Chereads / Catch Me Señorito [Atrapame señorito] / Chapter 5 - 2. FIRE HER!シ︎

Chapter 5 - 2. FIRE HER!シ︎

Alas sais palang ng umaga ay bumangon na ako para mag impake ng mga dadalhin ko sa mansiyon. Kagabi nahirapan pa akong makatulog dahil tuwang tuwa si tatay na nakahanap na ako ng papasukan rito, miss na miss ko na ang probinsiya pero kailangan kong tiisin para maghanap buhay. Mahirap ang sitwasyon dito sa siyudad lalo't na unang beses ko palang makapunta rito.

Nang matapos ako mag impake ay pumasok na ako aa banyo para maligo. Naisipan ko lang din na mag suot ng pantalon at t-shirt na puti. Paborito ko talaga ang kulay na puti. Para kase sakin ay malinis tignan at desente. Ayaw na ayaw ko din ang magsuot ng maiikling pambaba hindi naman ako kaitiman sadyang nasanay ako na mahahaba ang suot sabi kase ni tatay para maiwasan na mabusohan ako ng mga tambay kaya dapat naka tago daw ang hita ko.

Pababa ako sa sala nang saktong papasok din ng pinto si Tiyo Tobert.

"Oh Glyrrel! Saan lakad mo?"

Naksuot pa ito ng pang-opisana na polo at relong pambisig kaya halatang galing ito sa trabaho.

"Mano po tiyo"

Nagmano ako sakanya. Umupo siya sa pang isahang sofa at inilagay ang paa sa taas ng center table.

"Daddy!!"

Nanakbo pababa si Jae para salobungin ang papa niya. Agad naman tumayo si tiyo at lumapit sa anak niya. Naalala ko tuloy sakanila yung panahon na nakakalakad pa si tatay, papa's girl kase ako. Tsaka ako paborito ni tatay sa aming magkakapatid.

"I missed you Daddy!"

"I missed you too baby girl"

Tuwang-tuwa naman si Jae na tinatawag siyang baby girl eh samantalang kinse anyos na siya.

"Ano Glyrrel? May pupuntahan ka ba?"

"Tiyo may napasukan na po akong trabaho, kasambahay po "

" magandang balita yan Glyrrel, makapag-papadala ka na sa probinsiya"

"oo nga po tiyo"

"Maiba nga ako, asan si Benin?"

"She's still sleeping Daddy"

"Ah ganun ba?Puntahan ko lang ha. Maiwan ko na muna kayo jan"

"Okay po tiyo"

Sinundan ko ng paningin si tiyo na makaakyat sa kwarto ni tiya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

"Ate Gly, ano oras alis mo?"

Naglakad kami papuntang kusina. Nagbukas ng ref si Jae at kumuha dito ng freah milk.

"Mga seven Jae"

"Ang aga naman ate"

"trabaho kase, ngayong araw ako magsisimula sa trabaho"

Ngumisi lang si Jae at nagpatuloy sa pag inom ng gatas.

"Ate pagdating mo dun tawagan mo ako agad. Tas mag pa-picture ka kay señorito Lincoln tapos ikamusta mo ako sakanya"

Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya. Loko talaga itong batang to'.

"sige ita-try ko makipag picture kasama siya"

"Mamimiss kita ate Gly"

Nag pout pa ito.

Sanaol kyut.

"Mamimiss din naman kita, kayong lahat"

"Mamiss ko ate ang kabaduyan mo!"

Humagalpak pa ito ng tawa. Tumayo agad ito at tumakbo palayo sa akin.

"Aba't loko ka talaga!"

Hindi ko na siya nahabol kase mabilis siyang tumakbo kaysa sa akin.

Saktong pagtingin ko sa orasan aa cellphone ko ay mag a-alas syiete na kaya na bumalika ako sa kwarto ko. Hinila ko na palabas ang maleta ko para mag abang sa labas.

Palusot pa si Jae na kunware aasarin ako pero yung totoo ayaw niya lang ako makita na umalia. Haha.

Naupo muna ako sa bench para abangan ang van na susundo sa akin. Hindi naman nag tagal, may natanaw na agad akong puting van. Huminto ito sa harapan ko at bumaba mula sa driver seat ang isang  lalaki na naka polong itim at nakapantalon. Agad kong napansin ang pagka-moreno niya halatang halata din ang napaka tangos niyang ilong. Lumapit ito sa akin.

"Miss kayo po ba si Glyrrel Dawson?"

Halata din na palangiti ito at sinasadya niya pang ilabas ang magkabilaang dimple niya. Hinuha ko nang ang dimple niya ay ang paraan niya para mambitag ng babae. Puting-puti at pantay-pantay ang ngipin niya

"Ako nga po"

"Hi miss Glyrrel, I'm Charles señorito Lincoln's buttler."

"H-hi"

Ngumisi ito halatang natuwa sa pagkaka-utal ko. Weird niya kase.

"ako na magdadala niyan, pumasok ka na"

Turo niya sa maleta ko. Hindi na ako sumuway at agad na pumasok sa shotgun seat. Hindi naman siya nagtagal sa likod. Umikot siya papunta sa driver seat.

"Ok, we're going now"

Tumango na lang ako bilang tugon. Agad na ini-istart niya ang makina at pinaandar na ang sasakyan.

"So, kinakabahan ka ba sa unang araw mo sa trabaho?"

Siya ang unang bumasag sa katahimikan.

Tumango ulit ako bilang tugon. Sinulyapan niya ako sandali at itinuon muli ang atensiyos sa kalsada.

"Don't worry, mabait ang señorito"

Hindi halata.

Pano ba naman kase ang pagkakasabi niya non' ay seryoso kaya hindi ko alam kung totoo o sarkastiko lamang.

"Matanda na ba si señorito Lincoln?"

Nangunot agad ang noo ko ng humagalpak ng tawa si Charles. Sumisinghot-singhot  pa ito at mukhang miiyak na sa kakatawa.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"

"Wala naman. It's just that, you really don't know him"

"Ano ba meron sakanya at dapat kilala ko siya ha?"

Palagi na lang kase sinasabi nila na bat' hindi ko daw kilala ang señorito.

"Wala naman, normal lang naman siya."

"ah okay"

Wala na ulit nagbalak na basagin ang katahimikan. Mabuti naman at magiging payapa ang biyahe ko. Pero nang bigla niyang sabihin na..

"we're near na"

Agad na dinaluyan ako ng kaba ng maalala ko na hindi pala ako marunong mag-tanggal ng seatbelt kase hindi ako sanay sa mga ganitong sasakyan kahit na may kotse sila Jae ay never pa akong nakasakay dahil laging gamit ito ni tiyo Tobert.

"Are you okay?"

Sumulyap pa siya sa akin

"O-oo"

Kinakabahan kong tugon. Ayaw kong mapahiya sa harap ng lalaking ito malamang sa malaman pagtatawanan ako nito kung gaano ako ka ignorante sa mga sasakyan.

"are you sure? Pinagpapawisan ka"

Kita mo, magtatanong tapos hindi naman pala maniniwala sa sagot ko. Mga pinoy talaga.

"Naiinitan kase ako"

"I know, I know, I'm hot pero grabe naman ata ang pawis mo"

Gagi ka pre. Sinamaan ko ito ng tingin at nag peace sign siya sa akin. Ang hangin pala nitong lalaking to'.

"Naka max na ang aircon naiinitan ka pa din? ibang klase"

Isa pa talaga at bibingo ka na sakin.

"Oh andito na tayo Glyrrel"

Ampupu talaga. Pano na to'? Ano sasabihin? Mapapahiya na naman ba ako?

"Mauna ka na bumaba Charles. Hehe"

"Ay hala bakit?"

"May gagawin lang ako mabilis" palusot ko.

"Ay hindi pwede, mauuna ka talaga bumaba kase ipapasok ko pa itong sasakyan sa garahe."

Bahala na nga sasabihin ko na. Mapahiya  na kung mapahiya.   

Pinikit ko ang mata ko para sabihin na sakanya.

"A-no kase y-yung a-no"

"Ayusin mo pagsasalita mo. Anong ano, ano kase ha?"

Pabalik naman na tanong nito. Iminulat ko ang mata ko.

" Basta yung a-no kase h-indi ko ma a-ano"

"Ano yung hindi mo ma ano?"

"Ayusin mo nga mga sinsabi mo wala akong maintindihan. Ano ka ano ano kase"

Kumamot pa ito sa batok. Mukhang naiinis na.

"Yung seatbelt hindi ko matanggal!"

Akala ko matatawa siya pero kabaligtaran pala. Nakabibinging katahimikan ang nangyare.

"Hindi kase ako marunong mag unlock ng seatbelt. Ayoko namang mapahiya sayo"

"Alam mo maraming namamatay sa hiya"

Seryosong sambit nito.

"Ako na nga"

Agad na dumukwang ito papunta sakin para abutin niya ang seatbelt sa sobrang lapit niya ay halos hindi na ako makahinga. Kitang kita ko din ang tatlong nunal niya sa batok.

"Oh ayan tanggal na, makaka baba ka na."

"S-salamat"

Nginitian ko na lamang siya at tumango naman siya pabalik. Bumaba na ako ng kotse.

Dahil sa abala ako sa kung paano ko matatanggal ang seatbelt ko kanina ay hindi ko napansin kung gaano kaganda at kalaki ang mansiyon na papasukan ko.

Oh may gulay!

Sobrang laki niya. Napaka moderno din ng mansiyon. Kulay puti at gray ang kadalasan na nakikita ko sa paligid  nito. Nasa tapat ako ng isang hagdan papunta sa main door ng mansiyon. Napaka-lawak din ng paligid at napaka- tahimik ng lugar.

Habang abala ako pag-libot ng aking paningin ay may matandang babae na lumabas at patungo sa kinaroroonan ko.

"Sumunod ka sakin"

Yun lang ang sabi niya. Ituturo ko pa sana ang sarili ko pero nagpalinga-linga ako. Walang tao bukod sa akin. Sumunod na lang ako sa matandang babae. Akala ko papasok kami sa mansiyon. Sinusundan ko ang babae papunta sa may likod ng mansiyon.Tumigil siya sa paglalakad nang marating namin ang isang katamtamang laki ng bahay na naka hiwalay sa mansiyon.

"Ito ang maids quarters, ayong nasa dulo ay ang iyo. Nalinis na yan at nandiyan ang gamit mo at susuotin mo."

Anang ng babae sa striktong pananalita.

Haist, matandang dalaga ata kaya masungit.

"ok po"

magalang na tugon ko.

"Ako ang mayordoma dito sa mansiyon na to'. Tawagin mo na lamang akong Lola Celis. Dahil baguhan ka lang dito hangad ko ang maayos na pakikipagtungo mo sa mga kasamahan mo dito at lalong lalo na sa amo mo.Kuha mo?"

"Opo Lola Celis"

"Ipapaalam ko na sayo ang mga rules dito sa loob at labas ng mansiyon. Kaya makinig ka dahil ayaw ko ng tatanga-tanga kuha mo?"

ouchie ka naman lola. Sakit mo naman magsalita. Napaka harsh.

"Opo Lola celis"

Inismiran niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Una,pag oras ng trabaho, trabaho lang aatupagin bawal na bawal ang makipag tsismisan. Pangalawa, bawal ang tatanga -tanga dito, makabasag ka kahit baso ay  nagkakahalagang milyones kaya mag-iingat ka kung ayaw mo ipalit ang buhay mo sa baso"

awtomatikong napalaki ang pagkakamulat ng mata ko. Milyon? baso? kami nga kutsara naman isang-daan isang dosena na. Grabe naman pala talaga itong may ari ng mansiyon na to'.

"Anak ng! nakikinig ka ba?!"

Sinigawan pa ako ni Lola Celis.

"O-opo!"

"kakaltukan kita pag wala kang naintindihan"

Oh warfreak pa.

"nakikinig po ako"

"pangatlo, pag nagpapahinga ang señorito ay wag na wag kang gagawa ng kahit na anong bagay na ikagigising niya dahil ayaw na ayaw niya ito. Kuha mo?"

Tumango-tango naman ako bilang tugon ko sakanya.

"pang-apat, bawal na bawal kang makikinig sa usapan ng amo natin sa ibang bisita at baka mapatalsik ka agad. Pang-lima, ang second floor kung saan nakalagay ang kwarto ng señorito at ang opisina nito ay bawal na bawal niyong puntahan o kahiy silipin man lang bukod sa akin. At pang-huli at pinaka importante, ilagay mo sa lugar ang kalandian mo. Bawal na bawal mahulog o umibig sa señorito kung ayaw mong mapatay ng señor, kuha mo ba lahat ha? Dawson?"

"o-opo kuha ko po lahat"

"mabuti kung ganon, maiwan na kita jan at marami pa akong gagawin pumasok ka na sa loob at magsimula na sa pagtatranaho"

"okay po Lola Celis."

Nang mawaka na si Lola Celis sa aking paningin. Agad na pumasok ako sa magiging silid ko at isinuot ko ang uniporme ko.

Mabuti na lamang at long sleeve na puti ito at may nakapatong na navy blue na apron. Ang palda naman ay sakto lang ang haba above the knee pero hindi kitang kita ang hita ko.

Dumaan na ako sa back door para pumasok sa mansiyon. Kakapasok ko palang ay bumungad na agad sa aking ang mga napaka gagarang muwebles at mga kagamitan na sobrang kikintab at ang gaganda mahahalata mo dito na hindi biro ang halaga ng bawat isa dito.

Nagdahan-dahan ako ata baka may masagi pa ako.

"Hoi ano ginagawa mo?"

"Gagi!"

Feeling ko humiwalay saglit ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang gulat. Pano ba kase bigla na lang sumusulpot tas bigla biglaang nagsalita. Kung nasapak ko ito ewan ko na lang.

"ikaw yung bago?"

"ah oo"

"ako nga pala si Amara"

Halata ang pagiging makulit ng babaeng ito.

"Ako si Gly"

"So Gly, ano ginagawa mo kanina at paramg ingat na ingat ka?"

Nilinga-linga ko ang mata ko, nasa kusina pala kami.

"wala naman nililibot ko lang paningin ko"

"ah ganun ba"

Mukha naman siyang naniwala.

"Alam mo Gly ang ganda mo"

Nambola pa si ate ampupu.

"Naku hindi po"

"Line!"

Napalingon kami parehas kung sino ang nagsabi non. Si lola Celis pala. Nabigla naman ako ng makita kong nagsilabasan ang mga iba pang kasambahay at humubog sila ng linya. Ang dami pala ng kasambahay dito. Kung huhulaan ko mga nasa trenta kami.

Hindi ko pa rin naintindihan kung bakit sila purma ng linya. Tinignan ako ng masama ni Lola Celis na para bang may pinaparating siya.

May sasabihin pa sana siya ng may marinig na naguusap papasok ng mansiyon.

Natanaw ko si Charles na may kasamang napaka tangkad at maputing lalaki. Nang makalapit ito.

"Buenas tardes, Señorito." [Good afternoon]

sabay sabay na tugon ng mga kasama ko. Hindi ko naintindihan sinabi nila. Nakita kong nakayuko silang lahat.

Pusang gala?Awtomatikong na 0 shape ang bibig ko nang mapagtanto ko na siya ang señorito dito. Ngayon ko lang din napansin kung gaano ito kakisig at kagwapo. Mula sa makakapal nitong kilay, itim na itim na buhok, napaka tangos na ilong, kulay pink nitong labi na hugis puso, at ang mamula-mula nitong balat.

Hindi ko napansin na nakatitig na din ito ngayon sa akin. No, hindi lang siya. Silang lahat naka tingin sa akin. Gusto ko na lamang na lamunin ako ng sahig ngayon na.

"¿De quién es esto?" [Who is this?]

Halos mag si-tayuan ang mga balahibo ko sa sobrang lalim ng boses niya. Jusko bat' may ganitong nilalang dito?

"Lo siento señorito, she's just new here" [I'm sorry]

nakayukong sabi ni Lola Celis.

"fire her"

"señorito?"

what???????

_______________________________________

yourclandestinee|