Chereads / Memories Of The Past (Stand Alone #1) / Chapter 4 - Capitolo TRE

Chapter 4 - Capitolo TRE

Dahil nga wala ang kotse ni Kian ay nag commute sila ni Faith para makapunta sa V.MALL na pagmamayari din ng kanilang pamilya.

"Seryoso ko bang may masasakyan tayo dito Faith. Kanina pa tayo nag-aantay eh wala namang humihintong taxi." pagcocomplain ni Kian dahil kanina pa sila nakatayo sa isang waiting shed.

"Meron yan. Magintay lang tayo, wala ka bang tiwala sa akin ah" sagot naman ni Vi saka siya tinignan ng masama.

"Ayaw mo bang mag renta na lang ng triciycel papuntang mall?" tanong muli ni Kian saka nagpapaypay gamit ang kamay.

"Mas mahal kung magrerenta tayo ng tricycle, kung sa jeep 50 pesos ang pamasahe nating dalawa sa tricycle 150." sagot niya sa kasama saka napansing may paparating na jeep. "Ayan na yung jeep, huwag ka nang maginarte dyan" sabi niya saka iwinagaygay ang kamay para parahin ito.

Nang huminto ito sa tapat nila ay agad silang pumasok sa jeep na nakisiksik sa mga pasahero, ngunit laking gulat na lamang niya ng kinandong na lamang siya ni Kian dahil wala ng espasyo para sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Faith sa kanya.

"Bakit gusto mo bang ikaw ang kumandong saken ha?" sabi niya saka inayos ang pagkaupo.

"Ako na ang magababayad, bayaran mo na lang ako mamaya" sabi ni Faith saka kinuha ang pitake na nasa dalang sling bag.

"Manong bayad po" sabi ni Faith saka pinaabot ang kanilang baya sa driver.

"Ilan 'to?"

" 2 estudyante po sa V.MALL" sagot niya saka nagpagaan ng bahagya dahil baka mabigatan si Kian.

"Ilang minuto ba hanggang V.MALL?" tanong ni Kian sakanya.

"10 mins papuntang isdaan tas pagkatapos nun sasakay tayo ng trike papunta sa paradahan ng mga jeep, tas sasakay ulit tayo ng jeep papunta namang VMALL. Mga 45 mins ang biyahe." sagot ni Faith saka humawak ng maigisa hawakan na nasa ulunan.

Makalipas nga nilang mag jeep ay sumakay nga talaga sila ng trike papuntang paradahan. Hindi mapigilan ni Kian na mamangha sa isang mansyon na kanilang nadaanan habang nakasakay sa trike.

"Ang ganda diyan noh?" sabi ni Faith sa kanya saka itinuro ang magandang mansyon na nasa gitna ng malawak na hardin.

"Nakapunta ka na diyan?" balik na tanong niya sa kanya.

"Hindi pa, pero ang alam ko milyonaryo ang nakatira diyan kasi sobrang laki ng bahay eh" sagot niya habang inaabot pa din ng tingin ang mansyong nadaanan.

"Bakit gusto mo ba tumira sa isang ganung klaseng mansyon?" tanong ni Kian sa kanya.

"Kung papalarin bakit hindi." sagot niya saka sinabing malapit na daw sila sa paradahan ng mga jeep.

Gaya nga ng biyahe nila sa jeep kanina ay nakakandong muli si Faith kay Kian dahil wala ng espasyo, at kung hihintayin pa nila ang susunod na jeep ay baka mas matagalan lang sila.

Makalipas ang ilang minuto ay nakrating na nga sila sa harap ng VMALL ngunit napatigil sila sa paglalakad dahil napulikat ang paa ni Kian, dahil siguro sa tagal niyang nakakandong sa jeep.

"Sorry ah nabigatan ka ata sa akin eh" sabi niya saka nakatayo lang sa tabi nito.

"Jusko Faith sa paayt mong 'yan tingin mo nabigatan ako" sarkastikong sagot ni Kian saka inistretch ang paa.

"Ano kaya pa ba?" tanong ni Faith

"Tara na master" sabi ni Kian saka sumaludo kay Faith. At naglakad na papasok ng VMALL.

Nang makapasok ay agd silang pumuntang ng department store upang makabili ng mga gamit na kailangan ni Kian habang makikituloy sa bahay nila Faith.

Una nilang pinuntahan ang mga floor na nagtitinda ng mga bedsheet saka towel. Saka sinunod na pinuntahan ang isle ng mga tsinelas at ilang personal hygiene na gamit.

"Seryoso ka ba?" sarkastikong tanong ni Faith kay Kian ng makita itong namimili ng mga scented candles.

"Bakit ba? Mabango ang kwarto kapag may scented candles." pagdedepnsa ni Kian saka kumuha ng dalawang lavander scented candles.

"Jusko naman 350 pesos para kandila. Eh mauubos din naman agad iyan" sabi muli ni Faith saka sinundan na lang si Kian na naglalakad na papunta sa mga appliances.

"Faith. Kialangan natin 'to oh para hindi na tayo magluto sa labas." ika niya sabay turo sa electronic stove.

"Ano ka ba. Mas mamahal ang kuryente namin kung ganyan ang gagamitin. At saka minsan ka lang naman nagluto ah pero kung maka complain ka wagas." singhal ni Faith sakanya.

"Bili na nga lang tayo ng electric fan" sabi ni Kian saka naghanap ng electric fan.

"May electric fan naman sa bahay ah, bakit bibili ka pa?" tanong ni Faith sa kanya habang abala itong tumitingin sa mga nakadisplay na electri fan.

"Kalakalnsya na yung electric fan niyo sa salas, kung hindi lang dahil sa improvised stand eh bibigay na 'yon. Kaya mabuti pang bumili na tayo ng electric fan." sagot ni Kian saka nagtawag ng salesman. Habang naiwan namang gulat si Faith, at hindi makapaniwala na pati pala 'yon ay napansin ni Kian.

"4 po na ganitong electric fan" ika ni Kian sa salesman na agad din namang naghanap ng stock.

"Uy Kian, papaalala ko lang na magcocomute ulit tayo pauwi." ika ni Faith saka tinignan ang mga napamili ng binata.

"Alam ko, kaya nga ipadeliver na lang natin sa bahay niyo yung mga pinamili ko. Pwede naman yun eh magdadagdag na lang ako ng delivery fee." sagot nito saka nagpatuloy sa paghahanap ng kung ano-ano pang mga kagamitan na kakailanganin.

Wala namang nagawa si Faith kung hindi maging sunod-sunuran kay Kian habang namimili dahil wala siyang ibang choice dahil pumayag siyang samahan ito sa pamimili.

"Faith!" sigaw ng isang babaeng nakasalubong nila sa mall

"Jaymee, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Faith sa nakitang kaibigan.

"Wala lang nag iikot-ikot lang, ikaw ba bakit ka andito?" balik na tanong ng kaibigan saka tinignan mula ulo hanggang paa ang lalaking kasama niya.

"Sinamahan ko lang itong anak ng boss ni papa na mamili ng gamit niya." sagot niya sa kaibigan saka nagpaalam si Kian na titingin daw siya ng iba pang gustong bilihin.

"Ikaw ah, nagbakasyon lang tayo may lalaki ka ng kasama" panunukso ni Jaymee sa kanya.

"Hindi noh, anak yan ng boss ni papa. At saka hindi naman yan mananatili dito sa Pangasinan taga Maynila kaya 'yan" sagot niya sa kaibigan.

"Aysus, nagdedeny ka pa. Mukha nga kayong mag nobyo at nobya kanina eh. Biro mo pumayag kang samahan siya sa mall eh madalang ka lang naman magpunta dito dahil sabi mo mapapagastos ka lang." ika muli ni Jaymee.

"Alam mo ikaw kung wala kang ibang sasabihin mabuti pang umalis ka na. Mas nastrestress ako sayo eh" sabi niya sa kaibigan saka umaktong nastrestress.

"Bakit ka naman mai-strestress eh mala highschool romance nga kayo ni Mr. Pogi eh. Ano bang pangalan niyan ng maistalk ko sa fb" panunukso muli ni Jaymee.

"Hay nako Jaymee. Papaalala ko lang sa'yo ah gr.12 pa lang tayo sa pasukan saka, anong highschool romance ka diyan. Bata pa ako para diyan." sagot naman niya sa kaibigan.

"Anong bata. Magdedebut ka na nga next month eh tas sasabihin mong bata ka pa" sabi ni Jaymee saka siya inirapan.

"Magdedebut ka na next month?" tanong bigla ni Kian na nasa likuran pala nila ni Jaymee.

"Oo, balak nga sana naming mag celebrate sa birthday niya kaso wala naman kaming ganun kadaming budget para maghanda sa birthday ni Faith." sagot ni Jaymee kay Kian na walang kahihiyan.

"Bakit hindi na lang kayo mag celebrate sa Valerio Resort, tutal doon naman nagtratrabaho ang tatay ni Faith baka maka discount kayo." sagot naman ni Kian.

"Hayy nako Kuya, alam mo ba kung gaano kamahal sa resort na 'yon. Kahit siguro ipunin namin ang baon namin sa buong taon ay hindi pa din 'yon sapat pang check-in" sagot muli ni Jaymee.

"Eh kung ganoon saan niyo i-cecelebrate ang debut ni Faith?" tanong muli ni Kian sa kaibigan.

"Baka doon na lang sa Hacienda De Chavez. Open kasi yung garden nila saka libre lang din makigamit ng mga tables and chairs basta huwag mo lang sisirain o tatapakan ang mga pananim nila." sagot muli ni Jaymee kay Kian.

"Pwes kung ganon, pwede ba akong makisama sa handaan niyo. Tutal bakasyon ko pa naman din, saka mabuti na din 'yun bago ako mag college at least na enjoy kong ma-explore ang Pangasinan." tuloy tuloy na sabi ni Kian sa kanyang kaibigan.

"Pwede ka namang sumama basta magdala ka lang ng pagkain para naman hindi tayo nga-nga sa birthday ni Faith." magiliw na sagot ulit ng kanyang kaibigan.

"Alam mo Jaymee, napakadaldal mo hindi ka na nahiya sa anak ng boss ng papa ko." ika ni Faith saka hinatak ang kaibigan at pinanlakihan ng mata.

"Huwag ka ngang bitter diyan. Hayaan mo si Kuya na ma-explore ang Pangasinan. Hindi ba Kuya?" tanong ni Jaymee saka tinignan si Kian.

"Oo naman"

"Kung gusto mong mas ma enjoy ang bakasyon mo, pwede kang sumama sa baryo fiesta next week. Masaya yun madaming pagkain saka madaming mga palaro na pwedeng salihan." sabi muli ni Jaymee na agad namang sinang-ayunan ni Kian.

"Aasahan ko 'yan ah" maikling sagot ni Kian kay Jaymee na sa wakas ay naglakad na din paalis.

Habang silang dalawa ay nagkatinginan na lang at hindi alam kung ano ang pwedeng pagusapan dahil sa kadaldalan ng kaibigan.

"Pasensya ka na kay Jaymee ah ganun talaga yun. Pero kung makikilala mo pa yung iba kong mga kaibigan mas madaldal pa sila keysa sa kanya." sabi ni kay Kian

"Ayos lang, masaya nga siyang kausap eh." sagot ni Kian saka itinulak ang pushcart papunta sa cashier upang mabayaran ang mga pinamili.

Habang nagbabayad si Kian ay nakiupo muna si Faith sa isang upuan na malapit sa cashier. Mabuti na nga lang at hindi siya pinaalis dahil pagod na pagod na din ang mga tuhod at paa niya sa pagshoshopping ni Kian.

"Tara na Faith." sabi ni Kian

"Paano yung iba?" tanong niya dahil nakita niyang dalawang paper bag lang ang dala nito.

"Bukas na daw nila idedeliver yun sa bahay niyo." ika naman niya saka sila naglakad palabas ng department store.

Hindi na nagulat si Kian ng mag commute ulit sila pauwi, ngunit ang kaibahan nga lang ngayon ay magkatabi na sila ni Faith kasi madami pang space sa nasakyan nilang jeep.

"Yung palamig ko baka makalimutan mo" ika ni Faith sa kanya.

Napangiwi na lang si Kian dahil akala niya makakalimutan ito ni Faith.

"Yes master, saan ba tayo bibili ng palamig na 'yan" sagot naman niya dito.

"Sa tindahan sa kanto 5 piso lang yun" sagot ni Faith saka pinara ang jeep dahil bababa na sila upang makasakay na ulit ng trike.

Dahil siguro sa sobrang pagod ay hindi na namalayan ni Faith na nakaidlip na pala siya sa biyahe pauwi. Kaya naman ng makarating sila sa kantong malapit sa bahay nila Faith ay ginsing siya ni Kian upang makababa na.

"May bbq oh, gusto mo?" turo ni Kian sa nagtitinda habang naglalakad sila pauwi.

"Ililibre mo ba ako?" tanong ni Faith

"Oo naman, gutom na din kasi ako eh" sagot niya saka nakipila sa mga bumibili.

"Magkano ba budget natin?" tanong ulit ni Faith habang namimili sila ng ipapaluto.

"Eat all you can master, ako bahala" sabi ni Kian. Kaya hindi nag atubiling kumuha si Faith ng madami.

ORDER NI KIAN: 5 STICK NG BBQ

ORDER NI FAITH: 5 STICK NG BETAMAX, 3 STICK NG ISAW, 4 STICK NG BBQ

"Kaya mo lahat yan?" napapantastikuhang tanong ni Kian sa kanya. Pero mas nagulat siya ng umorder pa si Faith sa katabi nitong tindahan.

"Bihira lang ang ganitong opportunity kaya dapat sulitin ko na." ika ni Faith saka umorder muli.

ORDER NI FAITH: 2 MALAKING BASO NA MAY CALAMARES, KWEK-KWEK,KIKIAM, FISHBALL AT SQUID BALL

"Ayan ok na, sabi ko mamaya ko na lang kukunin yung inorder kong tusok tusok pagkatapos natin kainin 'tong mga ihaw ihaw.

Walang nagawa si Kian kung hindi mamangha saka tinanong sa tindera kung magkano lahat.

"218 pesos lahat ading. Ibalot ko pay nu haanin?" ika ng tindera kay Kian pero hindi niya ito naiintindihan kaya si Faith ang sumagot.

"Haanin madam, kanin me lata ditoyin. Ikkan na kami lata ti suka kin baso pangsawsawan." sagot ni Faith sa tindera na ikinagulat niya muli kaya tinanong niya ito kung ano ang sinabi niya.

"Sabi ko, wag na ibalot ni madam yung order natin dahil kakainin din naman natin dito." sagot ni Faith saka binigay ang sukli niyang 2 pesos.

"Ang mura naman dito. Biro mo noong nasa maynila ako, 25 pesos per stick pero dito 218 pesos madami na, saka kasama pa yung inorder mo sa kabilang stall." sagot ni Kian saka kinuha sa tindera ang order niyang 5 bbq.

Hindi na nagulat si Kian ng makitang punong puno ang basong hawak ni Faith, sa dami ba naman kasi ng inorder nito eh.

"Masarap itong betamax at saka isaw promise" sabi ni Faith saka itinapat ang stick sa bunga nga nya para kumagat.

Dahil sa pagpipilit ni Faith ay kumagat din ito, totoo nga ang sinabi ni Faith masarap nga ang betamax pero hindi niya ganun ka gusto ang isaw.

"Kukunin ko na yung inorder ko sa kabila" pagpapaalam ni Faith saka kinuha ang 2 basong punong puno ng tusok tusok.

Naging masaya ang pagmemeryenda nilang dalawa hanggang sa nagparinig muli si Faith tungkol sa palamig nito, kaya naman bumili ng palamig si Kian sa stall din ng nagbebenta ng bbq.

"Ang tagal naman nun, palamig lang pinabibili ko eh" bulong ni Faith sa sarili dahil mag lilimang minuto ng nakapila si Kian.

"Tara na" sabi ni Kian sa kanya na ngayon ay may hawak ng takeout na betamax at bbq.

Napangiti na lang siya sa kasama saka tumayo at kinuha ang hawak na nakasupot na palamig.

"Ako na maghahawak sa 1 paper bag para makainom ka din" ika ni Faith saka kinuha ito. At sabay na nga silang naglakad pauwi.

***TO BE CONTINUED***

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc πŸ₯ΊπŸ‘‰πŸ‘ˆ :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.