Unang linggo ng pag apak ko dito sa Maynila ay naging pagsubok agad. Nanunuluyan ako sa tiyahin pansamantala dito sa lugar ng Colorado. Kailangan ko makipagsapalaran dito sa syudad sa paghahanap ng trabaho para may maipadala akong pera para kay tatay.
Naiwan ko sa probinsiya si tatay na may edad na at nasa pangangalaga ng mga kapatid ng niya samantalang bata palang ako wala na akong ina dahil sumama ito sa lalaki niya, wala naman akong tanim na galit kay nanay kase gumawa si tatay para iwan siya ni ina. Ang tatay ko dati ay sugalero at babaero at kung minsan may mga pagkakataon na napag-buhatan ng kamay ni tatay si nanay pero ngayon nagbago na si tatay, natuto na siya sa mga pagkakamali niya.
Ang mga kapatid ko naman ay mga nasa ibang bansa na, dun sila nagtatrabaho at may mga pamilya na bale apat kaming magkakapatid ang dalawa kong ate ay nasa bansang Brunei samantalang si kuya naman ay nasa poder ng nanay ko at hindi ko alam kung nasan na sila.
Sa kakapusan ng pera at pangtustus sa araw na gastusin namin ni tatay sa probinsiya naisipan kong manatili muna sa poder ng tiyahin ko habang naghahanap ng trabaho, kahit papano kasundo ko naman ang kaisa-isang anak niya na si Jaemi. Hayskul lang ang natapos ko kaya medyo nahihirapan ako makapasok sa mga kumpanya dahil mas gusto nila yung may pinag-aralan. Sa loob ng isang linggo ko rito ay walo na ang naaplayan kong trabaho at ni isa ay walang tumawag kaya siguradong hindi ako tanggap pero patuloy lang ako sa paghahanap.
Ngayon naman nagaaply ako sa isang fast food chain kahit janitress lang o kaya waiter.
"Ah, ma'am pasensya na po kase meron na po kaming natanggap na bagong janitress at hindi po kami naghahanap ng waitress po" anang ng isang crew.
"Ganun ho ba? Wala na po ba talaga?kahit ano na lang po basta bakante po"
Nakapanglulumo dahil mukhang walang trabaho akong makukuha ngayong araw na to'.
Panibagong bigong araw...
"Wala na po talaga ma'am, pasensya na po. Baka po sa iba pang kainan meron pa kase dito wala na talaga miss, pasensiya na."
Agad na tumalima na ito ng tinawag na ng kasamahan niya. Ako naman agad na tumayo at lumakad na palabas ng fast food chain.
Fighting lang Gly!
Habang naglalakad ako palabas nahagip ng aking pandinig ang nasa kabilang table na may pinag-uusapan.
" Paanong matatanggap yan dito, look at her. She looks like a piece of poop."
Kasunod non' ang mga malalakas nilang tawanan. Hindi ko man alam kung sino tinutukoy nila pero parang nakaramdam ako ng kirot sa damdamin ko. Tinignan ko ang sarili ko, nakasuot ako ng pantalon na itim at halatang numipis na ang tela at kupas na may mga himolmol pa, sa pang ibabaw naman nakasuot ako ng long sleeve na puti ito lang ang desente kong damit na meron ako.
Agad akong umalis sa loob. Hindi ko napigilan ng tumulo ang aking luha. Kanina pa akong maaga nagsimulang mag hanap ng mapapasukan na trabaho pero gabi na at wala pa rin. Hindi pa din ako kumakain kanina pa.
Tinignan ko ang bulsa ko kung magkano pa ang laman nito at baka pwede muna akong bumili ng pagkain. Isang daang piso na lang pala hindi ko to' pwedeng bawasan dahil pamasahe ko pa ito pag uwi.
Lord naman bakit ang malas ko!
Saktong pagdating ko sa bahay ng tiyahin ko ay naghahapunan na sila. Nakasuot pa ng uniporme si Jaemi halatang kakauwi lang galing paaralan.
" Oh! Anjan na pala si ate Gly!"
Masiglang bati sa akin ni Jaemi.
Sabik na sabik siya magkaroon ng kapatid kaya tuwang tuwa siya ng malaman na dito ako sakanila manunuluyan pansamantala. Nginitian ko naman siya.
" Hi Jae! Musta pasok mo?"
Umupo ako sa kaharap na silya ni tiya Benin. Mukhang badtrip ang tiyahin ko ngayon pagiinitan na naman ako nito.
" Ano Glyrrel? Nakahanap ka ba ng trabaho mo?"
Hindi man lang niya ako pinag tapunan ng oras para tignan.
Patuloy lang ito sa pagsubo pero halatang naiinis na.
" Wala pa nga po Tiya, pasensiya na po. Pero bukas po maghahanap ulit ako." nahihiyang sabi ko.
" Aba't mag iilang linggo ka na dito pero palamunin ka parin-"
"Mommy! Hayaan nyo po muna si ate Gly makakahanap din siya for sure"
Pagtatanggol sa akin ni Jae. Mukhang lalo lang niya ginalit si Tiya Benin.
" Kita mo pati anak ko nagagaya na din diyan sa ugali mong bundok! Bahala nga kayo!"
Ibinagsak niya ang kanyang kubyertos at padabog na umakyat sa kanyang silid.
" Hayaan mo na ate Gly si mommy, ganyan talaga yan pag wala si Daddy dito sa bahay. Mabunganga" bumungisngis pa ito.
Sa halip na matuwa ako lalo lang akong nahiya sa pamilya nila ako pa ata ang makakasira sa kanilang ugnayan.
Minadali kong tapusin ang pagkain ko at agad na umakyat sa aking kwarto.
Agad akong tumihaya sa kama. Naramdaman ko agad ang kirot ng aking likod.Sobrang napagod ako ngayong araw.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kapagod ang araw na to'.
Nagdasal ako bago matulog at laking pasasalamat ko agad akong kinain ng antok.
Nagising ako sa ingay ng aking cellphone, alas sais na pala ng umaga kaya agad na bumangon ako at naligo para mag simula ulit ng araw sa paghahanap ng trabaho. Abala ako sa pagbibihis ng biglang nakarinig ako ng mga yabag papunta sa aking kwarto.
"Ate!ate!! Ate Gly!!" Umagang umaga nagsisigaw si Jae at kinakalampag ang pinto ko. Ang hyper talaga ng batang to'. Agad na tumayo ako at pinagbuksan si Jae.
"Ano bang kai-" hindi niya na ako pinatapos kahit hingal na hingal siya katatakbo.
" Ate Gly! N-naghahanap n-ng-"
"Huminga ka nga muna Jae, ano bang nangyayare sayo?" Agad naman itong huminga ng malalim at tumingin muli sa akin.
"Eh kase ate Gly ganto, nag hahanap ng kasambahay si señorito Lincoln"
" ano naman ngayon jae?" Tinaasan ko pa ng kilay. Pero lalong namilog ang kanyang mga mata.
" hindi mo kilala si señorito Lincoln?"
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng batang ito.
" hindi eh"
" mag ayos ka ate Gly dahil ngayon mag aaply ka sakanya bilang kasambahay nila. Ako bahala ate aayusan kita"
Ewan ko pero parang iba ang kutob ko sa Lincoln na yan. Hindi ko mapaliwanag pero labis na kaba ang aking nadarama ngayon.
Mag tatanghali na at hindi parin humuhupa ang pila ng mga kababaihan para mamasukan bilang kasambahay nung tinatawag nilang señorito Lincoln.
Hindi ko din malaman kung nandito ba sila para mamasukan o para mag modelling, sa suot ba naman nila halos mga ka edadaran ko lang sila pero ang iba sakanila ay kitang-kita ko na nakasuot pa ng channel na damit at iba pang branded at halos pumutok na ang mga pisngi nila sa sobrang pula ng blush on at lipstick nila sa sobrang pula.
"Hoi bhi3 ayus pa naman ba ang lipstick ko?"
"Sino may pulbo?"
"Ah wala?"
"Pahiram suklay-"
"Wal paren?"
Marami pang iba't ibang sinasabi sila samantalang ako liptint at cheektint lang gamit ko at galing pa kay Jae hindi pa nga ako kumportable dito sa make up ko.
Naka dress sana ngayon ako kaso hindi ako sanay sa ganun kaya nagpalit parin ako ng pantalon at white shirt na may print na FUBU.
Dito kami naka pila sa isang hall sa labas ng Amarillo Village kase bawal daw sa loob ng village dahil sobrang dami ng nag gustong mamasukan bilang kasambahay. Rinig ko din sa mga usapan nila na sobrang gwapo at yaman daw ng señorito at anak daw ito ng mayor dito sa Maynila.
Mabuti na lang at hindi tirik ang araw ngayon at baka kanina pa ako dito na barbecue.
Buti nangalahati nadin ang pila at malapit na ako sa desk ng interviewer. Ang mga babaeng napapadaan sa gilid ko ay bakas sakanila ang lungkot dahil sa malamang baka hindi rin sila tanggap.
Lord please sana Last na to'! At matanggap na ako!
Nasa ika tatlo na ako ng pila at dinig ko ang mga tanong at sinasabi ng interviewer
"Miss kasambahay po hanap namin hindi clown"
Ang harsh ng pagkakasabi ng lalaki na nag iinterview dun aa babae. Pero sa bagay mukha na kasing clown dahil sa make-up.
"Miss"
"Miss!"
Anak ng! Ako na pala hindi ko namalayan. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil baka hindi na naman ako matanggap.
"Miss Dawson taga rito ka ba?"
Nakakunot pa ang noo nito sa pagtatanong. Pero ba't kilala nya ako?
"Po? Ba't nyo po alam ang last name ko po?"
Mukhang nainis naman ang lalaki sa harap ko. Dapat talag tumahimik na lang ako.
"Obvoiusly, you gave your resume to me"
Gagi oo nga naman, obob ko talaga. Kinaltukan ko na ang sarili ko.
"Bago ka ba dito sa Colorado? I've never seen you here before Miss Dawson"
Matigas na ingles ang ginamit nito. Nakakaintindi naman ako ng Ingles pero medyo hirap ako mag salita nito.
"Ah opo, Taga Ohio Province po ako. Bago lang po ako dito sa Colorado." Magalang na sagot ko sa lalaki.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri nya ito.
Hala? Akala ko ba kasambahay hanap nila? prosti ba to'? Na-scam ba ako?
"Ah, ganun ba Miss. Sige, tanggap ka na. You can start by tomorrow morning susunduin ka nalang na van namin sa tinutuluyan mo and don't forget to pack your things before you go. Okay ba Miss Dawson kuha mo?"
"Ha? Ano po?" Manghang tanong ko
" I said, you're now hired. Congrats!"
Nakangiting sabi nito saakin at tumayo na ito para umalis.
Kung pwede magsisigaw dito gagawin ko na hindi parin talag ako makapaniwala na tanggap na ako ngayon.
May trabaho na ako! Yes!
Thank you Lord!
Napasuntok na lang ako sa hangin sa sobrang tuwa ko.
" what the hell? Tanggap ka? Sa itsura mong yan?"
Hinarap ko kung sino nagsabi nun. Babaeng labas na ang pwet sa suot na short at napaka puti ng mukha pero hindi kakulay ang leeg. Sobrang taray pa niya dahil tinataasan pa ako ng kilay.
" Eh ano naman? Oo ganto nga lang ako pero look at you kita na nga kaluluwa hindi parin natanggap. Nakakaawa ka naman" mataray ko din na sagot may ingles pa ako dun.
Sinigurado na tataasan ko din siya ng kilay. Lalong lumaki ang mata niya sa mga sinabi ko. Hindi ako pinalaki ni tatay na lumpo kaya yakang yaka ko tong babaeng to'.
"Aba't ang lakas ng loob mo magsalita sa akin ha! Hindi mo ba ako kilala?!"
Halos pumikit ako sa lakas ng pagsigaw niya. Sa pagmulat ko kitang kita ko na ang mga tao ay nakatayo sa gilid namin at inaabangan kung sino ang unang susugod.
"Ano naman kung hindi kita kilala? Wala akong interes na kilala nin ka-"
"Walanghiya ka!"
Akmang susugurin niya na ako ng biglang umawat ang guwardiya sa aming dalawa.
"Miss wag ho kayo gagawa ng gulo rito, magsiuwi na kayo dahil may natanggap ng kasamabahay at sana respetuhin niyo siya rito sa lugar na to'." Maawtoridad na sabi ng guwardiy.
Agad na nagsialisan na ang mga tao at pati ang babae na kamuntikan ko ng makaaway.
"Salamat po manong guwardiya" pagpapasalamat ko dito.
"Walang anuman Miss, bago ka rito sa Colorado kaya siguradong marami kang makakaway rito. Kanina yung babaeng umaway sayo ay si Tinay iyon babaeng siga rito kaya mag-iingat ka sakanya dahil bali balita dito may nakaaway daw yan na naka confine sa hospita" anang guwardiya.
"Opo manong, mag-iingat po ako. Salamat po ulit!"
Tumango na lang ang guwardiya bilamg pag sang ayon. Agad na umalis na lang ako at pumunta sa paradahan ng tricy para umuwi na.
Pag dating ko sa bahay agad na sumalubong sa akin si Jae.
" Ano ate Gly? Tanggap ba?" Sinadya kong sumimangot para supresahin siya. Mukhang na hinuha niya na hindi ako tanggap.
"May next time pa naman ate Gly!" Lakas talaga ng fighting spirit ni Jae.
"Natanggap ako Jae!" Agad na umaliwalas ang mukha niya at agad akong niyakap.
"Talaga?!" Sigaw pa nito.
Sa sobrang tuwa namin nagsimula na kaming mag talon talon at nagsisigaw na kami sa tuwa.
"Ano ba ang ingay niyo jan!" Sigaw naman ni Tiya kaya agad kaming tumigil kaka sigaw.
"Mommy!" Tawag ni Jae kay Tiya Benin.
"Ano?"
Pababa na ng hagdan si tiya at may dala pa itong kape.
"Si ate Gly natanggap na sa trabaho!"
"Mabuti naman kung ganon at makakabawas na sa gastusin dito-"
"Mommy naman!" Pigil ni Jae sa ibang sasabihin pa ni Tiya.
"Mommy mamasukan siyang kasambahay sa Mansiyon ni señorito Lincoln"
awtomatik na lumaki ang mata ni tiya at agad na nagtakbo papunta samin.
"A-ano? Totoo ba yun Glyrrel?" Nauutal pa si tiya.
"O-opo" kitang kita sa mukha ni tiya ang labis na pagka mangha.
" Jusmiyo Marimar, Glyrrel napakaswerte mo!"
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng sinabi ni tiya na swerte ako dahil nakuha ko ang trabaho. Pero iba ang palagay ko, kinakabahan ako at hindi ko maipaliwanag ito.
Susunod....
_______________________________________
yourclandestinee|