Author's POV
Pasado ala una na nang hapon natapos ang meeting nina Destiny, Gabriele, Armani at Bethilda kasama ang ibang head writers GMA at Direktor para sa libro ni Destiny na gagawing soap opera sa sikat na TV network. Isang panibagong tagumpay na naman ito para kay Destiny at Vitto Publishing House.
''Babe, I'm so hungry, let's go out for lunch na?'' yaya ni Gabriele sa kanya nang makarating sila sa opisina niya.
''Oo nga, nagugutom na rin ako. We started the day early at ang dami nating na-achieve today diba?'' masaya siya sa mga nangyari ngayong araw. Hindi talaga nagkukulang ang Panginoong ipadama sa kanya kung gaano siya kaswerte.
''Yeah. And I am so proud of you!'' kitang kita niya sa mga mata ng lalake na totoo ang sinasabi nito.
''Thank you Baby.''
''I love you.''
''I love you more.'' sabay pisil niya sa matangos nitong ilong.
''Ouch! masakit yun ah!'' himas himas nito ang namumulang ilong.
''Looks another success for us?'' sabay silang napatingin sa boses na nanggaling sa pinto - si Bethilda iyon.
''Yes Tita, maraming salamat po - ''
''No Destiny.'' lumapit ito sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay. ''Thank you. Noon pa man malaki na ang tiwala sa'yo ni Kuya at pinagdudahan ko iyon. I am really really sorry Destiny. Alam mo kung noon ko pa nakita ang kabutihan mo, kasi siyempre magaling ka na talaga noon pa. Ang hindi ko lang nakita noon ay ang kabutihan sa 'yo na wala ako, siguro noon pa tayo naging magkaibigan.''
''Tita, ayos lang po iyon. Nakaraan na naman iyon, naiintindihan ko naman po kayo. Lahat tayo hindi natin malalamang mali ang isang bagay kung hindi matututunan ang tama at lahat tayo may chance para magbago at magsimula.'' saka niya niyakap ang kaharap.
''Thank you so much Destiny.'' kumalas sila mula sa pagkakayakap at humarap si Bethilda kay Gabriele. '' Don't lose her, she's more than a diamond to keep Hijo.''
''I won't Tita, salamat po.''
''Tita magla-lunch kame, you wanna join?'' yaya niya kay Bethilda.
''No, no. Thank you. Nagyaya na si Kuya and it's your date, solohin mo si Gabriele.'' nag wink pa ito sa kanila bago nilisan ang silid.
-
''Alam mo Vince buti na lang at dito ka na ulit titira, palagi lang akong nag-iisa rito sa bahay at walang kausap kasi laging busy sina Manang.'' masayang sabi ni Violet nang maipasok na ni Vince ang mga gamit niya sa dating kwarto nito.
''Masaya din ako Violet dahil lagi na kitang makakasama.''
''Teka, nagtext pala si Tito Armani, sabi niya dalhin mo raw mamaya sa Publishing House yung folder na nandoon sa table sa kwarto niya.''
''Ah sige, tapusin ko lang ang pag aayos ng gamit ko at ihahatid ko na iyon sa Publishing House.'' sagot niya at minadali ang paglalagay ng mga damit sa aparador.
Kasalukuyag papunta si Vince sa Publishing House para dalhin ang ipinapadala sa kanya ni Armani. Hindi niya naman ito nadatnan sa opisina kasi sabi nang sekretarya nito ay lumabas kasama si Bethilda kaya minabuti na lamang niyang iwan sa sekretarya ang folder.
Habang naglalakad siya sa pasilyo nang gusali, nakita niya si Bethilda na nagmamadaling naglalakad palabas rin at hindi siya nito napansin. Minabuti niyang sundan ang babae dahil kahina-hinala ang kilos nito.
Tuloy tuloy na lumabas si Bethilda papuntang Car Parking lot at sumakay sa kotse kaya naman minadali niyang sumakay rin sa dalang kotse upang sundan ito.
Halos kinse minutos din ang layo ng minaneho niya para masundan si Bethilda at nakarating siya dito sa isang lugar na may isang bahay na Bungalow type at nakabukas lang ang gate niyon, nakita niya si Bethilda na pumasok kaya naman ipinarada niya ang kotse sa medyo tago na lugar kasi kilala ni Bethilda ang kotse niya at baka makita nito iyon.
Dahan dahan siyang pumasok at hinanap kung saan nagtungo si Bethilda.
''Bethilda.'' isang lalake ang sumalubong sa babae sa may pool area. Matikas ito at mga nasa edad na kwarenta na. ''Mahal kong business partner.''
''Hindi ako pumunta rito para makipag-plastikan sa'yo.'' binuksan nito ang paypay na hawak at ipanaypay sa sarili. '' Now, what do you want at kailangan mo paakong i-blockmail?''
''Bakit natatakot ka ba?'' kinuha nito ang baso sa maliit na mesa at sinalin ang wine at inabot sa babae ngunit tinanggi nito ang alok. ''Bethilda I just want you to pursue what we had started.''
''Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na nahuli na ako noon, kaya ayoko nang dumihan muli ang pangalan ko.'' narinig niyang masinsinan ang pinag uusapan ng dalawa kaya naman nagkubli siya sa halamang halos dalawang metro lang ang layo sa dalawang nag uusap para marinig niya ang pinag uusapan ng mga ito, dahil sa loob loob niya nakakaramdam siya ng panganib.
''Marumi na ang pangalan mo noon pa, at hindi na iyon mababago!'' paninigas ng tono ng lalake.
''At sino ka para sundin kita?'' pagtataray ni Bethilda sa kausap na lalake. ''Gagawin ko kung anong gusto ko, and no one, not even you can command me.''
Aakmang maglalakad na sana si Bethilda nang hilain ng lalake ang kanang braso nito at saka sinampal sa kaliwang pisngi sanhi upang mawalan ng malay ang babae. Muntik na siyang lumabas mula sa pagkakakubli sa halaman ng makita niyang may tatlo pang ibang kasama ang lalake kaya hindi niya kaya ang mga iyon.
''Sige, itali niyo siya at dalhin sa loob.'' utos nito sa mga tauhan. ''Armani humanda ka, pasensyahan na lamang tayo dahil kailangan ko muna ang mahal mong kapatid.''
-
''Salamat Babe sa paghatid at sa masayang araw na ito.'' maaga siyang nagpahatid kay Gabriel sa bahay dahil sobrang napagod siya dahil sa mahabang araw.
''You're welcome Baby, alam mo naman basta ikaw, sasamahan kita kahit saan.'' saka nito marahang hinalikan ang kamay niya. ''Nga pala, hindi kita masusundo bukas kasi si Mommy nagpapahatid sa pupuntahan niya.''
''Okay lang, tumawag din siya sa akin kanina tungkol diyan. Walang problema Babe. ''
''Thank you! So, I'll go na? Baka isipin ko pang dito matulog eh.'' isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.
''Oy, tumigil ka, alam ko kung anong nasa isip mo. Naughty!'' pagsuway niya rito.
''I'm sorry, pero no worries I will wait until you say you're ready.'' bumalik ang sweet na smile sa mga labi nito. ''I am willing to wait nga sa chicken sa fastfood, sa'yo pa kaya?''
''So mukha pala akong chicken?''
Tumawa ito. ''Ofcourse not, you're a beautiful, beautiful chick.'' sabay kindat.
''Ay nako gabi na, pinagloloko mo na naman ako.''
Marahan siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi at tinignan sa mga mata. ''Destiny,you know how much I love you right?'' tumango lang siya bilang sagot. ''I know that you can feel it, but I still want to tell it to you every single minute, hour, second of my life that I really do and no matter struggles or challenges that will come to us and to our relationship always remember that my love for you will never ever change.''
Dahil sa mga sinabi nito, hindi na naman niya naiwasang hindi mapaluha dahil sa tindi nang kasiyahan nadarama.
''Mahal na mahal din kita Gabriele, at sana alam mo din iyon, na ikaw lang ang buhay ko. Hindi ako nagmahal ng iba kahit sa simula pa lang at ayoko na ng iba maliban sa'yo.'' buong puso niyang sinabi ang mga katagang iyon dahil iyon naman talaga ang totoo.
''I know, I know.''hinalikan siya nito sa labi at saka niyakap. '' I love you Destiny ko.''
''I love you din Gabriele.'' pinunasan nito ang luha niya saka pinangiti na siya. ''Si Tito Armani tumatawag.''
''Hello Tito.''
''Destiny nakita mo ba ang Tita Bethilda mo?''
''Ah, opo kanina bago kame umalis ng opisina ni Gabriele, bakit po?''
''Eh kasi kanina magla-lunch dapat kame pero ang sabi niya may pupuntahan lang daw siyang saglit at nagmadaling umalis, tapos hintay ako nang hintay sa restaurant hindi naman dumating, hindi pa matawagan ang cellphone.''
''Ganon po ba? Gusto niyo po bang hanapin natin si Tita? Papunta na po kame dyan.''
''What happened?''nagtatakang tanong ni Gabriele matapos niyang ibaba ang telepono.
''Si Tita Bethilda daw, nawawala.''
''What? Let's go, magpaalam ka kaya muna kina Tita Daisy?''
''Sige.'' dali dali'y pumasok sila sa loob ng bahay at nadatnan na naghahapunan sina Daisy at Lito.
''Oh Destiny, Gabriele halina kayo at kumain.'' yaya ni Lito sa kanila.
''Pa salamat po, Pa magpapatulong po sana kame, si Tita Bethilda kasi nawawala raw, kung pwede po sana magpatulong sa mga tauhan niyo?'' paghihingi niya ng pabor sa ama.
''Hah? Diyos ko eh kailan pa?'' nag aalalang tanong naman ni Daisy.
''Kaninang tanghali pa raw po matapos ang meeting namin nagmamadaling umalis ng Publishing house si Tita tapos hindi na siya ma-contact.'' pagkukwneto niya.
''Sige ako nang bahala, tatawagan ko ang mga tauhan ko para magtungo sa bahay nina Armani.'' sabi ni Lito sabay kuha nang telepono upang tawagan ang presinto kung saan siya nakadestino bilang hepe.
''Salamat po.Papa. Ma, pupunta muna kame ni Gabriele sa bahay ni Tito Armani, sigurado akong nag-aalala iyon at kailangan ng karamay.'' pagpapaalam niya sa ina.
''Sige anak, mag iingat kayo.''
''Sige po Tita.'' hinalikan muna nila si Daisy sa pisngi saka umalis para magtungo sa bahay ng mga Vitto.
-
''Tito nasaan na kaya si Mommy?'' hindi mapigilan ni Violet ang hindi mapaluha sa nangyayari.
''Shhh taha na, mahahanap din natin siya, magdasal na lang tayo. Saka nagtext si Destiny na nagpa report na ang Papa niya sa mga tauhan nitong Pulis para mahanap si Bethilda.''
''Si Vince rin po ay hindi pa nakakauwi.'' mas nagulat si Armani sa sinabi ng pamangkin.
''Huh? Sinabihan ko siya na dalhin na ang mga gamit niya rito.''
''Opo, dinala na niya ang mga gamit niya tapos pinadala ko sa kanya sa office niyo yung folder na pinapadala niyo until now hindi pa siya nakakauwi.''
''Diyos ko ano bang nangyayari?'' tanging nasabi na lamang ni Armani.
Ilan sandali pa ang nakakaraan ay dumating na rin sina Gabriele at Destiny. Agad niyang niyakap ang sobrang nag aalala na sina Armani at Violet.
''Hintayin na lang natin ang report ng mga pulis.'' pagpapakalma niya sa mga ito.
''Sir Armani!'' sabay silang lumingon sa direksyon ng pintuan kung saan bungad nito si Vince.
''Vince saan ka ba nanggaling?''tanong ni Armani.
Nasa mukha nito ang takot at pag aalala, ''Si Ma'am Bethilda po kinidnap siya.''
''Huh!?'' lahat sila hindi makapaniwalasa nalaman. Hindi na rin mapigilan ni Violet ang humagulgol.
Ano na kaya ang nangyari kay Bethilda at sino ang lalakeng iyon na may malaking koneksyon sa mga Vitto noon? Abangan din ang pagpapakilala ng isang taong nagmula sa nakaraan ni Gabriele...
Ito ang Destiny Rose: Ikalawang Yugot - sequel. Maraming salamat sa pagbasa.