sakit na talaga. Hindi ko na kaya. Pinatayo ako ni Indigo at giniya palabas. "Saan mo ko dadalhin?" tanong ko.
"In my house." Pinasok niya ako sa kotse niya.
"Hindi pa ako nakapagpaalam kina mama. Baka hanapin nila ako."
"Pagmamay-ari na kita kaya hindi na kana nila hahanapin." Napatikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya.
May bago na pala akong amo. May new amo na ang aso na si ako mga beks! Humalukipkip lang ako habang nasa byahe kami. Dahil duwag ako, hindi ako maka hindi sa lahat ng bagay kaya ito ako naging sunud-sunuran.
Pumasok ang kotse niya sa isang Village at huminto sa isang kulay gray na malaking bahay. Ito ba ang bahay niya? Lumabas kami at pumusok sa naturang bahay. Sobrang manly ng loob ng bahay. Puro kulay abo, itim at puti ang mga gamit. Indigo ang pangalan niya so dapat may kulay indigo pero wala?
"This is your new house. You will live here with me. Walang katulong dahil bilang asawa ko, dapat ikaw gumawa ng mga gawaing bahay," aniya.
Napalagok ako ng laway. Patay hindi ako marunong magluto! Ay takte talaga! Pano ang career ko? So ang magiging peg ko nito ay artista turns to yaya?
"Indigo, pano ang career ko? Magrerenew na sana ako ng contract ngayon," sabi ko.
"Hindi mo na kailangan ng trabaho dahil kaya kitang pakainin. Hindi ka magrerenew ng contract," matigas niyang sabi.
"Pero-"
"Number eight, I don't want to here any complains from you." Pagpapaalala niya sa mga kondisyonis niya. Bwesit ka Indigo!
Padabog kong tinungo ang taas ng bahay at hinanap ang master's bedroom. Madali ko namang hanap ito. Manly parin ang loob at amoy Indigo ang silid. Ang bango mga beks! Pumasok ako sa banyo naligo at huli na ng mapagtanto kong wala pala akong damit kaya nanghalungkat ako sa walk-in closet niya. Organize ang mga gamit kaya ginulo ko. Joke! Baka malapa tayo ng wala sa oras ng kumag na yun. Kumuha ako ng damit na malaki at isang boxer. Then boom! Nalaman kong XL ang brief mga beks! Malaki ang kaibigan ng tukmol! Nagbihis ako at natulog sa malaking kama niya. Ang bango ng unan at kumot. Amoy Indigong bagong ligo.
"WHAT THE FUCK!" napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang sigaw niya.
"BWESIT KA! MUNTIK NA AKONG ATAKIHIN SA PUSO, HINAYUPAK KA!" sigaw ko rin sa kanya. Ano kala niya, siya lang marunong magmura at sumigaw?
"Why are you wearing my shirt and boxer?" cold niyang tanong.
"Eh bakit mo ko pinapunta-punta dito sa bahay mo ng walang dalang damit?" tinignan niya ako ng masama na halos maging singkit na siya. "Toh naman! Nanghihiram lang. Ibabalik ko to bukas tsaka lalabhan ko ito kaya don't worry."
"Tabi!" Pinausog niya ako sa kama dahil mukhang tatabi siya sakin. Wang Wang Wang! Warning Di Pwede Magkatabi Kasi Baka Mabuntis Ng Maaga!
"Umalis ka nga! Ako ang nauna dito kaya dun ka sa sofa!" tinuro ko ang sofa sa gilid.
"This is my house and my room kaya wala kang karapatan na patulugin ako sa sofa," matigas niyang saad. "Bumaba ka na dun! Magluto ka! Nagugutom ako."
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat! Hindi ako marunong magluto at baka pagpinilit kong magluto, sunog ang buong village! "Indigo?" tawag ko sa kanya.
"Hmmm."
"Hindi ako marunong magluto." Napakagat labi ako.
"What? Tsskk. So ako pa ngayon ang magluluto?" tanong niya.
"Mukhang oo," sagot ko.
Napairap siya at padabog na bumaba sa kama at bumaba. Ayus lang na hindi marunong magluto at least maganda at sexy! Charot!
"What do you want to eat?" bigla siyang bumalik at nagtanong. Ayy sweet si kumag!
"Fried chicken with gravy tapos one cup lang na rice then lettuce salad as dessert," sabi ko.
"Tssk. Fine. Ang demanding,"rekalamo niya.
"Bakit kasalanan ko kung bakit pinakasalan mo ang hindi marunong magluto na gaya ko?" mataray kong tanong.
Malakas niyang sinira ang pinto. Mukhang badtrip ang daddy niyong tukmol mga beks! Hahaha karma niya!
Mukhang lilipas pa ang ilang minuto bago matapos sa pagluluto si Indigo kaya natulog muna ako.
"Wife, the dinner is ready." Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko at nakakakiti ito sa bituka. Nakakapanindig balahibo rin.
"Hmm. Matutulog muna ako," inaantok kong sabi sa kanya.
Naramdaman ko ang mga braso niyang pumupulupot sa bewang ko. Marahan din niyang hinahalikan ang balikat ko sa likod. "Pinagluto kita tapos hindi mo kakainin?" malambing niyang tanong. Parang sinapian ng ka sweetan ang tukmol ngayon. Pwes pasensyahan kami kasi inaantok pa ako.
"Mamaya na. Inaantok pa ako," sagot ko habang inaalis ang mga kamay niyang pumapasok na sa loob ng damit ko! Bwesit talaga tong tukmol na to!
"Hindi na ako makakapaghintay. Wife, sigi na." Napunta na sa leeg ang mga halik niya.
"Indigo ano ba?!" asik ko. "Ayoko. Napakabastos mo."
"Wife. Ang tinutukoy ko ay pagkain. Napaka green minded mo pero mas gusto ko yang iniisip mo kasi mas masarap pa sa pagkain yan."
"Cheee! Ewan ko sayo! Tara na. Kumain na tayo." Tumayo ako at iniwan siyang tawang-tawa. Bwesit! Pinagtripan pa talaga ako ng mukong na yun.
Bumaba na siya at kumain na kami. Syempre, pagkatapos naming kumain, ako ang naghugas ng pinggan. Marunong naman ako kaya keri lang! Umakyat na ako sa taas at nadatnan kong nakadapa nang nakahilata ang tukmol kong asawa. Talagang sa gitna siya humiga at sinakop niya ang buong kama. Dahil matalino ang manok niyong kulay lila, humiga ako sa likod niya at nakadagan sa kanya.
"Wife, ang bigat mo. Umalis ka sa likod ko," reklamo niya.
"Huwag mo nga akong tawaging WIFE!" sabi ko. "Tsaka anong mabigat? Fifty kilos lang ako, tukmol! Ang kapal ng mukha mong sabihan akong mabigat," sabi ko habang nakaharap sa kisame dahil nasa likod ko parin siya at nakadagan parin ako sa kanya.
"Tssk. Fine. Sexy na at hindi na mabigat so please umalis kana sa likod ko," sabi niya.
Dahil umiral ang pagiging mas matigas pa sa wisdom tooth ang ulo ko, hindi ko siya sinunod. At nabigla ako ng gulong siya at ako ang dinaganan.
"Ahhhh! RAPE! TULONG! NIRARAPE AKO! TULONGAN NIYO KO!" sigaw ko at tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko.
"Gaga anong rape? Nakadagan lang ako sayo, rape agad?"
"Oo rape na yun no!" asik ko.
"Ahh so nirape mo ko kanina nong ikaw ang nakadagan sakin?" tanong niya. "AHHHH NIRAPE AKO NG ASAWA KO KANINA!"
"Bwesit ka talaga! Alis!" pinalis ko siya at tawa siya ng tawa. Gago talaga tong tukmol na to! May saltik sa utak!