Chereads / The Beast in Me / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Sakay si Eureka ng taxi papunta sa address na nakalagay sa papel na sinulat niya kagabi. Nahanap niya ang address ng bilyonaryong si Duke Stephen. Pagdating sa port ay sasakay pa siya ng bangka para makarating sa sinasabing address.

"Sigurado kaba ineng na doon ang punta mo?" Paninigurado ng lalaking natanda na siyang may ari ng bangkang sinasakyan niya.

"Oho! Basta doon po sa bilyonaryong Duke Stephen ang pangalan!" Sabi niya sa matanda.

"Nagtataka lang ako kung bakit ka naligaw dito at doon pa ang punta mo. Pagdating doon sa pampang mag ingat ka nalang doon kasi maraming mga mga mababangis na hayop daw doon. Swerte nalang kung makarating ka sa pupuntahan mo!" Pahayag ng matanda.

" Maraming salamat po tatang!" Yun lang ang tanging nasabi ni Eureka.

Umabot din ng mahigit kalahating oras ang biyahe nila bago makarating sa pampang na babaan.

"Hanggang dito nalang kita maihahatid iha! Bawal na kasi pumasok diyan baka mapaano pa ako. Basta mag ingat nalang!" Yun lang at mabilis na sumakay ng bangka ulit.

Tinanawa nalang ni Eureka ang papalayong matanda. Nang hindi na niya makita ang pigura nito ay saka siya nag umpisang maglakad. Habang naglalakad ay panay linga linga siya dahil sa mga kaluskos na naririnig. Medyo malayo narin ang nalakad niya ay hindi parin niya makita ang bahay ng bilyonaryo. Ang alam niya basi sa napagtanungan. Ito lang ang nag iisang bahay dito dagil private property daw ito ng bilyonaryo.

"Bakit naman kaya dito naisipan ng bilyonaryo na yun ang magpatayo ng bahay at hindi sa siyudad!" Anang isip ng dalaga.

Magkakalahating oras na siyang naglalakad ng may marinig siyang boses ng hayop na parang papalapit sa kinaroroonan niya. Dali dali siyang naglakad at mas lalo pa binilisan ang mga lakad niya kanina.

Saktong ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata at harapin nalang ang kung anumang hayop ang sakaling sasakmal sa kanya ng makarinig siya ng pagsipol sa kalayuan at naramdaman nalang niya na lumayo ang kung anumang hayop na iyon.

Maya maya pa ay nakita niya ang isang bahay. Actually hindi lang bahay kundi mansyon, matatawag na ngang palasyo ito kumbaga. Dahil sa laki nito. Agad siyang nagtungo doon at nakita niya na may mga bantay sa gate at agad siyang bumati sa mga ito.

"Magandang araw po! Ito po ba ang bahay ni Mr. Duke Stephen?" Tanong niya sa dalaeang guwardiya.

" Oo nga, bakit? Ano ang pakay mo bakit hinahanap mo siya?" Tanong ng isa sa mga guwardiya.

"May importante lang po akong sadya sa kanya. Kung pwede ko ba siyang makausap!" Paliwanag pa niya sa mga ito.

Ilang sandali pa ay pinapasok na siya sa malaking gate. Nang makarating sa malaking pintuan ng mansiyon ay agad siyang nag doorbell.

"Magandang araw po! Gusto ko po makausap si Mr. Duke Stephen. Anak po ako ni Caprain Salvador Sta. Maria. Kung pwede niyo po akong samahan sa kanya?" Tanong ni Eureka sa lalaking nagbukas sa kanya sa pinto.

"Kung may natitira kapang chance umalis kana dito. Hindi mo alam ang papasukin mo kung sakali!" Babala ng lalaki.

"Pero kailangan ko pong makausap talaga si Mr. Stephen, please ihatid niyo po ako sa kanya.!" Pamimilit ni Eureka.

Walang nagawa ang lalaki kundi ang ihatid nalang siya.

"Halika, sumama ka sa akin".

Nang makarating sa ikalawang palapag ng mansyon. Lumiko sila papunta sa isang dulo. At kumatok ang lalaki doon sa malaking pintuan.

"Dito ka lang muna mag antay at kakausapin ko ang Master!" Sabi niyo kapagkuwan ay lumapit sa isang malaking bulto na nakaupo sa malaking upuan na nakatalikod sa kanila.

Lumapit ang lalaki at may ibinulong dito. Pagkatapos ay lumapit na ulit ang lalaki sa kanya at may ibinulong din, bago umalis ang lalaki. Naiwan si Eureka na nakatayo sa pintuan at hindi pa lumilingon ang lalaki. Maya maya ay narinig niya ang boses nito.

"So, ikaw pala ang anak ni Captain Salvador Sta. Maria. Alam mo ba ang pinasok mo?" Matigas na sabi nito kapagkuwan ay lumapit sa kanya at tinitigan siya ng may mabangis na ekspresyon.

"Sabi sa akin ng katiwala ko na bata kapa!" Sabi nito kapagkuwan ay nagsalin ng alak sa kanyang baso at nilago iyon.

"Hindi na ako bata Ginoo!" Yun lang ang tanging nasabi ng dalaga.

"Patingin ako ng kamay mo at I wanna feel you hands!" Sabi nito sabay kuha sa kanyang dalawang kamay at hinawakan ang mga iyon.

"Ang mga kamay na ito ay hindi pa nakaranas magtrabaho ng isang buong araw!" Sabi niya sabay talikod at bumalik sa kanyang upuan.

"Usually ang ate ko po ang ang tatrabaho kapag walang pasoj then tinutulungan ko din naman siya!" Sabi niya sa lalaking kausap.

"Then ang ate mo ang kailangan ko! Kung iniisip ni Mr. Sta. Maria na malilinlang niya ako nagkakamali siya.!" Saad nito sa kanya.

"No, sarili ko pong desisyon ito. Magtatrabaho ako sa inyo!"

"Hindi ka ratagal ng isang araw!" Sabi pa nito sa kanya.

"Subukan niyo ako ng malaman niyo!" Pangungumbinsi pa niyo sa kanya.

Tiningnan niya ito sa mga mata bago lumagok ng alak ulit.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang nag iinsist na magtrabaho sa akin! Oh baka naman ito ang gusto talaga ni Captain Sta. Maria ang ibinta ang mga anak niya sa kung kani kanino!" Mariin ang pagkakasabi niya pagkatapos ay mariing hinawakan ang kanyang panga.

Mabilis niyang iwinaksi iyon.

"Hindi ganyan ang papa ko. Ako ang may gusto nito at ako ang nagdesisyon nito kapalit ng pagkakautang ng ama ko sa inyo. Magtatrabaho ako sa inyo hanggang sa mabayaran ng papa ko ang utang niya!" Matigas din sabi niya dito.

Maya maya ay tinalikuran na siya nito at may tinawagan sa telepono. Maya maya ay dumating ang lalaking kanina naghatid sa kanya.

"Ihatid siya sa magiging kwarto niya at bigyan siya ng ng mga instruction kung ano ang dapat gawin!". Yun lang at mabilis na nagsindi ng sigarilyo.

"Yes Master!" Sabi ng lalaking kausap nito.

Inihatid siya ng lalaki sa magiging tulugan nito. Nang makarating doon ay mabilis narin nagpa alam ang lalaki sa kanya. Pero bago ito tumalikod ay may sinabi muna ito.

"Bukas ng madaling araw, tutulong kas doon sa paghahanda sa kusina!" Yun lang at mabilis na nitong isinara ang pinto ng kwarto.

"Sige po, salamat!" Tanging nasambit niya.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang kelan lang ay masaya siyang nag aalaga ng kanyang mga tanim at tumutulong sa kanyang ate sa gawaing bahay. Ngayong andito siya sa estrangherong mansyon at magtatrabaho kapalit ng hindi pagbawi  sa barko na pag aari ng papa niya.

Napabuntung hininga siya sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Ang mahalaga ngayon ay makatulong siya sa ama niya at sa ate niya. Bigla siyang nakaramdam ng antok at maya maya pa ay nakatulog na siya.

***********_**********