Chereads / When a heart skips a beat / Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 12 - Chapter 11

"Oh my God!" bulalas ni ally

I covered her mouth since andito kami sa isa sa mga tables dito sa schoolyard and kanina pa kasi siya napapasigaw eh.

Pano... I told her about what I've discovered last friday night.

If last time I'm not sure about what I saw sa gym... last friday events just confirmed my suspicion.

"BF ni ganda tsaka yung BFF niya?" di makapaniwalang sabi ni ally

Pinahinaan ko naman ang boses niya baka may makarinig eh.

"ang ahas naman niyang lea na yan" sambit pa niya pero this time sa mahinang boses "teka alam na ba ni ganda"

Umiling ako "malamang hindi pa" sabi ko sabay nguso sa direksyon kung saan nandun si thea kasama ang dalawang ahas

Napalingon naman si ally sa direksyon nila "ay ang kakapal din naman ng mga mukha ng mga ahas na yan!" medyong galit na sabi ni ally

Siyempre sino ba naman di magagalit pag nalaman mong tinatraydor yung inosenteng batang yun.

Close din naman namin kasi kahit papano si thea since magkaklase kami sa halos lahat ng subjects. Kung minsan ako yung kasama niya sa isang subject kung minsan naman si ally. Kung minsan din naman tatlo kami.

Working students nga kasi kami ni ally diba kaya may mga subjects talaga na di namin kaklase si thea.

At isa pa bukod sa bestfriend niyang ahas siyempre may mga kaibigan din siya at isa na kami dun ni ally.

Kaya nga medyo naiinis na din tong kasama ko.

Pati na rin ako, hayyy! Girl crush ko yang inaahas nila eh! Mga hayop!

Oo. Crush ko talaga yan si thea. Alam din naman yun ni ally kasi kahit siya crush din niya haha.

Pero di yun alam ni thea siyempre.

Ang ganda lang kasi ng batang yan eh at ang cute cute pa. Kaya nga ganda yung tawag ni ally sa kanya.

"Pano nila naaatim na makipag-usap kay ganda na parang wala lang silang ginagawang kababalaghan?!" tanong ni ally

"Aba malay ko! Di naman ako ahas katulad nila" sagot ko naman

Eh sa totoo naman eh. Di naman talaga ako katulad nila na manloloko.

"Di man lang nakokonsensya!"

"Ang tanong may konsensya ba?"

"Malamang sa malamang wala!" Gigil na talaga si ally

Agad naman napatingin sakin si ally "wait, so pano yan? Sasabihin mo ba kay ganda?"

I just shrugged. I don't even have any idea kung pano ko talaga sasabihin sa kanya yung mga nakita ko, sa gym and sa party. Knowing about her condition that she told me last friday night when we were at the party... ayoko siyang masaktan.

'Duh! Kahit ayaw mo siyang masaktan... masasaktan at masasaktan pa rin siya' sabi ni other self

Tama nga naman.

'At kung di mo pa sasabihin sa kanya mas lalo lang siyang masasaktan. Gusto mo ba yun?' dagdag pa ni other self.

Siyempre di ko gusto yun. Ayoko nga siyang masaktan diba.

'Yun naman pala eh di sabihin mo' udyok pa ni other self

Eh? Ngayon na?

'Duh! Akala ko ba ayaw mo siyang masaktan?'

Pambihira din tong other self ko eh.

'Ikaw ang pambihira kung di mo sasabihin sa kanya'

Sasabihin ko nga naghahanap lang ako ng tiyempo. Ayoko naman sirain yung araw niya. Tignan mo oh ganda ng ngiti.

'Hay naku. Bahala ka nga diyan' inis na sabi ni other self.

"Ang totoo niyan di ko pa alam" sagot ko dun sa tanong ni ally

"Anong di mo pa alam?" Nagtatakang tanong ni ally

"Ayoko siyang masaktan"

"Eh sa tingin mo sa ginagawa ng dalawang ahas na yan di pa ba siya nasasaktan niyan?" nakatitig na sambit sakin ni ally "girl, I get it. Ayaw mo siyang masaktan ako din naman pero wala eh... at the end of the day masasaktan at masasaktan pa rin siya"

Sinabi rin sa akin ni other self yan eh.

Napatingin na lang ako sa direksyon kung saan si thea.

She has a heart problem I don't know lang if she can handle the pain if I tell her the truth.

Ayoko namang sabihin kay ally her condition. I'm not in the right place to tell her that. Kung meron man si thea yun. But I doubt na sasabihin niya yun kay ally.

Nakita ko naman na umalis na yung isang ahas tapus sumunod naman yung isa.

I looked at my wrist watch to check the time. Malapit na pala ang time for the next period.

When I was about to look up para tignan siya ulit sa di kalayuan ay bigla naman akong nagulat ng slight ng makitang papalapit na siya sa amin.

Nakita niya siguro kami ni ally na nakaupo dito. Same kaming tatlo ng class ngayon.

I kicked ally underneath the table.

"Aray! Bat ka naninipa diyan" reklamo niya

Agad ko naman siyang sinenyasan na papunta dito samin si thea gamit aking mga mata.

Nagtaka naman siya. Dahan dahan siyang lumingon at medyo nagulat ng magsalita si thea

"Hey guys!" Bati niya

"Ay niloko ng ahas!" Gulat na sabi ni ally. Pinandilatan ko naman siya ng mata

I heard thea laugh "ano? Yung ahas niloko?"

She went to my side at dun naupo katabi ko.

"Hindi. Niloko ka ng mga ahas" walang prenong sabi ni ally

Napalaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Pinadilatan ko nga ulit.

"Ha?"

"Hayop sila!" Sabi na naman niya

Sinipa ko nga ulit.

Tiningnan niya lang ako

"Hayop? Sinong sila?" walang ideya na tanong ni thea.

"Sila!" ayaw talaga tumigil ng ally na to. Tumingin ulit siya sakin pero sinamaan ko lang siya ng tingin "haha nevermind na lang ganda di mo naman kilala eh" sabi niya kay thea na ngiting ngiti pa

Jusko. Aagawan pa ako ng role. Eh ako nga magsasabi dapat.

Napakamot na lang si thea ng ulo "okay haha" natawa naman siya bahagya

"Pero ganda advice ko lang ha?" Ano na namang advice yan ally "Trust no one"

I glanced at thea pero parang puzzle naman yung face niya. Ikaw ba naman bigyan ng advice ng isang dakila na si ally.

Trust no one daw eh.

She knitted her brows while smiling "uhm...okay" she answered even though di naman niya alam pinagsasabi nung isa.

After nun ay biglang nag ring ang bell ng school.

Phew.