Scam_02
Napabuntong-hininga at muli akong tumingin sa newsfeed ng phone. Habang nag-i-scroll ay may nag-pop na isang message request sa messenger ko.
I creased my forehead and curiously clicked the message.
It says;
Hi, boss, pa-confirm naman.
12:13 pm.
Dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata at sinipat ang pending for friend requests ko.
Potek?! Nand'on ulit 'yung name n'ya! I immediately stalked that guy and pause, "Aaah writer din s'ya." Sikat pa, ayos.
"Sino?"
"Ay potek ka!" Napalingon ako sa pinto ng kwarto habang hawak-hawak pa ang dibdib dala ng pagkakagulat.
"Oh ba't nakahawak ka d'yan? Meron ka n'yan? Wala kaya!" Agad akong tumayo at lumapit sa pinto upang batukan si Jamie.
Napabungisngis naman ito ng tawa at inabot sa'kin ang dalawang cup ng coffee jelly. Agad ko itong tinaboy papalabas dahil sa pang-iistorbo ngunit bago tuluyang makaalis ay narinig ko pa itong sumigaw,
"11 palang ako at 20 ka na pero baka naman maloko ka pa n'yan, ate Czarah?!"
I mentally rolled my eyes and shrugged her demands away. I stared at his pending name and received another message saying,
Awts seener.
12:23 pm.
I didn't bothered to open the chat and just confirmed him.
Bahala na, pwede naman sigurong friend 'diba?
•~•
Yascaemon