Author's POV
Matapos ang event sa Foundation Center ay dumeretso na sina Gabriele at Destiny Rose sa Publishing house dahil magiging busy din sila dahil sa mga bagong release na mga gawa niyang libro. Matapos kasi ang successful niyang release ng Rainbow After The Rain ay maraming pang sumunod na mga gawa niya ang nakilala hindi lamang dito sa bansa kundi na rin sa ibang parte ng Asya at America.
Tuloy tuloy na talaga ang pag-angat ni Destiny Rose sa larangan ng pagsusulat at dahil na rin iyon sa inspirasyon na dala ni Gabriele sa kanya at sa suporta nito sa lahat ng ginagawa niya.
''Are you okay, seems so quiet?'' he held her hand at marahang pinisil iyon. Kanina pa kasi napapansin ni Gabriele na tahimik siya at malalim ang iniisip.
''Yes Babe, I'm okay. Pasensya na, iniisip ko lang ang kalagayan ni Jazmin. Siguro naman sa loob ng dalawang taon ay nagbago na siya.'' saka niya pinakawalan ang isang buntong hininga.
Matapos ang lahat ng ginawa nito sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mag alala rito at sa kalagayan nito sa kulungan dahil sa kabila ng lahat ay pinsan niya pa rin ito.
''After all the things and pain that she caused you, bakit ganyan pa rin ang malasakit mo sa kanya? Maybe, if you are on the opposite situation she will never think like that.'' sabi ni Gabriele habang hinihimas himas ang mga palad niya.
''Babe, pinsan ko pa rin si Jazmin, kadugo ko pa rin siya.''
''You are so good Destiny, that's one of the trade that I love about you. It's so easy for you to forgive someone na sobrang nasaktan ka noon, that's why I am so grateful to have you.'' ang mga sinabing iyon ni Gabriele ay parang isang magandang musika sa kanyang mga tenga na pumapasok sa kanyang puso sanhi upang ang mga kabayo sa kanyang dibdib at paru-paro kanyang sikmura ay magkagulo na naman, the same old feeling na tanging si Gabriele lang ang nakakapagpadama sa kanya.
"Destiny.'' sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
''Tita Dahlia?''
"Ma'am Destiny pasensya na po, nagpupumilit kasing pumasok.'' panghingi ng paumanhin ng Security guard dahil nakapasok sa gate si Dahlia.
''It's okay kuya, salamat." marahan niyang hinarap si Gabriele na noo'y hawak hawak pa rin ang kamay niya. "Babe, pwede mo ba kameng iwan, kakausapin ko lang si Tiyang Dahlia.''
''Yeah Sure baby, I'll see you later for lunch, okay?'' saka siya tumango at ngumiti. Marahan naman siyang hinalikan sa labi ni Gabriele bago ito maunang pumasok sa loob.
''Tiyang, halika doon tayo mag-usap sa loob.''
''Ano po bang maitutulong ko?'' tanong niya kay Dahlia nang makarating sila sa opisina niya.
''Destiny, alam kong napakarami naming kasalanan sa'yo kahit noong hindi ka pa ganyan at si Joey ka pa pero humihingi ako nang tawad sa lahat ng mga iyon'' tuluyan nang tumulo ang mga luha nito. ''Kailangan ni Jazmin ang tulong mo, sana mapatawad mo na siya.''
''Tita, kilala niyo naman ako. Matagal ko nang napatawad si Jazmin. Ang gusto ko po ay magbago na siya dahil para naman sa kanya iyon.'' bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita ''Hayaan niyo po kakausapin ko si Jazmin.''
''Salamat talaga nang marami Destiny! Kasi pag ako ang kakausap sa kanya ayaw niyang maniwala sa akin.''
Habang nag uusap sila, nasa pintuan naman ng opisina si April na siyang kakarating lang galing sa Event. Narinig niya ang pag-uusap nina Dahlia at Destiny.
Hindi rin nagtagal si Dahlia sa opisina dahil nagpaalam rin ito agad nang Makita si April sa pinto.
''Narinig ko ang pag uusap niyo ni Tyang, ano na naman ang gusto niya?'' nasa tono pa rin ni April ang pagka walang tiwala sa tiyahin.
''Si Jazmin.'' tipid na sagot niya.
''Naniniwala ka doon? Eh alam mo naman ang mag inang iyon, napaka galing magpanggap.''
''Ate, pinsan pa rin natin si Jazmin at alam ko naman, nararamdaman kong nagbago na siya.''
''Naku, Destiny malabong mangyari iyan, napaka demonyita nang Jazmin na iyon, kung nagbago man iyon sigurado akong babalik at babalik pa rin siya sa dati niyang ugali.'' hindi na niya sinuway ang kapatid. Sa dami ba naman ng ginawang masama sa kanila ng mag inang iyon mahirap nang ibalik ang tiwala nila sa mga ito.
-
''Vince bumalik ka na lang sa bahay, alam kong wala ka pang matutuluyan sa ngayon.'' naiwan kasi sa bahay ampunan si Armani kasi kausap niya pa ang ibang mga investor na tumulong sa kanila upang maging successful ang foundation na iyon. Nakita niya si Vince na kasalukuyang naroon pa rin dahil sa pabor na hiningi ni Destiny.
''Maraming salamat Sir Armani, napakabuti niyo po sa akin.''
''Walang anuman iyon, kaibigan mong matalik si Destiny kaya hindi kita pwedeng pabayaan.''
''Kuya, pababalikin mo sa bahay itong -''
''Bethilda.'' pinutol na Armani ang sasabihin ng kapatid. ''Ano ka ba? Mabait naman na bata itong si Vince.''
''Fine! Fine!'' sabay lakad papunta sa kotse sa parking lot dahil babalik na ito sa Publishing House.
-
''Mukhang mabait ka na ngayon sa kapatid mo ah?'' laking gulat ni Bethilda sa narinig. Dahan dahan siyang humarap sa pinanggalingan ng boses, isang lalakeng kilalang kilala siya ang nakatayo sa di kalayuan.
''Anong ginagawa mo ditto?'' nasa mga boses niya ang takot at kaba na baka may makakakita sa kanila.
''Bethilda alam kong alam mo kung ano ang pakay ko. Hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko, ano balik-loob ka na ba?''
''Ayokong pag usapan ito, tapos na ang plano at hindi na natin itutuloy ang pagnanakaw sa kompanya.''
''Hindi pwede! gagawin mo at itutuloy natin ito!''
''At paano kung ayoko?'' pinilit niyang gawing matigas ang tono ng tinig nang hindi makita nang kaharap na natatakot siya na baka may makarinig sa kanila.
''Well, pagsisisihan mo ito.'' saka ito naglakad palayo sa kanya.
Naiwang nakatunganga si Bethilda dala na rin ng takot. Matagal na niyang tinalikuran ang masamang gawaing iyon at pinatawad siya ni Armani, siguro kung gagawin niyang muli iyon at nalaman ni Armani baka ipapakulong na siya nito.
-
"Violet, ihatid na kita, mukha kasing iniwan ka na nila dito.'' yaya ni Vince nang makita si Violet na nag iisa na lang sa mesa na kung saan kasama nito kanina sina Bethilda at Armani.
''Salamat Vince, oo ako na lang ang naiwan kasi sina Mommy at Tito Armani babalik pa sa Publishing House. Nga pala, I heard na pinababalik ka ni Tito sa bahay?'' nasa tono ng tinig niya ang excitement at saya dahil sa narinig.
''Oo, sinabi niya nga sa akin, malaki ang respeto ko kay Sir Armani kaya gagawin ko, saka na rin para makita kita araw -araw.'' kinuha nito ang kamay niya at marahang pinisil iyon. ''Violet pinapangako ko, gagawin ko ang lahat, babawi ako sa yo, sa mga pagkukulang ko noon.''
''Vince, hindi mo naman kailangan gawin iyon. Nakaraan na naman iyon eh.''
Niyakap niya ito nang mahigpit para maiparamdam niya sa lalake kung gaano niya ito kamahal.
Abangan sa susunod na kabanata -
Ang panganib sa buhay ni Bethilda.. at ang bagong dating na kaagaw at kontrabida.
Maraming SALAMAT sa Pagbasa ng ikalawang kabanata ng Destiny Rose: Ikalawang Yugto -Sequel!