Scam_04
•June 29, 2020•
Days blended into months and yea, tatlong buwan na kaming magkakilala ni Dwight. He's 21 rn.
I found him.. cute. Uh, not in a romance way!
I just find him interesting because he's different from the others. I mean, his perspective and thoughts are not ordinary. He doesn't just choose between things on how people chose about that matter.
And oh, he wanna be an architect someday, same vibes.
____
Dwight's Calling..

Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa screen ng aking phone. Sakto ring nag-chat si Dwight at sinabing,
Sagutin mo, booooss!
1:10 pm.
Agad kong pinindot ang 'decline' at nagreply.
Hoy! Batet?! Anong kailangan mo at dapat pang itawag?
1:12 pm.
Basta!
1:12 pm.
Ayaw!
1:12 pm.
Dwight's Calling..

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang muli itong tumawag. I immediately press the decline button again.
Hoy! Anong meron?
1:13 pm.
Basta ngaaa!
1:13 pm.
I mentally rolled my eyes and stared at my screen kung saan muli s'yang tumawag. Nagdaan ang ilang minuto at hindi ko parin ito sinagot.
Heeey!
1:15 pm.
Just answer it, I badly need an acquaintance right now, anxiety attacked me again.🥺
1:16 pm.
I froze when I received his message at ako na mismo ang tumawag sa kan'ya. Makalipas ang ilang sandali at sinagot n'ya ito.

Pinakiramdam ko naman ang walang hanggang katahimikan sa kabilang linya. Kasabay nito ang malakas ding pintig ng puso ko.
Damn, ano 'to?
Aaah, siguro dahil hindi ako sanay na may katawagang lalaki sa phone. Strict sila mama pagdating dito-tama! 'Yun ang dahilan, wala nang iba.
"H-Hello?" Potek, ba't nauutal ako?
[I thought hindi mo parin sasagutin. 'Yun lang pala ang sasabihin ko para pagbigyan mo ako.] Sunod noon ang mahinang nitong pagtawa.
So, nanloloko lang s'ya? "S-Sira ka ba?!" Nakakainis 'to a!
[H-Hey, no. Look, I'm sad right now. Totoo ang mga sinabi ko.] Napatango naman ako doon kahit hindi n'ya ako nakikita. Base on his accent, may pagka-slang s'ya.
"K-Kwento ka." Shit, 'di ako magaling sa pang-comfort!
[No need, basta ramdam kong nand'yan ka, ayos na.] Dahan-dahang tumaas ang dugo sa'king mukha dahil sa sinabi n'ya.
•~•
Yascaemon