Thea's POV
I woke up feeling tired and dizzy.
I slowly open my eyes. White ceiling and white surroundings welcomed me.
Nasaan ako?
Nakita ko naman na may nakatusok sa wrist ko.
Tapus may something sa mukha ko na bumubuga ng hangin para siyang mask na nakaconnect dun sa machine na nasa gilid ng kama ko.
Di ko to kwarto so malamang kung di ako nagkakamali nasa hospital ako.
I looked around and saw nanay elma sleeping on the couch.
"N-na-nay..." I tried to call her pero di niya ako narinig.
Mahimbing siguro tulog niya.
I sighed deeply.
Wala akong matandaan kung anong nangyari. Ang alam ko lang nasa bathroom ako para maligo sana tapus di ako makahinga....
Iniling ko na lang ang ulo ko kasi wala na ako maalala after non.
Napansin ko naman na gumalaw si nanay elma kaya napatingin ako sa direksyon niya.
Nang maimulat niya yung mga mata niya ay agad dumako yung paningin niya sa akin.
Napabalikwas naman siya ng tayo ng makita niya akong gising na.
"Anak, mabuti naman at gising kana" maluha luha niyang sabi "sandali lang babalik ako tatawagin ko lang ang doktor"
Tumango lang ako sa kanya kasi medyo nahihirapan pa ako magsalita.
Si nanay elma ang nagsilbing pangalawang nanay ko.
Siya kasi yung nag-alaga sakin simula nung bata pa lang ako.
Actually siya din nag-alaga noon kay mommy nung bata pa lang ito. Naging parte na siya ng family namin.
Ilang minuto ang lumipas at pumasok na nga ang isang nurse at isang doktor.
Chineck ng doktor yung mata ko gamit nung medical flashlight niya.
Chinecheck naman nung nurse yung device na nasa gilid ng kama ko habang may sinusulat sa isang clipboard na dala niya.
"so far okay naman siya ngayon" dinig kong sabi ng doktor kay nanay elma "normal na ulit yung heartbeat niya"
Pagkasabi nun ng doktor ay biglang nag-open ang pintoan. Iniluwa nito si mommy na may dalang dalawang paper bag.
Agad siya napatingin sa direksyon namin at napadako ang tingin sakin na nakahiga sa kama.
"Sweetie, you're awake!" nagtungo siya sa kama ko tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo.
Halos mangiyak-iyak siya na nakatingin sakin habang nakangiti.
I weakly smiled at her.
Binaling naman niya yung atensyon niya sa doktor "how is she doc?"
"She's fine now. Okay na yung heartbeat niya even her breathing. Sa ngayon ay kelangan niya lang magpahinga ng sa ganun ay manumbalik yung lakas niya"
The doctor and the nurses left already.
Binuksan naman ni mommy yung dala niyang paper bag.
Pagkain pala laman nun.
"Nay, kain ka muna" alok ni mommy kay nanay elma
Sinunod naman niya si mommy at kumain na nga.
Umupo si mommy sa chair na katabi ng kama ko
Hinimas niya yung cheek ko gamit yung thumb niya
"Nagugutom ba ang baby ko"
Napairap ako. Ngumiti lang siya sakin.
She knows kasi how much I hate it when she's calling me a baby.
Eh sa di na kasi ako baby.
"I-Im not a baby mom" nanghihina kong reklamo sa kanya
"Sssshhh. Just tell me what do you want okay?"
Tumango lang ako.
Bumalik naman siya dun sa maliit na table saka sinalohan si nanay elma kumain.
She turned on the t.v na rin.
While laying my back on the hospital bed ay napadpad ang isip ko sa school.
Hinahanap ba nila ako ngayon?
For sure nagtataka mga yun bakit wala ako.
Bigla namang sumulpot sa isipan ko yung mukha ni krystal..
Small smile formed on my lips.
Nagtataka din kaya yun kung bakit wala ako ngayon?
Sana naman oo hehe
—-
Napamulat ako ng aking mga mata.
Di ko namalayan nakatulog na pala ako kanina.
I automatically looked over the couch baka andun si nanay elma just like before na nagpapahinga pero di ko makita yung couch since may taong nakaharang.
Nakaupo siya sa silya na nasa gilid ng aking kama.
"Thea" tawag niya sakin "how are you feeling?" Si lea
"Okay kana ba?" Napalingon naman ako sa kaliwa ko
Krystal? Kasama niya din si ally.
Bakit sila nandito?
Napalingon din ako sa gawi ni george ng mapansin ko tumayo siya sa kinauupuan niya sa couch.
Agad siya lumapit sa kama ko saka hinawakan ang kamay ko
"I-I'm okay" utal kong sagot "a-anong ginagawa n-niyo dito?" tanong ko sa kanila pero kay krystal ako nakatingin.
Sasagot na sana siya kaso naunahan siya ni lea kaya napatingin ako sa kanya
"Tinawagan ko si tita since absent ka and nalaman ko nga na sinugod ka sa ospital" panimula ni lea
"Sabi din ni nanay elma samin kanina nung dumating kami na nadatnan ka daw niya na walang malay sa banyo" kwento pa ni lea sakin
Kaya pala wala akong masyadong maalala sa nangyari.
"Nasabi na rin samin ni nanay tungkol sa kalagayan mo" medyo nagulat ako dun sa sinabi niya. So alam na nina george at lea pati si ally.
Napadpad ang tingin ko kay krystal. Sa apat na to, siya lang may alam ng kalagayan ko, ngayon alam na nilang lahat.
"Thea bakit di mo naman sinabi sakin?"
Pinili kong wag sabihin kay lea ang tungkol sa kalagayan ko dahil ayoko na pati siya mag-alala pa sakin.
Tama nang sina mommy at daddy saka si nanay elma ang mag-alala. Ayoko nang makadagdag pa ng problema sa iba.
Huminga muna ako ng malalim saka nagsalita
"A-ayoko na p-pati kayo mag-alala"
"Babe naman... kahit di mo sabihin samin mag-aalala at mag-aalala pa rin kami sayo" si george
Tumango lang ako.
"Ngayon alam ko na kung para saan yang patch mo sa dibdib" saad pa niya
Minsan na akong tinanong ni george about sa pacemaker na nakabaon sa dibdib ko. Di ko naman siya sinasagot kasi nga ayokong sabihin sa kanya. Ayokong malaman nila
Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.
Halos isang oras din ang nilagi nila sa hospital.
Nagpaalam na si lea babalik siya ng school dahil tumakas lang daw siya ngayon sa praktis nila ng malaman niya na nasa ospital ako.
Nag-alok naman si george na ihatid siya pabalik. Ayaw pa sana ni lea dahil gusto niya na dito lang daw si george kaso sinabihan ko naman siya na okay lang at ihahatid na lang siya ni george para makaabot siya sa praktis niya.
Kasabay nun ay nagpaalam din si ally... may imemeet pa daw siya na kaibigan kaya kami na lang dalawa ni krystal naiwan dito sa room ko.
Wala pa kasi si nanay elma. Kwento ni lea, umuwi daw muna sa bahay para maligo saka bibili daw ng prutas para sakin.
Si mommy naman for sure parating na yun. Di naman makakabisita si daddy since nasa business trip siya ngayon.
"Kumusta ka na?" tanong ni krystal sakin na nakaupo dun sa silya na inupuan kanina ni lea.
"Okay na ko. Wag ka masyadong mag-alala" nginitian ko siya para maniwala siya na okay talaga ako.
Ngumiti din naman siya sakin.
"Buti naman kung ganun" sambit niya "nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?"
Naks. Ang sweet naman
Umiling lang ako sa kanya habang nakangiti pa rin.
"Magsabi ka lang kung ano gusto mo ha.."
Gusto ko ikaw ihhhhh haha
Mas lalong lumapad ang ngiti ko
"Bat ganyan ka makangiti?" Nagtatakang tanong niya
Masaya lang ako na nandito ka
"Talaga?"
"Ha?" ngayon ako naman ang nagtaka
"Masaya ka na nandito ako?"
Napalaki ng slight yung mga mata ko. Sinabi ko ba yun?
Napalakas ata yung sigaw ng isip ko ah.
"Ah... eh..."
"Ang cute mo pag ganyan ka" medyo natawa siya
Ngayon lang ako cute. Sa susunod ako na pinakamaganda sa mga mata mo bwahahaha.
"So totoo nga?"
"Ang alin?"
"Na masaya ka dahil nandito ako"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Medyo nag-init yung pakiramdam ko. Nakakahiya
"Okay ka lang ba? Bat ka namumula? Naiinitan ka ba? Malamig naman dito sa room mo ah. Wait lang" sunod sunod niyang tanong saka hinanap yung control ng AC
Tinaasan niya ng konti yung AC. Akala niya talaga siguro naiinitan ako
Nang makabalik na siya sa kinauupuan niya ay agad ko naman siya tinanong
"Bakit ka pa nandito?