....Siya si Eureka ang babaeng itinuturing na lahat ng bagay may kabuluhan. Dahil sa kanyang kabaitan at kagandahang loob. Halos lahat ng tao sa kanilang lugar ay minahal siya. Anak siya ng isang Kapitan ng barko na si Captain Salvador Sta. Maria. May kapatod siyang babae si Ericka Sta. Maria. Si Eureka ay labin dalawang taong gulang na. Samantalang si Ericka ay dalawamput limang taong gulang na .
"Papa! Mag iingat po kayo sa paglalakbay niyo na naman sa laot. Alam kong matatagalan bago na naman namin kayo makita"Â Pagbibilin niya sa kanyang ama.
"Wag kang mag alala anak! Mag iingat ako at kayo din ng ate mo". Turan ng kanyang ama at hinagkan siya.
"Mamimiss kita papa!" Saad ni Eureka sabay halik sa pisngi nito.
"Mamimiss ko din kayo ng ate mo anak!"
Maya maya ay nagsimula ng humakbang ang kanyang papa palabas.Â
"Hey! Captain!! Saan ba ang rota natin ngayon? Sa North or South?" Tanong ni Brad.
Si Brad ay isa sa mga manlalayag na kasama ng ama ni Eureka at nanliligaw kay Eureka.
" Sa South tayo this time! At sa susunod na paglalayag ay makakasama na si Eureka. Alam mo naman na gusto nito ang maglayag at makapunta sa ibang lugar!" Sagot ni Captain Sta. Maria
"Aye! Captain!"
*****
Abala si Eureka sa paglilinis ng kanilang bahay. Ang kanyang ate Ericka ay kanina pa pumasok sa kompanyang pinagtatrabahuan. At dahil wala pa namang mahanap na trabaho si Eureka ay sa bahay muna siya. Inabala niya ang kanyang sarili sa mga gawaing bahay.
Si Eureka ay tapos ng kursong Accountancy. Maliban sa hilig niyang magbasa ng mga aklat, ay hilig din niya ang paghahalaman.
(Phone ringing....)
"Hello!"
"Euri! Nasa bahay ka ba? Wala kabang lakad ngayon?" Tanong sa kanya ng kanyang ate Ericka.
"No! Ate...wala naman akong lakad ngayon besides natatamad ako lumabas." Saad niya sa kanyang ate.
"Ah okay! Kaya nga pala ako napatawag kasi baka malelate ako mamaya sa pag uwi kasi may date kami ni Jerry!" Paliwanag nito sa kanya.
"No worries ate just enjoy! Okay?" Yun lang sabi niya.
"Euri! Bakit kaya hindi ka humanap ng boyfriend para naman may mapagka abalahan ka maliban sa pagbabasa at sa mga halaman mo!" Pang kukumbinsi nito sa kanya.
" Oh no! Ate!" Saad ni Eureka na tatawa tawa.
"Ikaw din baka maging matandang dalaga ka!" Tumatawang sabi ng nasa kabilang linya.
" Ate saka na yan, ang importante is masaya ka. Huwag mo akong intindihin...makakapag antay yan tsaka marami pa ako dapat gawin sa buhay bago ang pagboboyfriend. Tsaka hindi ko pa nakikita yung makakapagpatibok ng puso ko! Don't worry!" Mahabang paliwanag niya sa kabilang linya.
Walang nagawa ang ate niya sa pangungumbinsi sa kanya. Habang abala sa pagtatanim ng halaman at pagcucultivate ay hindi niya namalayan na malapit na palang magtanghali at magluluto pa siya.
Dali dali siyang pumasok sa bahay at naghanap ng pwede niyang lutuin sa tanghalian. Nang makita na wala na palang stock ay napasapo siya sa ulo.
"Ohhh! Bakit hindi ko naalala na wala na palang stock sa ref. Kailangan ko talaga makapamalengke nito!" Nasabi nalang ni Eureka sa sarili.
Nag ayos muna siya ng sarili bago ipinasyang lumabas na. Sasakay nalang siya ng taxi para mas madali although pwede naman sana lakasin dahil malapit lang naman ang palengke.
Una muna siyang nagpunta sa meat section. Kumuha siya ng manok, baboy, beef, bacon. Then sumunod ang vegetable section. Pagkatapos doon, ay nagpunta naman siya sa mga canned goods, mga noodle, at pinahuli niya ang pagbili ng mga personal na gamit.
Nang matapos sa pamimili ay nagpunta muna siya sa bilihan ng mga ornamental plants. Echecheck niya kung may bago ba na pwede niyang idagdag sa kanyang mga tanim.
"Hey! Euri! Kumusta? Tagal mo ng hindi nakakagawi dito? Anong gusto mong halaman?" Tanong sa kanya ni Mang Kanor ang isa sa mga nag aalaga sa "My Nanny's Garden".
My Nanny's Garden ay isa sa mga garden na magaganda ang mga halamang ibinibinta. Para itong miracle garden na nasa dubai. Kapag nakapasok ka dito ay iisipin mong lahat ng mga problema mo ay mawawala dahil sa mga naggagandahang mga halaman.
Matagal din pinagsawa ni Eurwka ang kanyang sarili sa paglilibot at pagtitingin ng iba't ibang klase ng halaman. Bumili lang siya ng ibang kalse ng orkidyas.
"Magkano Mang Kanor?" Akmang babayaran na niya ang orkidyas na pinili niya.
"Huwag na Euri! Dahil sa napakabait mo, at napaka buti ng kalooban libre ko na yan sayo. Sa susunod nalang kita pagbabayarin!" Saad ni Mang Kanor na ngumiti sa kanya.
" Sigurado kato Mang Kanor? Kasi hindi ko po tatanggihan talaga!" Natatawang turan ni Eurika sa matandang hardinero.
"Oo!"
"Wow! Salamat po Mang Kanor!" Pasalamat niya sa matanda bago tuluyang umalis sa My Nanny's Garden.
Pagkadating sa bahay ay agad niyang inimpake ang mga pinamili at pumili ng dapat niyang lutuin sa tanghalian. Pagkatapos makapagluto ay nagpasya siyang maligo na. Mamaya ay magsesearch siya ng mga kompanya na pwede niyang applyan.
Gusto narin niyang magtrabaho at makatulong sa kanyang ama at ate. At para narin sa kanyang sarili. Marami na siyang nasearch pero ni isa walang vacancy. Hanggang sa nakatulugan nalang niya ang paghahanap ng pwedeng applyan.
Naimpungatan si Eureka ng mga katok sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang pinto at ang ate Wricka niya pala. Hindi niya namalayan na 8pm na pala at nakauwi na ito.
"Kumain ka naba?" Tanong sa kanya ng ate niya.
"No ate! Hinintay kita para sabay na tayong kumain!" Saad niya dito
"Euri! Busog pa ako. Dami kasi namin kinain ni Jerry kanina! Samahan nalang kita mag dinner!" Turan ng ate niya at inakay na siya papunta sa kusina.
" So, kumusta ang date niyo ni Jerry? Kelan niyo ba balak magpakasal?" Maya maya ay tanong niya sa ate niya.
" Kapag nakaipon na si Jerry! Sa ngayon kasi medyo marami pa kami kailangan besides hindi pa naman kami nagmamadali.!" Yun lang ang sinabi ng ate niya.
"Maiba ako ate, kumusta na kaya si papa. Bakit ang tagal niya umuwi?" Ani Eureka.
"Yun nga dina iniisip ko, supposed to be noong isang linggo pa dapat ang uwi nila!". Saad pa ng ate niya.
" Sana walang masamang nangyari sa kanya at sana safe siyang makauwi dito!" Si Eureka.
" Ipagdasal nalang natin na wala nga talagang masamang nangyari kay papa!" Pagpapalakas ng ate niya.
Nang matapos sa pagkain ay nagpunta sila sa sala at nanuod ng tv news.
News:....On the screen
( Mga kapamilya, si Mr. Duke Stephen...ang multi billionaire ay nakitang palabas ng airport)...
So, nasa Pilipinas na pala ang bilyonaryo na sinasabi nilang nag iba ang dating ugali dahil sa kanyang nakaraan. Ang dating mabait na bilyonaryo naging arogante at malademonyo daw ang ugali.
Huwag na huwag kang magkakamaling banggain siya dahil isang pagkakamali mo lang nasa hukay ang isang paa mo. Ganoon daw kakila kilabot ang pangalang Duke Stephen.