Chereads / Memories Of The Past (Stand Alone #1) / Chapter 3 - Capitolo DUE

Chapter 3 - Capitolo DUE

Gaya nga nang sinabi ni Kian hindi niya nagawang makatulog noong gabing iyon. Maging sa mga lumipas na gabi hindi siya makatulog ng maayos parating niyang naaalala ang mga ngiti ni Faith na pumukaw sa kanyang nagaalab na puso. Kaya naman hindi siya nag dalawang isip na pumayag sa kahilingan nang kanyang ina.

Makalipas ang ilang araw matapos ang nangyaring selebrasyon ay may seryosong paguusap si Mrs. Valerio at Kian.

"Kian, alam kong gustong gusto mo ng mabawi ang credit card at kotse mo pero ibabalik ko lang iyon kung papayag ka sa isang kondisyon."

"TSK, wala naman akong choice diba." sumbat nito

"Alam mo naman kung bakit ko 'to ginagawa, hindi ba?". "Ano ba ang kailangan kong gawin?" iritadong tanong nito.

"Simple lang naman, manirahan ka muna kila Chef Fidel ng ilang linggo. Tumulong ka sa mga gawaing bahay at syempre tumulong ka din sa bukid ng mga Gonzaga" nakangiting sabi ng ina.

"Chef Fidel? Yung tatay ni Faith?"

"Oo"

"Sige mom, walang problema. Kailan ba ako lilipat sa bahay nila?" nakangiting sagot nito na ikinagulat ng kanyang ina.

"Bakit parang ang bilis mong mapapayag ngayon. Kung dati simpleng utos ko na ayusin mo ang kwarto mo hindi mo ginagawa pero itong pabor na ito hindi ka man lang nag dalawang isip na tanggapin."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng ina kaya naman nginitian niya lang ito bilang sagot saka nagpatuloy na sa pagkain ng agahan.

*** ***

Nang makuwi sina Faith galing sa mansyon ay agad naman siyang naligo at nagpalit ng damit pantulog. Pero gaya ni Kian hindi rin siya nakatulog ng maayos noong gabing iyon dahil paulit ulit niyang niimagine ang mukha ni Kian na nakaupo sa sofa.

"Hindi to pwede" bulong niya sa sarili habang naiinis dahil hindi pa din siya makatulog. Nag pagulong gulong siya sa kama habang balot na balot ng kumot upang makatulog pero hindi pa din iyon gumagana kaya naman bumababa siya, saka nagtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas.

"Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko eh ang sungit sungit naman niya. Hmmph" sabi niya sa sarili habang hinahalo ang gatas na tinimpla.

"Sinong kausap mo diyan?" Gulat siyang napatingin sa kanyang kapatid na may dalang baso.

"Ate Audrey kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa nakakatandang kapatid.

Umiling lang ang kapatid saka kumuha ng tubig sa ref. "Bakit gising ka pa?"

"Ahh, hindi kasi ako makatulog." sabi niya sa kapatid na may halong kasinungalingan. Alam niyang madaldal ang kapatid niya kaya hindi niya dapat sabihin ang tungkol kay Mr. Sungit baka isumbong pa sa mga magulang niya.

"Oh sige matulog ka na pagkatapos mong inumin iyang gatas mo. Maaga pa ang alis natin bukas." sabi ng kanyang kapatid bago makaalis ng kusina.

Doon lang pumasok kay Faith na may lakad nga pala sila bukas. Manonood nga pala sila ng drum and lyre competition ng bunsong kapatid sa may plaza. Kaya naman dali dali niyang inubos ang gatas saka hinugasan ang baso at bumalik sa kanyang silid.

"Mukhang umeepekto na ang gatas" sabi niya sa sarili saka inayos ang unan at kumot at dahan dahang bumibigat ang talukap ng kanyang mata hanggang sa siya ay nakatulog.

*** ***

Pagkagising ni Faith ay agad siyang bumababa upang kumain ng agahan ngunit laking gulat na lang niya ng nasa sala nila si Mr. Sungit at hindi na niya napigilan pa ang sariling tanungin ito "Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" maangas niyang tanong sa lalaking komportableng nakaupo.

"Edi nakaupo, hindi mo ba nakikita?" pabalik na tanong niya sa dalaga na ikinainis nito.

Naglakad siya papalapit dito saka hinila ang palapulsuhan upang patayuin sana ngunit, mas nagpabigat ang binata kaya imbes na mapatayo niya ito ay siya ang napaupo sa tabi niya.

"Huwag ka ng magsayang pa ng lakas kasi alam naman nating dalawa na mas malakas ako sa'yo" pabulong na sabi ni Kian sa kanya.

Akmang itutulak niya ang ulo nito papalayo ng mahawakan muli ng binata ang isang kamay niya. "Bitawan mo nga ako" sabi niya na may diin ngunit tinatawanan lang siya ng loko loko.

"Oo na, bibitawan na baka kasi mahimatay ka na sa sobrang pula ng pisngi mo eh" pangaasar nito sa kanya.

Padabog itong umalis ng kanilang sala saka naglakad upang hanapin ang kanyang mga magulang. Nang hindi niya ito mahanap ay binalikan niya si Mr. Sungit at tinanong kung alam ba niya kung nasaan ang kanyang mga magulang.

"Pumunta sila sa mansyon kasi pinapatawag sila ni lola"

"Huh eh, may lakad kami ngayon ah bakit sila nagpunta sa mansyon niyo?" tanong muli niya sa binata saka nakitang may kinuha ito sa bulsa. "Ano 'yan?"

"Sasamahan mo akong bumili ng mga gamit ko habang dito ako titira sa bahay niyo. At ito" ipinakita ang kanyang hawak na papel "ang kontratang nagsasabing dito muna ako maninirahan sa bahay niyo buong summer break. Huwag kang mag alala binigyan nila ako ng allowance para sa buong break at saka ang pamilya ko na din ang bahala sa monthly grocerries nyo habang nandito ako" ika ni Kian na ikinaawang ng bibig niya.

"Teka nga, sinong nagsabing pwede kang tumira dito aber? Alam kong nagtatrabaho si papa sa inyo pero hindi naman na ata sakop ng trabaho niya ang patirahin ka pa sa bahay namin." sunod sunod na sabi ni Faith na may halong iritasyon.

"Bakit? Hindi ba sinabi ng papa mo na pumayag na siya na dito ako tumira huh?" sabi ng binata saka niya naalala ang sinabi ng papa niya nuong nasa mansyon sila ng mga Valerio.

"Kung sagayon ikaw pala ang dahilan kung bakit kinausap ni maam Alex si papa." sabi niya saka naglakad papuntang kusina upang kumuha ng tubig.

"Oo, kaya mula ngayon dito na ako titira. At dahil hindi pa ako kumain ng agahan, ipagluto mo muna ako. Nakita kong may itlog at meatloaf sa cabinet kanina" sabi ni Kian habang sinusundan si Faith patungo sa kusina.

"Nakakahiya naman, bahay mo 'to? Kung maka-utos ka wagas ah. Bakait hindi ikaw ang magluto" sabi ni Vi saka siya iniwan at umakyat ng kwarto upang makaligo.

Nang maiwang magisa sa kusina ay sinubukan niyang hanapin ang mga palayok, spatula at mantika na gagamitin sa pagpriprito. At nangmahanap niya ito ay sinubukan na niyang sindihan ang gas stove kaso walang lumalabas na apoy. Kaya naman inantay na lang niyang bumababa si Faith upang matanong kung paano bubuksan ang kalan.

"Oh tapos ka ng kumain?" sarkastikong tanong ni Faith ng makitang nakaupo lang ito sa kusina at nakatingin sa itlog at canned meatloaf na nasa lababo.

"Ayaw magsindi ng kalan niyo kaya hindi ako makaluto." sabi ni Kian sa malungkot na boses.

"Anong? Diyan ka pa talaga magluluto? Sayang sa gas yan nagpiprito ka lang naman eh. Samahan mo ako sa labas dun tayo mag luto" sabi ni Faith saka kumuha muna ng malaking plato bago lumabas.

Nang makalabas ay muntik pang madapa si Kian dahil baku baku ang daan, hindi kasi iyon sementado. Pero mas nagulat siya ng may hawak na kahoy,posporo at old notebook si Faith.

"Anong gagawin mo diyan?" tanong niya saka inilapag ang mga hawak sa lamesang nakita doon.

"Magluluto tayo diba? Oh halika na tulungan mo ako. Kunin mo yung dalawang hollow blocks doon" ika nito saka tinuro ang sinasabing hollow blocks.

Binuhat niya iyun sa magkabilang kamay at inilapag sa harap ni Faith ngunit laking gulat muli niya ng ipatong ni Faith ang palayok sa pagitan ng dalawang medyo magkalayong hollow blocks at saka kumuha ng isang papel mula sa old notebook na nasa lapag din at sinindihan gamit ang posporo.

"Sigurado ka bang ligtas yan?" di niya maiwasang itanong dito habang nakikitang umaapoy na nga ang papel saka inilagay sa ilalim ng palayok, saka sunod ni ipinasok ang mga kahoy na hawak niya kanina.

"Oo naman, lagi ko 'tong ginagawa. Sayang kasi sa gas kung doon ka pa magluluto eh prito lang naman ang uulamin natin" sagot niya sa kanya saka nakitang umuusok na nga ang kawali.

"Oh, kaya mo naman na sigurong magprito diyan." ika ni Vi saka naghugas ng kamay sa malapit na posong gripo.

Siya naman ay nilagyan na ng mantika ang kawali saka sunod na inilagay ang itlog dahil na realize nya na hindi pa pala nakabukas ang canned meatloaf na dala.

"May can opener ba kayo? Wala kasi akong nahanap sa kusina niyo kanina alam mo ba kung nasaan?" tanong muli niya kay Faith pero umiling iling lang ang kausap saka sinabing "Babantayan ko muna itong niluluto mo kumuha ka ng kutsilyo sa kusina" sabi niya na sinunod din naman kapagkuwan.

Nang makabalik siya ay iniabot niya ang kutsilyo sa kanya at walang pasabing binuksan ni Faith ang meatloaf gamit ang kutsilyo. At naiwan siyang napatanga sa ginawa ng kaharap.

"Jusko hindi lang 'yan ang kaya ko. Huwag ka masyadong maaliw sa akin" pagbibiro ni Faith saka itinaktak ang meatloaf sa dalang plato saka hiniwa din gamit ang kutsilyong binigay ni Kian.

"Lutuin mo maigi yan para may agahan tayo" sabi ni Faith saka umupo sa duyan na nakasabit sa isang puno.

Habang nagluluto ay hindi maiwasang mapatitig ni Kian kay Faith na masayang nagduduyan kaya naman ng maluto ang ulam nila ay tinangal na niya ang kawali sa hollow blocks saka kumuha ng tabo at pumunta sa posong gripo at binasa ang ginamit na mga kahoy para mawala ang apoy.

"Kain na" ika nito kay Faith na masaya pa ding nagduduyan. Pero agad din naman ding sumunod papasok na kanilang bahay at umupo sa hapagkainan at nagsimulang kumain.

Habang kumakain ay sinabi niyang kailangan siyang samahan ni Faith na mamili ng mga gamit na kakailanganin habang dito siya naninirahan sa kanilang bahay.

"Sige sige basta ilibre mo na lang ako ng palamig paguwi" ika nito saka nagpatuloy sa pagkain.

***TO BE CONTINUED***

A/N: Thenkyuu for reading please continue supporting the next chapters :)) stay safe and healthy!!!

Please support my twit acc πŸ₯ΊπŸ‘‰πŸ‘ˆ :

✨@citrinelily17✨

Disclaimer:

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.