Gabriele's POV
I woke up early and excited today dahil maaga kong susunduin si Destiny Rose sa kanila dahil ngayong araw magbubukas ang Batang Kanto Foundation na mismong idea niya to adapt those street children na palaboy laboy sa kalsada at walang matirhan.
Through the years being with her masasabi kong hindi isang ordinaryong babae aking minamahal. Siya ay one of a kind. She really loves to help especially to children. Alam kong hindi niya ako mabibigyan ng mga anak na masasabi naming galing sa kanya in the near future but it doesn't matter, I fell in love with her since the very first time I saw her at hindi na iyon mababago kahit kailan.
''Good morning po Tita.'' bati ko sa ina ni Destiny na siyang sumalubong sa akin sa pintuan. Dala ko ang bouquet ng mga red roses para sa mahal ko.
''Good morning din sa'yo Gabriele, mukhang maaga ka ngayon ah, may lakad ba kayo ni Destiny?'' pagtatakang tanong ni Tita Daisy.
''Ah yes Tita, today is the opening of the foundation, that center na pinatayo ni Destiny para sa mga batang kalye.'' sabi ko.
''O eh halika sumabay ka na sa amin mag agahan habang hinihintay mong bumaba si Destiny.'' Pumasok ako at nakita ko sa dining area si Tito Lito.
''Oh Gabriele ikaw pala, tara, halika't umupo ka at kumain.'' yaya sa akin ni Tito.
''Magandang umaga po Tito, salamat.''
''Magandang umaga naman sa'yo.'' bati nito sa akin. ''Daisy nasaan na ba si Destiny at para makisabay na rito kay Gabriel mag agahan?''
''Sandali kakatokin ko nga sa kwarto baka nagpapaganda pa dahil alam niyang darating si Gabriele.'' ngumiti lang ako at medyo kinilig ako sa sinabi ni Tita. ''Oh andyan na pala siya.''
Unti - unti kong inangat ang ang aking tingin sa direksyon ng hagdan kung saan nanggaling si Destiny. It was like a slo-motion scenery while she's slowly walking down the stairs. She's so beautiful as ever lalong lalo na ngayon, the way she look at me, I love those sparkles in her eyes it keeps on reminding me of my love for her and those smiles, those are my life - my forever, I wanna see them every day while I am alive.
Lumapit ako sa kanya para ibigay ang hawak kong bouquet ng red roses na kasing ganda niya.
''Good morning beautiful.'' bulong ko sabay abot sa kanya ng flowers at hinalikan ko rin siya sa pisngi.
''Good morning too, handsome.'' and she smile again. I feel like my heart is almost exploding in happiness.
''Kaya naman pala ang daming langgam sa kwarto ko may sweet palang eksena dito.'' sabay kameng napatingin sa pababa rin ng hagdan na si April.
Tumawa na lang kame sa sinabi niya.
''Oh siya halina kayo at saluhan natin ang Papa niyo sa agahan.'' yaya ni Tita.
Sabay kameng nagbreakfast at pagkatapos ay umalis din kame agad. Si Tito Lito ay sumakay na sa kanyang kotse patungong presinto, si April naman ay sinundo ni Aris at ako, kasama ko lang naman ang pinakamaganda kong fiance.
Patungo na kame sa foundation house.
''Babe, are you happy?'' walang anu anong natanong ko because she's so quiet and I don't like it.
''Oo naman Babe.'' sabay hawak sa kanang kamay ko kaya naiwan ang left hand ko sa manibela ng kotse. ''Ikaw masaya ka ba sa akin?''
''Ofcourse, dalawang taon na tayong magkasama at walang araw na hindi ako masaya lalong lalo na pag kasama kita.'' I slowly pull up her hand and kiss it. I love doing it to her hand because those are the hands that holds my heart and protecting my heart from any pain.
''Good morning Tito Armani!'' bati ni Destiny nang dumating kame sa venue at naroon na si Tito Armani kasama sina Tita Bethilda at Violet.
''Good morning din sa inyo Destiny, Gabriele.'' bati sa amin ni Tito.
''Destiny congratulations!'' sabay kameng napalingon sa nagsalita - si Tita Bethilda iyon.
Matagal nang nagkabati sina Destiny at Tita Bethilda, simula noong pinabalik si Destiny sa Publishing house, humingi na rin ng tawad si Tita Bethilda sa kanya.
''Thank you so much sa pagpunta Tita.'' sabay beso nilang dalawa.
''Ofcourse, you are most welcome!''
''Ladies and Gentlemen, let's welcome the founder of Batang Kalye Foundation Center - Ms. Destiny Rose Vergara.'' sabay palakpakan ng iba pang naroon. Maraming tao ang dumalo kasama ang ibang mga organizers at mga tumulong sa amin para maging successful ang project na ito.
''Unang una, gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang ibinibigay Niya sa akin na siyang nagagawa kong ibahagi rin sa mga batang ito. Pangalawa sa aking pinakamamahal at pinaka-suportive na soon-to-be Mister na si Gabriele.'' while saying it she'slooking at me and even we're distance her eyes are getting connected to my heart and all those words she said, ewan ko kinikilig lang talaga ako. ''At sa aking pamilya, aking mga magulang at kapatid at sa aking aming mga Boss sa Publishing House na sina Tito Armani at Tita Bethilda, maraming salamat po sa inyong tulong at suporta.''
''Narito po tayo ngayon para pormal nang buksan ang bahay ampunan na ito para sa mga batang nangangailangan ng bubong na masisilungan kung umuulan at mainit ang araw, matinong higaan sa madilim na gabi at pagkain sa kanilang mga kumakalam na mga tiyan. Alam kong hindi ko man mabibigyan ng anak ang aking minamahal na si Gabriele pero alam kong sa pamamagitan nitong Batang Kalye Project ay mas lalo kong mararamdaman ang pakiramdam ng isang ina na nakikita ang mga anak niya na masaya at may ngiti ang mga labi. Kaya everyone, welcome to Batang Kalye Foundation Center!'' pumalakpak ang lahat lalong lalo na ako because I am so proud of her.
Pumwesto na sila ni Tito Armani sa magkabilang dulo ng ribbon para sa Ribbon Cutting.
-
Author's POV
''Akala mo naman kung sinong Anghel kung magsalita, retokadang bakla!'' may tonong poot sa bawat salitang iyon ni Jazmin habang pinapanod sa Live news ang kaganapan sa pagbubukas ng Foundation Center ni Destiny Rose.
''Anak, tama na. Hayaan mo na lang sila. Pakawalan mo na si Gabriele, marami pa namang lalake sa mundo. Tignan mo nakakulong ka pa rin dahil ayaw mo pang magbago.'' sabi ng ina niya sa kanya habang nasa visiting area sila ng kulungan.
''Hindi nay, si Gabriele matagal ko nang pinakawalan iyan, ang hinding hindi ko makakayang kalimutan ay ang galit ko para sa Destinyng iyan! Kasalanan niya kung bakit ako nagdurusa dito sa pesteng kulungan na 'to.''
''Oo na, sige na. Ubusin mo na iyang pagkaing dala ko nang hindi ka gugutumin.'' minabuting tumahimik na lang ni Dahlia kesa naman pilitin niya pang baguhin ang anak. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa nangyayari ngayon kay Jazmin. Kung hindi dahil sa taas ng ambisyon niya hindi sana naging ganito ang kaisa isang anak niya.
-
''Mahal na mahal talaga nina Ate Destiny at Kuya Gabriele ang isa't isa no?'' sabi ni Violet sa katabing babae habang nakangiting nakatingin sa direksyon nina Gabriele at Destiny.
'Bakit naiinggit ka ba?'' lumingon ito at nakita ang may-ari ng boses na iyon.
''Vince?''
''Ako nga Violet.'' nakangiti sa kanya
''Vince ikaw nga!'' sabay yakap sa lalake. ''Saan ka ba galing, ba't ngayon ka lang nagpakita?''
''Umuwi kasi ako sa amin sa tulong ni Destiny at ngayon bumalik ako dahil may na-realize ang puso ko.'' nang marinig ang katagang iyon, napabitiw siya mula sa pagkakayakap rito at seryosong tumingin sa mga mata nito.
''Sabi ng puso ko, may kailangan akong balikan dito sa Maynila, hindi bagay na nakalimutan ko kundi taong hind ko nakita noong mga panahong dapat ang ginagawa ko lang ay bigyan siya ng importansya.'' hindi nanapigilan ni Vince ang mga luhang kanina pa'y nagtitimping mahulog at ganoon na rin siya. "Violet mahal kita, at narealize ko lang iyon noong malayo ako sa iyo at hindi kita nakikita. Sobrang kulang ako kapag ang isang araw ay wala ka.''
''Vince, mahal pa rin naman kita eh, walang nagbago.'' saka niya muling niyakap ang lalake. Para sa dalawang pusong pareho ang bawat tibok, ang konting salita ay sapat na para ipaliwanang ang mga bagay na hindi maipaliwanag ng mga bibig.
-
''Thank you Babe, for everything.'' bulong ni Destiny kay Gabriele habang nakaupo sila at masayang pinapanood ang small presentation na pinaghandaan ng mga batang titira sa ampunan.
''No, don't thank me. I will do anything, everything to make you and keep you happy. I will support you all the way in whatever you do.'' napaka sincere ng bawat salitang iyon sapat para hindi niya mapigilan ang mga luha ng kaligayahan.
Wala na siyang ibang sinabi kundi yakapin na lang ang lalake. Hindi niya alam kung anong isang bagay ang ginawa niya para maging napaka-swerte niya kay Gabriele.
Sa loob ng dalawang taon na pagiging mag- fiancee nilang dalawa ay hindi sila nag-aaway. There are times na may konting tampuhan ngunit agad naman iyon napapag-usapan upang magka-ayos sila.
Mahal na mahal niya si Gabriele at wala na siyang ibang mamahalin kundi ito lang at ang tanging ipinagdarasal niya ay lalo pang pagtibay ng kanilang pagsasama, tibay na kahit anumang unos ang dumating hindi basta bastang masisira.
Tulad nga ng sinulat niya sa isa sa mga libro niya, ''anumang unos o lakas ng ulan, darating at darating ang umaga,sisikat ang araw at lilitaw ang bahaghari.' sisiguraduhin niyang matibay ang relasyon nila ni Gabriele para kahit anumang oras na dumating muli ang bagyo at malakas na ulan, mananatili silang nakatayo at matibay.
-
''Ma'am may bisita po kayo.'' napatigil si Yvonne sa panonood ng live sa TV tungkol sa opening ng Foundation house ni Destiny at Gabriele para tignan ang sinabing dumating na bisita at laking gulat niya nang makita kung sino ang dumating.
"Hi Tita Yvonne!''
''Thalia?''
Sino si Thalia at bakit ganoon na lamang kalaki ang gulat ni Yvonne nang makita ito?
Maraming SALAMAT sa Pagbasa ng unang kabanata ng Destiny Rose: Ikalawang Yugto -Sequel!