Nagpahinga muna kaming dalawa saglit. Tiningnan ko ang cellphone ko kung ano nang oras, ala una na pala. Mabuti naman at malapit na kaming mangahalati. Hinihilot hilot ko ang sintido ko pati ang batok pati likod ko ay masakit na. Sinulyapan ko ang katabi ko nakapikit siya pero sigurado ako na gising pa ito. Kinakain na ako ng antok pero nilalabanan ko ito kailangan ko itong matapos.
Natapos na ang five minutes na pamamahinga ko tumayo na lamang ulit. Nang gumalaw ako nagmulat na din si Charles at uminat inat para tumayo na din.
"Ako na muna bahala rito, magpahinga ka na"
Malumanay na sabi niya sa akin. Dapat nga siya ang magpapahinga na kase mas marami siyang naitulong sa paglilinis.
"Ikaw ang magpahinga"
Balik ko sakanya.
"Matulog ka na Gly. Ako na muna bahala rito"
"Hindi pwede, ikaw na lang matulog jan"
"Ikaw na nga"
"Hindi, ikaw na dapat"
"Ikaw na kase-"
May sasabihin pa sana ako bigla bigla niyang tinakpan muli ang bibig ko. Nakakadalawa na to' ah.
"Shhh"
Ibinaba niya ang palad niya. Doon ko napagtanto na may mga yabag na papunta dito. Hala baka makita kami!
"Magtago ka Gly bilis"
"Hala bat' ako magtatago? ikaw dapat diba"
"oo nga pala"
"Ampupu mo talaga."
Nagtago naman siya doon sa likod ng mga nakatambak na karton. Sakto naman na bumukas ang pinto at iniluwa non ang isang kasambahay na hindi ko kilala.
" May kailangan ka?"
Tinanong ko na agad ito.
"May narinig kase akong nag uusap dito, may kasama ka ba?"
Naku. Ampupu. Ang daldal kase ni Charles.
"Wala, kausap ko ang sarili ko nagtatalo kami"
"Ganun ba? eh may nanalo ba?"
"Wala eh parehas talo"
"Sa susunod na magpapalusot ka, siguraduhin mo na hindi makikita ang paa ng lalaking nagtatago sa likod ng mga karton."
Nagulat agad ako sa sinabi niya. Kaya hinarang ko ang harapan niya.
"Anong paa ka jan? Tinatakot mo ba ako? Magisa lang ako dito"
Pilit naman itong sumisilip sa likuran ko. Panay tingkayad nito dahil mas mas matangkad ako sakanya.
"Bat' mo tinatakpan?"
"Ang alin? naku wala akong tinatago dito baka guni guni mo lang"
Ngumisi ito at kinabig ako pagilid kaya tuluyan na itong nakapasok at nagpunta sa likod ng mga karton.
"Labas na jan Charles"
Sinipa niya pa ang pinagtataguan nito.
Hinay hinay na lumabas na si Charles mula sa pinagtataguan niya.
"Oh Linda ikaw pala yan hehe."
Kumamot pa sa ulo si Charles.
"Ano ginagawa mo dito Charles?"
Hindi ko nagustuhan ang paraan ng pagtatanong niya parang may pag aakusa na may nagawa kaming masama.
Ano????
"Wala napadaan lang"
Lalong ngumisi si Linda. Lumaki pareho ang nata namin ni Charles. Ampupu iba na naman naisip nang babaeng to'.
"Kung ano man ang iniisip mo Linda hindi namin yan magagawa"
"Talaga nga ba? Ano iisipin mo pag nakakita ka ng isang babae at isang babae na magkasama sa loob ng isang silid at madilim?"
"T-teka Linda, mali naman ata iniisip mo. Hindi ko papatulan yang Charles na yan ang panget kaya niyan"
Pagtatanggol ko sa sarili ko. Nagiging awkward na para saming dalawa ni Charles. Kase kung ako din naman iba ang maiisip ko kung makakakita ako nang isang babae at isang lalaki na magkasam sa iisang silid at gabi pa tapos madilim.
"Wow nahiya ako sayo Gly, ganda mo te' kala mo naman papatulan kita"
Patutsada naman nito sa akin.
"Yak ka Charles, kahit ikaw na lang matirang lalaki dito sa earth hinding hindi kita papatulan"
Inirapan ko pa ito at nginiwaan.
"Aba! Tatanda na lang ako magisa kung kesa mapangasawa ka"
"Gagi ka talaga-"
"Tama na nga kayong dalawa! Para kayong mga bata. Makakarating to' kay Lola Celis-"
"Ano!?"
Sabay pa kaming dalawa ni Charles.
"Wag, please Linda"
Pagmamakaawa ko rito.
"Wag mo iparating kay tandang Celis, Linda"
Humawak sa baba si Linda at hinimas himas pa niya ito na para bang nag iisip.
"Sige hindi ko ito ipaparating pero sa isang kondisyon.."
Sinadya niya pa talaga na bitinin kami. Pero kahit ano pang kondisiyon yan papayag ako.
"A-ano?"
Tanong ko rito.
"Papayagan mo akong tumulong sayo maglinis dito"
"Ha?"
Nangunot ang noo ko. Parang pabor pa nga yun sa akin para matapos namin ito ngayong gabi lamang.
"Deal"
Si Charles na ang sumagot. Ibinaling niya ang atensiyon niya kay Charles.
"Hindi ka na kasama dito sa paglilinis Charles"
"Ano?"
"Bumalik ka na sa trabaho mo, panigurado ako na hinahanap ka na ni señorito Lincoln"
Napaisip naman si Charles. Tama nga siya, ilang oras na nandito si Charles kaya sigurado akong hinahanap na siya.
"Sigurada kayo? ayos na ba na maiwan ko na kayo dito? Pwede naman gumawa ako ng palusot para makatulong ako dito."
"Tama Charles lumabas ka na dito. Kanina ka pa dito baka nga hinahanap ka na ng señorito at pag nalaman niya na tinulungan mo ko baka pati sayo magalit siya"
"Oh sige alis na ako kayo na bahala rito."
"Oo"
Maikling sagot ko. Tumango na lamang ito at naglakad na palabas ng silid.
"So, boyfriend mo ba si Charles?"
Nang makalabas na si Charles agad na tinanong niya ako.
"Naku hindi-"
"Wag ka mag-alala hindi ko ipagsasabi safe sakin sekreto niyong dalawa"
"A-ano? Hindi nga kase kami"
Nakakainis naman itong babaeng to'.
"Wag ka na mahiya, hindi mo naman dapat ikahiya na boyfie mo si Charles. Swerte ka sakanya mabait yun tapos ang gwapo pa"
"Hindi ko-"
"shhh, magsisimula na ako maglinis"
Ampupu. Wala na akong nagawa nagisip na siya na boyfriend ko yun eh hindi naman kase. Nakaka bwesit.
Binuksan ko ulit ang cellphone ko para tignan kung anong oras na alas dos na pala ng madaling araw. Wala pa kaming tulog.
"Natulog ka ba Linda?"
Sumagot ito ng hindi lumilingon at patuloy lang sa pag-aayos ng mga libro sa ibabang bahagi ng book shelf.
"Ah hindi, sanay na ako alas tres na nga ako minsan natutulog nag wawattpad pa kase ako"
"Wattpad? Ano yon?"
Inabala ko na ang sarili ko sa pagpupunas ng libro at iniaabot sakanya para ilagay sa lagayan.
"Maganda yun Gly, try mo maraming stories na nandun at iba't ibabg genre. Paborito ko nga romance eh"
Tuwang tuwa pa ito sa pagkakasabi niya.
"Wala akong time eh"
Hindi na ito sumagot at nagpatuloy na sa pag-aayos. Parehas na kami naging abala at wala nang nagbalak na magsalita pa.
Tumingin ulit ako kung anong oras na alas tres na pala ng madaling araw. Panay pari talaga ang hikab ko samantalang siya mukhang masigla padin at kumakanta kanta pa ito.
"Matandang dalaga ba si Lola Celis?"
Tumigil ito sa pag-aayos at tumawa.
"Loko ka Gly HAHAHA"
Sobra ang tawa nito at parang naluluha pa. Wala naman nakakatawa sa tanong ko. Mat saltik ata itong babeng to'.
"Mataray talaga at strikto si Lola Celis. May pamilya siya matagal nang pumanaw ang asawa niya na dating hardinero din dito sa mansiyon. Mabait naman yan minsan kung may nagagawa kang tama"
Tumango-tango naman ako.
"ah ganun ba"
Hindi na naman siya sumagot kaya tumahimik muli ang loob ng silid.
"Linda may tanong pa ako"
"hmm?"
"Si señorito Lincoln ganun ba talaga ang ugali niya? Maldito?"
Tumigil muna ito saglit sa ginagawa niya at binalingan ako ng atensyon.
"Paalala lang Gly, kung ano ang makita mong ugali ng señorito ay sarilihin mo na lamang. Mabuti at sa aking ka nagsabi niyan kase kung sa iba baka makarating yan sa señorito. Hindi ko sasagutin ang tanong mo kase mahal ko ang trabaho ko"
Napatango na lamang ako. Grabe talaga ang mga nagtatrabaho dito disiplinado kahit simple lang ang tanong ko ay maingat na sumagot siya. Ano bang meron diyan sa señorito? Lahat sila natatakot eh. Pagkaharap nila ang señorito ay walang nag babalak na gumawa ng ingay.
"Hayst salamat Gly, malapit na tayong matapos pag nag alas singko na iiwan na kita dito kase siguradong papasok na dito si Lola Celis para silipin ka. Magtataka yun kung bakit ang bilis mong natapos itong linisin. Ano sasabihin mo pag nagtanong?"
Tama nga siya siguradong magtataka si Lola Celis pag natapos ko ito agad kung mag-isa lamang ako siguradong iisipin non na may tumulong sa akin.
"Bahala na"
Tumawa na lamang ito.
Hindi nagtagal ay alas singko na ng umaga at medyo may konting liwanag na sa labas.
"alas singko na pala Gly. Mauna na ako ha"
"Oo sige ako na bahala rito. Maraming salamat sa tulong mo Linda."
Tinanguan lamang ako nito at lumabas nadin ng silid. Mag-isa na lamang ako dito sa loob at konti na lang ang natirang lilinisin kaya kayang kaya ko na itong tapusin.
Makalipas ang ilang oras nakarinig muli ako ng mga yabag papunta rito. Kaya sigurado akong si Lola Celis ito.
Hindi nga ako nagkamali.
Nanglingunin ko siya agad na nangunot ang noo niya.
"Pano mo ito agad natapos?"
Mataray na tanong nito sa akin.
"Hindi po ako natulog"
Mukhang hindi pa rin siya nakukumbinsi. Magsasalita pa sana siya nang bigla kong narinig ang boses ni Charles. Nasa likod na pala siya ni Lola Celis.
"Lola Celis tawag ka po ng señorito"
Lumingon si Lola Celis kay Charles.
"Ah ganun ba sige papunta na ako"
Bago umalis si Lola Celis at tumingin mula sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Salamat"
"Mag ayos ka na ng sarili mo Gly, una na ako"
Umalis naman agad si Charles.
Nang matapos ko na ang lilinisin ay dumaan na ako sa backdoor para pumunta sa quarters maid at makapagbihis na.
Bumalik na ako sa loob ng mansiyon. Abala na muli ang lahat sa gawain dito. Nakita ko si Linda na nag pupunas ng mesa sa sala. Kumindat pa ito sa akin. Nginitian ko naman siya. Loko talaga.
Kumuha ako ng feather duster at sinimulang maglinis. Kakasimula ko palang mag linis nang biglang sumigaw si Lola Celis.
"Line!"
Nakuha ko na ang ibig sabihij ng nito kaya maayos na naisagawa ko ito. Nasa dulo ako ng Linya. Nakita namin na pababa na si señorito Lincoln mula sa taas.
Nakasuot ito ng blue na t-shirt at cargo shorts halata din na bagong ligo palang ito. Nakasunod naman sa likod niya si Charles. Luminga linga pa si Charles na para bang may hinahanap nang dumako ang mata niya sa akin ay bumuntong hininga ito. Nag smile pa ito sakin kaya nginitian ko di siya pabalik.
"Nginitian ba ako ni Charles?"
Dinig kong sabi ng katabi ko.
"Luh, asa ka. Sa akin siya nakatingin"
Mga assumera talaga itong dalawa naku naman. Ampupu nila.
Nang tuluyang makababa na sila ay alam ko na din ang sasabihin. Ayoko na kayang mapahiya ulit.
"Buenos días señorito" [good morning]
sabay sabay naming bati sakanya hindi man lang nag abala ang señorito na bumati pabalik. Maldito naman, snob pa.
"¿Dónde está papá? ¿Fue anoche?" [where's papa? Did he went here last night?]
Seryosong tanong nito kay Lola Celis. Wala ako naintindihan ang sinabi niya. Wala man lang pati ito emosyon nang magtanong kay Lola Celis lang maka pokus ang tingin niya.
"no lo hizo señorito, el señor dijo que va a estar ocupado esta semana" [he didn't señorito, señor said that he's going to be busy this week]
Tugon naman ni Lola Celis. Wala talaga akong maintindihan. Para silang mga aliens. Ampupu naman.
"que esperaria?" [what would I expect?]
Sagot muli nang señorito. Tahimik kaming lahat wala kaseng maintindihan sa sinsabi nila. Hindi na din sumagot pang muli si Lola Celis.
"Esa chica en la última línea... realmente fea" [That girl on the last line...really ugly]
hanudaw?dumudugo na ata ilong ko. Sumulyap sa akin si Lola Celis at tumawa pa ito. Ano naman ba yun? Ampupu talaga oo naman. Hindi na muli lumingon si señorito Lincoln nang umalis na. Agad naman na sumunod dito si Charles seryosong seryoso pa ito. Problema non'?
Nang tuluyan nang makaalis si señorito Lincoln ay muling nagsibalika na sa kanyan kanyang trabaho ang lahat.
Hindi ko alam ang nangyayare pero panay sulyap sa akin ng iba at tumatawa pa ito.
Problema nila? Ampupu nila. Bat' nila ako pinagtatawanan?
_______________________________________
yourclandestinee|