Chereads / Maio, Rosanna, Dorotheo, Stella Hidalgo, Daniel, Jaime Cuenco / Chapter 5 - Anting - Anting ng Demonyo (Tagalog) Date: 2018 Setting: Manila

Chapter 5 - Anting - Anting ng Demonyo (Tagalog) Date: 2018 Setting: Manila

''Uy si Stella oh! Nakangiting wika ni Koutaro. Stella baby, Yeah!

''Wow ang ganda talaga niya. Pagpupuring wika ni Caleb. Nakatitig ang dalawang binata sa dalaga habang sila ay naka upo sa isang bench sa canteen. Mag isa lang siya sa couch at nagbabasa ng handouts habang umiinom ng kanyang paboritong frappe.

Sa isang pamantasan sa Maynila nag aaral ang tatlong mag trotropa. Sila ay nasa 3rd year na at kasalukuyang kumukuha ng kursong Marketing Management.

''Pare, Ang ganda talaga niya. Wika ulit ni Koutaro.

Lumalabas na ang laway ni Koutaro habang naka titig ito sa dibdib ni Stella. Tila tumigil na ang kanilang mundo nang masilayan ang dalaga sa hindi kalayuang couch.

''Oh eto na yung fries mo Caleb. At fried chicken with rice nga yung iyo ano, Koutaro? Bili nalang kayo ng drinks niyo. Andami pa kaseng tao eh. Dumating ang isa pa nilang kaibigan at inabot sa kanila ang mga pinabiling pagkain. Nang mapansin niyang hindi parin inaabot ng kanyang mga tropa ang kanyangb iling pagkain. ''Oh ano ba, kunin niyo na? wika ni Daniel habang inaabot parin ang pagkain sa mga kaibigan.

Kinapa - kapa ni Caleb ang pagkain sa gilid niya habang nakatitig parin kay Stella. Hindi niya agad nakuha ang pagkain dahil hindi naman siya nakatigin dito. Natapon pa ng bahagya ang fries bago siya tumingin dito. ''Sus kaya naman pala eh. Si Stella na naman ang pinupuntirya niyo''. Ipinatong nalang ni Daniel ang lunch ni Koutaro sa table tsaka inumpisahang kainin ang kanyang Beef Tapa na lunch. ''Ang ganda parin ni Stella ano? Sana nag Marketing Management nalang siya noh? Wika ni Daniel.

''Maganda na, mabait pa. ngising wika naman ni Caleb. ''At masarap! Dagdag pa ni Koutaro habang binubuksan ang lunch na pinabili niya kay Daniel. ''Super sexy Stella yam, yam, yam. sabat naman ni Caleb.

''Masarap talaga, suso palang niya. Pagbibirong wika naman ni Daniel.

''Ang Sarap pagitnaan, nakangising wika ni Caleb habang hinihimas ang kanya. Tawanan naman ang tatlo.

''Hmmmmm, hmmmmm!, ''Ansarap talagang kumain ng manok. Tamang tama, dibdib ng manok nag napunta sa akin''. Gigil na gigil na wika Koutaro habang nilalantakan ang kanyang ulam na fried chicken. Malalaki ang subo nito sa kanin at marahas na nilamon ang chicken breast habang nakatitig ito kay Stella. Nanlilisik din ang mga mata ni Koutaro habang ginagawa iyon.

''Baliw ka na yata? Wika naman ni Caleb. At tinawanan naman si Koutaro ng kanyang mga kaibigan. ''Pinapanganganga ko lang pekpek ni Stella. Kahit anong laki ng tite ko hindi ko siya mapaluwang. Matatag pre, parang goma. Hindi natin mapapaluwang yun kahit iyotin pa nating tatlo.'' Dagdag pa ng pilyong si Koutaro.

''Hindi ko iluluwa yung suso ni Stella kahit pa isang lingo ko yung subo- subo.'' Natatawang wika naman ni Caleb. ''Sarap din siguro mag palinis ng itlog diyan sa babaeng iyan ano? wika naman ni Daniel. Imagine mo anim na itlog at tatlong malalaking tite natin sa bibig niya. Sarap nun.'' Dagdag pa ni Caleb. Kasabay ng mga malalaswang katagang binibitawan ng mga binata ang pagtigas ng kanilang mga ari sa kanilang pantalon. ''Iyotin ba kamo Koutaro?''

''I-cow girl position natin siya. Si Daniel sa bunganga niya. Ako naman hihiga at kakabayuhin niya ang tite ko at ikaw naman Koutaro sa pangalawang butas ka ng pekpek niya parang dog style.'' malaswang sabat naman ni Caleb. ''Sarap nun tol!'' gigil na gigil na wika naman ni Daniel habang tinatakpan niya ng bag ang kanyang zipper at hinahaplos haplos ang kanya.

Ganyan ang tatlong magkakaibigang Caleb, Daniel at Koutaro. Palibhasa crush na crush nila si Stella at lagi nalang nilang pinaglilibugan dahil sa kanyang napaka gandang kutis. Hindi lamang iyon, Mahaba pa ang buhok nito at laging nakalugay. Bakat na bakat sa kanyang uniform ang kanyang mga suso maging ang ganda ng hubog ng kanyang katawan bilang babae. Si Stella ay isang irregular Psychology student at naisama sa section nila para sa Theology subject.

Palibhasa ay may mga itsura din naman ang mga binata kaya't may pagka feeling gwapo ang mga ito at pakiramdam nila kayang kaya nila ang lahat. Pare – parehas din sila ng ugali. Kung anong bait at hinhin ni Stella ay ganon namang ka gugulo at kagagago ang mga ito. Si Caleb ang pinakamatalino sa kanila samantalang si Daniel naman ang pinaka makulit sa kanila. Si Koutaro na half Japanese ang kanyang dad at pure Japanese naman ang kanyang mom ay siyang pinaka malibog at pinaka promoter ng kalokohan sa kanilang tatlo.

''Hmmmmmmmm Stella, Salsal na naman ako mamaya tol!'' Pangarap kong ideepthroat lalamunan niya at ipalunok sperm ko sa babaeng iyan hehe. gigil na gigil na wika ni Daniel habang kumakambyo. Paano ba naman hindi malilibugan si Daniel kay Stella e minsan na niyang nasilip ang kulay pink na panty na suot ng dalaga nang magtago ito sa ilalim ng mesa habang nagsusulat dito ang dalaga. Tawanan naman ang tatlong binata.

Wala lang naman silang ginawa nung araw na iyon kundi pekpek, pekpek, pekpek at pekpek ng mga magagandang dalaga ng kanilang school ang kanilang pinag usapan at binusisi at nang magsawa na ay nagsimula na silang mabagot.

''Keh! Pagmamaktol ni Caleb habang naglakakad sa campus kasama si Daniel at Koutaro. Tapos na ang klase nila at pinag iisipan nila kung saan sila pupunta.

''Hindi ko ba kase maintindihan kung bakit pa nating kailangang pag aralan ang Theology gayong wala namang kinalaman ang subject na ito sa Marketing''. Mariing wika ni Caleb. ''Oo nga naman, ang boring pang magturo ng Theology instructor natin''. Gusto ko na nga lang tulugan. Dagdag naman ni Koutaro. ''Buti pa si Stella parang chill, chill lang. ''Haaaaaaaay!

''Ano ba naman kayo, Theo na nga lang ang tanging pahinga natin eh. Andaming majors ngayong third year wala na ngang P.E. Tsaka puro nalang kayo Stella. Ilapit niyo rin naman sarili niyo kay God''. Sabat naman ni Daniel.

''Aba, Ang yabang mo ah, Kung makapag salita ka naman Daniel. Inis na sabi ni Koutaro kay Daniel. ''Oo nga naman Daniel. Anong pinapalabas mo, na masama kami, ganoon? Madiing wika ni Caleb.

''Tol, mga tol hindi naman sa ganoon. Kaya lang ....

''Bahala ka nga diyan Daniel! Galit na sambit ni Caleb at tinawag si Kotaro. ''Kotarou halika na! Ansama makatitig ni Koutaro kay Daniel habang naglalakad ito papalayo.

''Mga tol sorry, hoy huwag niyo naman akong iwan.

Subalit parang walang narinig ang dalawa at tinakasan na siya ng tuluyan.

''Haaaaaaaaay Daniel! Malungkot niyang wika at pinagsisihan ang ginawa kaya't nagpunta nalamang ito sa chapel para magdasal.

''Nakaka asar yang si Daniel'', galit na tugon ni Caleb habang silang dalawa ay naka upo sa isang bench sa school. ''Oo nga naman. Pakiramdam niya parang napaka banal niya. Parang alam niya lahat eh. Sagot naman ni Koutaro

''Eh sino ba kaseng may gusto sa subject na Theology? Wala namang kwenta yun eh. Mariing wika ni Caleb.

''Hindi ko ba alam kung anong maganda ang maidudulot niyan sa atin. Isipin mo, Naghihirap tayo dito sa mundo. Pero parang wala namang magandang naitutulong ang pagdadasal at ang pag sisimba. Simba ka ng simba pero wala namang nangyayaring maganda. Hindi naman natatapos ang mga problema''. Pagdadahilan ni Koutaro. ''Mag skip nalang tayo sa Bible Study natin tomorrow tapos huwag narin tayong umattend ng prayer ng Rosary. Ang boring kase talaga. Wika ni Caleb.

''E saan tayo pupunta? Tanong ni Koutaro.

''Mag Dota nalang tayo. Marerelax pa isip natin pagkatapos ng napaka haba nating exam sa STRAMA at MATH Invest. Mungkahi ni Caleb habang naka thumbs up sign kay Koutaro. ''Oo nga, nakangiting wika ni Koutaro. Huwag na nating isama si Daniel, Kupal naman iyon eh. Akala niya siya ang pinaka magaling, Bokya rin naman. Mayabang na tugon ni Koutaro.

Nang magkahiwalay na ay bumili muna siya ng Fries at Ice Tea sa canteen pagkatapos ay umupo sa isang bench sa labas ng kainan. Hindi pa man tumatagal habang siya ay kumakain ay bigla nalang may tumabi sa kanyang maputing lalaking naka shade at naka polo ng black at naka suot ng cardigan. Hindi pa ganun katanda ang lalaki at mukhang nasa kanyang 20's pa lamang. Nang una ay hindi siya pinapansin nito pero nang malapit nang matapos si Koutaro sa pagkain ay bigla itong lumingon sa kanya at ngumit. Aksidente namang napatingin din si Koutaro sa kanya at sa kung anong dahilan ay napangiti rin.

''Ang gwapo mo. Wika ng lalaki. ''Bagay ka sa club ko. Dagdag pa nito. Hindi alam ni Koutaro kung bakit siya nakaramdam ng biglang takot. Iba ang boses ng lalaki. Tila may kakaiba sa kanyang tinig.

Nang tumayo si Koutaro upang magtapon ng basura ay napansin niyang may mabaho. Isang napakasangsang na amoy. Hindi pa siya nakaka amoy ng ganoong kabahong amoy sa buong buhay niya. Inisip niya noong una na baka ang basurahan lamang iyon dahil nagtatapon nga siya pero parang may mali parin. Ang amoy ay parang pinag sama samang nasusunog na goma, nabubulok na karne, Imburnal sa palengke at mga pinag halo – halong basurang hindi naitapon ng ilang araw.

Nang nilingon ni Koutaro ang bench ay wala na roon ang lalaki. Sinubukan pa niyang hanapin ang lalaki sa paligid pero hindi na talaga niya nadatnan ang lalaki. Subalit napatalon nalang siya sa gulat nang makita niya ang isang ulo sa may paanan niya. Punong – puno ng mga puting bulate ang mga bibig nito, naglalaro ang mga bulate sa kanyang bibig, naglalabas pasok. Umaagos naman ang sariwang dugo sa mga mata at pinag pyepyestahan din ito ng mga puting bulate. Subalit mas lalo pa siyang nagulat nang makita niya ang kung anong kulay itim na pilit na lumalabas pa sa mga eyesocket ng ulo.

Napasigaw siya nang makita niyang ulo pala niya iyon at biglang nabitak. Nag talsikan ang puro dilaw na uod at kulay brown na mga nana sa kanyang utak.

Sa kanyang ginawa ay nagtinginan na sa kanya ang mga iba pang mag – aaral at mga professor na naglalakad sa paligid niya.

''Anong problema? Tanong sa kanya ng isang professor.

''Ahhhh, w...w... wala po. Nauutal na wika ni Koutaro sabay lakad papalayo ng mabilis.

Dumeretcho muna si Caleb sa isang bangko para maglabas ng pera galing sa kanyang mga magulang. Pagkalabas niya ng bangko ay nakaamoy din siya ng isang napakabahong amoy na katulad na katulad ng naamoy ni Koutaro. Napatakip ng ilong si Caleb ng maamoy niya yun. Pagkatapos ay lumapit din sa kanya ang lalaking nakita rin ni Koutaro kanina. Ngumiti ito sa kanya at nagwika.

''Ok ka kid! Bagay ka sa club ko.'' Naka smiling face pa ang lalaki at biglang may sinadyang inilaglag sa kanyang paa. Pinulot naman iyon ni Caleb at hinanap ang lalaki pero gaya ng nangyari kay Koutaro ay hindi na rin niya nasilayan ang lalaki. Mga ilang segundo pa naganap bago may nagsalpukang jeepney at bus sa kanyang harapan. Hiyawan ang mga tao sa mabilis at malagim na pangyayari. Masyadong mabilis magpatakbo ang jeepney kaya't bumangga ito sa bus. Nanlumo si Caleb nang mapag alaman niyang patay lahat ang nakasakay sa jeepney matapos mawasak ang malaking bahagi ng jeepney sa harapan nito. Naliligo sa dugo ang mga ito. Sinubukang lapitan ng kaunti ni Caleb ang jeepney upang silipin subalit mas lalo pa siyang nanlambot at namutla sa gulat nang masilayan niya ang kanyang patay na katawan sa loob ng jeepney. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay wasak ang kaliwang mukha nito. Ang iba naman ay hindi na niya makilala dahil burado na ang kanilang mukha dahil sa lakas ng pagkakasalpok sa bus.

''Hoy, bata umalis ka diyan at nang baka mabagsakan ka. Sita sa kanya ng isang pulis nang hatakin siya papalayo sa jeepney na nilapitan niya. Sa sobrang pagkakabigla ay bumalik muna ng eskwelahan si Caleb at umupo sa isang sulok sa canteen. Binuksan niya ang maliit na kulay itim na lagayan at nakakita siya ng isang pulang Rosario. Maganda at kakaiba ang disenyo ng Rosario kumpara sa mga palagiang nakikita ni Caleb na mga Rosario.

''Ba't naman siya mag iiwan ng Rosario sa akin? Pagtatakang tanong ni Caleb sa sarili.

Nagulat si Caleb ng may marinig siyang bulong.

''Dasalin mo ako at lahat ng gusto mo ay ibibigay ko''. Magtiwala ka lang......

Biglang kinilabutan si Caleb sa kanyang narinig. Tumingin siya sa paligid kung sino ang nagsambit ng mga salitang iyon pero wala ng tao sa paligid niya. Nag alisan na ang mga studyante papunta sa kanilang 7: 30 to 9: 00 pm class. Sumimangot siya at nag isip.

''Okay so let's meditate on the Sorrowful mysteries as part of our celebration sa Theology week''. Masayang wika ng kanilang Theology professor. Kasalukuyan silang nasa loob ng chapel para magdasal.

''Pare saan mo ba nakuha iyan? Tanong ni Koutaro habang tinitignan ang Rosario.

''May nag iwan nito sakin kahapon. Alam mo ang weird tol kase sadyang lang niyang inilaglag iyan sa paa ko tapos nawala na siya''. Salaysay ni Caleb. Talaga? ''Kakaiba yung design ng Rosary. Wika ni Koutaro habang nilalaro ang cruxifixion. ''Pero paanong weird? Biglang tanong ni Koutaro. At duon isinalaysay na ni Caleb lahat ng mga nangyari sa kanya kahapon.

''Eh iyon naman pala e. Dasalin lang natin tapos lahat na ng gusto natin ay matutupad. Nakangising wika ni Koutaro. ''Tsssss.. E ano? Nakasimangot na banggit ni Caleb. Try lang natin. Baka sakaling mapa sa atin si Stella baby. Natatawang wika ni Koutaro.

''Koutaro sobra ka na! Biruan lang natin iyon pero hindi ibig sabihin gagawin natin. Mahinang tugon ni Caleb pero medyo nainis ito sa sinabi ni Koutaro.

Tamang tama namang pumasok ng chapel si Stella. Late siya dahil natraffic siya sa daan at malakas ang ulan sa labas. Umurong naman si Caleb kay Koutaro para paupuin si Stella sa tabi niya.

''Hi Stella! Sweet na sweet na wika ni Koutaro.

''Hello! Sagot naman ni Stella. At duon nanag simula ang buong klase nila Caleb na dasalin ang banal na Rosario. Dahil sa magkatabi sila ay dinasal nilang pareho ang Rosary na hawak hawak nilang dalawa. Amoy na amoy nilang dalawa ang mahalimuyak na amoy ng dalaga pati ang bagong suklay na buhok na may mabangong amoy kaya't hindi na nakapag pigil pa ang dalawa at nakangiting dinasal ang Rosario habang humihiling sa kanya. Habang dinadasal nila ang Rosario ay pakiramdam nila ay bumibigat ang pakiramdam nila at tila may kakaibang enerhiyang bumabalot sa kanilang katawan. Ramdam na ramdam iyon ng dalawang mag kaibigan habang sinasabyan nila ang bawat Our Father at Hail Mary na kanilang binabanggit. Isang napaka bigat na enerhiya.

Nang matapos na ang pagdadasal nila ay muling nag usap silang dalawa sa labas ng chapel.

''Ang daya mo. Sinadya mo sigurong umupo sa gilid ko kase alam mong malalate si Stella. Wala narin bakanteng upuan at alam mong uupo siya sayo. Inis na sabi ni Koutaro kay Caleb.

''Uy hindi ah, Ikaw nga itong nakapag greet sa kanya eh. Sagot naman ni Caleb kay Koutaro. Tang ina Karin eh! Dapat kase sa akin si Stella eh. Galit na wika ni Koutaro at sinipa ng malakas ang basurahan.

''Aba, ba't moko minumura? Galit ding sumbat ni Caleb. Gusto mo ba basagin ko mukha mo ha? Ang yabang mo ah!

''Sige suntukan nalang. Galit na panghahamon ni Koutaro.

''Mamayang 6"00 pm sa gym. Wala ng nagbabantay dun na guard mamaya. Seryosong wika ni Caleb.

Makikita natin mamaya, Basag mukha mo! Akin si Stella. Galit na sagot ni Koutaro.

Hindi, Akin lang siya! Gigil na gigil ni Caleb habang itinitiklop ang kanyang isang kamao. Sa kanilang pagsasagutan ay tila nasisira na ang kanilang pagkakaibigan. Una, Iniwan nila si Daniel. Pangalawa, mag susuntukan pa silang dalawa dahil lang sa babae. Nanginginig na ang mga katawan ng dalawang binata at nanlilisik na ang kanilang mata.

Inis na tumalikod si Koutaro kay Caleb at iniwan ng may pagbabanta sa kanyang mga mata. Lumisan narin si Koutaro at pumasok muna sa loob ng chapel. Habang pinag papawisan at namumuo parin kay Koutaro ang galit ay umupo muna siya sa pinalikod na bench ng chapel at nag isip. Sa kanyang pag upo dun ay parang may nakita siyang isang itim na pigurang naglalakad sa harap ng altar ng chapel. Isang itim na pigurang may sungay at may pakpak pero hinding – hindi niya masilayan ang itsura at katawan nito dahil puro itim lamang ang kanyang nakikita.

Hindi maipinta ang mukha ng takot na takot na si Koutaro. Natulala na lamang siya habang tinitignan niya ang mala demonyong pigura na nagpakita sa kanya. Hindi rin naman siya makatayo dahil nanigas na ng buo ang kanyang mga tuhod at binti. Subalit ang mas lalo pang nagbigay ng takot at gimbal sa kanya ay nang magkaroon ng butas ang bibig ng itim na pigura at bumuhos doon ang sariwang dugo. Dahan dahan lamang naman bumuhos ang dugo sa bibig nito subalit unti – unting umabot ang pag agos ng sariwang dugo sa kanyang tabi.

Isang kamay ang biglang tumapik sa kanya. Sa kanyang pagkakakgulat nalamang siya biglang nahimasmasan at napalingo sa kanyang tabi. Si Daniel pala.

''Uy, anong ginagawa mo diyan Koutaro? Nakangiting wika ni Daniel. ''N... N.. Nakita mo ba iyon? Gulat na wika ni Koutaro habang itinuturo ang itim na pigura sa harap ng altar.

Tumingin naman si Daniel sa harap ng altar pero wala siyang makita. Ano bang pinagsasasabi mo? Tanong niya kay Koutaro. ''Dugo! Itinuro niya ang pagbuhos ng sariwang dugo sa kanyang tabi pero wala na ang dugo. Wala na rin ang itim na pigurang nakita niya sa harap. Kumunot na lmang ang noo niya at nagwika.

''Ano bang gusto mo? inis niyang tanong kay Daniel. ''Sorry na tol. Hindi ko naman sinasadya yung kahapon. Malungkot na tugon ni Daniel kay Koutaro. Tinignan ni Koutaro si Daniel mula ulo hanggang paa at may galit parin sa kanyang mukha. Nagtangkang umalis si Koutaro pero pinigil siya ni Daniel. Kayo ang pinaka bestfriends ko ni Caleb. Huwag naman kayong ganyan sakin. Malungkot na tugon ni Daniel kay Koutaro.

Umalis ka na'' mahina pero malamig ang tugon ni Koutaro kay Daniel.

Ang kawawang Daniel ay umalis na lamang at pinabayaan si Koutaro. Naramdaman din ni Daniel na tumulo ang luha niya sa kanyang kabilang mata.

Habang naglalakad si Caleb papunta sa kanilang susunod na klase ay may napansin siyang mali.

Pagkaramdam niya ng malamig na simoy ng hangin ay tila nagulantang siya sa nangyari. Lahat ng mga tao at mga bagay sa paligid niya ay huminto. Nawala rin ang mga mga tunog at kulay ng paligid. Tila huminto ang mundo. Ang mga nagbabasketball sa paligid ay humintong para istatwa at ang bola ay huminto lang sa ere at hindi na bumagsak sa sahig. Pagkatapos ay naka amoy na naman siya ng isang umaalingasaw na amoy sa kanyang paligid. Katulad na katulad ng naunang amoy na kanyang naamoy.

Katulad ng bagay na nasilayan ni Koutaro sa chapel ay nasilayan din niya ang itim na pigurang may sungay at may itim na pakpak. Humugot ito ng malaking patalim sa kanyang bewang at isa – isang pinag hahambalos ang lahat ng mga taong nasa paligid niya. Ang mga taong nag mistulang istatwa ay mabilisan niyang pinagtataga at pinag puputol ang mga katawan. Dumanak ang sariwang dugo sa sahig ng kanilang quadrangle.

Napansin ni Caleb ay papunta ang itim na pigura sa kanya habang pinagtataga ang mga tao sa kanyang paligid. Habang ginagawa iyon ay walang hinto sa kakatawa ang itim na pigura. Sa sobrang pagkatakot ni Caleb ay nagtatakbo siya sa buong campus pagkatapos niyang masilayan ang bangungot na kanyang nakikita. Kitang kita niya kung paano tabasin na parang mga talahib ang mga tao. Sa sobrang talim ng macheteng gamit ng itim na pigura ay walang pagod nitong napagbabali ang mga katawan sa isang iglap lamang.

Sa building na inakyatan ni Koutaro.

''Kain ka muna Koutaro bago ka umakyat sa taas! Wika ng isang lalaki sa kabilang section ng kanyang kurso at nasa 3rd year narin. Sayo na iyan lahat. Sabat ng isang kaklase niyang babae. Tapos narin kase ang presentation namin at naka pag uwi narin lahat. Dagdag pa nito.

Napakaraming pagkaing ihinanda sa loob ng classroom. Nariyan ang Donuts, California Maki, Chinese Spaghetti, Pansit, limang karton ng Pizza at Buko Pie, Salad, Palabok, Ice Cream, Kanin mga softrdrinks at ang pinaka paborito niyang Lechon Manok at Fried Chicken. Naalala niya kase lagi ang mga magaganda at seksi na mga babae lalo na si Stella pag kumakain siya nito. Alam ni Koutaro na kakailanganin niya ang sobrang lakas mamaya sa suntukan nila ni Caleb kaya wala siyang sinayang na oras. Kinalimutan muna niya ang kanyang pag gygym at naupo sa harapan ng maraming pagkain tsaka sinimulan ang paglamon.

Kain ng kain si Koutaro. Walang pakundangan ang paglagok niya ng softrinks at ang pag lamon sa mga masasarap na putahe sa kanyang harapan. Kung titignan ay parang hindi siya kumain ng dalawang araw.

''Pare, Ok ka lang ba? ''Hinay, hinay lang. wika sa kanya ng taga kabilang section. Busog pa naman si Koutaro pero napakalakas ng kanyag kumain. Parang may mga boses na bumubulong sa kanya para kumain pa ng kumain. Tinginan ang mga taga kabilang section kung paano kumain si Koutaro. May mga kasabayan paring kumain si Koutaro sa loob ng classroom pero hindi sila parang si Koutaro kumain. Enjoy na enjoy ang binata sa pagkain ng mga putahe at hindi alintana na pinagtitinginan siya ng mga tao.

''Gutom na gutom si Koutaro. Ngiting wika ng isang babae.

''Parang hindi pa siya kumain ah. Nilapitan siya ng tumatakbong president ng student council sa kanilang kurso. ''Kaya mo pa ba Koutaro? Parang hindi ka kumain ah ok ka lang ba? tanong niya sa binata. Sabay –sabay nginunguya ni Koutaro ang Pansit, California Macki, Pizza at Buko Pie sa kanyang bibig. ''Ok lang ako pres. Salamat. Wika ni Koutaro. Sa sobrang daming nakain ni Koutaro ay pakiramdam niya ay lumaki ng bahagya ang kanyang tiyan at busog na busog.

Pagka akyat ni Koutaro sa kanilang 4: 30 pm class ay nakita niyang umupo si Daniel sa harap ng desk tapos si Stella sa may pinakaharap ng clasroon pero nagtataka lang siya dahil sila palang ang nandoon. Late na siya at alam niyang may quiz pa sila ngayon. Pero hindi na niya alintana iyon. Nilapitan lang niya si Stella at tinabihan. Naka harap ang ulo niya sa bandang kanan kaya hindi makita ni Koutaro ang mukha ng dalaga.

Walang sinayang na pagkakataon ang binata.

''Hi, Baby! Pagpapacute na lambing ni Koutaro nang pasimpleng hinawakan ang mga kamay ng dalaga. Halos matumba sa kina uupuan si Koutaro nang humarap ang dalaga sa kanya. May hawak pala itong kutsilyo at dirediretsong pinagsasaksak si Koutaro. Natamaan siya sa balikat at dibdib.

Napahiyaw ang binata at uindang sakit. Lumabas ang sariwang dugo sa katawan ng binate matapos ang pangayayring iyon. Nasilayan niya ang nakakatakot na mukha ni Stella. Napakalaki ng bibig nito at punong puno ng matatalas at malalaking ngipin. Nakangiti ito at umabot pa iyon sa kanyang tenga. Galit na galit ang mga mata nito pero makikita sa kanyang mga mata ang kagustuhang makapanakit ng isang nilalang. Nagsimulang tumigas ang mahaba niyang buhok na parang mga karayom katutulis. Bigla siyang tumayo sa upuan at itinutok ang kutsilyo kay Koutaro.

''Tulong, Tulong, Tulungan mo ako Daniel! Hiyaw ng takot na takot Koutaro. Habang pinipilit niyang bumangon mula sa pagkakatumba sa upuan. Subalit humarap ang nakatalikod na Daniel sa kanya at tumambad ang napakapangit at nakakatakot na itsura ng ibang tao. Hindi si Daniel iyon kundi ibang tao. May dila itong parang ahas at nanlilisik ang mga mata nito. May hawak itong malaking pamalo na puno ng mga tusok.

Kahit nanginginig na si Koutaro sa takot ay pinilit parin niyang makabangon at dali daling gumapang papalabas ng classroom pero bago pa man siya makalabas ay sabay na sumarado ang mga pinto.

Sa isang iglap ay biglang tumakbo si Daniel sa kanya at pinaghahambalos ang pamalong puno ng tusok kay Koutaro. Ihinampas at ibinagsak niya iyon sa ulo, katawan, hita at iba pang katawan ng binata. Paulit – ulit niya itong ginawa habang walang awa nitong pinapatay si Koutaro. Humahalakhak pa ito sa kanyang napaka pangit na tinig. Kahit anong gawing pag mamaka awa ni Koutaro ay hindi siya pinakikinggan nito. Nagkikisay ang kawawang Koutaro sa sahig habang naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Nang huminto si Daniel sa kanyang ginawa ay unti unting lumapit si Stella at humakbang patungo sa mukha ng binata. Tumawa ito nang nakakaloko saka inumpisahang ihian ang mukha ni Koutaro. Pagkatapos ay sa kanyang malademonyong mukha ay bigla nalang lumabas ang kung anong berdeng basa at tumama lahat iyon sa pagumukha ni Koutaro.

''Tulong!'' Bulyaw ng takot na takot na Caleb habang dinadaanan ang mga nanigas na mga tao sa kanyang paligid pero kahit anong gawin niyang paggigsing saka kanila ay hindi sila gumagalaw o nagigising man lamang.

Nang biglang lumundag ng pagkataas taas ang itim na pigura ay sabay niyang dinaanan ng kanyang higanteng patalim ang mga braso ni Caleb. Sumabog lang naman ang kanyang dalawang braso at bumulwak ang masaganang dugo sa kanyang mga braso.

Nagising si Caleb at Koutaro sa loob ng isang pulang kwarto. Wala silang makitang bagay kundi kulay pula lamang at mga itim na kagamitan. Lahat ng makita nila ay itim lamang at pula. Hindi nila matukoy tukoy kung ano ang mga iyon dahil nanlalabo ang kanilang mga mata dahil sa matinding kapaguran. Tumutulo parin ang dugo sa mga putol na braso ni Caleb at nalapnos naman ang mukha ni Koutaro dahil sa mala asidong likido na nanggaling sa katawan ng halimaw na nag anyong si Stella. Nagtinginan ang dalawa na takot na takot. Balisa at iniinda ang sakit na dulot ng mga hindi maintindihang pangyayari.

Nagtinginan sila sa isa't isa.

''Caleb ano bang nangyayari?'' nanginginig na tanong ni Koutaro.

''Hindi ko rin alam Koutaro'' pahingal at pabulong na sagot naman ni Caleb. Biglang kumunot ang noo ni Koutaro kay Caleb ay nag wika. ''Ikaw ang may kasalanan nito eh!''

'' Anong ako?'' mariing tanggi ni Koutaro.

Napatalon sa gulat si Koutaro nang marinig niya ang halakhak na mula sa kanyang bulsa. Isang napakapangit at nakakatakot na halakhak. Sa kung anong dahilan ay bigla niyang dinukot ang rosaryo sa kanyang bulsa at hinagis ito sa malayo. Sa kanyang pinaghagisan ay bumuo ang rosaryo ng isang anino. Isang napakalaking aninong kahugis ng isang demonyo. Biglang luminaw ang dalawang balangkas na nakasabit sa pader at ipinakita lahat ng mga kamanyakan ng magkakaibigan kay Stella. Pati na lahat ng mga pagkakasalang kanilang ginawa sa kanilang buhay. Kahit na ang silid lamang ay kulay pulat itim ay malinaw parin na napapanuod ng dalawa ang nasa balangkas. Duon na napagtanto ni Koutaro na napakarami na palang mabibigat na kasalanan ang kanyang ginawa sa loob pa lamang ng isang araw. Habang pinagmamasadan niya ang nakapangingilabot at kakonsekonsensiyang mga kasalanan na kanyang ginawa ay napaluhod siya bigla at natulala sa takot.

Hindi rin makapaniwala ang naputulang si Caleb sa mga nakikita. Subalit higit na mas lumala pa ang kanilang naramdaman nang biglang labasan ng mga bulate at ipis ang bibig pati ang mga putol na braso ni Caleb. Halos mabaliw baliw siya sa takot at pagkabigla. Pilit niyang inaalis at pinapampag ang mga insekto sa kanyang katawan subalti mas lalo lamang silang dumadami sa tuwing gumagalaw siya ng mabilis. Napanganga naman si Koutaro sa kanyang nakikita habang patuloy na inuubos ng mga insekto ang kabuuan ni Caleb. Nais man niyang tulungan ang kaibigan ay hindi niya magawa dahil magkahalong pandidiri at pagkatakot ang kanyang naramdaman.

Akala niya ay si Caleb lamang subalit laking gulat niya ng biglang may dumakma sa kanyang pundya at hinatak ang kanyang ari. Nanggaling ang kamay sa sahig. Sinubukan mang tumakas ni Koutaro subalit hindi niya magawa. Bigla na lamang nawasak ang sahig at dumeretso si Koutaro sa isang butas na punong puno ng mga alupinan. Sinimulan namang konsumuhin ng mga gutom na gutom na alupihan si Koutaro. Humiyaw si Koutaro sa sobrang sakit at sa sobrang pagkabigla nito ay wala ng lumabas pang boses mula sa kanya.

Pari: ''Ano pa ang iyong mga kasalanan?

Daniel: ''Pinagnanasahan ko po si Stella Father dahil gustong gusto ko po siyang maging akin. Pero alam ko naman pong mas gusto niya si Koutaro at Caleb dahil mayaman at mas may dating ang mga kaibigan ko kaysa sakin.''

Pari: Anak, hindi mahalaga kung mayaman tayo o mahirap sa mata ng ating Panginoon. Sa kanyang mata ay pantay pantay tayo lahat at handang magpatawad sa lahat ng mga taong nais magbalik sa kanya. Daniel anak, ipagpatuloy mo lang sana lahat ng iyong mga magagandang hangarin sa buhay lalo na ang iyong pagmamahal at matinding pagbibigay ng iyong sarili sa ating Panginoon at makikita mo. Ibibigay sayo ng Diyos ang nararapat na babaeng mamahalin ka rin ng tunay. Kaya marahil ipinadala rito ay upang magbalik loob sa ating Diyos at gamitin kang instrument upang iligtas hindi lamang ikaw kung hindi pati na ang mga kaibigan mong naliligaw sa landas ng ating ama. Sa iyong pagbabalik sa Diyos inalis niya lahat ng mga dumi na nagbabahid ng pagkakasala sa iyong sarili at buong loob na pinapatawad sa lahat ng iyong kasalanan sa ngalan ama at ng anak at ng espirito santo Amen.

Taimtim na nanalangin si Daniel sa kapilya ng pamantasan at matapos mangumpisal sa pari ay lumuhod ito sa luhuran.

''Panginoong Diyos, Patawarin niyo po sana ako sa lahat ng aking pagkakasala. Tao lang po ako at alam ko pong malaki ang pagkukulang ko sa inyo. Kaya humihingi po ako ng tawad sa lahat ng mga pagkakasalang ginawa ko sa inyo. Patawarin niyo rin po sana si Caleb at Koutaro sa kanilang mga gawain. Kaibigan ko po sila at ayaw ko po na magalit po kayo sa kanila kaya sana po ay iligtas niyo kaming lahat sa kapahamakan ng Demonyo. Amen''.

Sa kung anong kadahilanan ay bigla siya napatingin sa rosaryong hawak ng isang matandang nagdaan sa kanyang harap at bigla siya napatayo. Tumakbo sa abandonadong silid sa likod ng simbahan at pakabukas ng pinto ay duon niya natagpuan ang nagaganap sa kanyang mga kaibigan. Bigla nalang niyang hinablot ang suot niyang rosaryo at ihinagis sa kanyang mga kaibigan. Matapos nun ay nakarinig siya ng isang nakakatakot na hiyaw na para bang boses ng pagkagimbal.

Nawala na ang itim at pulang silid maging ang mga insekto sa katawan ni Caleb at mga alupihang kinalunuran ni Koutaro. Bumalik narin ang mga braso ni Caleb. Para bang walang nangyari sa loob ng silid kahit pa naghihikahos na ang dalawa sa parusa ng demonyo. Naiyak na lamang si Daniel ng makita niya ang kalunos lunos na sinapit ng kanyang mga kaibigan. Agad niya silang nilapitan at niyakap ng mahigpit. Napatingin siya sa isang imahe ng cruxificion at duon marahan niyang binuhat ang dalawa niyang kaibigan at inilagay ang kamay nilang tatlo sa mga nakapakong paa ng Panginoon. Tumingin si Daniel sa kaawa awang mukha ng Panginoon at nagpasalamat. Umiyak naman at humingi ng tawad ang magkaibigan kay Daniel. Nangako silang mas magiging malapit na sila sa Diyos at mas magiging maayos na sila kay Daniel.

Nang araw din iyon ay dinala niya agad ang nakita niyang kakaibang rosaryo sa pari sa kapilya ng Pamantasan at sinunog iyon sa labas ng Kapilya. Si Caleb man at si Koutaro ay nasaksihan din ang pagbabasbas ng holy water sa rosaryo bago ito sunugin.

Habang nausunog ang rosaryo ay napatingin muli ang mga binata sa isang pamilyar na mukhang sigurado silang nakita na nila.

''Ok ka sa club ko. wika niya nang masilayan niya ang isang lalaki na nagbabasa ng pornong magasin sa gilid ng kapilya.

Note: Kapag napa sayo ang rosaryo ay mapapansin mo ang mga hindi magagandang pangitain sa iyong paligid. Kasama na ang mga masasamang ilusyon ng demonyo. Ngunit maglalaro na ang sumpa sa taong nag mamayari nito kapag sinubukan niyang humiling sa rosaryo at dinasal ito. Mabuti na lamang at hindi nakumpleto ni Koutaro at Caleb ang walong nakamamatay na kasalanan dahil kung magpasagayon ay kahit pa dumating si Daniel para tulungan sila ay hindi na sila makakaligtas. Mapipiit na sila sa Impyerno habambuhay.

Anong kasalan ang hindi nila nagawa?

Citation: Soho, Jessica. ( 2017, September 11). Kapuso Mo, Jessica Soho: Rosaryo ng Demonyo?

Retrieved From https://www.youtube.com/watch?v=hQWp0cbewEo