Umaga na nang makarating ang magkakaibigang Rosana, Aldo, Eugenio at Ezperanza sa bayang nakalakihan ni Aldo at ng kanyang pamilya sa probinsya. Palibhasa ay tapos narin naman ang mga pagsusulit at klase sa buong semestreng iyon. Summer narin kase kaya't nais naman nilang makapag pahinga man lang. Ang apat na magkakaibigan ay mga mag aaral sa isang pamantasan sa Maynila. Nang matapos rin ang nakakapagod na semestre ay napag pasyahan nilang mamasyal kila Aldo upang makapag liwaliw man lang bago sila umuwi sa kani – kanilang probinsya.
Ang ganda naman dito sa inyo Aldo'' nakangiting wika ni Ezperana habang tinatanaw- tanaw ang labas ng tricyle. Natanaw ni Ezperanza ang mayabong na puno at mga halamang napupuno ng mga bulaklak. Ang daan papunta sa barrio nila Aldo ay mapuno at tila papasok sa isang gubat. Napakarami palang mga kawayan dito sa probinsya ano Aldo''? wika naman ni Eugenio na nakasakay sa likod ng nagmamanehong si Aldo.
Marami talaga niyan dito nakangisi naman si Aldo habang nag mamaneho. Tinapik niya si Rosana ng bahagya sa loob ng tricyle.
''Ayos ka lang Rosana''? Tanong ng binata kay Rosana.
''Ahh ayos lang naman ako''. Sagot naman ni Rosana habang tahimik na pinagmamasdan ang labas ng sasakyan.
Tila may gumugulo sa isip ng dalaga at hindi siya mapalagay kung saan sila dadalhin ni Aldo. Sa lugar na kanilang pinupuntahan ay napapansin niyang parang may iba at may mali sa mga pangyayari.
Makalipas pa ang ilang minute ay nakarating na sila sa barrio. Hindi pa man humihinto ng tuluyan ang trycle ay sinalubong na sila ng mga tao. Tuwang tuwa at nagagalak silang pinuntahan ng mg aka barrio ni Aldo.
Naku, Aldo, nandiyan na pala kayo! Masayang wika ng kanyang ina habang inabot ng binata ang kamay ng kanyang ina upang mag mano.
Matangkad ang ina ni Aldo subalit may katabaan. Kulot ang buhok nito at katamtaman ang kulay ng balat. Ang ama naman niya ay malaki rin ang pangangatawan. Nakasando lamang ito ng itim at ang mukha nito ay bigotilyo. Seryoso din ito kung tutuusin dahil hindi man lang niya binate ang kanyang anak. Ngumiti lamang ito sabay inom ng natitirang alak sa boteng kanyang pinaglagukan. Kasama ng kanyang amang nakikipag inuman ang mga kalalakihang ka – barrio nito sa labas ng isang bahay.
Ang akala ng mag kakaibigan ay masaya silang sinalubong ng mga ka – barrio ni Aldo subalit nagulat sila nang malaman nilang hindi pala masaya ang mga ito nang sila ay masalubong kundi nagbigay lamang sila ng isang mababaw na ungol nang sila ay masilayan sa trycle.
Ahhh, Iloy'' (Ina) nais ko nga pala sa inyong ipakilala ang mga kaibigan ko. Si Eugenio, Ezperanza at Rosana.''
Magandang umaga po! Masayang pagbati ni Eugenio at Ezperanza sa ina ni Aldo. Hindi alam ni Rosana kung bakit hindi siya napakagsalita at tanging ngiti lamang ang kanyang naibigay sa ina ni Aldo.
''Medyo mahiyain pa ata ang isang ito''. Sagot naman ng nanay Aldo nang mapansin niyang hindi man lang naka – isip ng sasabihin si Rosana.
''Rosana huwag ka nang mahiya'' lambing ni Aldo sa dalaga nang marahan niyang tinapik ang balikat ni Rosana. ''Naku ang mabuti pa ay pumasok na kayo sa bahay nang kayo ay makakain na. Alam kong gutom na gutom na kayo lalo na at mahaba – haba din ang biyahe papunta rito''. Masayang inaya ng ina ni Aldo ang magkakaiigan upang saluhan sila sa kanilang agahan. Agad na kinalimutan ng ina ni Aldo ang pangyayari at agad silang inimbitahan sa loob ng kanilang bahay
Napansin ng mag kakaibigan na medyo tago ang barrio sa gubat at malayo – layo rin ito sa kabayanan. Ang mga bahay na nakatayo sa pamayanan ng barrio ay mga sina unang bahay pa sa Pilipinas. Sa baba ng mga bahay inilalagay ang mga alagang manok at pato. Inilalagay din nila sa ilalim ng kanilang bahay ang sako – sakong bigas na kanilang inani. Ang mga bintana ay yari sa Capiz at gawa naman sa matitigas na kahoy ang haligi ng kanilang tahanan.
Noong una ay napansin na ng mag – kakaibigan na seryoso ang mukha ng mga tao. Hindi sila kumikibo at pinag mamasdan lamang sila. Mailap ang kanilang pakiramdam sa mga bisita ni Aldo nang makita nila ito sa kanilang barrio. Masayang nagtawanan naman si Eugenio at Ezperanza nang pumasok sila sa loob ng bahay. ''Halika na Rosana.'' Pagtawag ni Aldo sa dalaga. Hinatak na nito ang kamay ni Rosana papunta sa loob ng kanilang tahanan. Napansin ni Rosana na kakaiba ang loob ng bahay nila Aldo dahil may mga palamuti itong hindi niya madalas makita sa mga bahay ng kanyang mga kaibigan sa Maynila. Nariyan ang mga kakaibang korte ng mga nakakatakot na halimaw, mga buto at kalansay ng mga hayop at mga Machete na nakasabit sa kanilang dingding.
Mabuti naman at naisipan niyong bumisita dito sa amin ngayong tag – init. Marami kayong makikita rito na wala sa Maynila. Wika ng ama ni Aldo nang umupo ito upang maki – salo sa amin sa hapag kainan.
''Ahhh, Itay siya po yung lagi kung kwinekwento sa inyo, si Rosana. Kaya ko nga po siya dinala rito upang ipakilala sa inyo. Pilyong wika ni Aldo habang naka – upo sila upang kumain. ''Aldo ano ka ba? Siniko ni Rosana si Aldo pagkatapos marinig ang mga binitawan niyang salita.
''Binibiro ka lang naman eh''. Tatawa – tawang sabi ng binata.
''Iha, Ikaw ba? Nakagiting sambit ng ama ni Aldo kay Rosana. Naku hindi po!, mariing tanggi ni Rosana. Natawa rin si Eugenio at Ezperanza sa sinabi ni Aldo. Naku tama na nga iyan at kumain na kayo. Ihinanda ng kanyang ina ang tatlong putaheng kanyang niluto sa mga magkakaibigan. Hindi maunawaan ng tatlo kung anong klaseng luto ang ihinanda sa kanila. Tila malansa at kulang sa mga pampalasa. Subalit magpasa gayunpaman ay hindi iyon ininda ni Eugenio at Ezperanza. Para bang meron kung anong bagay na pumukaw sa kanilang panlasa kaya't nagustuhan nila ang ihinandang ulam sa kanila ng ina ni Aldo. Naghanda ng Longganiza, Giniling at Pata ang ina ni Aldo. Pero kahit anong gawin ni Rosana ay hindi talaga niya magustuhan ang kahit ano sa mga niluto ng nanay ni Aldo kaya't kahit man nahihiya siya ay binitawan niya ng marahan ang kubyertos at huminga ng malalim.
''O Rosana hindi mo ba nagustuhan ang ihinanda ko iha? Tanong ng ina ni Aldo nang makitang hindi kumakain si Rosana. ''Po? Hindi naman po sa ganoon, nagtataka lang po ako dahil hindi kop o malasahan ng maayos ang pagkain. Maari po ba akong makahingi ng mga pampalasang asin at suka? Magalang na tugon ni Rosana sa ina ni Aldo.
Nagtinginan ang mag anak sa mga katagang binitiwan ni Rosana.
Tila sanay na sanay si Aldo sa pag kain ng karne kahit kulang ang mga ito sa pampalasa. Subo – subo pa ni Aldo ang malaking buto ng pata nang tumingin ito sa kanyang ina, Nanlaki rin ang mga mata ng ale nang marinig niya ang sinabi ni Rosana.
Bigla ring nabitawan ng ama ni Aldo ang hawak nitong baso at nalaglag sa ibaba.
Dumulas'' marahan niyang sagot kahit pa halatang halatang iba ang pakiramdam niya ng marinig niya iyon kay Rosana.
Subalit nang masilayan ni Rosanang tila hindi nagustuhan ng mag anak ang kanyang binitiwang salita ay agad itong humingi ng tawad. ''Ahhh Pasencia na po kayo ....
''Ahhh Rosana huwag mo ng intindihin iyon nakaligtaan ko lang kaseng magpunta sa bayan kahapon upang mamili ng mga kailangan dito sa bahay. Hayaan mo bibili nalang ako ng mga pampalasa mamaya kapag may bibyahe mamaya papunta sa kabayanan. Rosana masarap parin naman ang giniling kahit walang gaanong pampalasa ah''? Wika ni Ezperanza habang ngumunguya ng nilutong karneng hinanda sa amin sa hapag. ''Oo nga naman Rosana, Ikaw lang yung naiilang sa buhay dito sa probinsya eh''. Dagdag pa ni Eugenio.
Naku masanay na kayo dito, Sadyang malayo kase kami sa kabayanan kaya't mahirap talaga ang bilihan ng maraming pangangailangan dito. wika ng kanyang ina habang nag tatadtad ng hita ng baboy. ''Sa tinagal ba naman naming nakatira dito eh, sanayan lang naman iyan e''. Hindi ba Aldo? Dagdag pa ng kanyang ina.
Opo 'Nay. Muling sagot ng kanyang anak habang masarap na nilalamutak ang hita ng karne sa kanyang pinggan.
Tumayo na ang ama ni Aldo at umalis sa aming harapan. Nakasimangot ito at tila biglang nagbago ang timpla.
Nagtinginan ang apat na magkakaibigan at tumawa sila ng bahagya.
Anong nangyari dun''? Tanong ni Ezperanza kay Aldo.
Naku, ganyan talaga si Itay'' ngiting wika ni Aldo habang pinaglalaruan ang malaking buto na nakuha niya sa Tapa.
Umayos ka nga, nariyan pa ang mga kaibigan mo. Paalala sa kanya ng kanyang ina.
Opo 'Nay''. Marahang sagot ni Aldo sa kanyang ina.
''Napakakalat mo naman kumain''. Puna ni Eugenio sa kanya. Agad namang inakbayan ni Aldo ang katabing si Rosana at idinikit ang mukha sa dalaga.
''Ano ba? inis na wika ni Rosana kay Aldo sabay tulak ito papalayo sa kanya. ''Hindi ka na mabiro! Masayang wika ni Aldo. Hindi alintana kay Eugenio at Ezperanza kahit na kulang sa pampalasa ang mga karneng kinakain nila. Masarap magluto ng Longganiza at Giniling at Pata. Para walang masabi ang pamilya ni Aldo ay pinilit nalamang niyang kumain kahit konti.
Nang tanghaling iyon ay naisip ng mga magkakaibigan na maglakad lakad muna sa palayan para magliwaliw.
Papunta palang sa palayan sila Eugenio at Ezperanza ay masaya na silan nag haharutan at naglalandian. Samantala hindi naman nagpapansinan si Aldo at Rosana habang naglalakad si Rosana sa likuran ng binata.
Tinangkang hawakan ni Aldo ang kamay ni Rosana mula sa likuran subalit mabilis iyong iniwas ni Rosana sa kanya. ''Uy Rosana! Pagtawag niya sa dalaga. Subalit hindi siya kinibo nito. ''Uy Rosana!
Hindi parin siya pinansin nito. Nang hinatak muli ni Aldo ang kamay ni Rosana ay nagalit na ang dalaga sa kanya. Ano ba ang gusto mo? Inis nitong sabi. Rosana, ''Sorry kanina. Hindi ko naman sinasadya''. Paghihingi niya ng despensa sa babae habang ito ay nakatingin sa kanya. Alam ko galit ka sa akin pero patawarin mo ako. Gusto lang naman kitang ipakilala sa mga magulang ko. Rosana gusto kase kita. Gustong gusto kita''. Malumanay na sabi ni Aldo sa kanya. Halatang naglalambing ito at may magaan na boses. Hindi nakapagsalita si Rosana sa mga katagang binitawan ni Aldo. Sadyang hindi niya aakalain ang nararamdaman nito sa kanya.
''Ahhh, Aldo nainis lang naman ako sa mga ginawa mo kanina eh pero hindi naman talaga ako galit''. Wika ni Rosana. Ang galit na Rosana kanina ay ngayon tila maamong tupa na napaamo ni Aldo. Agad naman silang napansin ng dalawa nilang kaibigan.
Ayieieieieieieieieieieieie! Pang aasar sa kanya ni Ezperanza at Eugenia.
''Alam niyo ang sweet niyong dalawa. Nakangising wika ni Ezperanza habang magkawak sila ng kamay ni Eugenio. Ang mabuti pa ay maiwan muna naming kayo. Hagikhik ni Ezperanza habang naglalakad sila papalayo ni Eugenio.''
''Mga sira! Ngiting wika ni Aldo habang pinapanuod silang papalayo mula sa kanila. Pagkatapos nun ay hindi parin kumibo si Rosana matapos ang mga pang – aasar na iyon.
Bakit ba ganyan ka Rosana? Simula nang dumating tayo dito sa amin eh ganyan ka na. May problema ba? Tugon sa kanya ni Aldo. Nang matamaan sila ng liwanag ng araw ay pumunta si Rosana sa ilalim ng puno ng manga upang sumilong. Sumunod naman si Aldo sa kanya.
''Rosana.... Malungkot niyang tugon.
Tumingin lang si Rosana sa kanya at hindi kumibo. Huminga ng malalim si Aldo at mariing nagwika. ''Huwag mong sabihing naniniwala ka sa mga usap – usapin sa Maynila? Na kami ay mga Aswang. Iyon baa ng bumabagabag sa isip mo kaya ayaw mong makipag kulitan sa akin? ''Hindi ba komo nakatira lamang kami sa isang barrio dito sa probinsya at payak ang aming pamumuhay dito ay maituturing kaming masamang tao''.
''Dahil sa sinabi niyang iyon ay bigla nalang naka isip ng sasabihin si Rosana. ''Sorry Aldo. Sorry kung pinag – isipan ko kayo ng masama. Hindi lang talaga ako sanay mabuhay sa probinsya''. ''Alam mo Rosana, Kahit noong una palang kitang makita ay mahal na kita'' Sinimulang hawakan ni Aldo ang dalawang kamay ni Rosana habang inaamin ang kanyang nararamdaman sa kanya.Niyakap ni Aldo si Rosana at muli pang inibig si Rosana.
''Kahit kailan ay hindi ko magagawang saktan ka o kahit na sino man sa amin.
Handa akong saktan at mag sakripisyo para lang sayo''.
Naglabas ng isang balaraw si Aldo at akma niyang susugatan ang kanyang pulso ng bigla siyang pinigilan ni Rosana.
''Huwag Aldo! Inagaw ni Rosana ang balaraw sa kanya at ihinagis ito sa lupa. ''Aldo ano ka ba? alalang alalang wika ni Rosana. ''Hindi mo dapat ginawa yun! Huminga ng malalim si Rosana.
''Mahal din naman kita Aldo, aaminin ko sayo na dati pa ay may nararamdaman na ako. Nag hihintay lang ako ng maayos na tiyempo galling sayo pero mukhang hindi narin kita nahintay dahil napaka pilyo mo. Sinundot niya ng marahan ang ulo ni Aldo. Napangiti lamang naman ang binata. ''Hayaan mo dahil mula ngayon ay hindi na ako mag – iisip ng masama sa inyo''. Pamamangako ni Rosana habang inilalagay niya ang palad niya sa mukha ni Aldo. Inabot din hanggang gabi ang lampungan at landian ni Eugenio at Ezperanza kila Aldo. Anlamig ng gabi dito kila Aldo. Mahinang wika ni Rosana habang pinupunasan ng twalya ang buhok. Kakatapos lamang nitong maligo at nakasuot ng duster. Malamig ang simoy ng hangin at dinig na dinig ang pagaspas ng mga dahon sa puno sa tuwing humahangin. Naglakad – lakad siya sa labas at napadaan sa banyo. Napahinto siya sandali nang marinig na nagtatawanan si Ezperanza at Eugenio sa loob ng banyo. Sabay pala silang naligo.
''Hindi na talaga sila nakapag pigil''. Ngiting sambit ni Rosana. Magkasama sa isang kwarto si Eugenia at Rosana. Samantala nakahiwalay naman ang tutulugang kwarto ni Aldo at gayundin naman kay Rosana. Malalim na ang gabi at nakahiga na siya sa kama pero hindi siya makatulog kaya't lumabas nalang siya ng bahay para tignan kung meron pa siyang maaring makausap. Habang naglalakad ay pakiramdam niya may sumusunod sa kanya kaya't binilisan pa niya ang paglalakad niya hanggang sa maka abot siya sa isang poso. Bigla siyang napahinto at nagmasid.
Biglang may kumalabit sa kanya sa likuran na siyang ikinagulat niya.
''Rosana!
Ang ama pala ni Aldo. Paumanhin kung nagulat kita.
''May handaan kase dito bukas. Hindi ba ipinaalam sayo ni Aldo? Kasalukuyan kase kaming nagkakatay ng mga hayop para bukas. Maari mo ba akong ikuha ng isang pitchel ng malamig na tubig sa kusina''? Pakiusap ng ama ni Aldo. Hindi alam ni Rosana kung bakit pero bigla siyang kinilabutan sa itsura ng ama. Nakasado parin ito at naka itim na pantalon lamang. May hawak siyang itak at puno ng talsik ng dugo ang kanyang damit.
O sige po tito'' malumanay na tugon ni Rosana.
Hindi alam ni Rosana kung bakit siya biglang kinabahan sa ipinagawa sa kanya ng ama ni Aldo. Pakiramdam niya ay parang may mangyayaring hindi maganda sa kanya lalo na at nagsimulang kumabog ang kanyang puso. Nang makarating siya sa bahay ay nagtangka pa siyang pumasok sa kwarto nila Eugenio at Ezperanza upang mag pasama pero pinili na lamang niyang huwag itong gawin sa paniniwalang natutulog na ang mga ito.
Sumalok si Rosana ng isang pitchel ng tubig mula sa isang banga at naglakad papalabas ng kusina. Pero bago pa man siya makalabas ng kusina ay bigla nalang bumukas ang isang aparador at bumagsak sa sahig ang isang garapon. Nagulat si Rosana sa pagkakalaglag ng garapon sa dahilangh indi ito nakalabas agad ng kusina.Kumunot pa ang noo nito at ibinababa muna ang hawak niyang pitchel. Pinulot ang nalaglag na garapon at pinagmasdan itong maigi.
''Ano ito? Tanong niya sa sarili.
Nang hindi nito mapigilan ang sarili ay naglakas loob siyang buksan ang garapon. Nang makita niya kung ano ang laman ng garapon ay halos mapasigaw siya sa pagkakabigla at pandidiri.Nakatingin ito sa kanya at tila may ibig silang sabihin. Dahil punong – puno pala ng mga mata ng tao ang garapon. Ang siyang nasa ilalim ay mga durog na mata at nabababad sa sariling dugo nito samantala ang nasa itaas naman ay buo buo pa at sariwang sariwa. Tumilapon sa sahig ang garapon at napaatras si Rosana sa isang drum sa sobrang takot. Dahil sa labis na pagkakabigla ay hindi rin niya sinasadyang mabuksan ang drum at malaglag ito sa sahig. Sa kanyang hindi inaasahang pangyayari ay nadatnan niya ang limang ulo ng tao ng walang mata. Lahat ito ay walang mata at sariwa pa ang pag agos ng dugo sa pinangdukutan sa kanila ng mata. Ang mga dila rin nila at pasukan ng mata ay pinagtutuhog ng mga patalim.
Sa sobrang takot nito ay hindi na siya makapagsalita at tila panginginig nalang sa takot ang kanyang nararamdaman. Pinagmamasdan niya ang buong kusina at tila ngayon lamang niya napansin ang ayos ng buong kusina. Wala siyang makitang kahit anong asin, bawang man lang o pampalasa. Nagmadali siyang pumasok sa kwartong tinutulugan ng kanyang mga kaibigan at hindi siya makapaniwala sa mga nakita niya. Nakabitin patiwarik si Aldo at winasak ang kanyang harap. Wala na ang kanyang mga laman loob at isang malakin timba ang nakatutok sa kanyang ulo upang salain ang sariwang dugo na umaagos sa kanyang kapapatay na katawan. Walang suot na damit si Eugenio maliban sa kanyang brief na suot. Ngunit higit pa ang pagkabigla at pagkasindak ni Rosana nang makita niya ang walang buhay na katawan ni Ezperanza na nakahandusay sa sahig. Wala na ang ulo ni Ezperanza sa kanyang katawan. Nakapatong na nito sa kama na may nakasaksak na malaking kamatis. Nagdulot din iyon ng bagbabaha ng dugo sa kama. subalit nang tinignan na niya ang nakahandusay na katawan ni Ezperanza sa sahig ay putol na ang dalawang suso nito.
Kahit takot na takot at gusto niyang mag sisigaw ay pinilit niyang huwag itong gawin dahil baka may makarinig sa kanya. Pagkatapos niyang masilayan ang mga kinatay na katawan ng kanyang mga kaibigan ay bigla ulit niyang naisip si Aldo. Inisip niyang nagsinungaling ang binata sa kanya at totoo, totoo ngang Aswang lahat ang nakatira sa barriong kanyang nakasadlakan. Kaya't hindi na siya nagsayang pa ng panahon at dali – dali siyang lumabas ng bahay. Agad siyang tumalon sa hagdanan at nanginginig ang buong katawan sa buong takot. Nagtatatakbo siya papalabas ng barrio hanggang sa makarating siya sa isang talahiban malapit sa gubat. Pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga pagkatapos ng lahat ng mga nakita niya sa bahay nila Aldo. Pawisan na siya at hapong hapo. Napalingon siya nang makakakita siya ng isang liwanag sa likuran niya. Tila doon marahil ang lugar na pinagkakatayan nila ng mga hayop. Nakakakita siya ng mga tao at puspusan ang trabaho ng mga ito sa kanilang ginagawa.
Nasilayan niya ang gitnang bahagi ng barrio na pinagdadausan nila ng pagsasalo. Parang isang palengke ang kaganapan sa lugar na tinatanaw ni Rosana. Habang pinagmamasdan maigi ang mga tao ay napansin niyang parang may mali sa mga ikinikilos nila at kakaiba ang mga karneng kanyang nakikita. Duon pa mas tumibay ang paniniwala niyang mga halimaw talaga ang mga nakatira sa barrio.
May mga sampayan sa pwestong pinagtatadtadan at pinaghihiwaan ng mga matatabang lalaki at sa sampayang iyon nakasabit ang mga ulo ng mga taong kanilang pinugutan. Itinali na lamang sila sa samapayang bakal gamit ang kanilang mga buhok at mga makakapal na lubid upang hindi sila maglaglagan. Dilat pa ang mga mata ng mga taong napugutan ng ulo. Halatang halata ang kanilang pagkakabigla at takot sa napaka malas na nangyari sa kanila. Nasilayan din ni Rosana na ang mga matatabang lalaki ay nagsasampay ng mga iba't ibang bahagi ng katawan at laman loob ng tao sa sampayan. Andiyan ang ikinawit na hita ng tao, bituka ng tao, mga braso at buo buo pang balat ng mga biktimang kanilang pinatay. Umaagos pa ang sariwang dugo sa sementong papag ng isang pwesto. Tila hindi lamang basta – basta katayan ang nangyayari sa lugar kundi bentahan at palitan ng mga karne. May mga lalaking nag bubuhat ng mga tapayang puno ng dugo at mga lasag ng mga tao. Samantalang pinapakuluan na sa mga malalaking kawali ang mga buto – buto ng mga taong kanilang kinatay.
Ang iba naman ay umiindak nang mga sayaw na malalandi at mga galawang hindi maintindihan. Para bang sinasayawan nila ang mga taong kanilang napatay para magdiwang. Ang iba naman ay nakaharap sa isang mahabang hapag. Iniipon nila roon ang mga natirang karne na nahiwa at natadtad tsaka pinaghahatiahatian. Tila naghahanda sila sa isang malaking celebrasyon. Pero mas nagulat tumindi pa ang kanyang pagkasindak ng makita niyang may hawak na sako ang isang Malaki at matabang lalaki na may matatalas na pangil na parang sa baboy damo. Tila gumagalaw galaw ang sako habang ito ay kanyang binubuhat. Nag Wala pa mang ilang Segundo ay sinimulan na niyang pagpapaluin ng tubo ang sako at tila may dumadaing sa sakit sa loob ng sakong iyon. Hindi ito makasigaw dahil may busal ang kanyang bibig. Ungol ng labis na nasasaktan sa tindi at lakas ng panghahambalos sa kanya ng lalaki. Pagkatapos rin ng ilang segundo ay tumahimik bigla siyang tumahimik. Napatahimik nalang ang biktimang iyon matapos siyang hambalusin ng sobrang lakas at tumama ang tubo sa kanyang batok na nag sanhi ng kanyang kamatayan.
Tuloy tuloy lang ang kasiyahan ng mga aswang nagsasasayaw habang sila ay nagkakatay ng tao. Naisipan pa ng ilang babaeng walang suot na pantaas at tanging panty lang ang nasa sa kanilang pambaba na ibuhos ang ilang baso ng dugo ng tao sa ulo ng kapwa nila hubad na babae at habang sila ay sumasayaw ay dinidilaan nila at sinisimot ang dugo sa katawan ng bawat isa. Hindi agad napansin ni Rosana na sa isang banda pala ay meron din isang matabang lalaking niilitson ng mga Aswang. Halos masukana si Rosana sa kung anong nakikita niya.
''Maawa kayo!, Maawa kayo''! Hiyaw ng mga kararating lang na mga karneng gagawing pagkain. Nagmamakaawa ang tatlong lalaki at dalawang babaeng dala ng mga Aswang. Ang mga lalaki ay nakatali sa kanilang leeg at pwersahang hinihila sa lupa na parang baboy na kakatayin at ang mga babae naman ay tinalian ang buong katawan at ibinagsak sa hapag. Sari saring ungol ng pagmamakaawa at takot ang maririnig sa mga biktima. Binuhat ng matangkad na lalaking may matatalas na pangil ang dalawang lalaking biktima at ibinalibag sa hapag pagkatapos ay nilaslas agad niya ng gulok ang kanilang leeg. Tumalsik ang masagang dugo sa katawan ng Aswang na lalaki. Pagkatapos ay bigla niyang itinarak ang isa pang bolo sa bibig ng isang lalaki na nagdulot ng pagkawasak sa kanyang ulo. Kumalat na naman ang sariwang dugo, lasag pati ang tenga ng lalaki sa lupa. Pagkatapos ay walang awa niyang pinagtataga ang lalaki sa iba't ibang katawan nito kaya't naglabasan ang iba't ibang bahagi ng katawan niya. Sa sobrang lakas ng pagkakataga sa kanyang tiyan ay lumaylay na ang kanyang bituka sa kanyang katawan at bumagsak sa lupa. Nag agawan naman ang mga Aswang sa kanyang katawan. Ang isang lalaking ginilitan ng ulo ay sinimulan naring wasakin ang katawan na parang sa isang baboy. Tulong tulong ang mga halimaw sa pagkakatay ng karneng kanilang hinuli. Humarap ang dalawang lalaki sa dalawang biktimang babae at duon sila pinatay. Inilabas ng dalawang lalaki ang kanilang mahahabang dila at itinarak sa kanilang mga bibig hanggang sa tumagos na ang matalas na dila nila sa mga ulo ng babae. Walang pakundanan nilang sinibasib ang dalawang babaeng kanilang pinatay. Nag agawan ang mga lalaki sa mga lasag at buto ng mga babae hanggang sa nagkagutay gutay ang mga ito na parang mga tupang sinunggaban ng mga leon. Ang isa pang Aswang ay pilit na dinukot ang kanilang mga bituka tsaka nilamon.
Hindi na napigilan ni Rosana ang kanyang sarili at nagsimula na itong umatras papalayo sa talahibang pinagtataguan niya. Nang pinilit ni Rosanang kumalma ng kaunti ay bigla rin siyang naka hinga ng maluwag at itinuloy ang kanyang pagtakas sa barrio. Lingid sa kaalaman ni Rosana na maling daan pala ang kanyang pinupuntahan dahil papunta lamang sa mas masukal at malalim na bahagi ng gubat ang kanyang tinatakbuhan.
Nang medyo makalayo – layo na si Rosana sa pusod ng kagubatan ay bigla niyang nadumbo si Aldo sa hindi inaasahang pagkakataon. Puno rin ng dugo ang katawan niya at may hawak na isang patalim. Ang isa naman niyang kamay ay may dala ring sako na hila hila ng kanyang kamay. Hindi na pinansin ni Rosana si Aldo at tumakbo nalang ito subalit bago pa man siya makatakbo ay hinablot na ni Aldo ang pulso nito at hinawakan ng mahigpit.
''Aray ko Aldo bitawan mo ako, Nasasaktan ako! Hiyaw ni Rosana habang siya'y nagpupumiglas sa kamay ni Aldo
''Sinungaling ka! Pinaniwala mo akong hindi kayo masasamang tao. Galit na tugon ni Rosana. Tinadyakan ni Rosana si Aldo kaya't napaatras ito ng kaunti. Inagaw ni Rosana ang patalim sa kanyang kamay at pinagsasaksak si Aldo ng paulit ulit sa kanyang dibdib subalit halos manlumo si Rosana nang makita niyang hindi man lang nasusugatan si Aldo sa kanyang ginagawa, Bumabaon ang patalim sa kanyang katawan pero hindi nito siya nagagalusan. Hindi rin siya uminda ng kahit anong sakit matapos siyang pagsasaksakin ng paulit – ulit. Humalakhak lang ito ng malakas at inagaw din ang patalim kay Rosana.
Napanganga na lamang si Rosana nang agawin sa kanya ni Aldo ang patalim at madiin niyang ginilitan ang kanyang leeg. Sa pagkakataong iyon ay nagtalsikan na ang masagang dugo sa paligid nila pati sa katawan ni Aldo, subalit hindi parin uminda ng kahit anong sakit si Aldo kahit pa sinaktan na niya ang kanyang sarili.
Hindi alam ni Rosana kung bakit pa siya naka isip na maghanap ng sandata laban kay Aldo gayong alam niyang wala rin naman siyang laban dito. Bigla niyang hinablot sa lupa ang sako at ihinambalos kay Aldo. Sa kanyang ginawa ay hindi niya sinasadyang maitapon ang laman ng sako at halos mapahiyaw na naman siya sa kanyang nakita. Sumambulat sa kanya ang mga putol - putol na mga kamay at braso ng tao. Bali - bali ring mga hita at paa ang kanyang nasilayan nang tumapon ang laman ng sako. Sariwang sariwa pa ang mga ito at halatang halatang kapapatay lamang dahil sa labis na dugong umaagos dito. Tumambad din sa kanya ang mga atay, bituka, bara at ang mga hindi maintindihang laman loob ng tao na nawala na sa ayos matapos itong madurog gamit ang isang matalim na bagay. Tumitibok – tibok pa ang puso nito nang biglang humaba ang dila ni Aldo at tinudla ang tumitibok – tibok na puso na nakahandusay sa lupa pagkatapos ay dinukot niya ang puso sa lupa tsaka nilamon. Pagkatapos nun ay nagsimulang magpakawala si Aldo ng isang napaka pangit na tinig. Isang tinig na hindi maintindihan kung anong huni iyon. Parang humihiyaw na baboy damo at aso. Sa kanyang paghiyaw ay nag umpisa nang tumulo ang laway nito.
Biglang napagtanto ni Rosana na maaring nadinig iyon ng mga ka barrio ni Aldo kaya sinamantala niya ang pagkakataon upang siya ay makatakbong muli. Bago siya tumakbo ay napahiyaw nanaman siya ng malaglag ang ulo ni Aldo sa lupa at gumulong papunta kay Rosana. Habang tumatakbo siya ay nagsulputan ang ibat ibang mga aswang sa kanyang paligid. May mga pumwesto sa tuktok ng puno at mga nagtatago sa tabi ng puno. Ang iba ay palihim na inabangan si Rosana sa may talahiban. Mabilis na gumulong sa lupa ang ulo ni Aldo at pinagkakagat ang mga hita at paa ni Rosana. Sa pagkakataong iyon ay mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo.Desperado na siyang makatakas pagkatapos niyang masaksihan ang pinakatatagong lihim ng lahi ni Aldo. Wala ng paki alam si Rosana kung saan man siya mapunta. Iniisip nalang niya kung papaano siyang makakatakas sa mga Aswang.
Napakapangit ng mga Aswang na kalahi ni Aldo. Lahat ito ay may mga matatalas na pangil. Pula ang mga nito at may mga mahahabang dilang sintalas ng patalim. Matatalas din ang mga kuko nito at kug kumilos ay parang isang mabangis na hayop. Parang pinagsama – samang tao, baboy ramo at lobo. Sa dami ng mga aswang na sumugod sa kanya ay nadaplisan siya sa kanyang balikat nang tudlain siya ng isa sa mga ito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang naabutan ng mga nanghahabol sa kanya at pinagkakalmot sa katawan. Pinagkakagat din siya sa leeg at likuran. Tumalsik ang masaganang dugo mula sa likuran ni Rosana. Subalit pumilit paring lumaban si Rosana sa kabila ng mga pangyayari. Pinilit parin niyang tumakbo kahit naabutan na nila siya. Kahit pa nagdurugo narin ang kanyang ulo matapos iyong kagatin ng isa pang Aswang ay hindi siya huminto sa pagtakbo hanggang sa nalaman niyang papalabas na pala ng gubat ang kanyang tinatakbuhan at tamang – tama ang pagdaan ng isang jeep ay bigla siyang napatalon sa tabi ng rumaragasang sasakyan at himalang nakasakay. Inakyat ni Rosana ang bubong nag jeepney at mahigpit na kumapit.
Hayun na ang huli nang tuluyan na siyang nakatakas at hindi na nakasunod pa ang mga Aswang na nais siyang patayin. Pagkatapos nun ay hindi na nilingon ni Rosana kung ano ang kaaganapan sa kanyang likuran. Pagod na pagod na siya para gawin pa iyon. Sa kanyang biglang pag akyat sa jeepney ay pumulikat pa ang kanyang binti. Madilim parin ang gabing iyon at napakahaba pa bago tuluyang sumikat araw.
Madilim dilim parin nang makarating ang jeepney na sinasakyan ni Rosana sa isang maliit na police station. Ang siyang nagmamaneho ng jeepney ay may katabaan at malaki ang tiyan. Nakasando lamang ito ng puti at nakapantalon. Kalbo ito at medyo tinatamad – tamad kung kumilos. Ang kanyang hanap buhay sa pang araw -araw ay ang pag - aangkat ng mga gulay at prutas gamit ang kanyang sasakyang jeepney. Sa ngayon ay nagpapatay lamang siya ng oras bago niya idala ang kanyang mga produkto sa palengke.
Bumababa ang nagmamaneho ng sasakyan at nagwika.
''Mando, Diyan ka na pala ngayon ah''? Nakangiting wika ng driver ng jeepney habang kinakausap ang isang pulis na nakaupo sa harap ng stasyon.
Hindi makakuha ng sasabihin ang batang pulis nang makita niya ang babaeng nasa bubong ng jeepney. Napatingin ito sa kanya at nagwika.
''Mang Oyo, Sino ang babaeng iyan at bakit nandiyan siya? Gulat na tanong ng pulis. Noon una ay hindi malaman ni Mang Oyo ang pinagsasasabi ng pulis. Saka niya lamang napagtanto nang tumingin siya sa bubong ng kanyang sasakyan.
Si Rosanang duguan at puno ng galos sa kanyang likuran, binti at ulo. ''Mang Oyo sino ang babaeng iyan at anong nangyari sa kanya? Tanong ng pulis kay Mang Oyo. Ang tinig ng pulis ay may pag alala. Halos man laki ang mata ni Mang Oyo nang makita niya ang duguang Rosana na mahigpit paring nakakapit sa jeepney habang ito ay nakadapa.
''Aba, Paanong nagkaroon ng? Hindi naituloy ni Mang Oyo ang kanyang sasabihin nang makita pa niya ang kalunos lunos na kalagayan ni Rosana.
Lumapit ang mamang pulis at umakyat sa jeepney. Takot na takot ito at ayaw pahawak.
Dahan dahan niyang iginalaw si Rosana at binuhat ng paunti – unti. Nang una ay hindi pa niya maigalaw si Rosana ngunit dahil sa malumanay na pakikipag usap ng pulis sa kanya ay naitayo rin niya si Rosana at ibinaba sa jeepney ng maayos. Iniupo niya si Rosana sa isang hapag sa harap ng kanilang opisina. Napakagulo ng buhok ni Rosana at sariwang sariwa pa ang kanyang mga sugat. Hindi makapagsalita si Mang Oyo sa kanyang nakikita. Wala siyang kaalam – alam kung sino ang babae at kung paano siya napunta sa kanyang minamanehong jeepney.
''Ngayon, Sino ka at saan ka nanggaling''? Taong pulis sa kanya. Tulalang – tulala si Rosana at hindi makasagot. Pagod na pagod siya. Umiiling – iling lamang siya at hindi kumikibo. Tumingin lamang siya sa kanyang paligid pagkatapos ay hindi parin kumibo.
Nang biglang nagalit si Mang Oyo at sininghalan si Rosana.
Bakit ba hindi ka sumasagot? Galit na tugon ni Mang Oyo. Sino ka ba at saan ka galing? Sigaw ni Mang Oyo. Siguro ay magnanakaw ka ano at palihim kang sumakay para makapagnakaw? Galit na pagpapa amin ni Mang Oyo kay Rosana. Pagkatapos niyang sigawan si Rosana at dinuro pa niya ito at pinagbantaan.
''Mapapahamak ako sa ginagawa mo eh! Paano ngayon iyan, Kargado kaya kita dahil may nangyaring masama sa iyo! Pag ako ang pinagbintangan dahil sa nangyari sayo ay hindi kita sagutin''.
Shhhhhhhh! Pagpipigil ng pulis kay Mang Oyo. Nang tumahimik ito ay tumingin ulit siya kay Rosana.
Hindi tayo magkakaintindihan niyan kung hindi ka magsasalita. Malumanay paring tugon ng pulis kay Rosana.
Tumingin si Rosana sa pulis na takot na takot at biglang nagsalita. Patay, Dugo..... puro dugo.... Iyon lamang ang kanyang binabanggit ng paulit – ulit. Patay, Dugo..... puro dugo...
Patay, Dugo..... puro dugo... Ipa Aswang kita eh! Panghahamak ni Mang Oyo kay Rosana.
Sa mga katagang iyon na nadinig ni Mang Oyo ang salitang Aswang. Humiyaw siya ng takot na takot at umiyak. Halos mabilaukan pa habang siya ay umiinom ng tubig.
Hinawakan nito ang kanyang ulo at nagpa iling- iling. ''Huwag, Huwag, Huwag! A....a... ayoko ng bumalik dun'', Parang awa niyo na huwag! Takot na takot na pagmamaka awa ni Rosana.
Nagtinginan pa si Mang Oyo at ang pulis nang ginawa niya iyon. Bigla namang sumabat ang matandang babaeng naglalako ng kwek – kwek sa gilid ng stasyon. May isang kariton siya ng mga panindang pagkain at sa tabi naman niya ay isang malaking drum ng pinagsama – samang sawsawang suka, bawang, sibuyas at paminta. ''Oyo, saan ka ba dumaan kagabi? Tanong ng matanda.
Hindi makapaniwala si Mang Oyo sa kanyang narinig. ''Ha? Ahhh e nagpapaniwala kayo sa....
Subalit hindi na siya pinatapos ng matanda. Saan ka nga dumaan kagabi? Galit nitong tugon. Dumaan ako duon dahil mas malapit'' Iyon ang itinugon sa kanya ni Mang Oyo. ''Sinasabi ko na ng aba eh. Hindi ka pa rin dapat dumaan duon dahil delikado!'' pagmamaktol ng matanda. ''Hindi po kaya nangaling siya sa barrio?'' Tanong ng pulis sa matanda. Hindi agad naka imik pa ang matanda. Natulala rin ito tsaka nag wika ng mahina. ''Hindi nila matukoy – tukoy kung saan ba talaga ang lugar na iyon. Isa lamang ang alam nila. Wala pa kaong naririnig na nakaka alis sa lugar na iyon nang buhay. Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot. Mapalad siya''
''Sus! Nagpapaniwala kayo sa mga kwentong ganyan. Walang Aswang!'' mayabang na wika ni Mang Oyo nang lumapit sa mga paninda ng matanda at sumubo ng limang kwek – kwek tsaka ito lumapit sa kanyang jeepney at sumandal. Masarap pa ang nguyaan ng driver nang biglang may nalaglag sa jeepney ni Mang Oyo.
''Paninda mong buko nalaglag.'' Paalala sa kanya ng matanda. Nakasimangot ito nang hindi magustuhan ang sinambit ng lalaki. Pinulot ni Mang Oyo ang buko upang ibalik sa loob ng sasakyan subalit bago pa man niya ito magawa ay bigla na siyang sinunggaban ng buko at kinagat ng madiin sa kanyang braso hanggang sa magdugo ito at lumabas ang kanyang mga lasag. Napahiyaw nalang si Mang Oyo sa pangyayari at akmang ibabalibag ang buko sa lupa subalit nahuli siya dahil inilabas nito ang kanyang mahabang dila at ipinutipot sa leeg ni Mang Oyo at lumambitin. Sa lakas at tindi ng pagkakasakal niya kay Mang Oyo ay naputol at tumilapon pa sa ere ang ulo ni Mang Oyo. Bumulwak ang masagang dugo na parang fountain sa leeg ng driver. Bago pa man matumba ang buong katawan ng driver ay tinaga pa mismo ang harapang katawan ni Mang Oyo kaya't naglabasan ang mga laman loob ni Mang Oyo at bumagsak lahat sa semento. Kasabay ng paglabas ng mga laman loob ni Mang Oyo ang pagbagsak ng kanyang ulo sa semento.
Humiyaw nanaman si Rosana nang maisip niya na tama ang kanyang hinala. Nakasunod ang ulo ni Aldo sa jeepney at naghihintay lamang ng tamang pagkakataon upang siya ay sumugod. Inilabas naman ng pulis ang kanyang baril at ilang beses na pinaputukan ang ulo subalit hindi ito matamaan. Galit na galit ang mukha ni Aldo. Mas lalo pang namula ang kanyang mata tsaka lumalabas ang laway sa bibig nitong puno ng matatalas at malalaking ngipin. Agad Itong tumalon at sinugod ang pulis. Nakagat niya rin ng paulit ulit ang pulis ang sa kamay subalit bago pa man niya maiputipot ang kanyang dila sa leeg ng pulis sinundot niya sa mata si Aldo gamit ang nakuha niyang patalim sa matandang babae. Humiyaw si Aldo sa sakit kaya't hindi nito agad nagawa ang kanyang binalak.
Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang pulis na itapon ang kanyang ulo sa malaking drum na napupuno ng suka at mga nahiwang bawang, sibuyas at paminta. Kasabay din ng pagkakalublob ng ulo ni Aldo ang isang napaka panget at mala demonyong daing. Pagkatapos niyang mailublob sa drum ay hindi na nakapalag pa si Aldo. Nalapnos at nasunog ang kanyang buong ulo sa pagkakababad sa mga pampalasa. Umapaw pa ang drum at tumapon nang bahagya ang kumukulo at umuusok na suka sa lupa.
Doon napagtanto ng matandang babae at ng pulis pati si Rosana na totoo nga ang bali – balitang may isang barrio ng Aswang sa kanilang lugar. Ngunit kahit ano namang gawin ng mga pulisya ay hindi nila matukoy at makita kung saan ba talaga ang lugar na pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga demonyong halimaw. Naitala rin sa police station nang gabing iyon ang sunod – sunod na pagkakawala ng mga tao sa kanilang bayan. Pagkatapos magpagaling ni Rosana sa ospital ay gumawa ng paraan ang buong pulisya upang maka uwi si Rosana sa Maynila. Pagkatapos ng lahat ng pangyayaring iyon ay wala na siyang balita kung natagpuan pa ba ang barriong kanyang kinasadlakan o hindi na. Wala na rin siyang balita kung ano na ang nangyari sa mga aksyon ng pulis tungkol sa nasabing pangyayari. Basta't ligtas lang siyang naka uwi ng Maynila ng walang sumusunod na Aswang sa kanya.
Pag – uwi niya ng Maynila ay hindi na naging normal ang kanyang buhay. Hindi na siya makausap ng matino at palaging tulala. Sa tuwing naalala niya ang mala demonyong kaganapan sa kanyang barriong kinasadlakan ay naiiyak siya at nag hahaluccinate. Pumanaw siya noong 2015 sa edad na walumput dalawa.
Citation: Monteverde, L. & Gallaga, G, Reyes, L. 1990. Shake Rattle and Roll II (Aswang Segment). Philippines: Regal Films