Chereads / The Beast in Me / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Nasa sala noon si Eureka ng makarinig siya ng mga katok sa pintuan. Alam niyang hindi ton ang ate Ericka niya dahil may sarili itong susi. Dali dali siyang nagpunta sa pinto nagbabaka sakaling ang papa na niya ito dahil hindi ito nagdadala ng susi kasi bibihira lang din nag stay sa bahay nila. Kadalasan ay sa laot na ito dahil ito ang trabaho niya as Captain.

"Hello! Ikaw ba si Euri!?" Tanong at bati sa kanya ng taong nakatayo sa pinto.

"Yes! Ako nga po? Bakit?" Tanong naman niya rito.

"Anak ka ni Captain Sta. Maria diba?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Oho! Bakit? May nangyari po bang masama sa papa ko?" Nangangambang tanong niya sa kausap.

" Ang mabuti pa Ms. Euri ay pumunta nalang kayo sa port. Nandoon po ang papa ninyo". Saad nito.

Dali daling nagbihis si Euri at sumabay sa lalaki. Palinga linga siya ng nasa port na sila dahil maraminh tao.

" Dito Ms. Euri!" Turo nito sa kanya sa daan.

Sumunod naman siya dito. Maya maya pa ay pumasok sila sa isang pintuan doon at nakita niya ang matandang nakaupo sa isang bench doon at nakatalikod sa kanya.

"Papa?". Tawag niya sa matandang lalaki.

Nang lumingon ito at nasiguro niya na ang ama nga niya ito ay sinugod niya ito ng yakap.Namiss niya ng sobra ang kanyang papa. Ginantihan naman siya nito ng mahigpit na yakap at tsaka hinalikan sa noo.

"Anong nangyari sa inyo papa? Bakit ganyan ang itsura niyo?" Tanong niya agad agad sa kanyang ama.

Hindi nakasagot ang kanyang ama. Lupaypay ang mga bikat nito. Gulong gulo ang buhok. Inakay niya ang kanyang ama para bigyan ng comfort.

"Euri! Ang mabuti pa ay iuwi mo muna si Captain!" Suhestiyon ni Brad sa kanya.

" Sige salamat!"

Yun lang at mabilis na inalalayan niya ang kanyang ama pauwi. Pagkadating sa kanilang bahay ay agad niya itong binigyan ng inumin. Nakailang buntong hininga ang kanyang ama. Basi sa nakikita niya ay may malaking problema itong dinadala.

"Anong nangyari papa?" Tanong niya ng makaupo ito sa kanilang sala.

Agad naman dumating ang ate Ericka ni Eureka. Lahat sila nakaupo na sa sala. Huminga muna ang kanyang ama bago nagsalita.

"Habang pauwi na kami dito, sinalubong kami ng napakalakas na bagyo. Wala akong nagawa, ang mga karga namin unti unti kong hinulog sa dagat para maisalba ko ang aking mga tao." Saad ng papa niya.

Nakinig lang silang magkapatid at naaawa sa kanilang ama. Ang panlalayag ang buhay niya.

"Huwag kayong mag alala papa, malalagpasan po natin ito. Manalig lang po tayo sa kanya!" Pagpapalakas niya sa loob nito.

"Tara na, maghapunan na muna tayo para magkaroon ka ng lakas papa!" Aya ng ate niya.

"Wala akong nagawa...ang barkong Riena Esmeralda ay marami gamit ang nasira. Akala ko matutupad ko na ang pangako ko na mabibigyan kayo ng maayos na buhay kapag nagtagumpay ako ngayon. Pero mas lalong naging malas.! Wala akong kwentang ama" Himutok ng kanilang papa.

"Hindi papa, mabuti kayong ama sa amin at wala na kaming mahihiling pa doon dahil ginawa mo ang lahat sa amin!" Saad ni Eureka sa ama.

Sabay sabay na silang dumulog sa hapagkainan. Nang matapos ay pinauna na niya ang kanyang para makapag pahinga ito.

Habang tinitingnan niya paakyat ang kanilang ama ay sobrang nahahabag siya rito. Halos lunurin na nito ang sarili sa karagatan at kung saan saan napupunta para sa kanilang magkapatid. Mahal na mahal niya ang kanyang papa at sobrang nasasaktan siya kapag nakikita itong nasasaktan din.

****

Kinabukasan....(Katok sa pinto)

Habang abala sila sa pag aalmusal ng may biglang kumatok sa pinto.

"Ako na po ang magbubukas!" Presinta ni Eureka sabay tayo at naglakad papunta sa pintuan.

"Andito ba si Captain Salvador St. Maria?" Tanong nito agad sa kanya.

" Bakit? Sino po sila?" Tanong niya sa lalaking nakatayo sa pintuan.

"Nandito ako para kolektahin ang utang  ni Captain Salvador Sta. Maria sa aking amo!". Sabi nito na deredertso sa fawi ni Mr. Sta. Maria.

"Utang? Kanino?"Hindi maiwasang tanong niya dito.

" Kay Boss Duke Stephen!" Agad na sabi nito.

Hindi nakapagsalita si Eureka at tumingin sa kanyang ama ng nagtatanong na mga mata. Gusto niyang malaman bakit nagkaroon ng utang ang kanyang ama sa bilyonaryo na yon.

Maya maya pa ay umalis na ang lalaki. Wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Hinintay nila na ang kanilang ama ang kusang magsalita at mag open ng lahat.

******

Kinagabihan...papunta si Eureka sa kusina para kumuha ng maiinum. Nakita niyang nakabukas pa ang ilaw sa study room ng kanyang ama. Malamang ay busy na naman ito. Agad siyang pumunta doon para tingnan ito ng marinig niya agad ang boses nito na may kausap sa telepono. Napatigil siya sa balak sanang pagkatok.

"Kailangan ko mabayaran ang utang ko  doon. Hindi pwedeng hindi!" Medyo sa mataas na boses ng kanyang ama sa kausap nito.

Tahimik na nakikinig si Eureka doon ng  may mga kamay na humawak sa balikat niya. Napalingon siya bigla.

"Ikaw pala ate!" Halos pabulong na sambit niya eito.

"Sino ang kausap ni papa?" Tanong ng ate niya.

"Hindi ko rin alam eh!" Turan niya sa kapatid.

"Brad! Kailangan kong mabayaran nga yung utang na yun dahil kung hindi...isa sa mga anak ko ang magtatrabaho sa kanya at yun ang ayokong mangyari!" Mariing sabi ng ama sa kausap.

Si Brad pala ang kausap nito. Si Brad na kasamahan niya sa barko at may gusto kay Eureka. Biglang nalungkot ang kanyang ate at agad na umalis...umiiyak.

"Ate! Ate! Sandali!" Tawag niya sa kapatid.

Naabutan niya ito sa kanyang kwarto umiiyak na.

"I'm sure magagawan naman nipapa ng paraan yun, wag kang mag alala!" Pag aalo niya sa ate niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan Euri! Bata kapa. Kyng mangyayari man na hindi makapagbayag ng utang si papa doon. Sigurado ako na ako ang papasok para magtrabaho sa bilyonaryong iyon". Sabi nito na humihikbi.

"Huwag kang umiyak ate, maatos din ang lahat!" Pag aalo niya.

"Alam mo bang buong buhay ko, ginugol ko ang sarili ko sa pag aalaga sayo. Gusto ko naman sumaya Euri na kasama si Jerry. Kung magtatrabaho sa bilyonaryo na iyon, malabo na ang pinapangarap kung pamilya. Baka balang araw iwan din ako ni Jerry!" Aniya sa tumutulong luha.

Bigla niyang pinahid ang mga luha nito. Naawa siya sa kapatid at sa papa niya.

"Kung mahal ka naman ni Jerry hindi naman yun siguro bibitaw kung sakali. Pero kung sakaling bibitaw man at iwan ka. Magiging masaya kapa rin naman kasama namin ni papa na maglalayag sa iba't ibang lugar pagdating ng panahon. Kaya huwag kanang umiyak ate!" Sabi niya habang hinahagod ang likod nito.

Ngunit sa isang banda, may nabuo ng plano si Eureka. Ayaw niyang hayaan na mahadlangan ang kaligayahan ng kanyang ate. Kaya gagawa siya ng paraan para rito. Para sa ikabubuti ng lahat.

Tiningnan niya ang kanyang ate at ang kanyang ama sa kani kanilang mga kwarto bago tuluyang umalis at lisanin ang kanilang bahay. Nag iwan lang siya ng sulat sa mga ito kung sakali mang hanapin siya.

" Balang araw magiging maayos at magkakasama parin tayong lahat papa, ate!" Piping usal niya bago isinarado ang pinto.

***********__***********