Nawasak na kase ang tulay dito. Mukhang mahihirapan na tayong makadaan kapag tatawid pa tayo sa ilog.
''Pero kuya paano? Baka mahabol tayo ng mga Hapon. Kailangan na nating maka alis dito sa Lihulan kung hindi ay...
Biglang natigilan si Dorotheo nang masilayan niya ang naka barong na matanda sa di kalayuan mula sa kanilang likuran. Nabahiran ng dugo ang buong katawan pati na ang malaking bitak nito sa ulo na may umaagos ding dugo. Ngumanga ito at naglabasan ang dugo.
T..t....t... tayo na''! pautal utal na wika ni Mario ng makita ang matandang natitiyak alam niyang mapanganib. Dala ang bayong at kumot na nakabalabal sa likod ni Dorotheo ay mabilis nilang nilisan ang madilim at masukal na kagubatan.
Agad namang sumunod ang halimaw. Naglakad lamang ito patungo sa kanila subalit para itong tumatakbo sa bilis ng kanyang paglalakad. Nagulantang ang magkapatid nang matanaw nila ang isang malalim na bangin na dahilan ng kanilang paghinto. Nadulas si Mario subalit agad rin namang umalisto si Dorotheo kaya't nahatak niya ang nakakabatang kapatid niya para hindi siya matuluyang mahulog. Lumiko ng daan ang magkapatid. Hindi agad nakasunod ang halimaw. Dahan dahan itong lumiko saka nito sila hinabol. Napuna ito ni Mario nang mabilisan siyang lumingon upang tignan ang halimaw. Sa sobrang inis at galit ng halimaw ay napansin ni Dorotheo na lumitaw ang mga matatalas at malalaking ngipin sa bibig ng halimaw.
Sa sobrang taranta ay nag iba ng daanan ang dalawang magkapatid upang maiwasan ang humahabol sa kanila. ''Lumiko - liko tayo ng daan!'' Wika ni Mario sa kanyang kuya.
''Bakit?'' tanong sa kanya ng kanyang kuya
''Basta sumunod ka nalang! Mariing wika ni Mario nang mag simula itong magpaliko liko ng daan. Agad din namang sumunod ang halimaw subalit hindi na niya siya nahabol pa. Pagkalipas pa ng ilang ulit na pagpapalit ng direksiyon sa pagtakbo at kasabay din ng matulin nilang pagtakas mula sa halimaw ay hindi na sila nahabol pa ng halimaw. Nadaanan na nila ang mala higanteng kakahuyan at napaka sukal at madamong bahagi ng gubat.
Sa di kalayuan ay nadatnan nila ang isang kubo na may ilaw ng gasera sa loob.
Agad na sumaklolo ang magkapatid. Tinawid nila ang matatayog na damuhan pagkatapos ay kumatok sa pinto.
Nauna si Dorotheo
Tao po, Pahingi po kami ng tulong!'' Malakas na pagkakalampag ni Dorotheo sa pintong yari sa matigas na kahoy. Sumunod naman si Mario. Tulong, tulong po! Hiyaw niya. Noong una ay walang sumasagot sa mga kalampag at ingay ng magkapatid sa labas pero makalipas pa ang ilang segundo ay biglang bumukas nang marahan ang pinto.
Isang matandang lalaki ang humarap sa kanila. Nakasuot ito ng Camesa at kulay indigo na pantalon. May pagkakuba na ito at may baston.
Kumunot ang noo nito at nanlaki ang mga mata nang masilayan ang magkapatid. Lumayas kayo rito'' Hindi ito ang lugar para sa mga batang katulad niyo! Galit na tugon ng matanda. Akma pa sanang hahampasin ng matanda si Mario nang bigla siyang pigilan ni Dorotheo. ''Paumanhin po lolo hindi naman po naming kayo sinasadyang gambalain''. Wala po kase kaming mapuntahang iba lalo na't giyera parin po hanggang ngayon.'' Paliwanag ni Dorotheo sa matanda.
''Hindi ko suliranin iyon, Lumayas kayo kung ayaw niyong.....
Hindi na siya pinatapos ni Mario at nagkaroon ng lakas ng loo bang bata upang sumabat. ''May halimaw po kaseng humahabol sa amin kaya't parang awa niyo na patuluyin niyo na po kami kahit panandalian lamang. Pagmamakaawang sabi ni Mario sa matanda. Nang marinig ng matanda ang mga katagang sinabi ng bata ay biglang nagbago ang matanda. Naging mabuti ito at bumaba ang tono ng boses.
Ahhhhh'' B... Bakit hindi niyo agad sinabi? Wika ng matanda habang nakangisi.
Tuloy, tuloy!'' Dagdag pa niya at tuluyan na ngang nagbago ang kanyang kilos. Takang taka naman ang magkapatid sa mabilis na pagpapalit ng ugali ng matanda pero dahil sa takot na mahabol sila ng mga masasamang elemento ay pumasok narin sila lalo na't dala – dalawa na ang mga humahabol sa kanila. Ang weirdong matanda at ang mga hukbo ng mga Hapon.
Madaming halamang gamot ang nakasabit sa haligi ng kubo ng matanda. Mayroon ding mga garapong puno ng mga bagay na hindi maintindihan. May nakalatag na banig na nabahiran ng dugo, Napalilibutan din ito ng mga kandila at apat na babaeng naka suot ng itim na belo sa kanilang ulo.
Tuloy kayo.'' Mahinang tugon ng matanda. Nakatingin lamang ang mga babae samin subalit hindi man lang umiimik kahit pa ngiti ay wala. Tumingin si Mario sa kakaibang itsura ng pamamahay. Sumimangot ang bata at nagulantang sa masangsang na amoy.
''Sandali lamang at maghahanda ako ng makakain niyo.'' Wika ng matanda sa magkapatid. ''Sundan niyo ako.'' Dagdag pa niya habang naglalakad papunta sa kusina at hinihimas himas ang
Sumasakit na likuran tanda ng pagkakaroon ng Rheuma. Napahakbang si Mario ng konti subalit pinigilan siya ng kanyang kuya Dorotheo. Hinawakan nito ang kamay ni Mario at sumenyas na huwag sumunod sa matanda. Walang mangyayari.'' Mahinang tugon ni Mario sa kanyang kuya. Nanatili lamang nakatingin sa amin ang apat na babaeng may belong itim. Nakatingin na para bang may ibig sabihin.
''Hindi po ba kayo natatakot sa mga Hapon?'' tanong ni Dorotheo.
''Malalim na ang kagubatang ito, Kahit nga mga hapon at mga guerilla ay hindi umaabot sa lugar na ito. Nasa pusod na yata ito ng kagubatan alam mo ba? ''Pusod anak, pusod.'' Paliwanag ng matanda kay Dorotheo habang sinusukat ang salitang pusod na parang sumusukat ng isang dangkal gamit ang daliri.
''Haaay, Dapat ay matapos na ang giyerang ito. ''Giyera, giyera''. ''Maniwala kayo na ako ay makakakain narin ako ng masarap matapos ang giyerang ito.
''Ano pong pagkain?'' Tanong ng nagugutom na si Mario. ''Mario!'' sita sa kanya ng kanyang kuya. Mula nang pumasok ang magkapatid sa kubo ng matanda ay hindi na naalis ang masangsang na amoy na kanilang nilalanghap kanina pa.
''Tinatanong mo ba iho kung anong pagkain?'' tugon sa kanila ng matanda habang nakatalikod at may hinahalo. Biglang humarap ang matanda at nagwika.
''Kayo''. ''Kayong dalawa'' tugon niya.
Kumunot ang noo ni Dorotheo nang marinig ang mga katagang iyon. Ni- hindi rin makapaniwala si Mario sa mga nadinig niya.
Tumawa lang ng malakas ang matanda. Nanlaki ang mga mata nito na para bang nasisiraan na ng bait. Nakalabas pa ang dila ng matanda habang humahalakhak ito ng pagkalakas – lakas.
''Hapunan na!'' Masigasig niyang sabi.
Biglang bumalibag ang pinto ng kubo at duon nagpakita ang weirdong matanda na tinatakbuhan ng magkapatid. Halos matumba ang dalawa sa nang masilayan nila ang matandang humahabol sa kanila. Magkahalong sindak at gulat ang naramdaman ng dalawa.
Nang masilayan ng matanda ang dalawang magkapatid agad itong sumugod sa kanila sa kusina. Palibhasa diretso lamang naman ang pinto mula sa kusina kaya't mabilis na nakapaglakad ito ng tuwid papunta sa kusina. Sa pagkalito ay bigla nalamang hinablot ni Dorotheo ang isang baso ng tubig at isinaboy sa mukha ng papalapit na matanda. Parang natumba ang matanda sa takot sa tubig.
Anong ginawa niyo sa kanya! Hiyaw ng galit na galit na kubang matanda nang makita ang ginawa ni Dorotheo. Mabilisan niyang hinablot ang isang tenegre sa isang hapag at tinaga si Dorotheo subalit mabilis itong naka iwas at tinadyakan ang matanda sa tiyan. Agad namang nagdatingan ang mga babae sa labas ng kusina upang tingnan kung ano ang nangyayari. Biglang pumanget ang mga itsura nito at nagkaroon ng mga pangil at mahahabang dila. Kumulubot ang buong mukha nito at sinunggaban kami para lapain.
Mabilis na nakaisip si Dorotheo ng gagawin. Agad niyang hinablot ang bayong na hawak ni Mario at mabilis na dumukot ng asin sa loob ng bayong at isinaboy sa mukha ng mga babae. Nang makabangon ang matandang kuba ay tinaga ulit niya si Dorotheo pero nasipa ng sobrang lakas ng binata ang matanda. Itinulak naman ni Mario ang hapag at mabilisang nabunggo ang halimaw na matanda kasama pa ang mga babae. Biglang humaba ang dila ng isang babae at tumama sa braso ni Mario. Nasugatan ito dahil sa talas ng dila ng babae. Tatagain pa sana ni Dorotheo ang dila ng isang babae subalit sinunggaban siya ng isang pang babae at sinakal gamit ang mahabi rin nitong dila. Hinigpitang mabuti ng babae ang kanyang pagsakal kay Dorotheo hanggang sa mabulunan ang binata.
Inagaw naman ni Mario ang tenegre sa kamay ni Dorotheo subalit naagaw din ito ng matandang kuba at tinaga si Dorotheo sa braso. Sinabayan pa nito ng isang malakas at sadistang tawa habang tinataga si Dorotheo.
Sinamantala na ni Mario ang pagkakataon at dumakot muling siya ng maraming asin galing sa bayong at tuluyan na ngang isinaboy sa mukha ng mga Aswang na sumusugod sa kanila. Hindi natinag ang mga Aswang sa pagsakal kay Dorotheo. Itinuloy pa nila ang pagpisil sa leeg ng binata hanggang sa hindi na ito makapag salita pa. Isinunod din nila si Mario na akala ay matitinag niya ang mga Aswang sa pagsasaboy na kanyang ginawa. Itatarak na sana ng matandang kuba ang patalim na hawak niya sa puso kay Dorotheo nang biglang mapahinto ang babaeng tiktik sa kanyang ginagawang pagsakal kay Dorotheo. Biglang kumawala ang mahabang dila nito sa leeg ng lalaki. Iyon ay dahil sa tansong krus na suot suot ni Dorotheo. Napatigil din ang matanda.
Napaso pala ng krus ang dila niya. Aksidente namang natabig ni Mario ang lampara sa hapag at bumagsak ito sa katawan ng Amalanhig. Habang nagkakagulo ang mga Aswang ay dali dali ng nagtatatakbo ang magkapatid palayo sa nasusunog na Amalanhig. Tinangka pang habulin ng ibang Aswang ang magkapatid subalit hindi na nila nagawa. Mabilis ang mga pangyayari.
Pagkahakbang at pagkahakbang ng magkapatid papalabas ng kusina ay naharangan na ng lumalaglab na apoy ang pagitan ng mag anak na Aswang at distansiya nila Mario. Hanggang sa labas ng bahay ay tuloy tuloy ang pagtakbo ng magkapatid. Dala dala ang Tampipi at Bayong na puno ng kanilang sandata. Hindi man lang nila nilingon kahit konti ang natutupok na tahanan ng mga halimaw. Patuloy lamang ang kanilang pagtakbo sa madilim at masukal na kagubatan. Mas lalo pa nilang binilisan ang kanilang takbo nang marinig nila ang kagamba- gambalang hiyaw sa kanilang pinanggalingan. Parang boses ng kinakatay, umiiyak at dumadaing.
''Subang, Natatakot ako!'' nanginginig na wika ni Mario nang biglang mapahinto sa kakatakbo.
Agad namang niyakap ng kanyang kuya Dorotheo ang nakababatang kapatid at inilipat ang kwintas na krus sa leeg ni Mario.
''Huwag ka nang matakot'' Nakangiting wika ng kanyang kapatid. Magiging maayos ang lahat magtiwala ka lang.'' Kinuskos ng marahan ni Dorotheo ang ulo ng kanyang kapatid kahit kumikirot ang braso nito sanhi ng panananaksak. Masakit parin at namumula ang leeg niya dahil sa matinding pagkasakal pero hindi niya iyon ininda. Mas mahalagang makatakas na sila sa napakapanget na lugar na iyon at hanapin ang dulo. Halos magyakapan ang magkapatid nang nang makarinig sila ng kakaibang tawa.
Isang nakakatakot at napakapangit na tawa. Parang tawa ng isang baliw. Isang baliw na nilalang na tila nasisiyahan sa kanyang nasisilayan.
Nang tumingin ng bahagya ang magkapatid. Nasilayan nilang naka sunod ang matanda sa kanila. Ang matandang nagpapasok sa kanila sa bahay. Hindi alam ng magkapatid kung papaano nakaligtas ang matanda sa natutupok na apoy ng bahay. Bahagya ng nasunog ang katawan ng matanda.
Nakaharap ito ngayon ilang dipa lamang ang layo sa magkapatid. Naka baluktot ang mga tuhod nito habang nakaharap sa kanila. Namumula pa ang mga mata nito at naka ngiti pa ng husto. Ni hindi man lang iniinda ang mga paso sa katawan.
''S... Subang!'' pagtawag ni Mario sa kanyang kuya ng may mapansing kakaiba sa matanda.
May kung anong lumalabas sa bibig ng matanda. Isang kulay kayumangging laman ang pilit na lumalabas sa bibig ng matanda. Pilit at pwesahang lumalabas ang laman sa bibig ng matanda hanggang sa nawasak na ang buong bibig at ulo ng matanda. Isang nilalang na kulay kayumangging ang nagpupumilit na lumabas sa bibig niya hanggang sa tuluyan na nga itong makalabas sa buong katawan ng lalaki. Parang isang baro na lamang ang katawan ng matandang nagka gutay gutay sa lupa. Naglabasan ang iba't ibang tubig – tubig sa katawan ng matanda at ang masaganang dugong pumuputok-putok pa sa laman ng naluluray – luray na matanda. Hanggang sa tuluyan na nga itong nalusaw sa lupa.
Bumulaga sa magkapatid ang kung anong bilog na kayumangging nilalang na may mahahabang galamay na parang sa ahas. May kaliskis ang nilalang na ito at may malalaki at matatalas na ngipin. Iginigalaw galaw ng halimaw ang kanyang mga galamay. Biglang tumirik ang mga mata nito at sinugod si Dorotheo. Mabuti nalamang at nakailag siya at tumama ang gagamba sa malaking tipak ng bato. Sa kung anong kadahilanan ay bigla nalang nakarinig ng putok kung saan. Isang taong nakapanamit ng pangsundalo ang biglang humarap kila Dorotheo galing sa isang matabang puno. May dala itong malaking baril. Galit na galit ang mukha nito at akmang papaputukan ang magkapatid.
''Hapon''! biglang nasambit ni Dorotheo.
Subalit bago pa man nito maitutok ang baril sa magkapatid ay bigla itong sinunggaban ng malaking gagamba at nagpumilit na pumasok sa bibig nito hanggang sa tuluyan ng malunok ng walang kaalam alam na Hapon ang nakakadiring bagay na pumasok sa kanyang bibig. Matapos nito'y nabitawan ng Hapon ang baril nito at napahiyaw. Biglang tumalsik ang dalawang mata nito sa lupa.
Subang''! hiyaw ni Mario nang may mapansing kakaiba. Biglang lumobo ang leeg nito hanggang umabot ito sa ulo pagkatapos ay biglang nanginig ang ulo ng sundalo hanggang sa sumabog ito. Sa sobrang lakas ng pagsabog ay nagkapirapiraso pa ang laman, dugo pati ang dugo sa paligid. Tumalansik din ang sariwang dugo galing sa ulo ng sundalo. Nasilayan ng magkapatid ang gumagalaw –galaw na gagamba sa leeg ng kanyang biktima. Naglalaro – laro ito.
Gwaaaark! Nasuka si Mario ng bahagya.
Dinukot narin siya sa kamay ni Dorotheo ng malaman niyang sila nang muli ang pupunteryahin ng halimaw. Sinunggaban sila ng gagamba. Kumaripas naman ng takbo ang magkapatid. Tuloy tuloy lamang silang tumatakbo sa kalagitnaan ng kagubatan.
Hindi na alintana sa kanilang madiim ang gubat na tinatakbuhan nila. Mas mahalaga na talagang makatakas na sila sa kagubatang kanilang kinasadlakan. Para bang mas nagiging mapanganib pa ang lugar na dinadaanan nila. Para ba itong buhay at alam kung ano ang nararapat na gawing panganib sa kanila.
''Mario''! Sigaw ni Dorotheo nang mahulog ang dalawa sa isang bangin. Bumagsak sila sa isang sementeryo sa gagubatan. May mga nitso, krus at mga lapida silang nakita. May imahe din ng mga santo at mga anghel ang makikita roon. Napabayaan na ang sementeryong iyon kaya't nagkalat na ang mga halaman at mga kalatkat sa paligid. Makapal parin ang mga puno sa paligid.Hindi naman ganoon kalalim ang kanilang kinabagsakang bangin subalit nakasunod sa kanila ang gagamba. Biglang nag iba ang timpla ni Dorotheo. Nakakita ito ng isang malapad na pamalong kahoy sa ibaba at galit na galit nitong sinugod ang gagamba.
Maliksi ang gagamba kaya't hindi ito nahambaan ng pamalo. Nagpatakbo takbo ito sa paligid ng masukal na sementeryo. Sumingit sa mga nitso at humukay sa lupa. Hindi sinayang ni Dorotheo ang pagkakataon. Agad niyang pinuntahan ang nitsong agad pinagtaguan ng gagamba at pinagpapalo ito. Hindi naman gaanong nagpatinag ang gagamba sa ginawa ni Dorotheo dahil hindi rin naman ito gaanong napupuruhan sa ginagawa ni Dorotheo. Parang goma ang katawan ng gagamba.
''Tulungan mo ako kuya! Biglang bulyaw ni Mario. Napalingon si Dorotheo sa kinalulugaran ng kayang kapatid. Pumutipot na pala ang mga galamay ng gagamba sa leeg ng bata at akmang papasok narin sana ang katawan ng halimaw sa bibig niya.
Mabilis palang nag palit ng balat ang gagamba saka sinugod ng palihim si Mario. Mabuti na lamang at mabilis na sinunggaban ni Dorotheo ang leeg ni Mario na pinuputiputan ng mga galamay ng gagamba saka nito tinusok ang matalim na dulo ng kahoy sa katawan nito sanhi ng pagkamatay nito. Nagtalsikan ang violetang dugo nito sa paligid maging sa kamiseta ng magkapatid.
Kumalas sa pagkakasakal ng leeg ang gagamba saka ito bumagsak sa lupa. Umiiyak namang yumakap si Mario sa kanyang kuya habang pinapatahan siya ni Dorotheo.
Nang makapag pahinga ng kaunti ang dalawa ay ipinagpatuloy nila ang pag alis sa sementaryo. Hindi na nila malaman laman kung ano ang susunod na mangyayari sa kanila kaya't binilisan na lamang nila ang pagtakas mula sa kagubatan.
Makalipas pa ang ilang minutong paglalakad ng mabilis ay bigla silang nakarinig ng isang maingay na tunog. Tunog ito ng kumakain. Maingay at tila gutom na gutom ang kumakain. Malakas ang bawat ngasab at nguya na maririnig dito.
Huwag kang maingay Mario'' bulong ni Dorotheo sa kapatid. Pinisil nito ang braso ng nakababatang kapatid. Lumapit ngayon si Dorotheo sa pinanggagalingan ng tunog malapit sa matatayog na palumpungan. Halos mawalan ng boses si Dorotheo nang bumulaga sa kanya ang isang nilalang na nakasuot ng Kamisa at kinakain ang mga laman loob ng isa pang nilala na nakabalot sa banig. Warak ang buong harap nito at mukhang kamamatay lang o isang bangkay na ang nilalang. Sariwa pa ang dugo nito at habang sinisibasib ng lalaking nakasuot ng Kamisa ang pinaghalong atay at bituka. Nakatalikod ang lalaki habang pinagmamasdan ni Dorotheo kaya't hindi pa nito masilayan ang mukha.
Ni hindi narin nito nagustuhan ang kanyang nakita kaya't kahit takot na takot ay dahan dahan itong bumalik kay Mario at binulungang mag iba na ng daan at umalis na sa lugar na iyon. Hindi siya interesadong masilayan ang mukha ng kumakain na nilalang. ''Umalis na tayo rito. Bilisan natin.'' Takot na takot na wika ni Dorotheo. Hindi na nag aksaya ng panahon ang magkapatid. Alam rin ni Mario na may kasunod na namang panganib ang maaring mangyari kaya't hindi sila nag aksaya ng ano mang panahon. Biilisan na nila ang paglisan. Sa kanilang paglisan ay biglang naka apak ng tangkay si Mario.
Crak!''
Narinig nilang may isang napakapangit na huni ang nanggaling roon. Hindi naman ungol o isang nakakatakot na tunog pero isang huning parang sa baliw. Halos mapatakbo ang dalawa nang masilayan nila ang gumalaw galaw na pigurang papunta sa kanila na galing sa palumpungan. Napakapangit na nilalang ang kanilang nakita. Ang mukha nito ay may nakaluwang mata at sarat na ilong. Ang bibig nito ay nakangiti pa na umabot pa hanggang sa tenga nito. Nakangisi ito habang nakikita ang mahahaba at matatalas na ngipin nito. Mahaba ang buhok nito. May matatalas rin itong kuko at mahahabang braso. Duguan ang buong kamisa nito at lumalaylay pa ang natirang bituka sa balikat nito. Habang binibilisan nito ang pagpunta sa kanila ay nagsimula na itong tumawa. Ang tawa nito ay sadyang nakakabaliw at nakakatakot pakinggan. Sa tingin ni Mario ay may sira sa ulo ang taong iyon.
Binilisan pa ng dalawa at pagtakbo sa madilim na sementeryo.
''Sino pa ang magtatayo ng sementeryo sa pusod ng kagubatan?'' Bulyaw ni Dorotheo sa kanyang isipan. Nariyan ang madadapa dapa siya at matitisod dahil sa mga bato at kalatkat sa ibaba habang si Mario naman ay maitatama ang binti at tuhod sa mga matitigas na bagay dahil narin sa pagkataranta. Takot na takot si Mario sa naririnig nitong tawa. Tawa ito ng demonyo, Tawa ito ng isang baliw. Nasisiraan na ito ng ulo. ''Subang saan ba ang labasan dito?'' Desperadong wika ni Mario. Biglang nadapa si Dorotheo.
''Ehihihhihihihihihihihihihi!'' nakakalokong tawa ng baliw. Bigla itong huminto sa paghabol sa amin at humakbang sa isang nitso. Biglang nabiyak ang ulo nito at duon nasilayan ang hindi maintindihan kung anong bahagi ng katawan ng tao. Sa tingin ni Mario ay puso ito ng halimaw na biglang tumibok tibok. Kitang kita rin ang utak nitong lumalabas sa ulo nito. Sa palad naman nito ay biglang lumulobong lasag na nag aanyong mukha ng tao. Marahil ang mukha ng taong iyon ay ang kanyang biktima kanina o isang taong kakapatay lang. Hindi agad nakagalaw si Mario sa takot. Habang sinisikap pa ni Dorotheo na bumangon ay bigla itong linundagan ng baliw na nilalang at pupukpukin sana ang ulo ni Dorotheo ng kanyang hawak na pamalo. Agad namang gumulong si Dorotheo at biglaang bumangon. Nawalan ng balanse ang baliw na nilalang. Hindi namin napuna na tabi pala ng bangin ang kinatisuran ni Dorotheo. Isang malalim at madilim na bangin. Nang mawalan ng balanse ang nilalang ay bigla itong bumagsak sa bangin.
Dinig na dinig ng magkapatid ang napakapangit at nakakapangilabot na hiyaw ng baliw habang sila ay magkayakap.
Natanaw ni Mario sa di kalayuan ang isang maliwanag na labasan. ''Subang, doon tayo, doon tayo. Bilis kuya'' pagmamadaling wika ni Mario. Kahit medyo masakit pa ang mga binti at tuhod ni Dorotheo sa mga tinamong sugat ay hindi na ito nagdalawang isip pa. Sinamantala na nila ang pagkakataong makatakas sa napakasamang lugar na iyon. Bagama't madilim at maraming kalatkat sa paligid ay hindi na nilap inansin iyon. Nagtatakbo nalang silang dalawa hanggang sa maabot nila ang maliwanag na lagusan. Umaga na pala nang makarating ang magkapatid sa kabilang bahagi ng kagubatan. Una nilang nasilayan ang daan daang Amerikanong sundalo ang nagpapatrolya sa isang komunidad. May mga helicopter at mga sasakyang pandigma. Namimigay sila gamot, pagkain at damit para sa mga biktima ng giyera. Masayang masaya ang magkapatid ng masiayan nila ang kaligtasang kanilang inaasam asam.
May mga Amerikanong nagpapatrolya pa sa paligid upang tugisin ang mga kalabang Hapon. Maraming mag anak ang namamahinga sa mga kubo at itinayong linong.
Halos magulat ang lahat ng makita ang magkapatid na lumabas galing sa kagubatan. Hindi nila inaakalang may manggaling pa sa lugar na iyon. Nilapitan sila ng isang matanda at inusisa sa mga pangyayari at kung saan sila nanggaling. Isinalaysay naman ni Dorotheo ang lahat ng mga kaganapan.
Talaga?'' pagtataka nito. Sa mga katagang winika ni Dorotheo ay hindi agad naniwala ang matanda bagkus ay inalok na lamang sila ng mainit na sabaw. ''Ahhhh pagod lamang iyan.'' Pasasawalang bahala nito. Ganyan marahil ang nangyayari sa paglalakbay ng mahaba.
Halikayo roon'' ngiting wika ng matanda.
''Subang iihi lamang ako'' wika ni Mario.
''Ah o sige bumalik ka kaagad ha'' sagot naman ni Dorotheo. Pinanuod ni Dorotheo ang kapatid niyang tumakbo sa hindi kalayuan upang magbawas saka ito ngumiti. Bakit nga ba nakangiti si Dorotheo? Dahil ba sa ligtas na sila? ''Ano po bang pagkain ang nakahain?''
Ah sumalok ka nalang duon wika ng isang lalaki.'' Tinuro niya ang malaking kawa na pinakukuluan ng mainit na sabaw. Ang matanda naman ang kasalukuyang naghahalo ng sabaw. Sasalok na sana si Dorotheo ng sabaw ng biglang lumitaw sa sabaw ang isang ulo ng tao. Napa atras sa pagkabigla si Dorotheo. Biglang siyang napatingin sa mga tao sa paligid niya at laking gulat niya ng lahat ng mga sundalo sa paligid niya ay may mga pulang mata at sobrang itim na balat. May mga matatalas din itong ngipin. Kulay pula ang mga mata nito at nanlilisik. Naglalaway din ang mga ito habang nakatitig lahat kay Dorotheo. Biglang napatanga si Dorotheo sa pagkasindak.
''Tinatanong mo ba iho kung anong pagkain?'' tugon sa kanya ng isang pamilyar na boses sa likod ng binata at may hinahalo. Bigla itong lumapit sa tabi niya at ibinulong.
''Kayo''. ''Kayong dalawa'' tugon niya. Nilingon ni Dorotheo sa tabi niya kung sino ang nagsasalita at biglang bumulaga sa kanya ang mukha ng matandang kanilang unang nakalaban sa pusod ng kagubatan. ''Subang! Bulyaw ni Mario na takot na takot. Isang Hapon ang tumaga kay Mario sa ulo. Sa sobrang lakas ng pagkakataga ay nahati sa dalawa si Mario. Nagkalat ang mga laman loob ng bata. Pati dugo at lasag.
Mario!'' hiyaw ni Dorotheo. Kasabay ng kanyang pagkakasigaw ay tinuhog din ang ulo niya na parang Barbecue gamit ang matalas na kawayan.
''Uy kuya, nananaginip ka! Nakangiting wika ni Mario habang masaya itong humihigop ng mainit na sabaw. Kasalukuyang namamahinga ang dalawa sa isang kubo. May mga gasa at halamang gamot pa sa katawan ni Dorotheo. Biglang sumakit ang katawan nito kaya't nangailangan pa ito ng saklay. Agad itong tumayo at lumabas ng kubo. ''Hapon, Asan na ang mga Hapon? Tulirong tulirong wika ni Dorotheo. ''Ano ka ba kuya Theo mag dadalawang araw na tayo dito sa barangay. Nakakatakot man pero tapos na iyon.'' Masayang wika ni Mario. Nasilayan ni Dorotheo ang mukha ng mga Amerikano at mga Pilipinong nagtutulungan dahil sa katatapos na giyera. Ang kanilang mukha ay sumisimbolo ng bagong pag asa at muling pagbangon sa hirap na dulot ng giyera.
Nagyakapan ang magkapatid.