Chereads / When a heart skips a beat / Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 17 - Chapter 16

Tuesday morning.

I'm now here at school. Maaga pa naman kaya I decided na dumaan muna sa clinic.

"Good morning nurse cassie"

Bati ko dun sa school nurse namin. She's in her 30's na pero di halata kasi mukha siyang teenager lang na kagaya namin.

"Hey krys, good morning" bati niya din sa akin ng nakangiti

Maganda si nurse cassie. May katangkaran, maputi, medyo may pagka blonde yung buhok. Kung sa personality naman... mabait siya, funny, madaling pakisamahan. Kaya andami ding estudyanteng nagccrush dito especially mga male students.

Barkada ang turing niya samin ni ally since di naman masyado nalalayo yung edad niya samin.

"Wala pa po si ally?" I asked her

"Did you see her here?" Pilosopo niyang sagot

I just looked at her. Napatawa naman siya ng bahagya

"Well ang totoo niyan di ko alam" she said right after niya akong pilosopohin "kanina pa ako actually naghihintay sa kanya na dumating" dagdag niya pang sabi sa mahinang boses. Pero siyempre dahil kaming dalawa lang naman dito ay narinig yun ng mga tenga ko.

Napakunot naman ako ng noo dun sa sinabi niya.

Kanina pa niya hinihintay si ally? Hmmm

"You're waiting for ally?" nagtatakang tanong ko sa kanya

Medyo nagulat naman siya. She didn't expect siguro na maririnig ko yun. She responded me with a hum

"Why? I mean-"

"Nevermind that!" Agad niyang putol sa tatanungin ko sana sa kanya "wala ka pa bang pasok?" She changed the topic

Kaya nagkibit balikat na lang ako.

"I have 15mins pa before my first class"

Tumango lang siya sakin.

Chineck ko naman yung phone ko. I went to my inbox and saw thea's name first. I open our convo and yung last na text ko yung kagabi pa na di man lang niya nagawang replyan.

Ang tamad naman ng babaeng to parang magrereply lang eh pagdadamotan pa ako.

Nagtataka siguro kayo kung ano nangyari kagabi samin nina lea at george.

Well yun nga nakita nila ako since ako nga yung nagbigay ng bill nila.

Halata nga na di mapakali si lea ganun din si george.

Tinanong ko pa nga sila kung ano ginagawa nila sa coffee shop na silang dalawa lang at kung bakit di nila kasama si thea.

Todo explain naman yung boy george na supposedly kasama nila dapat si thea kaso gusto daw magpahinga nung isa kaya dineretso na lang niya sa bahay nila para ihatid.

Kaya sila nalang daw dalawa ni lea yung magkasama.

Tss. Lame

They really thought I would buy it. Ha! Sorry na lang sila kasi alam ko kung gaano sila ka manloloko.

Sino kasing matinong boyfriend ang lalabas kasama ang bestfriend ng jowa niya... I mean, in this generation uso ang issue. Uso malisya. Konting hinga mo lang issue agad. Yung friendly ka lang talaga pero lalagyan na ng malisya agad ng iba. Mabuti sana kung lalaki yang bestfriend ni thea pero hindi eh.

Di naman sa jinujudge ko sila pero parang ganun na nga knowing them having a secret affair... siyempre di talaga ako maniniwala sa kanila. Isa pa may ijujudge naman ako sa dalawang manloloko na yun kasi alam ko ang totoo.

Sa date naman namin ni sir mark, well mabilis lang naman kami. Nagyaya kasi ako agad na umuwi kasi pagod ako at gusto ko magpahinga. Isa pa andami ko pang assignments na gagawin. Naintindihan niya naman yun kaya inihatid na lang niya ako.

Napa-buntong na lang ako ng hininga tsaka inoff yung cellphone ko.

"Bye nurse cassie" paalam ko sa kanya since ilang minutes na lang before yung first class ko "punta na ako sa klase ko"

"Bye"

——-

*school bell rings*

Sa wakas tapus na din yung klase namin. Lunch time na

Lunch time na at wala pa din si thea.

Saan kaya yun? Bakit siya wala ngayon?

"Nakakapanibago lang, wala si ganda" sambit ni ally na nasa harapan ko.

Andito na kami ngayon sa cafeteria.

Nakabili na rin kami ng makakain namin.

Kinuha ko yung phone ko sa aking bulsa tsaka chineck baka sakaling may nagtext.

'May nagtext lang ba yung chineck mo?' panunudyo ni other self

Oo na. Chineck ko rin yung phone ko baka nagreply si thea. Happy kana?

'Oo happy hihi. Ikaw happy ka?'

Pinagsasabi nito

'Nagtatanong lang. Wala kasing reply galing kay crush'

Inirapan ko na lang yung other self ko mentally. Naku kung pwede ko lang batukan to binatukan ko na kanina pa eh.

'So ano na nga? Happy ka?'

Alam mo naman na walang reply galing sa kanya malamang di ako happy. Ni hindi man lang nga niread yung message ko. Kahit yun man lang sana.

'Asus. Tampo ka na sa kanya?'

Bakit naman ako magtatampo dun

"Hoy! Okay ka lang?" tanong sakin ni ally

Tiningnan ko lang siya. "Tulala ka diyan?" dagdag pa niyang tanong

"Wala. May iniisip lang" sagot ko naman

"Ano iniisip mo? Ay indi! let me rephrase that... Sino iniisip mo?" taas baba yung kilay na nakatingin sakin si ally habang nakangiti

Pareho lang sila ni oself. Shortcut yan kay other self ang haba kasi ng pangalan kaya oself na lang.

"Sino naman iisipin ko"

"Sino nga ba?" Nilagay niya yung hintuturo niya sa ilalim ng kanyang baba na parang nag-iisip "hulaan ko... nagsisimula ba yan sa letter T?"

T?

'Thea' sabat ni oself

Right, thea.

"tapus sunod nun H and then E and the-...."

"Thea" di ko na siya pinatapus "pwede mo namang sabihin spinell mo pa"

"Eh bakit ba? Trip ko eh" inirapan ko na lang siya "pero di nga, saan kaya yun no? Di naman umaabsent yun ng basta basta lang eh"

Oo nga. San kaya yun?

"Sa tingin mo may alam si lea?"

Agad naman nagbago ang mukha ni ally ng marinig niya name ni lea

"Di ko alam. Siguro."

Nagkibit balikat na lang ako.

Kumakain na kami ni ally ng maalala ko ang sinabi ni nurse cassie sakin kaninang umaga.

"Ally?" Tawag ko sa kanya

"Hmmm"

"Pumunta kaba kaninang umaga ng clinic?"

"Oo. Bakit?"

"Wala naman. Hinihintay ka kasi kanina ni nurse cassie"

Nag-angat naman siya ng ulo "bakit daw?"

"Ewan. Di naman niya sinabi kung bakit. Di ba kayo nagkita?"

Umiling siya "hindi. Nung pumunta ako kanina wala namang tao"

Tumango lang ako sa kanya

"Di bale pupunta naman ako sa clinic after natin dito" sabi niya

Bakit kaya hinihintay ni nurse cassie si ally? Hmmmm

Hindi naman sa tsismosa ako ano.

Curious lang hihi