Abala ang lahat para sa gaganaping pagtitipon mamayang gabi sa mansyon ng mga Valerio. Paano ba naman kasi ang kaisa isang apo ni Madam Valerio ay nakauwi galing Maynila at syempre ang ama naman niya ay ang naatasang magluto para sa gagawing selebrasyon. Syempre, hindi makakapayag si Madam Valerio na wala siya sa pagtitipon, si Faith na ata ang pinaka malapit ang loob kay Madam dahil simula pa noong bata ito ay mahilig na siyang sumama sa pinagtratrabahuhan ng kanyang ama at minsan ay naiimbitehan din itong magluto sa mansyon tuwing may pagtitipon.
"Magandang Gabi po Madam at Maligayang kaarawan" bati ni Faith ng makapasok siya sa mansyon. Hindi na bago sa kanya ang magpunta dito dahil ilang beses na siyang naimbitahan tuwing may occasion.
"Oh hija, salamat naman at nakarating ka, pero bakit magisa ka lang nasaan si Selene at ang mga kapatid mo?"
"Ah may summer project po kasi si Liam kaya hindi nakasama si Mama at si Ate Audrey naman po ay may tinatapos na thesis, graduating na po kasi siya kaya laging busy"
"Ganoon ba, sige maupo ka muna doon sa sala at nang maipakilala ko na sa'yo ang apo ko"
"Sige po, salamat". Agad namang naglakad si Faith papunta sa sala nang mansyon upang hintayin si Madam ngunit bago pa siya makarating ay mayroon nang isang lalake na nakaupo roon at may suot na earphones.
Pinagmasdan muna niya ang lalake na mukhang natutulog dahil nakapikit ang mga mata nito at saka dahang dahan siyang naglakad papalapit sa sofa.
Ngunit bago pa siya makaupo ay natulos siya sa kanyang kinatatayuan dahil biglang magsalita at tumayo ang binata.
"Anong ginagawa mo?" ani ng baritong boses ng lalaki.
Hinarap ito ni Faith ngunit dahil sa kanyang angking kagwapuhan ay medyo nautal siya sa pagsasalita. "Ah..Eh.. pinapapunta kasi ako dito ni Madam, sabi niya hintayin ko daw siya dito sa sala."
"TSK istorbo" iritadong sabi nito saka inirapan.
"Kian!" Nagulat si Faith nang marinig ang galit na boses ni Mr. Valerio na pababa ng hagdan. Pero bago pa ito tuluyang makababa ay umalis na ang lalaking nagngangalang Kian at pumunta sa kung saan.
"Hello po, Mr. Valerio. Ang tagal ko na po kayong hindi nakita. Buti po nakarating kayo para sa birthday ni Madam" bati ni Faith ng nakangiti.
"Oo nga, buti na lang at walang masyadong trabaho sa kumpanya kaya nakauwi kami."
"Tiyak po matutuwa si Madam niyan. Pero po matanong ko lang kilala niyo po ba yung lalake kanina? Mukha po kasing nainis siya noong sinigawan niyo."
"Hindi mo na ba siya nakikilala, siya si Kian ang nagiisa kong anak. Naaalala ko pa nga dati magkasama kayong naglalaro ng tagu taguan at bahay bahayan "
"Talaga po ba!?! Bakit parang hindi naman po siya yung batang nakalaro ko dati. Kung tama ang memorya ko masayahin, masigla at mabait ang mga naging kalaro ko. Pero sa inasal po niya malabong naging magkaibigan kami"
"People change hindi porket mabait ako noon ay mabait pa din ko ngayon" ani ni Kian na naglalakad kasama ni Madam.
Natahimik ang lahat sa sinabi nito hanggang sa napagpasyahan ni Madam na pumunta na lamang ng hardin upang batiin ang mga nagsisidatingang bisita.
Umupo si Faith sa lamesa kasama nina Mr and Mrs. Valerio gayun na din ang masungit na si Kian. Wala din naman itong magagawa dahil wala siyang ibang masasamahan at ang ama niya ay abala din sa kusina para magluto ng mga pagkain.
Maayos naman ang naging takbo celebrasyon. Hinanda na ang mga masasarap na pagkain at ihinatid ito ng mga waiter sa kani kanilang upuan. Habang sila ay kumakain mayroon namang tumutugtug na banda at may ilang sumasayaw sa harapan, may ibang mga negosyante din na nag-uusap at syempre tahimik lang si Faith sa kinauupuan dahil wala naman siyang kilala sa mga bisita.
"So, naalala mo pa ba ako?" tanong ni Kian na katabi niya. Naiwan ang dalawa sa lamesa dahil ang mga magulang nito ay may kinakausap na ibang negosyante at itong si MR. SUNGIT naman ay tinatamad daw na tumayo kaya hinayaan na lang silang dalawa sa lamesa.
"Huh? Kinakausap mo ba ako?" inosenteng tanong ni Faith.
"May iba pa bang tao dito sa lamesa?" pamimilosopo naman nito.
"Alam mo nagtatanong ako ng maayos tas ganyan isasagot mo."
"Baket? Nagtatanong din naman ako ng maayos ah" nakangising sagot muli nito.
"Bahala ka nga diyan ang sungit mo dapat ang tawag sa'yo MR. SUNGIT hindi Kian" padabog na sabi nito saka umalis ng lamesa.
Tinungo ni Faith ang kitchen kung nasaan ang kanyang ama ngunit bago pa sya makapasok ay nakita niyang kinakausap ito ni Mrs. Valerio kaya naman naisipan niyang dumestansya muna at hintayin itong makalabas.
*****
"Chef Fidel alam kong mahirap itong hinihiling ko pero sana naman pyagan mo na muna si Kian na tumira sa bahay niyo. Kahit pansamantala lang"
"Ok lang naman po sa akin iyon Maam Alex kaso po baka mahirapan si Sir Kian, lalo na po at simple lang ang buhay namin maski aircon nga wala kami baka hindi din po siya magtagal"
"Ako na ang bahala doon Chef basta hayaan mo lang siya manirahan sa inyo"
"Sige po Maam, pero hindi ko po maipapangako na magiging payak ang buhay ng anak niyo habang naninirahan sa amin."
"Salamat ulit Chef" nakipagkamay muna si Mrs. Valerio sa ama ni Faith bago lumabas ng kitchen. Hindi na nito napansin si Faith dahil may tumatawag sa kanyang telepono at saka nagpatuloy lang sa paglalakad pabalik sa hardin.
Nang makalabas si Mrs. Valerio agad naman siyang pumasok ng kusina upang kamustahin ang amang abala pa din sa pagtatrabaho.
"Tay, pahinga ka muna mukhang pagod na ho kasi kayo" ika ni Faith sa amang abala sa paghihiwa ng cake.
"Ayos lang anak, ito na lang ang tatapusin ko at pwede na din akong makapagpahinga."
Umupo si Faith sa isang bakanteng upuan saka pinanood ang amang nagtratrbaho"Saka nga pala Tay bakit po pala kayo kinausap ni Mrs. Valerio kanina?" puno ng kuryusidad na tanong nito.
Tumigil pansamantal si Chef Fidel sa paghihiwa ng cake saka tinuon ang buong atensyon sa anak. " May hinihingi kasing pabor sa akin si Maam"
"Ano naman ho iyon?"
"Basta malalaman mo na lang yun sa susunod na araw. Pero sa ngayon pwede mo ba akong tulungan para mapabilis ang pagtatrabaho ko."
"Syempre naman po, para na din makauwi tayo. Sigurado kasing inaantay na tayo nila Nanay sa bahay."Nagtungo si Faith sa lababo saka naghugas ng kamay, saka ito pinatuyuan gamit ang paper towel.
Ang ama niya ang naghihiwa ng cake at siya naman ang nagsasalin nito sa mga platito.Matapos niyang mailagay lahat tinawag niya ang mga waiter upang maipamahagi na ito sa mga bisita.
*****
" Faith hintayin mo na lang ako sa labas at magbibihis lang ako. Sabay na tayong magpaalam kay Madam ng sagayon ay makauwi na tayo." wika ng kanyang ama bago nagpunta sa CR upang magbihis ng bagong damit.
"Sige ho Tay, maiintindihan naman po siguro ni Madam kung mauuna na tayong umuwi" matapos niya itong sabihin naglakad muli siya patungo sa hardin upang makita ang nagaganap na selebrasyon. Taimtim na pinagmamasdan ni Faith ang nangyayaring selebrasyon ang iba ay kumkain na ng dessert at ang iba naman ay nagtatawanan at masayang nagkwe-kwentuhan.
" Bakit bigla ka na lang nawala?" pamilyar na siya sa boses na iyon kaya naman hindi na lang niya ito pinansin dahil baka sungitan lang siya ulit nito.
Pero bigla na lang siyang nagulat nang biglang hinubad ni Mr. SUNGIT ang kanyng tuxedo at binigay sa kanya. "Gabi na at malamig, baka magkasakit ka."
"Salamat na lang po Sir Kian pero ayos lang po ako" magalang niyang sagot sa binata.
"Sir?, hindi pa naman ako ganoon katanda para tawaging Sir."
"Anak at apo po kayo ng boss ng Tatay ko kaya dapat pong Sir ang itawag ko sa inyo."
"Oh come on, Kian na lang tutal mukhang magka edad naman tayo." dahil ayaw isuot ni Faith ang tuxedo niy siya na mismo ang nagpatong sa balikat nya.
"Salamat po Sir este Kian"
"So, bakit bigla ka nalang nawala?" tanong muli nito sa kanya. "Hindi mo ba alam na para akong kawawa knina sa lamesa magisa ko lang" inis na sabi nito.
"Tinulungan ko kasi si Tatay sa kusina at saka bakit ka naman magiging kawawa eh mukhang madami ka namang kaibigan at kakilala na andito" balik sagot niya sa binata.
"TSK mga kaibigan? Eh kakaibiganin lang naman ako ng mga 'yon dahil sa pera ng pamilya ko eh. Kaya nga mas pinili ko na lang manatili sa lamesa keysa makipag plastikan sa iba."
Pinagmasdan niya ang seryosong mukha ni Kian saka tinapik ang balikat saka nginitian. "Hindi naman sa lahat nang oras pera ang kailanagan ng iba sa'yo malay mo gusto lang talaga nilang makipagkaibigan. Saka ang swerte mo nga eh nasa iyo n ang lahat mayaman ng pamilya mo at malaya mong nagagawa ang gusto mo hindi katulad ko at ng iba."
"Sa isang ngiti mo lang natunaw na ang iritasyon ko" pabulong na sbi ng binata na hindi gaanong narinig ni Faith.
"Huh? May sinabi ka?" binalingan muli niya ang binata na ngayon ay titig na titig sa kanya.
"Sabi ko mauna na ako sa loob at kailangan ko ng magpahinga." palusot nito saka naglakad papalayo kay Faith.
"Sige! Goodnight Kian Sweet Dreams" maligayang sigaw ni Faith sa likod ng papalayong binata.
"Mukhang hindi ako makakatulog ngayong gabi ah" bulong ni Kian sa sarili habang naglalakad palayo kay Faith.
*** TO BE CONTINUED***
A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!
Please support my twit acc π₯Ίππ :
β¨@citrinelily17β¨
Disclaimer:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.